You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

PAMBANSANG WIKA
PANAHON
NG PAGSASARILI
Noong Hulyo 4, 1946, ipinahayag na
ang wikang opisyal sa Pilipinas ay
Tagalog batay sa Batas Komonwelt
Bilang 570

Sa panahong ito na balam na naman


ang pagpapaunlad sa wikang pambansa
dahil muling namayagpag ang wikang
Ingles bilang midyum ng komunikasyon
sa mga pahayagan at pamahalaan.
Sa pamamagitan ng Proklamasyong
Bilang 12 na nilagdaan ni Pangulong
Ramon Magsaysay noong Marso 26,
1951, ipinagdiwang ang Linggo ng
Wikang Pambansa

Nagsimula ang pagdiriwang mula


Marso 29 hanggang Abril 4 taun-
taon.
Nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang Proklamasyon Blg.
186 noong Setyembre 23, 1955 na
nag-uutos sa paglilipat ng petsang
Linggong Wika mula ika-13 hanggang
19 ng Agosto bilang pagbibigay ng
kahalagahan sa kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon
(Agosto 19).
Noong Pebrero, 1956,
nilagdaan ni Gregorio
Hernandez, Direktor ng
Paaralang Bayan ang Sirkular
21 na nag-uutos na ituro at
awitin ang Pambansang Awit
sa mga paaralan
Nagpalabas si Kalihim Jose E.
Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong
Agosto 13, 1959 na nagsasaad na
kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino
ang gagamitin.
Lahat ng tanggapan at gusali ay ipinangalan
sa wikang Pilipino. Ang mga dokumentong
pang gobyerno tulad ng panunumpa sa
trabaho, pasaporte at visa ay nakasaad sa
Pilipino.

Ginamit ang wikang Pilipino sa iba’t


ibang lebel ng edukasyon

Ginamit ang wikang Pilipino sa mass


media tulad ng telebisyon, radyo, komiks
Nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nag
tatadhana ng pagsasa-Pilipino ng
mga pangalan ng gusali, edipisyo
at tanggapan ng pamahalaan
noong Oktubre 24, 1967.
Noong Marso 27, 1968, nilagdaan
ni Rafael Salas, Kalihim
Tagapagpaganap, ang
Memorandum Sirkular Blg. 96
nanag-aatas ng paggamit ng
wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga
transaksyon ng pamahalaan.
Nagpalabas ng Memorandum
Sirkular Blg. 488 noong
Hulyo 29, 1972 na humihiling
sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng
Linggong Wika.
Sa kabila ng mga pagbabagong
ito, hindi pa rin matanggap ng
ibang sektorang Pilipino ang
wikang Pambansa.

Maraming mga pagtatalong


pangwika ang naganap sa 1972
Kombensyong Konstitusyunal
Naging mainit na isyu ang
probisyong pang wika
hanggang sa ang naging
resulta ng maraming pagtatalo
at pag-aaral ay ang
probisyong Seksiyon 3 (2) ng
Artikulo XV sa kasalukuyang
Konstitusyon ng Pilipinas
Samantalang ang “Ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng
mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na
paggamit ng pambansang wikang
Pilipino at hangga’t hindi binabago
ang batas, ang Ingles at Pilipino
ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas."

You might also like