You are on page 1of 7

GSP INVESTITURE CEREMONY

I. Presentation of Candidate

Tita Emcee: Ngayon ay ating salubungin ang pagpasok ng mga Scout na itatalaga.

(papatugtugin ang GSP March)

Tita Emcee: Ngayon naman po aking tinatawagan si Scout Leader Ahyie upang ipakilala
ang mga nagnanais maging bahagi ng Girls Scout of the Philippines.

Ma’am Ahyie: Ikinagagalak ko pong ipakilala ang mga batang may _______ edad na
nagnanais maging twinkler, may ___________ edad na nagnanais na maging star scout ay
may ______ edad na maging junior scout na may kabuuang 412 na babae.

G. Investiture Proper

JUNIOR SCOUT

Tita Emcee: Ngayon ay dadako na tayo sa pagtatalaga ng mga bagong Junior Scouts.
Ngayon ay pinakikiusapan ang Troop Leader ng Junior Scout na manguna sa
pagsisiyasat sa mga kinauukulan.

Investing Officer : ( Tatayo sa gawing kaliwa ng mesa )

Katulong na Pinuno: ( Tatayo sa gawing kaliwa ng lider. Senyas ng lider sa pagpasok ng tropang itatalaga. Aayos sa
harap ng trefoil nang palinya)

Inversting Officer :
Kilusang marangal nitong kabataan
Layuni’y maganda sa kababaihan
Aral at gawi’y sulo siyang tatanglaw
Gabay sa landasing sa kanila’y patnubay

Sila ang mga Girl Scouts na pararangalan


Silang mga GIrl Scout nitong ating bayan
Sa kandilang ito ngayo’y sisindihan
Sana’y maging tanglaw ninyong kabataan

Diwa ng Scouting ang sinasagisag


Patnubay at tanglaw sa mabuting landas
Ang liwanag nito’y may layunin hangad
Sa Kababaihan, pagsulong at pag- unlad
Ang Tatlong kandila ngayo’y sisindihan
Ay tatlong pangakong kinakatawan
Una, ay sa Diyos , pangalawa’y sangkatauhan
At pangatlo’y sa batas tumatanglaw

Tita Emcee: Ngayon naman ay tinatawagan naming ang mga Adult Scout leader upang sindihan ang mga kandila

Troop Leader I – Ma’am Ahyie

Ang panggitnang sisindiha’y liwanag na kakatawan


Kay Bathalang Ama nating sa landasiy siyang tatanglaw
Mga utos niya’y sundin at sa buhay gawing gabay
GSP INVESTITURE CEREMONY
At ng bukas ay gumanda’t magbunga ng kaunlaran

Troop leader II – Ma’am Mavie

Pangalawa’y sisindiha’y liwanag na gagamitin sa tungkuling


Inaatas sa bayan nating ginigiliw
Gayundin sa kababayang may tungkulin na mahalin
Pagkat silay kadugo kabalat at kawika rin.

Troop Leader III – Ma’am Rona

Ang Ikatlong sisindiha’y sa Batas Tumatanglaw


Sa Sampung Batas na sandigan nitong kababaihan
Handa sila sa pagkabigkas inyo sanang pakinggan
Paliwanag nila’y dinggin isa -isang bibigkasin

Tita Emcee: Tita Emcee: Tinatawagan ko po si Scout Leader Fely L. Repata upang pangunahan
ang pagtatalaga ng mga bagong kasapi ng Girls Scout of the Philippines.

Investing Officer: Magandang Umaga, Bakit kayo nandito? Ano ang inyong gusto?

Junior Scout: Gusto naming maging junior Scout

Investing Officer: Kusang loob ba ang pagpunta nyo dito?

Junior Scout: Opo

Investing Officer: Handa na ba kayo isabuhay ang Pangako at Batas ng Girls Scout?

Junior Scout: Opo, handa na po kami.

Investing Officer: Kung gayonay bigkasin ng malakas, malinaw at marahan ang


Batas ng Junior Scout na nakapalatandaan ng Junior Scout Sign…
Jillian: Scout Sign!
ANG BATAS NG GIRL SCOUT
Ang Girl Scout ay mapagkatiwalaan
Ang Girl Scout ay matapat
Ang Girl Scout ay matulungin
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat Girl Scout
Ang Girl Scout ay mapitagan
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat ng may buhay
Ang Girl Scout ay disiplinado
Ang Girl Scout ay may sariling paninindigan
Ang Girl Scout ay matipid
Ang Girl Scout ay malinis sa isip sa salita at sa gawa

Jillian: Scout Front!

