Professional Documents
Culture Documents
makakaya; Upang tumupád sa aking tungkulin sa Diyós at sa aking Bayan, ang Republiká ng
Pilipinas at sumunód sa Batás ng Iskawt; Tumulong sa ibáng tao sa lahát ng pagkakataón;
Pamalagiing malakás ang aking katawán, gisíng ang isipan at marangál ang asal.
SCOUT A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong
makakaya; Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng
Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)
Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinakamahalaga at sagradong pag aari sa
iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at magandang reputasyon. Sa
tuwing kayo’y nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na mamumuhay na ayon
dito upang
mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay. Gagawin ko ang buong
makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na
iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung
tatapusin ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay
isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas sang
lahat ng iyong ginagawa. sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout
ay na nanalig sa Diyos. Di man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya,
ngayon may tayo’y isa sa pag titiwala at paniniwla sa puong may kapal, na ating Diyos at
Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at sumunod
sa kayang kautusan na naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong
kayo ng kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.
Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng scout
upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan
ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na
kayo’y mag pasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout. Tumulong sa ibang tao
sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang
ito ay sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay
pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay nagpakita ng pagiging
mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.
SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing
malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang
kandila). Pamalagiing malakas ang aking katawan …
___________________________________________________________________________
Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga
kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.
Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.
Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man
ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa
magandang pagkakasunduan ng mga tao.
Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang
pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa
kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang
kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng
kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang
pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit
s i n i s i k a p n i y a n g m a b a g o i y o n s a m a t i w a s a y n a pamamaraan.
Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang
kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap.
Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya
sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.
Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa
panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala
niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.