You are on page 1of 9

Dalupan ES Boy Scouting Unit

Outfit No
Pagtatalaga Ng Mga Bagong Scouts
Daloy Ng Paluntunan
A. Pambungad Na Seremonya
- Pagpasok Ng Mga Senior Scouts
- Pagpasok Ng Mga Kulay
- Panalangin
- Lupang Hinirang

- Panunumpa Ng Katapatan Sa Watawat ng Pilipinas (bata)


B. Opisyal na Pagtatalaga sa mga Bagong Senior Scouts
I. Pambungad Na Pananalita
II. Paggawad ng Kartang Pangtipon
III. Pagtatalaga ng mga Bagong Senior Scouts
IV. Pagbabasbas ng mga Alampay
V. Panunumpa ng mga Magulang
VI. Pagpapakila sa mga Panauhing Pandangal
VII. Mensahe ng mga Panauhing Pandangal
VIII. Hamon sa mga Bagong Talagang Scouts

C. Pangwakas Na Seremonya
- Friendship Cirlce
- Scout Benediction
- Paglabas Ng Mga Kulay
- Paglabas Ng Mga Scouts At Panauhin

MGA TAGAPAGPADALOY

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA

Tagapagpadaloy: Mga Minamahal Na Mga Magulang, Mga Panauhin At Mga Kaibigan,


Magandang Umaga Po Sa Inyong Lahat! Tayo Po Ay Magsitayo Para Sa Pambungad Na
Seremonya.

Sisimulan Po Ito Sa Pagpasok Ng Mga Boy Scout Sa Pangunguna Ng Mga Crew Leaders
(Batang Scout)

SCL : Humanda Sa Pag-Uutos! Pasulong KAD! PULUTONG TO!

MANATILI PONG NAKATAYO PARA SA PAGPASOK NG MGA KULAY, Panalangin Sa Pangunguna


Ni SCTR._______________, Pag-Awit Ng Lupang Hinirang Sa Kumpas Ni SCTR. ___________Na
Susundan Ng Panunumpa Ng Katapatan Sa Watawat Ng Pilipinas Sa Pangunguna Ni SCTR.
__________________.

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA AT BATING PAGTANGGAP

Tagapagpadaloy: Maaari na pong magsiupo ang mga magulang

1
Magandang Araw Pong Muli Sa Inyong Lahat! Ikinagagalak Namin Ang Inyong Pagdalo Sa Araw
Na Ito. Ating Masasaksihan Ang Taunang Pagtatalaga Ng Mga Bagong Batang Scouts.
Sa Pagkakataong Ito, Bigyang Daan Natin Ang ating prinsipal na si _____________, Para Sa
Kaniyang Pambungad Na Pananalita At Bating Pagtanggap. Palakpakan Po Natin Si _________

(Magpapahayag Si ___________+Ng Pambungad Na Pananalita At Bating Pagtanggap.)

Tagapagpadaloy: Maraming Salamat Po!

III. PAGGAWAD NG KARTANG PANGTIPON

Tagapagpadaloy: Atin Pong Tinatawagan Si SCTR. NING-NING E. GONATISE. Siya Ang


Magbibigay Hudyat Para Sa Opisyal Na Pagbubukas Pagtitipong Ito Sa Pamamagitan Ng
Paggawad Ng Kartang Pantipon Ng WFHS Scouting Unit. Palakpakan Po Natin Si SCTR. NING-
NING.

(Babasahin ang nilalaman ng Kartang Pantipon.)

IV. SEREMONYA NG PAGTATALAGA NG BAGONG BATANG SCOUTS

Tagapagpadaloy: Ngayon Ay Dadako Na Po Tayo Sa Pagtatalaga Ng Mga Mag-Aaral Na Nais


Maging Bahagi Ng Mundo Ng Scouting. Sa Pamamagitan Ng Pagsisindi Ng Ilaw Ng Scouting Na
Ito, Pormal Na Po Nating Uumpisahan Ang Ating Seremoniya Ng Pagtatalaga.

