You are on page 1of 8

PROGRAM FOR INVESTITURE 2024

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA
-Pagpasok ng scouts na pinangungunahan ng Senior Crew
Leader at Senior Patrol Leader
-Pagpasok ng mga kulay
-Panalangin
-Pambansang awit
-Boy Scout of the Philippinens Mission & Vision

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA


- Butihing bisita

III. INVESTITURE PROPER


-Pagbigkas ng pangako at batas ng scout ( 12 puntos )
-Paglalagay ng neckerchief
-Panunumpa at batas ng Scout/ Scout Oath and Law
-Senior Scout Code English

IV. AWIT NG SCOUTS

V. PANGWAKAS NA SEREMONYA
-Scout Benediction
-Paglabas ng mga kulay
-Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

SCT JHEATRISH: Ating tunghayan ang pagpasok ng scouts na


pangungunahan ng Senior Crew Leader at Senior Patrol Leader.

SCT JHEATRISH: Manatili po tayong nakatayo para sa


panalangin na pangungunahan ni Sct. Sven at susundan ng
panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas na
pangungunahan ni Sct. Hanna .

SCT SVEN: Iyuko po natin ang ating ulo at damhin ang presensya
ng ating Panginoon.
Itinataas namin ang aming puso at isip bago pa magsimula ang
seremonyang ito at sa liwanag ng kandila na sumisimbolo sa
ispiritu ng iskwating. Kami ay nagpapakumbaba na humihingi ng
inyong gabay, kaligtasan, at awa sa aming mga pagkakasala.
Ipagkaloob mo sa amin ang pagpapala na matutuhan ng mga
kabataan na maisakatuparan ang panunumpa at batas ng scout sa
kanilang gawi na may dangal at luwalhati.
Pagpalain nyo ang Boys Scouts of the Philippines at ang Kilusan
ng Scouting sa aming Paaralan pati na rin ang aming mga kapatid
na Scouts sa buong mundo. Punuin nyo po ng ispiritu ng
karunungan, karanasan, at kalakasan ang aming mga
Scoutmasters mula sa inyong kabanal-banalan na puso na
pamunuan, sa salita at gawa, ang mga kabataang scout patungo
sa tamang landas.
Sa bawat Crew Leader na responsableng pinamamahalaan ang
kanilang Crew, hinihiling din po namin, nawa’y kami ay
matulungan upang mapagsilbihan ng buong puso at makilalang
lubusan ang aming grupo. Tulungan nyo po kami na laging
sumaisip na higit na mahalaga ang kagandahang asal kaysa sa
kahusayan. Ipagkaloob nyo sa aming Crew at Outfit ang ispiritu ng
kasiyahan, pagpalain nyo po ang aming mga proyekto at tulungan
nyo po kaming makatulong sa iba ng sa ganon ang aming
natutuhan ay aming magamit ngayon at higit sa hinaharap.
Maraming salamat po sa pagkakaloob nyo sa amin ng
mapagmahal na magulang. Hangad namin na lagi silang maging
masaya, malusog, at bigyan nyo po sila ng pasensya ng mas lalo
po naming matutunan ang kanilang mga aral. Ito po ang samo at
dalangin sa inyong katamis-tamisang pangalan. Amen.

SCT JHEATRISH: Ang pagpasok ng Kulay. Manatili tayong na ka


tayo para sa pambansang awit ng Pilipinas.

SCT HANNA: Panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas.


( Baba Flags )

SCT JHEATRISH: Manatili po tayong nakatayo at sabay sabay


natin bigkasin ang BSP MISSION & VISION na pangungunahan ni
Sct. Faith Nicole Aganan at susundan ng Scout Code sa
pangunguna ni Sct. Patrick Angel Torres.

SCT FAITH: Boy Scout of the Philippines Mission & Vision

SCT PATRICK: (Senior Scout Code English)

SCT JHEATRISH: Maaari na po kayong magsiupo.

SCT JHEATRISH: Isang pinagpalang umaga po sa inyong lahat.


Sa araw pong ito ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng ating
mga scouts. Upang pasimulan ang programang ito, narito po ang
ating butihing Institutional Head MRS. AIDA J. MAPOY. Bigyan po
natin sya ng type A clap.

Maraming salamat po MRS. MAPOY

Inaanyayahan rin po natin si Investing Officer Scouter Joel C.


Garcia ALT w/ CMT upang bigyan din tayo ng isang
makabuluhang mensahe. Bigyan rin po natin sya ng type A clap.

SCT JHEATRISH: Maraming salamat po sa napakagandang


mensahe.