Investing Officer: Maari nyo bang ipaliwanag sa amin kahulugan ng Pangako at Batas ng Girls Scout?
Junior Scout: Opo
(Bago magsalita ang junior scout ay sisindihan nya muna ang hawak nyang kandila)

Cassandra: Ang Girl Scout ay malinis sa diwa , sa salita at sa gawa kaming mga Girl Scout sa bagong lipunan ,
malinis sa isip ,sa kilos marangal kapag nangako’y handa’t nakalaan ginagawa namin di sa salita lamang.
GSP INVESTITURE CEREMONY
Raisa: Ang Girl Scout mapagmalasakit
Kung kinakailanggan ay nagpaparaya
Isinaalang -alang ang kabutihan ng kapwa
Nagpapasakit isa naming adhikain
Yuan: Ang Girl Scout ay disiplinado
Dinidisiplina ang aming sarili
Kapakanan nami’y isinasaisang tabi
Ugaling maganda’t yaong mabubuti
Sa amin ay yaman , hindi mabibili
Louise: Ang Girl Scout ay masipag
Sa aming tahanan ako’y tumutulong
Sa gawaing bahay may tungkulin layon
At kapakinabangan ng aking kanayon
Moira: Ang Girl Scouts ay masunurin sa batas
Sa mga kautusan laging masunurin
Iya’y ginagawa sapagkat tungkulin
Gawaing sinimula’y tinatanong na taimtim

Jaeleah: Ang Girl Scout ay matapat


Matapat , mabait sa aming kapwa
At sa kamag -aral mapagkawanggawa
Sa gawang matapat hindi nagsasawa
At gawang Mabuti’y di ikinakahiya

_Chloe: Ang Girl Scout ay Handang tumulong sa iba


Pagkamatulungi’y isang katangian
Naming mga Girl Scout sa Bagong Lipunan
Ang kapwa naming Girl Scout ay tinutulungan
Guro o magulang o ibang tao man

Juliannah: Ang Girl Scout ay mapitan sa lahat ng may buhay


Lahat ng may buhay aming iginagalang
Mga Hayop . kulisap , ibon o halaman
Kaibigan , kapatid mga kamag -aral
Iginagalang nami’t pinagpipitagan

Margaret: Ang Girl Scout ay may tiwala sa sarili


BUo at matatag ang paninindigan
Pagkat ang sarili’y pinagkakatiwalan
Ibat-ibang payo’y pinag-aralan
Malaki ang puso’t buo ang kalooban

Phoebe: Ang Girl Scout ay mapapagkatiwalaan


Ang aking katauhan’y maipagkakapuri
Dangal nitong lahi sa gawang mabuti
Magandang ugali di mapagsarili
Ang puso’t isipa’y malinis parati

Investing Officer: Sampung batas ng Girl Scout inyong napakinggan


Sampung kandilang sa inyo’y tumatanglaw
Nais ko sanang sa inyoy malaman,
Kung lahat nang ito’y nauunawaan
GSP INVESTITURE CEREMONY
Junior Scout ; Opo , Nauunawaan po namin.

Investing Officer: Kung gayon tayo ngayon ay aawit ng Girl Scout song.

Troop Leader : Ikinararangal ko pong iharap ngayon ang mga Girl Scouts ng Baitang APAT HANGGANG ANIM na
matagumpay na nakatalima sa mga kinakailangan upang maging karapat-dapat na maging tunay na Girl Scouts

Investing Officer : Nagayon ikakabit ko ang Investiture Pins na syang sagisag na kayo ay tinatanggap bilang mga
kasapi ng Girl Scout Movement of the world , The Philippines Cavite at ng buong mundo.

Pagkatapos ng Pinning

Investing Officer : Tinatawagan ang mga ninang na ikabit ang alampay at ang ninong na ilagay ang sombrero sa ating
mga Girl Scout .(Pagkatapos ng pagsabit ng alampay )

Tita Emcee: Maari na po lumamit ang Ninong at Ninang upang isabit ang alampay

Investing Officer: Ngayon kayo ay tunay na kasapi ng Girl Scout Movement of the World of the Philippines of Cavite
Bigyan natin ng masigabong palakpakan natin ang ating mga Girl Scout.

Tita Emcee: Ngayon naman ay ating pakinggan ang pangako ng Girls scout.

Jillian: “ Sa Aking Karangalan gagampanan ko ang aking tungkulin sa Diyos at sa aking bayan tutulong ako sa aking
kapwa sa lahat ng pagkakataon at isasabuhay ko ang batas ng Girl Scout.”