(Ang Scl Ay Haharap Sa Mga Batang Scouts At Magbibigay Ng Utos)

SCL: Senior Scouts Pugay Kamay, Na! Humanda Sa Pagtatalaga!


Ginoo, Handa Na Po Ang Mga Scouts Sa Pagtatalaga! !............ Handa, Rap!

Sctr (guro):
Mga Scouts Ang Inyo Bang Pagdalo Sa Seremonyang Ito – Upang Italaga Sa Pagiging Senior
Scouts – Ay Kusang Loob At Kagustuhan Ninyo?

Mga Scouts:
Opo, Ginoo, Opo!

Sctr. (Guro):
Kung Gayon, Sisimulan Na Natin Ang Seremonya Sa Pagtatalaga, Kayo Ay Tatanggapin Bilang
Kasapi Ng BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES, Ang Inyong Outfit no.___ At kani-kaniyang mga
Crew Sa Ating Paaralan Sa Quezon City Council. Kayo Ay Kikilaning Scouts Saan Mang Dako Ng
Bansang Pilipinas At Magiging Kasapi Ng Pandaigdigang Samahang Scouting.

Ang Mga Kandilang Inyong Nakikita Ay Sumasagisag At Kumakatawan Sa Espiritu Ng Scouting


Na Siyang Nagsisilbing Matibay Na Tanikala Sa Pagkakaisa Ng Lahat Ng Scouts, Saan Mang
Dako Ng Daigdig.

(SISINDIHAN ANG UNANG UNANG KANDILA)

SA HARAP NINYO AY MAY ISANG NASINDIHANG KANDILA NA SIYANG SUMASAGISAG SA


DIWA NG SCOUTING.

(PAGSISINDI NG TATLONG KANDILA)

2
Ang Scout Ay May Isang Sumpa Na Sinusunod. Dito Napapaloob Ang 3 Tungkulin Na Dapat
Nilang Gampanan. Tinatawagan Ang 3 Scouters Upang Bigkasin Ang Tatlong Tungkulin Ng
Scout Habang Sinisindihan Nila Ang Kandilang Kumakatawan Sa Mga Tungkuling Dapat
Gampanan.

(Pupunta Sa Harap Ang Tatlong Unit Leaders Na Magsisindi Ng Tatlong Kandila.)

SCTR.(bata):
TANDA NG SCOUT NA!
ANG PANUNUMPA NG SCOUT SA NGALAN NG AKING DANGAL
AY GAGAWIN KO ANG BUONG MAKAKAYA UPANG TUMUPAD SA AKING TUNGKULIN SA
DIYOS AT SA AKING BAYAN; ANG REPUBLIKA NG PILIPINAS
(SISINDIHAN ANG GITNANG KANDILA) KAMAY BABA NA!

SCTR. (bata):
TANDA NG SCOUT NA!
SA NGALAN NG AKING DANGAL
AY GAGAWIN KO ANG BUONG MAKAKAYANA SUMUNOD SA BATAS NG SCOUT, TUMULONG
SA IBANG TAO SA LAHAT NG PAGKAKATAON
(SISINDIHAN ANG KALIWANG KANDILA) KAMAY BABA NA!

SCTR. (bata):
TANDA NG SCOUT NA!
SA NGALANG NG AKING DANGAL
AY GAGAWIN KO ANG BUONG MAKAKAYAPAMALAGIING MALAKAS ANG AKING
KATAWANGISING ANG ISIPAN AT MARANGAL ANG ASAL
(SISINDIHAN ANG KANANG KANDILA) KAMAY BABA NA!

TINATAWAGN ANG MGA CREW LEADERS UPANG SINDIHAN ANG MGA KANDILANG HAWAK
NILA AT IPASA ANG LINAWAG NITO SA KANILANG MGA MIYEMBRO

(AAKYAT ANG MGA CREW LEADERS UPANG MAGSINDI NG KANDILA AT BABALIK SA


KANILANG PUWESTO AT IPAPASA ANG ILAW NG KANDILA SA KANILANG KA.CREW)

Sana Ang Liwanag Ng Ilaw Ng Mga Kandilang Ito Ay Magsilbing Gabay Sa Inyong Lahat, Sa
Lahat Ng Panahon – Magsilbing Tanglaw Sa Mga Landas Ng Inyong Tatahakin Sa Hinaharap
Bilang Mga Scouts.

