You are on page 1of 5

KAB SCOUT INVESTITURE PROGRAM and SCRIPT

I – Pambungad na Seremonya

 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Kawan Leader at Asst. Kawan Leader


 Pagpasok ng mga Kulay
 Pambansang Awit
 Panalangin
 Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas

II – Pambungad na Mensahe .. .. .. .. ..

III – Mensahe .. .. .. .. ..

IV – Investiture Proper

1. Charge the Kawan Leader and Asst. Leaders by the Institutional Head
 “Mangyari po lamang na ang mga Kawan Lider at Assts. Ay magsitindig”

“ Kayo ba bilang mga nakatatandang puno ng kawang ito ay nangangakong


tutulong ng tapat sa samahan?”

“Hihimukin ba ninyo ang bawat KAB scout o buong kawan na sumunod sa programa
ng scouting?”

2. Charge to the parents by the Institutional Head


 “Pinakikiusapan po lamang na ang mga magulang at ninong o ninang ng mga KAB
scout ay magsitayo”

“Narinig ninyo ang mga puno ng ng kawan, gaya ng kanilang mga pagsisikap na
mapanatili ang kawang ito, kayo ba, bilang magulang ng mga batang KAB scout na
itatalaga ay nangangakong magsusumikap na mapanatili ang kawang ito at taos-
pusong makikiisa sa lahat ng oras at magbibigay ng mabuting pagsubaybay sa kanila
sa ikatutupad ng mga layunin ng KAB Scouting?

3. Seremonya

Asst. KL (Hig. Sunshine Joy Vallada):


“Mga kaibigan at kapwa scout. Ikinagagalak naming tanggapin ang mga bagong KAB
Scout sa kilusang scouting.”

“Sila ang mga kasapi ng bagong kawan at nais magpatalaga at sumali sa kasaysayan
ng KAB Scout.”

KL (Hig. Hisshe Saquido)


“ Narito tayo ngayon upang isapi kayo sa kilusang scouting. Ihanda ninyo ang
inyong sarili sa mga tungkulin sa kasalukuyan at sa darating pang mga taon. Ngayon
ay pinakikiusapan ko na ang namumunong lupon ng kawan na ibigay sa amin ang
tanglaw ng scouting.”
Institutional Head: (Puting Kandila)
“ Ang kandilang ito ang sumasagisag sa diwa ng scouting na dapat mag alab sa bawat
puso ng isang tunay na scout. Sa pamamagitan ng diwang ito, lahat ay
maaaring maganap, at kung wala ito, ang landas na tatahakin ay madilim,
malayo at mahirap marating.”

KL (Hisshe):
“Mga KAB scouts bago kayo italaga, hinihiling ko sainyo na bigkasin ang pangako ng
KAB Scout.”

(Bibigkasin ng mga KAB Scout ang pangako ng KAB Scout sa pangunguna ni: ____________)

ANG PANGAKO NG KAB SCOUT


Ako'y nangangakong gagawing ang makakaya;
Upang mahalin and Diyos at ang aking bayan;
Gumawa ng mabuti araw-araw, at
Sumunod sa batas ng KAB Scout.

KL (Hisshe):
“ Inaasahan naming na lubos ninyong nauunawaan ang diwa at kahulugan ng
pangakong iyan.”

KAB Leader: KAB Scouts handa na ba kayo sa pagtatalaga?


KAB Scouts: LAGING HANDA!
KAB Leader: Pinuno handa na po kami sa pagtatalaga

KL (Hisshe)
Ang araw na ito’y mahalagang araw.
Dapat na matangi sa diwa’t isipan
Sa bata, sa ama, sa ina’t mga magulang.
Ang araw na ito’y siyang araw ng kanilang pagsumpa

Sa kilusang ito na dinadakila


Sila’y nangangako na isasagawa
Pagtupad sa pangako sa abot ng diwa.

Sa kanyang bathala’t bansang Pilipinas


Sa kanyang kapatid, magulang na liyag.
Manunumpa silang lagging tapat,
Sa kanyang kapwa sa lahat ng oras

Isang KAB Scout na kumakatawan


Sa kanyang kapatid dito sa kilusan
Ang unang kandila’y kanyang sisindihan
Hudyat ng pagsumpa, ngayo’y sisimulan

(Magsisimula ang pagsindi ng kandila/una-ikapitong Kandila)

Unang Kandila (Puting Kandila):


Ang puting kandila’y aking sisindihan.
(Sisindihan ang sagisag na kulay nuong kalinisan.
Ito’y pagunitang sa lahat ng araw at saka tutula)
Ugaliin natin ang tapat na asal.

Kaputiaan nito’y nagpapaalala


Araw na nagdaa’y di dapat maaksaya
Tumpak na Gawain ang gawin tuwina
Upang sa buhay tayo’y lumigaya
Iyan ang kahulugan ng puting kandila
Na siyang pangako naming mga bata
Na aming gagawin yaong magagawa,
Sa abot ng diwa.

