You are on page 1of 8

GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES

BULACAN COUNCIL
CITY OF MALOLOS

PAGTATALAGA NG JUNIOR GIRL SCOUTS SA FILIPINO

Ihanda: 1- malaking kandila - trefoil ng Girl Scout of the Philippines


3 maliit ng kaunti sa nauna - kandila ng tropa
10 kandilang puti at posporo

Lider- tatayo sag awing kaliwa ng mesa


Katulong na lider- tatayo sag awing kaliwa n glider

I. PAGPASOK
Senyas n glider sa pagpasok ng tropang itatalaga. Aayos sa harap ng Trefoil na hugis bakal-
kabayo.

II. PAGPASOK NG MGA WATAWAT


Pambansang Awit
Panunumpa Sa Watawat ng Pilipinas (Pagkatapos ay ilalagay ang watawat sa lalagyan)

III. SEREMONYA
A. Lider- Layunin ng kababaihan ang kilusang ito ay maging patnubay. Isinabog marangal ang mga
magagandang aral upang maging tanglaw nitong kabataan. Iyang sa Girl Scout sa kanyang
layuning mahalin ng lubusan ang Diyos at malaman ang tungkulin sa bayan at sangkatauhan at
panatilihing matapat sa Batas ng Girl Scouts.
(Sisindihan ang malaking kandila, sasabihing:) Ang kandilang ito ay sagisag ng Iskawting. Diwa
itong patnubay, saklaw habang buhay natin, liwanag ang panuntunan bilang gabay sa hangaring
itaguyod ang banal na simulain.

B. Katulong na Lider-(tatawag ng tatlong kasapi ng komite ng tropa ng mga Girl Scouts)

1. Sisindihan ang kandila sa gitna. Sasabihin Ang liwanag na panggitnay tanglaw nating
gagamitin upang tayoy maging tapat kay Bathalang Ama natin. Siya ay sandigan at patnubay
natin sa lahat ng pagkakataon at ating mga simulain.
2. Pangalawang sisindihan ay ang kandilang nag-aatas nasa ating paglilingkod sa bayan at
kapwa maging tapat hanggang wakas. Itoy batas ng Iskawting.
3. Ang ikatlong sisindihan ay kandilang tumatanglaw sa sandigang susunod ang batas na
nagbubuklod. Isa-isang bibigkasin inyo sanang tatandaan at sa isip ay itanim upang hindi
lilimutin.
C. Pagsisindi ng sampung kandila (1) kandila na siyang isasagawa ng sampung Girl Scouts.
(Magsisimula sa kanan, kaliwa, kanan, etc.) Pagkasindi ng kandila ay gagawin ang tanda ng Girl
Scouts, haharap sa tropa at sasabihin ang Bilang isang Girl Scout at tunay na Pilipino..
(Pagkatapos ng isa, susunod ang iba)

1. AKOY MAPAGKAKATIWALAAN

King nais mong masubukan ang GS nitong bayan,


Mga gawang maseselan sa akin ay ilalaan,
Magtiwalang lubusan sa aking katapatan,
Ang lahat ng kailangan ay maisasakatuparan,
Kung ako ay maatasan sa paggawang kalinisan,
Di na lubhang kailangan na akoy babantayan,
Sa maraming mga aral na aking natutunan,
Ang Girl Scout na marangal ay mapagkakatiwalaan.
2. AKOY MATAPAT
Ako ay GS na ibang talaga,
Sa batang mata at sa tuwi-tuwina.
Ngunit sa bulaan at sinungaling pa
Kinayayamutan ng lahat-lahat pa.

3. AKOY MATULUNGIN

Ako ay GS ang tanging layunin,


Ay pakinabangan ng bayan kong giliw,
Ang sariling wikay aking gagamitin,
Ipagmamalaki ang sariling atin.
Pag masasalantay hahatdan ng aliw,
Ang may dusang pusoy paliligayahin
Aking tutulungan ang nasa hilahil,
Upang lumigaya magpahanggang libing.

4. AKOY KAIBIGAN NG LAHAT AT KAPATID NG BAWAT GIRL SCOUT


Kasing ningning ng bituin ang Girl Scout
Sa pakikipagkaibigan
Matapat na Kapatid ng Girl Scout, ilaw ako sa madilim,
Busog ako sa aralin, ako pa ay gabay man din,
Sa gawaing ikabubuti namin sa mga banal na layunin,
Kung ang kaibigan at kapatid na Girl Scout ay
Namumuhay sa pighati at hilahil.
Akin siyang tutulungan at babahaginan
Tanging layunin ko ay maghasik ng gawang
Kapaki-pakinabang.