Investing Officer: Nanalig akong sa inyong karangalan ay sisikapin ninyong tuparin ang pangako.Ngayon, ay
malugod kayong tinatangagap sa malaking samahang ito ng mga Girl Scout.

( aawit sa pangunguna ng katulong ng pinuno -Girl Scout Song )

Tita Emcee: Ngayon ay saksihan natin ang paglabas ng mga bagong Junior Scout.
-Ang mga Girl Scout ay magmartsa at aawitin ang GIRL SCOUT SONG-

TWINKLERS

Tita Emcee: Sa pagkakataong ito,ang lahat ay handa na, ang pagtatalaga ay atin nang
simulan. Mga bata’y huwag maingay, panatilihin sana’y katahimikan. Maririnig inyong
unawain, isip-isipin ang kahulugan. Kung handa at maayos na, atin nang simulan.

Ngayon ay pinakikiusapan ang Troop Leader ng Twinkler na manguna sa pagsisiyasat sa


Mga kinauukulan.

Maningning na Bituin (Ma’am Thess): Magandang hapon mga bata! Maaari ko bang malaman kung bakit kayo
naririto?

Twinklers: Hinahanap po namain ang Mahiwagang Bituin. Nais po naming malaman kung maaari kaming maging
Twinklers.

Maningning na Bituin (Ma’am Thess): Kung gayon, halikayo! Dadalahin ko kayo sa Gabay na Bituin. Ituturo niya
sa inyo kung nasaan ang Mahiwagang Bituin.
GSP INVESTITURE CEREMONY
Maningning na Bituin (Ma’am Thess): Gabay na Bituin hinahanap ng mga batang ito ang Mahiwagang Bituin. Nais
nilang maging Twinklers at nais nilang malaman kung paano.

Gabay na Bituin (Ma’am Judelyn): Magaling kung gayon mga bata! Ito ang tamang lugar para sa mga Twinklers.
Pero kailangang sabihin muna ninyo sa akin kung bakit nais ninyong maging mga Twinklers.

Bata #1 : Gusto ko pong maging masigla.


Bata #2 : Gusto ko pong maging mabait.
Bata #3 : Gusto ko pong maging matulungin.
Bata #4 : Gusto ko pong makapagbigay ligaya sa aking kapwa.

Gabay na Bituin (Ma’am Judelyn): Kung gayon, halikayo at tingnan ninyo ang Mahiwagang Bituin.

“TUMAYO SA HARAP NG MAHIWAGANG BITUIN


KUNG SINO MAY KANYANG SASABIHIN
TUMINGIN KA SA SARILI AT IYONG MAKIKITA
SASABIHIN SA IYO’Y MAGIGING TWINKLER KA!”

(Bawat bata ay titingnan ang sarili sa salamin. Pagkakita sa sariling mukha ay msasayang sisigaw ng “AKO’Y
ISANG TWINKLER”

Maningning na Bituin (Ma’am Thess): Ayon sa Gabay na Bituin, maaari daw kayong maging Twinklers. Ang mga
Twinklers ay malililit na Girl scout na palaging masaya sapagkat gumagawa sila ng mabuti at
makapagpapaligaya sila ng kanilang kapwa. Ngayon, nais marinig ng Gabay na Bituin na binibigkas
Ninyo ang pangako ng isang Twinkler.

Twinklers: Mahal ko ang Diyos, ang bayan, at ang mga tao sa kapaligiran.

(Matapos nito ay tatawagin na ang mga itatalaga sa unahan upang ikabit ng Investing Officer ang Twinkler Pin at
World Pin.

Tita Emcee : Tinatawagan ang mga ninang na ikabit ang alampay at ang ninong na ilagay ang sombrero sa ating mga
Girl Scout .(Pagkatapos ng pagsabit ng alampay )

Investing Officer: Binabati ko kayong lahat. Ngayon ay kabilang sa kayo sa Samahan ng mga Girl Scouts. Bilang
mga miyembero ng Twinkler Troop.

Twinklers: Sabay-sabay na aawitin ang HAPPY LITTLE TWINKLER


_______________________________________________________________________________________________

Star Scout

Tita Emcee: Saksihan natin ang pagpasok ng mga itatalagang bagong star scout!

Tita Emcee: Ngayon naman ay dadako na tayo sa pagtatalaga ng mga bagong Star Scouts.
Ngayon ay pinakikiusapan ang Troop Leader ng Star na manguna sa pagsisiyasat sa
mga kinauukulan.

