You are on page 1of 1

CAMPFIRE DEMONSTRATION

Materials, : 3 small torches and 1 big torch, firecrackers, firelay, 4 scouts, kerosene, match

Voice Over: (isang kabataan ) “Ako ang Bayang Pilipino. Hangad ko ang marating ang isang mapayapa, maunlad,
matatag at masayang bukas. Subalit, natatakot ako. Napakadilim ng kasalukuyang aking kinalalagyan . Di ko Makita ang
aking dinaraanan. Napakaraming tinig na aking nauulinigan.
( mga batang naghuhummmed, umiiyak)

Dito ka dumaan, Psssssst , dito ka dumaan . Hoy ! Pinoy , hindi diyan (Pasigaw) Dito (Pasigaw)
Saaaaaaannnnnnnnnnnnnnn? Tulungan ninyo ako ……. ( naghuhummmed pa din mga bata)
Hindi ko kailangan ang mga tinig sa kadiliman . Ang kailangan ko ay tanglaw at isang mapagpalang kamay na siyang
aking magiging gabay tungo sa isang magandang kminabukasan.

Huwag kang matakot . Heto , dala ko ang tanglaw .


 B1: Ako ay nagmula sa Hilaga , sa bayan ng mga nagdarahop at nagugutom, nawa’y ang apoy na ito ay
magbigay ng pag-asa.
 B2: Ako ay galing sa Gitnang Silangan , sa mga bansang walang pagkakaisa at puno ng digmaan , nawa’y ang
tanglaw na ito ay magsilbing gabay sa iyong pagtahak sa isang maliwanag na bukas.
 B3: Ako ay nagmula sa kanluran , sa bayan ng mga makasarili at walang pakialam sa kapwa . Nawa’y ang
apoy na ito ay magbukas sa kanilang mga isipan upang matutuhan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao.
 B4: Ako ang kilusang Scouting . Halika . Hawakan mo ang aking kamay . Sabay nating tahakin ang makitid
subalit tiyak na landas tungo sa kinabukasang iyong hinahangad. Magtiwala ka (hawak na ng scouter ang
isang bata na naghahanap na kapayapaan) Magtiwala ka . Halika , ako ang iyong gabay. Ito ang ilaw ng
Scouting , ito ang magdadala ng kapayapaan.

(Sabay sabay itaas ang apoy at sindihan ang firelay) Sabay sabay ding awitin ang campfires burning ……..

Ibibigay ang campfire program sa campfire chief……

Campfire chief extends both his hands over the fire and gives the ode to the fire..

“Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating pumailanglang ang ating diwa sa mga maharlikang adhikain ng
ating kilusan. Sabay sa paglaki ng lagablab ng siga , hayaan nating mag-alab ang ating puso at damdamin sa pagmamahal
sa ating Inang Bayan.
Punuin natin ng ating awitan, sayawan, halakhakan , mga palakpakan at sigaw ang katahimikan ng gabi at ating itaboy
ang kapanglawan ng kadiliman…
Sa pamamagitan ng kapangyarihang inyong iginawad sa akin bilang inyong Campfire Chief, pasimulan na natin ang
kasiyahan sa paligid ng siga….

Closing”
Campfire chief will step forward and closer to the fire , extends his hands over it and say;;;;
“Malalim na naman ang gabi. Ayaw man nating maghiwa-hiwalay , kinakailangan nang tayo ay lumisan at
bumalik sa ating mga kampo at gampanan ang mga tungkuling sa ating mga balikat ay nakaatang. Nawa’y manatili sa
ating ala-ala ang kasiyahan ating naranasan sa paligid ng siga sa gabing ito saan mang dako tayo naroroon.

Akin ng idinidiklara ang pagtatapos ng mga kasiyahan sa paligid ng sigang ito.”

You might also like