You are on page 1of 6

PROGRAM FOR INVESTITURE

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA
Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant
Troop/Crew Leader
Panalangin
Pagpasok ng mga Kulay
Pambansang Awit
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA –


III. INVESTITURE PROPER
Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
Paglalagay ng Neckerchief
IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG –
V. AWIT NG SCOUT
VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA
Scout Benediction
Paglabas ng mga Kulay
Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM


EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo
ang lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa
pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader,
Assistant Troop and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant


Troop and Crew Leader at ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si Scouter __________________

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at


Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at kumpas ni Sctr.
______________________________

(Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si Scout


___________________________

(Panunumpa)

Maari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa hapong ito ay ating


masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan
ang programang ito, narito ang ating BSP Coordinator Scouter

(Pambungad na Pananalita)
Maraming salamat po, BSP Coordinator Scouter

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy Scouts na


pangungunahan ng ating Senior Troop Leader, Scouter
.
STL _______: Tinatawagan ko si SPL ______________________na
tawagin ang mga itatalang Scout.

SPL _______________: Handa tayo! Pinuno handa na po ang pulutong!

STL _____: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at


nag nanais na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Sir, Yes Sir!!!

STL _____: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng


scouting sa __________ ES at sa kapatiran ng scouting sa buong
mundo. Sa harap ninyo ay ang isang nasindihang kandila. Ito ang
sumagisag sa diwa ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas


ng Scout ay nag bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na
pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat
sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayong ng


maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting.

Ang Panunumpa at Batas ng Scout ay pangungunahan ni SPL


__________________________
(Bigkasin ng mga participants ang Scout Oath and Law)

(Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa


ng Scouting kasunod ang 12 na candila na simbulo ng labing dalawang
puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay sisindihan isa
isa pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.

Ang 3 scout na magbibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

SCOUT A- _________: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking


dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang tumupad sa aking
tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas.
(sisindihan ang gitnang kadila)

TL ________: Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka


mahalaga at sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakip nito ay ang
iyong pangalan, integridad at magandang reputasyon. Sa tuwing kayo’y
nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na mamumuhay na
ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa
iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay


nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may
bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung
tatapusin ito, tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya
ay isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa
pinakamahusay na antas ang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay


nananalig sa Diyos. Di man tayo nagkakapareho sa pamamaraan ng
pagsamba sa kanya, gayunpamay tayo’y iisa sa pagtitiwala at
paniniwala sa puong may kapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang
gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin siya at
sumunod sa kanyang kautusan na naayon sa inyo-inyong paniniwalang
pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y taus
pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.

SCOUT B - ____________: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko


ang buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa
ibang tao sa lahat ng pagkakataon. (sisindihan ang kaliwang kandila)

TL _________: sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating


sinumpaang pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng scout
upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng
scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa
buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na kayo’y mag pasyang
mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang


kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang
nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay
pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay
nagpakita ng pagiging mahalagang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng
paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.

SCOUT C - ____________: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko


ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising
ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila).

TL __________: Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa


ngayon, alam na natin ang pagiging malinis at ang kalusugan sa ating
paaralan na kung ito ay
masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa
buhay. Kung ninanais ninyong magkaroon ng isang alertong isipan at ng
kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at
malakas ang inyong pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay


nagpapakita ng alerto at matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout
ay puro pisikal na lakas lamang; kailangan niyang magkaroon ng gising
na isipan din. Ang kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at
handang tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng
pagkakataon.
marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng
magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinakamataas na antas.
Ang kanyang isip, salita at gawa ay laging nagpapakita ng wastong asal.

(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

EMCEE: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

Scout 1 ________: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout


ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya
ay maasahan ng ibang tao.

Scout 2 _______: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa


kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at
sa bayan.

Scout 3 ________: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may


kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi
naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Scout 4 ________: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay


kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa
Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga
paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

Scout 5 ________: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang


sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang
mabuting paguugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga
tao.

Scout 6 _______: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa


na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya
ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o
namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at
sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

Scout 7________: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay


sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa.
Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat
hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na
pamamaraan.

Scout 8 ________: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap


tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang
ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap
niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

Scout 9 ________: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa


upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba.
Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit
ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng
kanyang panahon at ariarian.

Scout 10 ________: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may


lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang
pangamba. Siya ay
naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng
tudyo o pananakot ng iba.

Scout 11________: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling


malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga
taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling
malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.

Scout 12 ________: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay


mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng
kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa
kanilang pananampalataya.

STL __________: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang


puntos ng Batas ng Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang
tatlong tungkulin at labing dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Sir, Yes, Sir!”

Emcee: Nawa ay isabuhay ninyo ang mga aral na ito. Ipinakikiusap ko


po sa ating mga magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may
likuran ng kanilang anak o inaanak, sagisag na sa ano mang adhikain ay
nasa likuran kayo ng mga batang ito.

Tinatawagan ko ang inyong SPL upang pangunahan ang Scout code.

SPL __________ : Ako po ang mangunguna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law / the Scout Motto, / and the Scout
Slogan; / I will be familiar / with the Constitution of the Republic of the
Philippines, /especially my rights/ and obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church,


neighborhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout
Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we
enjoy were won by hard work, sacrifice, clear thinking, and faith of our
forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the


next generation.
Emcee: At ngayon upang opisyal ng maitalaga kayo, ina-anyayahan ko
po ang ating kagalang-galang na punungguro o ang institutional Head
ng ________ Elementary School, na itatalaga na ang mga bagong
iskawt at ibigay ang kanyang hamon at inspirasyon sa mga iskawt at
mga magulang.

(Mensahe: Sctr. ______________)

Sctr. ___________________: Sa pamamagitan ng kapangyarihang


ipinagkaloob sa akin ng Boy Scout of the Philippines bilang Punong
Institusyonal ng Paaralang Elementarya ng ______________
Elementary School Itinatalaga ko kayo bilang opisyal na miyembro ng
Boy Scout of the Philippines.

Sctr. _____________________: Ngayon po ay sabay-sabay nating


ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

Sctr. ____________________: Malugod namin kayong tinatangap sa


pamilya ng scouting. Maraming maraming salalamat po.

Emcee: Maraming salamat po Sctr. ___________________. Bigyan po


nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong itinalagang
scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan nating muli si Sctr.


____________________, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa
inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming salamat po Sctr. Sctr. __________________. Nakasisiguro


po kaming sapat ang inyong mga salita upang pag ibayuhin ng mga
scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang Awit ng Scout sa pangunguna


ni Scouter _______________________

Magaling mga Scouts!

Para sa Scout Benediction, narito si Scouter _______________

Maraming salamat, Scouter ________________ WBH. Inaanyayahan ko


po ang lahat na magsitayo para sa paglabas ng mga kulay kasunod ang
mga Scouts at ang mga pinuno ng ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa ___________________


Elementary School sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito.
Muli po, isang magandang hapon sa inyong lahat.

Paalala:

You might also like