5. AKO AY MAPITAGAN
Ako ay may taglay na ugaling mapitagan
Lahat ng pagkakataon aking babahaginan kahit na sinuman
Ng pagpipitagan sa ubod ng aking makakaya,
Alam kong ang katangiang ito ay inaasahan,
Nitong Girl Scout na kilala sa lipunan.

6. AKO AY MAY GALANG SA LAHAT NG MAY BUHAY


Sa tapatang wika, ako ay Girl Scout
Na lubhang magalang, mababang loob,
Nasa aking puso ang utos ng Diyos,
Na tataglayin ko, buhay may tapos,
Aking igagalang habang may sinukob
Ang aking magulang ng buong pag-iirog.
Lahat ng nilikhang galing sa alabok.
Igagalang ko, pagkat Diyos ang nag-utos.

7. AKO AY DISIPLINADO
Ako ay pusong makatao
Kahit ano mang gawain ginagawang todong-todo
Magalang ako at mapanupad sa panuto,
Masunurin, disiplinadong totoo.
Kung ang lider ay tatawag magtatag ng kapulungan
Pag-usapang may mga bagay na ikauunlad ng bayan
Asahan mong kaibigan ako ay daratal.
Nakahandang tumangkilik sa ating Bagong Lipunan.
8. AKO AY MAY SARILING PANININDIGAN

Sa mga gawain man mata koy nakadilat,


Mga gawang kabanalan sa puso ay nakatatak
Di mo ako masusuway sa mali-maling pagbalak
Pagkat tunay sariling, sarili di mayurak

9. AKO AY MATIPID
Ako ay sagana sa katangian ng pagiging matipid
Masinop sa lahat ng mahahalagang bagay
Dahil alam kong lahat ng ito ay may mga katuturan
Hindi nahihiyang magdanas ng hirap
Upang ibahagi ang kahalagahan ng pagiging matipid

10. AKO AY MALINIS SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA

Lahat ng Girl Scout ay malinis sa diwa,


Malinis sa kanyang gawa at salita
Kayat ang marapat, silay idambana
Sapagkat uliran sa lahat ng lupa.

IV. PAGTATALAGA NG MGA LIDER AT KASAPI NG BARANGAY COMMITTEES


V. PAGPAPAKILALA SA PATROLYA
Tatawagin ang Punong Tagapagsalita o Lider ng mga Patrolya at iharap ang mga kasapi. (Gawin
ang tanda ng Girl Scout)

Unang Patrolya: Ikinararangal ko pong iharap ngayon sina __________________________ na


matagumpay na nakatalima sa mga kinakailangan upang maging karapatdapat na maging tunay
na Girl Scout (Kakabitan ng sagisag, itatali ang panyo at gora). Pagkatapos ng pagpapakilala ng
mga Patrol Lider-Bibigkasin ninyo ang Pangako ng Girl Scout.

Girl Scout- Sa aking karangalan, gagampanan ko ang aking tungkulin sa Diyos at sa aking bayan.
Tutulong ako sa aking kapwa sa lahat ng pagkakataon at isasabuhay ko ang batas ng Girl Scout.

Puno/Lider: Mananalig ako sa inyong karangalan ay gagampanan ninyo ang isinaad na


Pangako.

VI. Scout Chant (Pangungunahan ng katulong na lider)


Whenever you make a promise
Consider well its importance
And when made, engrave it upon your heart

Talumpati ng panauhing pandangal (Optional)


Ilalabas ang watawat at paglabas ng mga tropa at mga panauhin
GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES
BULACAN COUNCIL
CITY OF MALOLOS

PAGTATALAGA NG TWINKLER SA PILIPINO

TAGPUAN: Isang malaking bulwagan na napalalamutian ng mga nakasabit na bituin.

Isang malaking bituin na nababalutan ng palara na nasa bahaging harapan ng bulwagan. Sa gitna ng bituin ay
isang salamin na may katamtamang laki na kung saan makikita ng Pakisap ang kanyang mukha. Bago
magsimula ang seremonya, ang bituin ay natatakpan ng isang pirasong tela na aalisin sa isang bahagi ng
seremonya.