SCT JHEATRISH: Ngayon ay uumpisahan na natin ang


pagtatalaga sa mga Senior Scouts na pangungunahan ng ating
Troop Leader na si Carl D. Capangyarihan. Bigyan po natin sya ng
type A clap.

SCT CARL: Mga itatalagang scouts, kayo ay nandito sa aming


harapan at nag nanais na maging isang ganap na scout. Ito ba
ang iyong nais?

PARTICIPANTS: Sir, Yes Sir

SCTR. CARL: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang


miyembro ng scouting sa Golden Values Academy at sa kapatiran
ng scouting sa buong mundo.

(Sisindihan ang Unang kandila).


Sa harap ninyo ang isang nasindihang kandila. Ito ay sumasagisag
sa diwa ng scouting.
Ang adhikain ng scout na nakasaad ayon sa Panunumpa at Batas
ng Scout ay nagbibigay gabay para sa ating maayos at marangal
na pamumuhay at ito ay magiging isang pamantayan ng pag-
uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting
sa lahat ng oras. Kapag kayo ay naging isang ganap na scout
matututo kayo ng maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting.
Ang panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni Scout
Jonnazen G. Martin Outfit Adviser.

SCTR. JONNAZEN: Ang Panunumpa ng Scout; Sa ngalan ng


aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; upang
tumupad sa aking tungkulin sa diyos at sa aking bayan; ang
Republika ng Pilipinas. (Sisindihan ang gitnang kandila).

Sa ngalan ng aking dangal - Ang dangal ay ang pinaka mahalaga


at sagradong pag-aari sa iyong buhay. Kalakip nito ay ang inyong
pangalan, integridad at magandang reputasyon. Sa tuwing kayo’y
nanunumpa bilang isang scout, kayo’y nangangako na
mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang
ideyalismo ng gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya - Sa lahat ng iyong ginagawa,


ikaw ay nakipagtipan na gagawin mo ang lahat ng iyong
makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat
gawin at tapusin, kung tatapusin ito, tapusin ito ng mabuti. Ang
paggawa ng buong makakaya ay isang personal na pagsubok.
Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas ang
lahat ng iyong ginagawa.

Sa Diyos at sa Aking Bayan - Tayo, na kabilang sa kilusan ng


scout ay nananalig sa Diyos. Magkakaiba tayo ng pamamaraan ng
pagsamba sa kanya, ngayon tayo ay isa sa nagtitiwala at
naniniwala sa puong may kapal, na ating Diyos at Panginoon.
Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin
sya at sumunod sa kanyang kautusan na naaayon sa kanya-
kanyang paniniwalang pang-relihiyon. Makasusumpong kayo ng
kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupadin ang tungkulin para
sa ating Diyos.

SCTR. THESS: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang


buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa
ibang tao sa lahat ng pagkakataon. (Sisindihan ang ikatlong
Kandila)

Sumunod sa Batas ng Scout - Sa pamumuhay ng ating


sinumpaang pangako sa scouting kailangan natin ang batas ng
scout upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng
Batas ng Scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y
naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na
kayo’y magpasyang mamuhay ayon sa panunumpa at Batas ng
Scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon - Ang isang


dahilan kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa
kadahilanang nakatanggap ito ng suporta sa mamamayan. Ang
scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang
mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalagang bahagi ng
lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na
Scout.

SCTR. DEXCY: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang


buong makakaya; pamalagiing malakas ang aking katawan, gising
na isipan at marangal ang asal. (Sisindihan ang ika-apat na
kandila)

Pamalagiing malakas ang aking katawan - Sa ngayon, alam na


natin ang pagiging malinis at malusog. Kung ito ay masusunod,
matutulungan tayo nitong maging malusog at maligaya sa buhay.
Kung ninanais ninyong magkaroon ng isang alertong isipan at ng
kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing
malusog at malakas ang inyong pangangatawan.

Gising ang isipan - Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay


magpapakita ng alerto at matalinong isipan. Hindi dapat na puro
pisikal na lakas lamang; kailangan niya ding magkaroon ng gising
na isipan. Ang kanyang pagkilos ay dapat na maliksi. Kalkulado at
handang tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga
hinihingi ng pagkakataon.

Marangal ang asal - Kailangan ng scout na maging huwaran ng


magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinakamataas na
antas. Ang kanyang isip, salita at gawa ay laging nagpapakita ng
wastong asal.

(Susunod…… Ang pagsasalita ng 12 piling scout)


SCTR. PATRICIA: Ngayon naman ay dumako na po tayo sa batas
ng scout.

Sct. Bjorn: Ang scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang scout ay


nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga
panagko. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag uugali.
Siya ay maaasahan ng ibang tao.