(PAGSISINDI NG LABINGDALAWANG KANDILA)

Ang Mga Scouts Ay Mayroong Isang Batas Na Kanilang Sinusumpaang Susundin. Ang Batas Na
Ito Ay Mayroong 12 Puntos At Bibigkasin Ng Ating Mga Ganap Na Scouts Habang Sinisindihan
Ang 12 Kandila Na Kumakatawan Sa 12 Puntong Batas Ng Scout.

Pakinggan Nating Mabuti Ang Isinasaad Ng Batas Na Ito, Sapagka’t Kayo’y Aking Tatanungin
Kung Ito’y Inyong Matatanggap Bilang Sariling Batas Na Inyong Susundin.
Tinatawagan Nang Pansin Ang Mga Senior Scouts Na Simulan Ang Pagsisindi Ng Labindalawang
Kandila Na Kumakatawan Labindalawang Puntos Sa Batas Ng Scout.

(Tatawaging Isa-Isa Ang Mga boy Scouts Na Magsisindi Ng Labindalawang Kandila.)

(Scout 1) : TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Unang Punto Ng Batas Ng Scout. Ang
Scout Ay Mapagkakatiwalaan! KAMAY BABA NA!

3
SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Nagsasabi Ng Katotohanan. Tumutupad Siya Sa Kanyang Mga Pangako. Ang
Pagiging Matapat Ay Bahagi Ng Kanyang Pag-Uugali. Siya Ay Maaasahan Ng Ibang Tao.

(2) E/S JOHN CARL BAYRE: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikalawang Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout Ay Matapat! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Matapat Sa Kanyang Pamilya, Mga Kaibigan, Mga Pinuno Sa Scouting, Sa
Paaralan At Sa Bayan.

(3) E/S: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikatlong Punto Ng Batas Ng Scout. Ang
Scout Ay Matulungin! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay May Pagkalinga Sa Ibang Tao. Nagsisikap Siyang Makatulong Sa Iba Nang Walang
Hinihintay Na Kabayaran O Pabuya.

(4) E/S: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikaapat Na Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout Ay Mapagkaibigan! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Kaibigan Ng Lahat. Itinuturing Niyang Kapatid Ang Kanyang Mga Kapwa Scout.
Sinisikap Niyang Umunawa Sa Iba. Iginagalang Niya Ang Mga Paniniwala At Kaugalian Ng Ibang
Tao Na Naiiba Sa Kanya.

(5) E/S GLENDELL DUCOSIN: E/S: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikalimang Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout Ay Magalang! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Magalang Sa Sinuman, Ano Pa Man Ang Gulang Nito O Katayuan Sa Buhay. Alam
Niya Na Ang Mabuting Pag-Uugali Ay Daan Sa Magandang Pagkakasunduan Ng Mga Tao.

(6) E/S: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ika-Anim Na Punto Ng Batas Na Scout.
Ang Scout Ay Mabait! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Nakakaunawa Na May Angking Lakas Ang Pagiging Mabait. Itinuturing Niya Ang
Iba Gaya Ng Gusto Niyang Pagturing Ng Iba Sa Kanya. Hindi Siya Nananakit O Namiminsala Ng
Mga Hayop At Iba Pang Bagay Na Walang Kadahilanan At Sinisikap Niya Itong Mapangalagaan.

(7) E/S CATHERENE OLARTE: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikapitong Punto Ng Batas Ng Scout. Ang
Scout Ay Masunurin! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:

4
Ang Scout Ay Sumusunod Sa Mga Alituntunin Ng Kanyang Pamilya, Paaralan At Outfit.
Sumusunod Siya Sa Mga Batas Ng Kanyang Pamayanan At Bayan. Kung Inaakalang May Mali,
Sinisikap Niyang Mabago Iyon Sa Matiwasay Na Pamamaraan.

