You are on page 1of 4

Mga Bugtong

1. Ako’y may tapat na kaibigan,


saan man ako magpunta kasama ko kahit saan
Sagot: (Anino)

2. Hindi hari, hindi pari


suot niya ay sari-sari
Sagot: (Sampayan)

3. Langit sa itaas,
langit may tubig sa gitna
Sagot: (Niyog)

4. Bahay ni Ka Huli haligi’y bali-bali


ang bubong ay kawali
Sagot: (Alimango)

5. Bahayni Sta.Ines punong-puno ng perdigones


Sagot: (Papaya)
6. Ang kampanilya ni Pining, laging mapula sa tingin
Sagot: (Makopa)

7. Nagsaing si Insiong, nasa ibabaw ang tutong


Sagot: (Bibingka)

8. Ang ulo’y kabayo, liig ay pari,


ang katawan ay uod, ang paa’y lagari
Sagot: (Balang)

9. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako


Sagot: (Langka)

10.Kung patay ay kabuhayan,


kung buhay ay kamatayan
Sagot: (Bulkan)

11.Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin


Sagot:(Salakot)

12.Maliit pa si Nene, marunong ng manahi


Sagot: (Karayom)

13.Isda ko sa Maribeles, nasa loo bang kaliskis


Sagot: (Sili)

14.Itinapon mo na, bumabalik pa


Sagot: (Yoyo)

15.Dalawang katawan, tagusan ang tadyang


Sagot: (Tadyang)
16.Eto na si Betong, bubulong-bulong
Sagot: (Bubuyog)

17.Dalawang batong itim, malayo ang nararating


Sagot: (Mata)

18.Dumaan si Negro, nagkamatayan ang mga tao


Sagot: (Gabi)

19.Ang paa ay apat, hindi makalakad


Sagot: (Mesa)

20.Ang anak ay naupo na,


ang ina ay gumagapang pa
Sagot: (Kalabasa)

21.Ang katawan ay bala, ang bituka’y paminta


Sagot: (Papaya)

22.Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay


Sagot: (Kalendaryo)

23.Bulsikot ni kaka, punung-puno ng lisa


Sagot: (Suha)

24.Isang bunga ng bayabas, pito ang butas


Sagot: (Ulo)

25.Isang butil ng palay , nabuo ang bahay


Sagot: (Ilaw)

You might also like