Sa tabi ay isang malaking trefoil na kumakatawan sa Girl Scout. Magpapatugtog na masasayang mga awit sa
pagsisimula ng seremonya bilang mga bagong Pakisap, masayang patalon-talon sa bulwagan, pagahahanap
ng isang bagay.

Kumikisap ng Bituin: (Haharapin ang bagong pakisap) Kamusta kayo riyan mga munting kaibigan? Maaari
bang malaman kung bakit kayo narito?

Bagong Pakisap: Hinahanap naming ang mahiwagang bituin. Ibig naming malaman kung maaari kaming
maging bagong pakisap.

Kumikislap na Bituin: Mabuti kung ganon, halinat isasama ko kayo kay Gabay Bituin. Ipapakita niya sa inyo
si Mahiwagang Bituin.

(Isasama ni Kumikislap na Bituin ang mga babae kay Gabay na Bituin)

Gabay na bituin, hinahanap ng mga maliliit na babaeng ito ang Mahiwagang Bituin, Ibig nilang malaman
kung maari silang maging Pakisap dahil gusto nilang maging isa sa mga ito.

Gabay Bituin: Maligayang pagdating mga munting kaibigan. Ito ang lupain ng mga Pakisap. Sabihin ninyo
kung bakit gusto ninyong maging Pakisap.

Babae bilang 1: Gusto kong maging masaya.


Babae bilang 2: Gusto kong maging mabait.
Babae bilang 3: Gusto kong maging matulungin.
Babae bilang 4: Gusto kong maging masaya ang ibang tao.

Gabay Bituin: Halina at tingnan si Mahiwagang Bituin (Lalapitan ang Mahiwagang Bituin at aalisin ang
nakatakip na tela dito habang tumutugtog ang isang akmang tugtugin)

TUMAYO SA HARAP NG MAHIWAGANG BITUIN


SASABIHIN NITO SA IYO KUNG SINO KA
KUNG TITINGNAN ANG IYONG MUKHANG MAKIKITA
TOTOHANANG IKAW AY MAGIGING PAKISAP

(Ang bawat Pakisap ay titingin sa salamin at kapag nakita ang kanyang sarili ay masiglang sisigaw- Akoy
isang Pakisap (Sasabayan ng akmang tugtugin)

Kumikislap na Bituin: Ang sabi ng mahiwagang Bituin ay maari kayong maging Pakisap. Ang mga Pakisap
ay maliliit na babaing Iskwat na palaging masaya dahi silay gumagawa ng mabubuting gawain at pinasasaya
ang iba.

Ngayon ay pakikinggan ni Gabay Bituin ang gagawin ninyong pangako ng Pakisap. (Tatayo sila ngayon sa
harap ng Trefoil na kumakatawan sa GSP) Ang bawat babae ay hahakbang papunta sa gabay bituin at
bibigkasin ang pangakong pakisap habang nakasenyas ang pakisap.
Pakisap: Mahal ko ang Diyos, ang aking bayanat lahat ng tao sa aking paligid.

Gabay Bituin: (o sinumang may kapangyarihang magtalaga) Magssesenyas ng babaing Iskawt pagkatapos
bibigkasin ang Pangako at iaaspile sa uniporme ang simbulo ng babaeng Iskawt.

Malugod kong tinatanggap sa kilusan ng mga pakisap ang mga Babaeng Iskawt bilang kasapi ng tropa ng
mga Pakisap. (Kakamayan ng kaliwang kamay ang maliliit na Pakisap)

Pakisap: Kakantahin ang :

HAPPY LITTLE TWINKLERS

Im a happy helpful twinkler


Marching on for you and me
Jolly, cheerful twinkle
For my heart is full of Glee
I love god and country
And all those around me
Im a happy jolly twinkle
Marching on for GSP
GIRL SCOUTS OF THE PHILIPPINES
BULACAN COUNCIL
CITY OF MALOLOS

PAGTATALAGA NG STAR SCOUTS SA PILIPINO


Celestial Ceremony

Pook : Isang halamanan, bakuran, maaliwalas na bulwagan


Kagamitan: Isang Alpombra
Unang Bahagi: Ang Seremonya

Ang mga lider ng pangkat si Diwata at si Tala sa Umaga ay nakatayo sa gitna ng


halamanan o bulwagan, sa harap nila ay ang Mahiwagang Alpombra (Magic Carpet)

Ang mga tumpok ng bituin ay papasok ng palundag-lundag, palukso-lukso at inaawit


ang kanilang tugmang awitin hanggang sa nakarating sa kinaroroonan ng mga lider. Tahimik na aayos sila ng
hugis kalahati ng bilog sa paligid ng Mahiwagang alpombra, tatayo ng tuwid at ipaparinig ang kani-kanilang
awitin.

