You are on page 1of 2

BSF Senior Scouts and Girl Scouts Joint Jamborette 2022

CAMPFIRE DEMONSTRATION

PART 1
1. Opening:
a. Fire Lighting Ceremony ..................................................................Program Patrol (In – Charge)
Background Music: Bayan Ko

Voice over:
FIRST SCOUT: “Ako ang Bayang Pilipino. Hanggad ko ang marating ang isang mapayapa, maunlad,
matatag, at masayang bukas. Subali’t, natatakot ako. Napakadilim ng kasalukayang aking kinalalagyan. Di ko
makita ang aking dinaraanan. Napakaraming tinig na aking nauulinigan.

TORCH BEARER: (Pabulong) Dito ka dumaan. Sssssst, dito ka dumaan. Hoy, Pinoy, hindi diyan. Dito.

FIRST SCOUT: (Pasigaw) SAAAAAAAAAAN? Tulungan ninyo ako. Hindi ko kailangan ang mga tinig sa
kadiliman. Ang kailangan ko ay tanglaw at isang mapagpalang kamay na siyang aking magiging gabay tungo
sa isang magandang kinabukasan.”

(Scout with a lighted torch comes forward )

TORCH BEARER: “Huwag kang matakot. Heto, dala ko ang tanglaw. Ako ang kilusang Scouting. Halika.
Hawakan mo ang aking kamay. Sabay nating tahakin ang makitid subalit tiyak na landas tungo sa
kinabukasang iyong hinahangad. Magtiwala ka”.

(Extends his hand holding the torch to the direction of the voice).

TORCH BEARER: “Halika, ako ang iyong magiging gabay.”

Scout attired as Juan dela Cruz appears and clasp the torch hand of the Scout. Together they move
towards the prepared firelay and lights it. Once lighted, they raise their torch hands above their heads
while the Scout says in a loud voice.

BOTH SCOUT: “Magsitayo tayong lahat at sabay-sabay nating awitin ang “Pilipinas Kong Mahal”.

(Everybody stands up and sing)

PART 2
After the song,

PRESENTATION OF THE SCROLL (The Master of the fire presents the scroll which contains the program
to the Campfire chief)

MASTER OF THE FIRE: “O, Dakilang Campfire Chief, isang karangalan ko na ipakita sa iyo ang scroll ng
campfire ngayong gabi”

CAMPFIRE CHIEF: (Looks at the scroll and the program) “Nakikita kong handang-handa ang programa…”

The Campfire Chief then moves closer to the fire, extends both his hands over the fire and gives the Ode
to the Fire.

CAMPFIRE CHIEF : “Kasabay ng usok ng sigang ito, hayaan nating pumailanglang ang ating diwa sa mga
maharlikang adhikain ng ating kilusan. Sabay sa paglaki ng lagablab ng siga, hayaan nating magalab ang ating
puso at damdamin sa pagmamahal sa ating Inang Bayan.” “Punuin natin ng ating mga awitan, sayawan,
halakhakan, mga palakpakan at
sigaw ang katahimikan ng gabi at ating itaboy ang kapanglawan ng kadiliman.”

“Sa pamamagitan ng kapangyarihang inyong iginawad sa akin bilang ‘Campfire Chief’ pasimulan na natin ang
kasiyahan sa paligid ng siga.”

“Bilang pinuno ng campfire, mayroon akong awtoridad at pribilehiyo na ihinto ang anumang pagtatanghal na may
posibilidad na siraan o siraan ang dignidad ng ating mga dignitaryo at opisyal ng simbahan o lapastanganin ang mga
alaala ng ating mga bayani. Gayundin, pribilehiyo kong pigilan ang anuman at lahat ng mahalay at malaswa na
pagtatanghal at/o personipikasyon.

CAMPFIRE CHIEF:” Itatalaga kita bilang opisyal na Master of the Fire para sa Campfire ngayong gabi”.

MASTER OF THE FIRE: “Ipinapangako kong gagawin ko ang aking makakaya”.

PRESENTATIONS (The master of the fire then calls the presenters in random)
ICE BREAKER (Ice breakers are arranged in between presentations to serve as energizers)
PRESENTATIONS

PART 3
QUIETING SONG (As the fire is dying, the atmosphere must also be solemn and silent at this time. This also
prepares the Scouts for the Campfire chief’s yarn.)
Suggested songs:

CAMPFIRE CHIEF’S YARN (The campfire chief may tell a story with a moral lesson for the Scouts. Usually
anecdotes, real life experiences, or stories that teach scouts to be honest, good and obedient.)

DECLARATION OF THE CAMPFIRE CLOSE

CAMPFIRE CHIEF: “Habang ang mga baga ay nagiging abo At habang ipinipikit natin ang ating mga mata
sa pagkakatulog Nawa'y mangarap ka ng mga alaala ng Campfire na ito.”
CAMPFIRE CHIEF: “Bilang Campfire Chief, ipinapahayag kong sarado na ang Campfire na ito”.

ANNOUNCEMENTS (The SCL or Outfit Advisor may give announcements or reminders at this part of the
ceremony)

SCOUTMASTER’S BENEDICTION

“Nawa’y ang Dakilang Scoutmaster, ng lahat ng mabubuting Scout, ay makasama natin palagi, tulad ng
nakaraan, gayon din sa hinaharap, hanggang sa muling magtagpo ang ating mga landas”

You might also like