You are on page 1of 2

Ang Kasaysayan ng Ating Pambansang

Watawat
Ang bandilang Pilipino ay nilikha ng madugong pakikibaka. Ginawa ito ng magigiting na kaanib
sa mapaghimagsik na Katipunan ni Bonifacio, na siyang nanguna sa pakikilaban sa Espanya.

Nang una, ang bandila nati’y binubuo ng kayong pula na siyang sagisag ng dugo ng mga kaanib
sa Katipunan, bilang tanda ng kanilang pagtatanggol sa Inang-Bayan. Ang araw ay
nangangahulugan ng pagsibol ng bagong bansa, kaya’t sa gitna ng tinurang araw ay may isang
titik na K na ang katuturan nama’y Kalayaan.

Nagkaroon pagkatapos ng iba’t ibang hugis, na ang lalong tanyag ay ang kina Heneral Pio del
Pilar at Gregorio del Pilar. Ang balangkas ng mga bandilang ito’y siyang pinagtularan ng
ngayo’y puting triyanggulo, na may dalawang guhit na paayun, araw, at mga bituin.

Ang maningning na tandang ito na buong pagwawaging iwinagayway noong unang taon ng
Himagsikan ay natiklop noong ika-27 ng Disyembre, 1897, nang lagdaan ang kasunduan sa
Biyak-na-Bato bilang pagtatabi ng tabak ng paghihimagsik.

Isang muling pagbabago ang ginawa ng Kapulungan sa Naik sa ating bandila noong ika-17 ng
Marso, 1897, nang ang K ay alisin sa gitna ng Araw.

Ang bandila ngayon ay kahugis noong sa 1898, na ginawa’t pinagtibay ng Junta Patriotica,
sanggunian ng mga tapong Pilipino sa Hongkong, at dinala sa Pilipinas ni Heneral Emilio
Aguinaldo noong ika-19 ng Mayo, 1898. Sa maraming paglalabanang sumunod, nang magbalik
ang mga Pilipino sa kanilang lupain, ang bandila, na lalong naging makahulugan sa
pagkakaragdag ng tatlong bituing kumakatawan sa tatlong malalaking pulo ng Pilipinas, ay
buong tagumpay na iwinagayway ng ating hukbo ng Himagsikan.

Ang bandilang ito ay siya nang kinikilalang watawat ng Republika Pilipina noong ika-12 ng
Hunyo, 1898, sa Kawit, Kabite. Siya na ring sumaksi’t nagpatibay sa pagpapasinaya ng
Republika sa Malolos, Bulakan, noong ika-23 ng Hunyo, 1899. Ito na rin ang sumaksi sa
pagwawagi’t pagkatalo ng mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano hanggang sa mahuli si
Aguinaldo sa Palanan, Isabela, noong ika-23 ng Marso, 1901.

Sa loob ng mga unang taon ng kapangyarihang Amerikano sa Kapuluan, ang paglaladlad ng


bandilang Pilipino ay naging sanhi ng di pagkakaunawaan, kaya’t ang Komisyon, noong ika-23
ng Agosto, 1907, ay nagpatibay ng batas Big. 1696, na kilala sa tawag na Batas sa Bandila na
nagbabawal ng paglaladlad ng bandilang Pilipino sa alin mang pook kahit sa tahanan. Tuwing
magbubukas ng pulong ang Batasan, mula noong 1908 hanggang 1914, ang mga lider na Pilipino
ay gumagawa ng hakbang na tungo sa ikawawalang-halaga ng tinurang batas. Nagtamo sila ng
tagumpay tungkol dito noong ika-22 ng Oktubre, 1919, na panahon ng Gobernador-Heneral
Francis Burton Harrison.

Ang pagkapabalik ng bandilang Pilipino ay nangahulugan ng pagkilala sa pagka-bansa ng


Pilipinas, kaya’t sa kasalukuyan, ang ating bandila na sagisag ng bagong kalayaan, at ng bagong
bansa, ay hindi kapiling na nakawagayway ng bandilang Amerikano.

You might also like