Sct. Timothy: Ang scout ay MATAPAT. Ang scout ay matapat sa


kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa scouting, sa
paaralan at sa bayan.

Sct. Trevor: Ang scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may


kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na
hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Sct. Seth: Ang scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang scout ay kaibigan


ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa
Scout. Sinisikap nyang umunawa sa iba. Iginagalang nya ang mga
paniniwala at kaugalian ng ibang tao sa naiiba sa kanya.

Sct. Aaron: Ang scout ay MAGALANG. Ang scout ay magalang


sa sinuman, ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya
ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan
ng mga tao.

Sct. David: Ang scout ay MABAIT. Ang scout ay nakauunawa na


may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang ibang
gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi sya
nananakit at namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na
walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

Sct. Timothy Jacob: Ang scout ay MASUNURIN. Ang scout ay


sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at
kaibigan. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan
at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod nya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap nyang
mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

Sct. Althea: Ang scout ay MASAYA. Ang scout ay nagsisikap na


maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan
ang mga na atang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap nyang
makapagbigay ng lugod sa iba.

Sct. Alistair: Ang scout ay MATIPID. Ang scout ay gumagawa ng


paraan upang matustusan ang kanyang sarili at upang makatulong
sa iba. Nag-iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya
at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat sya sa
pag gamit ng kanyang panahon at ari-arian.

Sct. Daniel: Ang scout ay MATAPANG. Ang scout ay may lakas


ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang
pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at
matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

Sct. Rhyle: Ang scout ay MALINIS. Ang scout ay pinapanatiling


malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama s
amga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa
pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.

Sct. Anthelle: Ang scout ay MAKA-DIYOS. Ang scout ay


mapitagan sa Diyos. Tinutupad nya ang kanyang mga tungkulin
ng kanyang pananampalataya. Iginagalang nya ang paniniwala ng
iba sa kanilang pananampalataya.

SCTR. PATRICIA: Inaanyayahan namin si Scouter Jonnazen G.


Martin, Outfit Advisor sa paglalagay ng alampay sa mga scout.
Bigyan natin sya ng type A clap.

SCTR. JONNAZEN: Narinig ninyo ang Panunumpa at labing


dalawang puntos ng Batas ng Scout, tinatanggap ba ninyo ang
mga tungkulin at labing dalawang puntos ng batas na ito?

PATRICIPANTS: Ma’am, Yes Ma’am

SCTR. PATRICIA: Nawa ay isabuhay ninyo ang mga aral na ito,


inaanyayahan po namin ang mga magulang, ninong at ninang na
sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang anak o inaanak na
sumasagisag sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga
batang ito. Kasabay nito ay mga suporta na inyong ibibigay bilang
tulong sa mga scout.

SCTR. PATRICIA: At ngayon, upang opisyal na matalaga kayo,


inaanyayahan po namin muli ang kagalang-galang na si Investing
Officer SCOUTER JOEL C. GARCIA ( ALT w/ CMT ).
(Hintaying maging maayos ang lahat)

SCTR. JOEL C. GARCIA: Ngayon po ay sabay-sabay nating


ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng mga batang
itinalaga.

SCTR. JOEL C. GARCIA: Sa pamamagitan ng kapangyarihang


ipinagkaloob sakin ng Boy Scout of the Philippines. Itinalaga kayo
bilang opisyal na miyembro ng Boy Scout of the Philippines.

SCTR. PATRICIA: Maraming salamat po Scouter Joel C. Garcia.


Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga
bagong itinalagang scouts.

(Handshake & Awit ng Scouts)

SCTR. PATRICIA: Ngayon naman ay tinatawagan natin si Scouter


Jonnazen G. Martin, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa
inyong mga bagong itinalagang mga scout.

(Hamon at inspirasyon na ihahatid ni Scouter Jonnazen G. Martin)

SCTR. PATRICIA: Maraming salamat po Scouter Jonnazen G.


Martin. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga salita
upang pag ibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

SCTR. PATRICIA: Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang “


Scouting ay Sandigan”.

SCTR. PATRICIA: Magaling mga Scouts! Para sa Scout


Benediction, narito si SCOUTER CARL D. CAPANGYARIHAN,
Outfit Advisor.

SCTR. CARL: Mula sa pinaka dakilang hukluban at sa lahat ng


scout, naway sumaisip, sumapuso ang pagbibigayan at
pagmamahalan ng scout. Hanggang sa muling pagkikkita.

SCTR. PATRICIA: Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa


Golden Values Academy sainyong walang sawang pagsuporta sa
adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga po sa inyong
lahat.

You might also like