(8) E/S CHRISTOPHER LUCAS: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ika-Walong Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout Ay Masaya! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Nagsisikap Tumingin Sa Maaliwalas Na Bahagi Ng Buhay. Masaya Niyang
Ginagampanan Ang Mga Naiatang Sa Kanyang Tungkulin. Sinisikap N’yang Makapagbigay
Lugod Sa Iba.

(9) OUTDOORSMAN SCT. CESAR MAAC: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ika-Siyam Na Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout At Matipid! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Gumagawa Upang Matustusan Niya Ang Kanyang Sarili At Upang Makatulong Sa
Iba. Nag-Iimpok Siya Para Sa Hinaharap At Kinabukasan.

(10) OUTDOORSMAN SCT. JORGE GEMINA: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ika-Sampung Punto Ng Batas Ng Scout.
Ang Scout Ay Matapang! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay May Lakas Ng Loob Na Humarap Sa Panganib Kahit Na May Taglay Siyang
Pangamba. Siya Ay Naninindigan Sa Mga Inaakala Niyang Tama At Matuwid Sa Kabila Ng Tudyo
O Pananakot Ng Iba.

(11) OUTDOORSMAN SCT. PRINCESS SHIRA ROSARIO: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikalabing Isang Punto Ng Batas Ng
Scout. Ang Scout Ay Malinis! KAMAY BABA NA!

SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Pinapanatiling Malinis Ang Kanyang Katawan At Kaisipan. Siya Ay Sumasama Sa
Mga Taong May Ganito Ring Panuntunan. Tumutulong Siya Sa Pagpapanatili Na Malinis Ang
Kanyang Tahanan At Pamayanan.

(12) OUTDOORSMAN SCT. PRINCESS THANLEY MAGNO: TANDA NG SCOUT NA!


Aking Sisindihan Ang Kandilang Ito Na Sumasagisag Sa Ikalabing Dalawang Punto Ng Batas Ng
Scout. Ang Scout Ay Maka-Diyos! KAMAY BABA NA!
SCTR. ARCHIE:
Ang Scout Ay Mapitagan Sa Diyos. Tinutupad Niya Ang Kanyang Mga Tungkulin Sa Kanyang
Pananampalataya. Iginagalang Niya Ang Paniniwala At Pananampalataya Ng Iba.

SCTR. ARCHIE:
Mga Scouts, Inyong Narinig Ang 12 Punto Ng Batas Ng Scout. Tinatanggap Ba Ninyo Ang Batas
Na Ito At Nangangakong Gagawin Ang Buong Makakaya Upang Ito’y Sundin At Isakatuparan
Bilang Mga Scout?

Mga Scouts:
Opo, Ginoo, Opo!

5
SCTR. ARCHIE:
Ibig Kong Patunayan Ninyo Sa Madla Sa Pamamagitan Ng Sabay Na Pagbigkas Ng Batas Ng
Scout.

(Ang Scl Ay Pamumunuan Ang Sabay Na Pagbigkas Ng 12 Punto Ng Batas Ng Scout.)

SCL: Ang Batas Ng Scout! Ang Scout Ay Mapagkakatiwalaan, Matapat, Matulungin,


Mapagkaibigan, Magalang, Mabait, Masunurin, Masaya, Matipid, Matapang, Malinis At Maka-
Diyos.
(Handa ‘Rap)

SCTR. ARCHIE:
Tinatawagan Ang Senior Crew Leader Ng Mga Batang Scouts Upang Mamuno Sa Pagbigkas Nang
Sabayan Ng Panunumpa Ng Scout.

SCL:
Itaas Natin Ang Ating Kanang Kamay Sa Ayos Ng Panunumpa, Na!

Ang Panunumpa Ng Scout


Sa Ngalan Ng Aking Dangal, Ay Gagawin Ko Ang Aking Buong Makakaya,
Upang Tumupad Sa Aking Tungkulin Sa Diyos, At Sa Aking Bayan,
Ang Republika Ng Pilipinas, At Sumunod Sa Batas Ng Scout.
Tumulong Sa Ibang Tao Sa Lahat Ng Pagkakataon,
Pamalagiing Malakas Ang Aking Katawan,
Gising Ang Isipan, At Marangal Ang Asal.

