You are on page 1of 3

Sitwasyong Pangwika sa Text

Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (Short Messaging System) na lalong


kilala bilang text message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating
bansa. Katunayan, humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at
natatanggap sa ating bansa araw-araw kaya naman tinagurian tayong‘’Texting Capital of
the World.’’

Texting, sinasaklaw nito ang estadong pamamahayag ng saloobin ng mga


indibidwal bilang isang epektibong komunikayon sa mundo. Dahil dito ito ang pinakasikat
na uri ng komunikasyon sa ating henerasyon.

Ang Text o SMS(Short Messaging System) ay isang mahalagang bahagi ng


komunikayon sa ating bansa. Dahil pinapadali nito ang pagpapadala at pagtatanggap ng
mensahe.

Gamit ng Text
 Madalas itong gamitin ng mga raong nasa larangan ng Medesina at kalakalan.
 Ginagamit din ito ng mga pipi para sa kanilang pakikipag-usap
 Napapadali ang pagkalat ng impormasyon.
 Ginagamit din ito ng tao na kung hindi niya masabi ang kanyang personal na
mensahe.

Mga Katangian ng WIka sa Text


 Ginagamit ang CODE SWITCHING o panghihiram
Ang palit-koda o code switching ay isa sa mga modernong paraan ng
pagpapahayag. Ito ay ang paggamit ng dalawang wika sa isang pahayag. Ang dalawang
wika na kadalasang nagagamit ay Ingles-Filipino. Ito'y nangyayari dahil hindi madali para
sa iba ang magsalita ng purong Ingles.

Nangyayari ang palit koda dahil higit na madaling maunawaan ito pagdating sa
pagbibigay ng opinyon at pagbibigay pangkahulugan.

Ang pagpapalit wika ay hindi lamang lumilitaw sa mga pahayag na mga salita kundi
may sadyang gampanin. Si Gumperz (1982) ang nagsasabing ang pagpapalit wika ay
maaaring matagpuan sa halos lahat ng sulok ng paguusap at maaaring gumanap ng alinman
sa mga sumusunod:

(1) Pagpapakilala sa tahasang sinasabi (auotation) o inulat sa pahayag (reported speech) ng


iba.

(2) Pagtiyak sa tao/kausap na pinatutungkulan ng mensahe.

(3) Pagpapakilala ng interiection o bilang pamuno sa pahayag.

(4) Paguulit ng mensahe upang ito’y linawin o bigyang diin.

(5) Paglinaw sa anumang pahayag.

(6) Pagpapakilala ng personal na opiniyon o kaalaman bersus pagtukoy sa isang


katotohanan.
Halimbawa:

Natanggap ko ang text mo kahapon pero wala akong load kaya hindi ako nakapag-reply.
I saw you yesterday sa palengke. Anong binili mo?

 Ginagamit din ang SHORTCUTS.

Halimbawa:
Fr= For real
Omcm= Mismo
Xori = Sorry
Gege = sige sige
Lt = Laught trip
Saks = sakto lang
Og = Original
Gtg = Gotta go
Brb = Be right back
Ngl = Not gonna lie
Istg= I swear to G

 Paggamit ng mga numero upang mapaiksi ang mga salita

Halimbawa:
- [ ] 22o = totoo
- [ ] ge2 = gege = sge sge
- [ ] bak8 = bakit
- [ ] ku2nin = kukunin
- [ ] prob5-problema
- [ ] 6al-animal
- [ ] res7- respeto

 Pagtanggal sa mga patinig.

Halimbawa:
Ozg = O sige
Kc = kasi
Nmn = naman
Bkt = bakit
Nlng = nalang
Txtq = text ko
Msg = message

Ang representasyon ng Text Messaging ay nagkakaroon ng katangiang mas maging


maikli at simple dala ng prosesong pinagdaraanan nito sa pamamagitan ng matiyagang
pagpindot sa maliliit na letra ng telepono. Maaaring maintindihan lang sa konteksto ng
pagpaloob nito sa tiyak na tinutukoy ng pangungusap.

Patunay na patuloy lumalago sa wika ang lipunan upang umayon ang representasyon sa
kahingian ng sitwayon, panahon at okasyon.

Sa panahon ngayon ang sitwasyon pangwika sa Text ay nauso at mas madalas na


ginagamit ang mga hindi kompleto na mga salita upang makipag-usap gamit ang text
dahil na rin ito’y mas mabilis maipadala ang mensahe sa kausap.
https://www.coursehero.com/file/18646280/Sitwasyong-Pangwika-sa-Text/

https://prezi.com/ls-4damzqx4o/sitwasyong-pangwika-sa-text/

http://paggamitngcodeswitchingngmgamagaaral.blogspot.com/2017/10/paggamit-ng-

code-switching-ng-mga-mag.html

You might also like