You are on page 1of 2

Salamat Guro sa mga Gintong

Turo
ni Noel A. Hermida, Jr.

Ang A, Ba, Ka, Da ang nabanggit sa umpisa


Na nakaturo sa pisara at sa kartolina
Habang nakatitig sa aming mga munting mata
Na laging may hatid na ligaya at pag-asa

Uhaw sa kaalaman, katulad kung kabataan


Pinawi mo ito at pinunan ang aming mga isipan
Mga kaalamang hinding hindi malilimutan
Na babaunin namin saan man dalhin ng kapalaran

O, Aking guro na naging pangalawang amat ina


Kapag nasa inyong tabi kamiy walang pangamba
Sa oras na kami ay litong lito na,
Andyan kayo upang kami ay gabayan sa tamang daan

Sa lungkot at ligaya, kayo ay kasama


Takot at pangamba ay hindi alintana
Hirap man ay danasin suporta nyo ay nandyan parin
Salamat guro sa pagpapakita ng mabuting pagtuturo

Sa tulad kung estudyante, na ngayoy nasa kolehiyo

Patuloy pang lumalawig ang mga kaalaman ko


At itoy sa pamamagitan ng mga turo ninyo,
Hayaan nyot gagamitin ko sa mabuti ang mga aral na ito

Aking pasasalamat ngayoy binibigkas


Sa pamamagitan nitong munting tula na aking pinigtas-pigtas
Kulang pa nga ito sa pasasalamat kung wagas
Na kayo ang naging hagdan tungo sa pangarap na mataas

Di ko mabatid kung papaano ibabalik


Mga paghihirap ninyong sa amin ay hatid
Sa tingin koy sasapat na ang tatlong diplomay makamit
Na kahit gaano man kahirap, kukunin ko itong pilit

Kayat panalangin ko sa Poong Maykapal


Biyayaan pa sana kayo ng maraming kaalaman
Upang marami pang tulad kung kabataan ang inyong maturoan
Na magiging pag-asa ng buong sandaigdigan

Kayat saludo ako sa lahat ng guro


Na naging ilaw ng mga kabataan at sangkatauhan
Kayat hayaan ninyong bigkasin ko ang mga katagang,
Maraming Salamat Guro sa mga Gintong turo.

You might also like