SCTR. ARCHIE:
Inyong Narinig At Binigkas Ang Sumpa Ng Scouts At Ang Tatlong Tungkulin Na Napapaloob
Dito. Ang Unang Tungkulin Ay Sa Diyos At Sa Bayan Pilipinas, Ikalawa Ang Tungkulin Sa Ibang
Tao At Ikatlo Ang Tungkulin Ng Isang Scout Sa Kanyang Sarili. Tinatanggap Ba Ninyo Ang 3
Tungkuling Inihahayag Sa Sumpa Ng Scout At Nangangakong Ito’y Inyong Susundin Sa Abot Ng
Inyong Makakaya?

Mga Scouts:

Opo, Ginoo, Opo!

SCTR. ARCHIE:
Magaling! Ngayon Ay Humarap Kayong Lahat Sa Ating Watawat. Iginagalang Natin Ang Ating
Pambansang Watawat At Ang Sinasagisag Nito. Sa Pangunguna Ng Ng Inyong Scl Ay Bibigkasin
Ninyo Ang Panunumpa Sa Watawat.

Scl: Itaas Natin Ang Ating Kanang Kamay Sa Ayos Ng Panunumpa Ng Scout, Na!

Ako Ay Pilipino
Buong Katapatang
Nanunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas,
At Sa Bansang Kanyang Sinasagisag,
Na May Dangal, Katarungan At Kalayaan,
Na Pinakikilos Ng Sambayanang
Maka-Diyos, Maka-Tao
Maka-Kalikasan At Maka-Bansa.

6
(Scl: Kamay Baba, Na!)

V. PAGSASABIT NG MGA ALAMPAY

Tagapagpadaloy:
Tinatawagan Po Ang Mga Magulang Ng Mga Bagong Scouts Na Naririto Sa Harap Upang Ilagay
Na Po Sa Kani-Kanilang Anak Ang Alampay.
(Ang Mga Magulang Ay Ilalagay Ang Mga Alampay Sa Leeg Ng Kanilang Mga Anak Na Scouts.)

Tagapagpadaloy:
Ngayon Manumbalik Tayo Sa Ating Mga Dating Kinalalagyan.

SCTR. ARCHIE: (PWEDE DITO ANG GUEST SPEAKER NA EAGLE SCOUT)


Bigkasin Natin Ang Inyong Panata Sa Pagtatalaga. Itaas Ang Kanang Kamay Sa Tanda Ng Scout
At Sumunod Sa Akin.

(Mga Scouts : Itataas Ang Kanilang Kanang Kamay.)

Ako Si (Sabihin Ang Buong Pangalan) Bilang Scout Ng West Fairview High School – Outfit No.
426 / Ng Boy Scouts Of The Philippines – Quezon City Council /Ay Nangangako /Sa Ngalan Ng
Aking Dangal /Na Gagawin Ko Ang Buong Makakaya /Upang Tumupad Sa Pangako At Batas Ng
Scout /Tumulong Sa Pagsulong Ng Aking Outfit / Gumawa Ng Kabutihan Araw-Araw At
Sisikapin Kong Mamuhay Na Isang Tunay Na Scout, Sa Isip, Sa Salita At Sa Gawa. Kasihan
Nawa Ako Ng Panginoon.

Tagapagpadaloy:
Tinatawagan ANG SENIOR CREW LEADER para sa pagbigkas ng Senior Scout Code

SCL : Let us recite the Senior Scout Code in Unison, SCOUT SIGN
As a Senior Scout,

I will live by the Scout Oath and Law and the Senior Scout motto and slogan.

I will be familiar with the Constitution of the Philippines especially my rights and obligations as
a Filipino citizen.

I will share in my responsibilities to my home, school, church, neighborhood, community and


country.

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law.

I will work to preserve our Filipino heritage aware that the privileges I enjoy were won by hard
work, sacrifice, clear thinking and faith of our forefathers.

I will do everything in my power to pass a better Philippines to the next generation.