(Tune: Star Scout Song)

Kaming liwanag, kaming liwanag


Sinag ay makislap
Munting liwanag, munting liwanag
Sa tumpak na landas
Kamiy liwanag, tra,la,la,la
Kamiy liwanag, tra,la,la,la,la
Sa kapway matulungin, (Repeat)

Im a star Scout, yes a Star Scout


And I shine everywhere
Here I tumble, there I twinkle
As I float into the air
Im a Star Scout, tra, la,la, la
A little Star Scout, tra, la, la, la,la
I shine and dance in the brightest skies above

Si Tala sa Umaga ay pupunta sa harap, gagawin ang pananda ng Girl Scout bilang
pagpupuhay kay Polaris na gagantihan naman nito at sasabihin naman ng malakas.

Mahal na Polaris aming natagpuan


Sa mabituing bilog na aming laruan
Munting pakisap masisiglang tunay
Nais na sumapi sa ating samahan.

Kukunin ni Tala sa umaga ang mga Pakisap na nagsispagtago sa kabila ng mga ulap o
halamanan.

POLARIS: Bayaan na sila sa akin ay lumapit, nang makilala kot matanto kung bakit. (May
Pakisap na lalapit kay Polaris)
MGA PAKISAP
1. Ninanais ko pong mabigyan ng liwanag.
2. Ibig ko rin namang maging matapat.
3. Maging matulungin, mataos kong hangad.
4. Paggalang sa kapwa matutuhan agad.
5. Ang maging masaya ang lubos kong ibig.
6. Nais kong matuto na maging matipid.
7. Tiwala ng ibay nais kong makamit.
8. Sa gawat salita nais kong maging malinis.

POLARIS: (Magpapaliwanag)

Ang mga bituin ay mumunting bata.


Sa tahanan nilay nagbibigay tuwa
Dahil mga ngitiy masayang lubha.
At dahil din naman sa magandang gawa.
Ang bawat bituin ay nagpapaligaya
Sa mga kapatid, ina saka ama
Ito ang gawain na kanyang panata
Na siyang susundin sa tuwi-tuwina.

Dapat mamalagi silang maningning


Matapat, malinis, saka masunurin
Sa inyong tahanay maging maluningning
May nais ba kayong maging ganoong bituin?

MGA PAKISAP:
Opo nais naming maging bituin
Upang sa tahanan ay maging butihin.

POLARIS:
Mainam kung gayon, mumunting pakisap,
Ang Diyos at bansa ay aking iibigin,
Maging ibang tao ay tutulungan din,
Lalunat kasama sa tahanan naming

MGA PAKISAP:
Akoy nangangako aking siskapin,
Ang Diyos at bansa ay aking iibigin,
Maging ibang tao ay tutulungan din
Lalunat kasama sa tahanan naming.

(Itataas ng mga Pakisap ang kanilang kanang kamay para sa pananda ng bituin habang binibigkas ang
pangako ng maliwanag at malakas ngunit madalang)

Gagantihan ni Polaris ang pananda ng Bituin, ng pananda ng Girl Scout ang mga Pakisap at ikakabit
ang simbolo bilang kasaping bituin sa kaliwang dibdib ng uniporme ng Bituin. Kakamayan ang mga bata at
ibibigay o gagawin ang pananda ng Girl Scout at sasabihin:

Masayang pagdating sa tropa ng bitun,


Pangkat (bilang) _______________ kayoy kukupkupin
Sanggunihang Girl Scout dito rin sa atin,
Sa tumpak na landas kayoy aakayin
Kayoy kasapi na sa pangkat ng bituin,
Ngunit bago kayo sa tumpok ay tatanggapin
Ang gorang sagisag ng pagkabituin
Sa inyoy isusuot ng ninang na giliw.

(Pupunta ang mga ninang sa bilog at isusuot sa mga inaanak ang gora)

POLARIS: Kayoy tinatanggap ng buong lugod


Dito sa masayang bituin pook
ang bawat sandal ligaya ang dulot,
Pagkakapatiray ditto itatampok

Gagawa ng malaking bilog ang mga bituin sa paligid ng Mahiwagang Alpombra, magkakahawak ng
kamay at aawitin ang Star Scout Song.

You might also like