UNANG BAHAGI
Lakad Patakda Kad
GSP INVESTITURE CEREMONY
Lakad Pasulong Kad
(Una pagpasok ng mga batang twinklers)
Pangalawa pagpasok ng 5 twinkler hawak ang Magic Carpet pumasok ng paikot

AWIT: ITS SMALL WORLD

MORNING STAR(Ma’am Ivy): Ito ang lugar isang maliwanag na bulwagan mayroon akong natagpuang mga
munting Twinklers na nasa kalipunan ng mga bituin na ibig maging isang Stars.

Pagpasok ng Magic Carpet

( Lalapit at gagawin ang mga palatandaan ng Girl Scout sa harap (scout sign) at gagantihan ng North Star. Papuntahin
sila sa harap ko).

NORTH STAR(Ma’am Brenda): Halikayo mga twinkler, huwag kayo mahiya.


Sabihin nga ninyo kung bakit ibig ninyong maging Star.

( Hahakbang papunta sa unahan at isa- isang sasagot ng kanyang dahilan o kasagutan.)

STAR SCOUT 1: Ibig po naming magdala ng Liwanag!


STAR SCOUT 2: Gusto po naming maging matapat!
STAR SCOUT 3: Gusto po namin maging masunurin!
STAR SCOUT 4: Gusto po naming maging makadiyos!
STAR SCOUT 5: Gusto po naming maging makatulong sa kapwa!

NORTH STAR: Ang mga Stars ay mga munting bata na nagbibigay ng Liwanag sa kanilang tahanan sa pamamagitan
ng mga ngiti at mabuting gawa. Ang bawat Star ay dapat paligayahin ang kanilang mga magulang at mga kapatid.
Siya ay marunong magdala ng katapatan at pagkamasunurin.

NORTH STAR: Ibig ba ninyong maging STARS SCOUT sa inyong mga tahanan ?

STAR SCOUT: Opo North Star gusto po naming.

NORTH STAR: Sabihin ng malakas ibig ba ninyong maging STARS SCOUT sa inyong mga tahanan ?

STAR SCOUT: Opo North Star gusto po naming.

NORTH STAR: Bukal ba sa inyong kalooban ang pagpunta rito? ?

STAR SCOUT : Opo North Star

NORTH STAR: Kung ganyon, kayo ay pupunta sa pook, ngunit bago kayo pumisan sa mga cluster ay mangako kayo.
Handa na ba kayo bigkasin ang Pangako ?

STAR SCOUT: Opo North Star

NORTH STAR: Kung Gayon ay bigkasin ng malakas, malinaw at marahan ang


Pangako ng Star Scout na nakapalatandaan ng Star Scout Sign…

STAR SCOUT: SCOUT SIGN!!!!!

Ang Pangako ng Star Scout


Nangangako akong lubos na magmamahal sa Diyos at sa aking Bayan. Tutulong ako sa aking kapwa araw-araw at
higit sa lahat sa mga kasama ko sa bahay.
GSP INVESTITURE CEREMONY
Ang Batas ng Star Scout
Ang Star Scout ay matapat
Ang Star Scout ay masunurin.

STAR SCOUT: SCOUT FRONT!!!!!

(Isagawa ang mga sumusunod…..)

NORTH STAR: Ipakilala ang mga gustong sumapi sa samahang ng Star Scouts
STAR SCOUT: Ipinakikilala ko po sainyo ang aming Samahan ng Scout

______________________(pangalan ng kasapi ng pangkat)

Patrol STAR BEAM


Patrol STAR DUST
Patrol STAR GLOW
Patrol STARLIGHT
Patrol STARRAY

NORTH STAR: Tinatawagan po ang aming Investing officer Tita Fely L. Repata para ipakilala ang mga gustong
sumapi sa samahang ng Star Scout.

NORTH STAR: A. Girl Scout Sign


B. Pagkakabit ng Star Scout Pin ( left colar) World pin (right collar) C. Left
handshake.

INVESTING OFFICEr: Sa ngalan ng Girls Scout of The Philipines Binabati ko kayong mga batang Star Scout ng
Juliano C. Brosas Elementary School

NORTH STAR: Ngayon kayo ay tunay na kasapi ng Troop ng Star Scouts, ngunit bago kayo lumahok sa mga
samahan at ilalagay ng inyong mga ninong at ninang ang inyong GSP Cap at alampay.

AWIT: Its Small World

(Maari na pong ihulog ang 2 sobre sa box, 1 sa ninong at 1 sa ninang Maraming salamat po!)

Tita Emcee: At ditto na po nagtatapos ang ating pagtatala ng mga bagong kasapi ng Girls Scout!.

You might also like