Professional Documents
Culture Documents
Ines
BA Development Studies
Student #: 2015-46076
Miguel Malvar ay sumuko na din dahil nahirapan na silang labanan ang malakas na militar ng
Amerika noong Abril 17, 1902. Isa sa mga nahuli noon ay si Macario Sakay. Siya ay
pinakawalan at binigyan ng amnestiya ng mga Amerikano ngunit sa isang kondisyon, dapat siya
ay manumpa rin sa harap ng watawat ng Amerika at itigil na ang mga rebolusyong Gawain laban
sa Amerika. Si Macario Sakay at ang kanyang mga kaibigan ay namuhay ulit ng normal na
nakakapaglakad lang sa mga kalsada na walang gustong pumatay sa kanila. Ngunit ng tumagal,
hindi nila matanggap na nasa ilalim sila ng pamamahala ng Amerika kaya sila ay gagawa ulit ng
panibagong Republika upang labanan ang pamahalaan. Kung kayo ay nagtataka kung bakit
mahaba ang buhok ni Macario Sakay, ipinaliwanag niya ito sa palabas. Sabi niya, kung gaano
daw kahaba ang kanilang buhok, ganun din daw katagal at kahaba ang itatagal nila sa mundong
ito.
Noong una, pag sinabing Macario Sakay, ang mga reaksyon ng mga Amerikano ay di tulad
sa kanila Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo. Sila ay mas takot kila Andres at Emilio. Hindi
nila nakikita si Macario Sakay bilang isang malaking banta sa kanilang pamamahala. Isa sa mga
hakbang na ginawa nila Macario Sakay at ng kaniyang grupo ay ibalik muli ang Katipunan.
Gusto nilang magkaisa ulit ang mga Filipino upang labanan ang masamang pamamahala ng mga
Amerikano. Pangalawa nilang hakbang ay nagtayo sila ng tinatawag nilang Republikang
Katagalugan. Si Macario Sakay ang naging bagong Presidente sa bagong Republika na ito. Bago
nila labanan ang Amerika, plinano muna nila na maging masipag sa pang-aagaw ng armas sa
mga Amerikano dahil sila ay kulang na kulang sa kagamitan, particular na sa mga armas
panlaban. Tumutulong din ang mga prinsipalia tulad nila Don Ramon sa pagbibigay ng tulong
kagamitan sa mga gerilyang ito. Plano din nila Macario Sakay na sakupin ang mga base military
ng Amerika. Hindi mapagtagumapayan ng Amerika ang kanilang buong pananakop sa Pilipinas
dahil sa mga gerilya na pilit pa ring lumalaban tulad nila Macario Sakay. Binigyan si Sakay ng
isang sulat galing sa pamahalaan ng Amerika na nagsasabi kung siya ay susuko at ititigil na ang
pakikipaglaban, sila ay bibigyan ng amnestiya at hindi paparusahan sa kanilang mga
pinaggagawang paglaban sa pamahalaan ng Amerika. Ngunit noong July 1906, sila ay
inanyaahan sa isang sayaw ngunit ng sila ay dumalo, isa lamang pala itong patibong ng mga
Amerikano upang dakpin si Macario Sakay. Noong Setyembre 13, 1907, siya ay binitay. Bago
siya bitayin, sinabi nya na hindi sila mga tulisan tulad ng paratang sa kanila ng mga Amerikano.
Sila ay mga kawal na lumaban para sa bayan, mga kawal na lumaban para sa kalayaan ng
republikang Pilipinas.
Ang pinagkaiba ni Macario Sakay sa mga iba pang bayani ay ang kanyang matatag na
paninindigan na labanan ang panunungkulan ng Amerika dito sa ating bayan kahit pa noong una
pa lamang ay siya ay nahuli na. Siya lang siguro ang nakilala kong bayani na lumaban, nahuli,
bnigyan na ng magandang buhay ng mga mananakop at di natakot na lumaban ulit upang wala na
tayong kapwa Filipino na nahihirapan sa pananakop ng mga dayuhan sa ating bayan.
Ang palabas na ito ni Raymond Red kay Sakay ay isang magandang palabas na dapat
pinapanood ng mga bata ng mga panahong ito kaysa sa mga telenovela na wala naman silang
matututunan. Maganda rin ang mga gantong klase ng palabas dahil mas lalo nating makikilala
ang mga ibang bayani na hindi masyadong nabibigyan ng pansin tulad nila Andres Bonifacio at
Apolinario Mabini kaya ang mga bata ngayon kung sila ay tatanungin, kakaunti lang ang
nakakakilala kay Macario Sakay at ang kaniyang nagawa para makamit ang kalayaan na matamis
na tinatamisa nating mga Filipino ngayon. Sana maraming pang palabas ang magawa tulad ng
mga ganto upang mabigyan din ng pasasalamat ang ating mga magigiting na bayani.