VI. PANUNUMPA NG MGA MAGULANG

Tagapagpadaloy:
Ang Samahang Scouting Ay Magiging Matagumpay Hindi Lamang Sa Gabay Ng Mga Scout
Leaders Kundi Pati Na Rin Sa Tulong Ng Mga Magulang. Sa Puntong Ito, Inaanyayahan Namin
Ang Mga Magulang Ng Bagong Naitalagang Scout Para Sa Panunumpa. Tinatawagan Po Si

7
GINANG SHIRLEY P. MAGNO, Kinatawan Ng Mga Magulang Sa WFHS Scouting Committe, Para
Sa Panunumpa Ng Mga Magulang.

GNG. Shirley Magno:


Bigkasin Natin Ang Inyong Panata Bilang Mga Magulang Ng Mga Bagong Scouts. Itaas Ang
Kanang Kamay At Sumunod Sa Akin.
(Itataas Ng Mga Magulang Ng Batang Scouts Ang Kanilang Kanang Kamay.)

Ako Si (Sasabihin Ang Buong Pangalan) Bilang Magulang Ng Mga Scout Ng West Fairview High
School – Outfit No. 426 / Na Bahagi Ng Boy Scouts Of The Philippines – Quezon City Council
/Ay Nangangako Sa Lubos Ng Aking Makakaya/ Upang Suportahan Ang Aking Anak /Tumulong
Sa Pagsulong Ng Kanyang Ikauunlad / Turuan Siyang Gumawa Ng Kabutihan Araw-Araw At
Sikaping Mamuhay Na Isang Tunay Na Scout, Sa Isip, Sa Salita At Sa Gawa. Kasihan Nawa Ako
Ng Panginoon.

Tagapagpadaloy:
Palakpakan Po Natin Si G. Magno At Ang Ating Mga Magulang.

VII. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL


Tagapagpadaloy:
Ngayon Nama’y Tinatawagan Si Sctr. Mylene V. Llanes Para Sa Pagpapakilala Sa Panauhing
Pandangal.

VIII. MENSAHE NG MGA PANAUHING PANDANGAL


(Magpapahayag sina Commissioner Nolasco, Kapitan Quebal at Konsehal Visaya Ng Mensahe
Para Sa Mga Batang Scouts.)

Tagapagpadaloy:
Maraming Salamat Po, Regional Deputy Commissioner For Senior Scouting Reynaldo R Nolasco,
Jr., LT, Kapitan Jose Arnel Quebal at Senior Vice Chairman CD V Scouting Committee Konsehal
Joseph Joe Visaya para Sa Napakagandang mga Mensahe Para Sa Ating Mga Batang Scouts.
Palakpakan Po Natin Sila.

IX. Pampinid Na Pananalita / Hamon sa mga Scouts

Tagapagpadaloy:
Bago Po Natin Tuluyang Wakasan Ang Pagtitipong Ito, Tunghayan Po Natin Ang Pampinid Na
Mensahe Ni Konsehal Ram Medala, Chairman CD V Scouting Committee
(Magpapahayag Si Konsehal Medalla Ng Pangwakas Na Pananalita.)

Tagapagpadaloy: Maraming Salamat Po Konsehal Ram Medalla!

XI. PANGWAKAS NA GALIAN

Tagapagpadaloy:
Tinatawagan Po Natin Si E/S Christopher Lucas Para Sa Scout Benediction.

(Itaas Ang Ating Dalawang Kamay Ayon Sa Pagbabasbas Ng Scout)

Nawa Ang Dakilang Hignubay Na Pinagkaloob Sa Ating Lahat, Ay Punuin Ang Ating Mga Puso
Ng Biyaya, Pag-Ibig At Kapayapaan... Ngayon, Hanggang Sa Muling Pagkikita.

8
Magandang Umaga At Salamat Po Sa Inyong Lahat. Ako Po Si Sctr., Ang Inyong Naging
Tagapagpadaloy.

( Aawitin Ang “Walking With Bp” Habang Isa Isang Magpaalam Sa Programa.).

You might also like