Ikalawang Kandila (Pulang Kandila)


Ang Pulang kandila’y aking sisindihan.
(sisindihan ang kakulay ng dugo ng taga silangan.
Sagisag ng lahi at katapangan at saka tutula)

Dugong KAB Scout na puno ng buhay.

Kahulugan nito’y lagging mahalin ang Diyos,


Ang bayan, ang laha’t lahat
Aming kapwa’t magulang na liyag
Ibigin sila sa lahat ng oras.

Kulay na pula, sagisag ng pagmamahal


Sa Diyos at sa Bayan aming iniaalay
Ito’y isang sangkap ng murang isipan
Kapag inugali’y mahalagang yaman.

Ikatlong Kandila (Bughaw na Kandila)


Ngayo’y sisindihan ng buong paggiliw
(Sisindihan ang bughaw na kandilang may uri ng ning-ning.
Kulay bughaw itong hatid sa atin saka tutula)

Lahat sana tayo’y maging masunurin.


Ang bughaw ay isang kulay na dakila
Ikatlong kulay ng ating bandila
Katarungan, kulay ng mayama’t dukha
Nitong Pilipinas, bayan nating mutya.

KL(Hisshe):
Iyan ang buod at laman ng batas. Nadinig natin ditto
Na binigkas nitong KAB Scout, na ating namalas,
Na siyang pag-asa sa araw ng bukas.

Pangalawang yugto ating sisimulan


Yamang tapos na ang unang sumpaan
Ang tatlong kandilang maputi ang kulay
Siya naman natin ngayo’y sisindihan.
Unang Kandila (Puting Kandila)

Ang unang kandila ang sumasagisag,


Tayo ay dapat sumunod sa atas ng nakatatanda.

Ikalawang kandila (Puting kandila)

Pangalawa nama’y tumutulong sa pagsulong ng kawan.

Ikatlong kandila (Puting Kandila)

Ang pangatlo’y magsikap maging kapaki-pakinabang

KL (Hisshe):
Batas ng KAB Scout na lubhang dakila
Ito’y di mahirap na masunod ng bata
Matututuhan din habang ginagawa

Iyang mga bata ay dapat imulat


Sa gawang mabuti sa lahat ng oras
Sapagkat kung ito’y tumanda nang ganap
Pinagkatandaa’y mahirap makatkat

Gayon din ang kahoy habang ito’y bata


Hubugin sa ayos habang ito’y mura
Kung ito’y lumaki, tumaas, tumanda
Anomang humok mo’y di na magagawa.

Asst. KL (Sunshine)
“Ngayong naipakita ng mga batang ito ang kanilang Pagsang-ayon sa mga simulain
ng KAB Scouting, pinapakiusapan ko ang mga magulang, ninong o ninang na ilagay
ang mga alampay sa kanilang anak na KAB Scout. Ito’y bilang tanda ng kanilang
pagiging kasapi sa scouting.”

(Ngayo’y bibigkasin ng mga KAB Scout ang Panunumpa ng Scout)

ANG PANUNUMPA NG SCOUT

Sa ngalan ng aking dangal


ay gagawín ko ang buóng makakaya;
Upang tumupád sa aking tungkulin sa Diyós at sa aking Bayan,
ang Republiká ng Pilipinas
at sumunód sa Batás ng Iskawt;
Tumulong sa ibáng tao sa lahát ng pagkakataón;
Pamalagiing malakás ang aking katawán,
gisíng ang isipan at marangál ang asal.

4. Community Singing (Ilaw ng Scouting)

Itong ilaw ng KAB Scout ating sindihan (3X)


Sindihan, Sindihan, Sindihan oh kailanman.
Sa paligid-ligid natin, Itaas itong ilaw (3X)
Itaas, Itaas, Itaas, May sinding walang hanggan

Ating itago ang ilaw, Wag! Di mainam yan (3X)


Itaas, Itaas, Itaas, May sinding walang hanggan

Ilaw ba ay ihipan, Hindi! Hayaang tumanglaw (3X)


Tumanglaw, Tumanglaw, Tumanglaw habang buhay

5. Pagbabasbas
“ Mula sa aking puso, binabati ko kayong lahat. Nawa’y maging mabuting halimbawa
kayo sa lahat ng inyong mga kamag-aral at maging sa mga kabataan sa labas n gating
paaralan, Makita sainyo ang pagsunod sa batas ng KAB Scout at laging pagtupad sa
pangako. Nawa’y ang diwa ng scouting ay sumaating lahat ngayon at
magpakailanman.”

V. Pasasalamat na Pananalita .. .. .. .. ..
V. Pangwakas na Pananalita .. .. .. .. ..

You might also like