Enggalog? Pidgin? Creole? Clegian Jargon? Bakla Jargon? Chrislingo? Yaya Jargon? Ano nga ba?
Ilang bagay ang masasabi natin agad tungkol dito.
Una: Resulta ito ng sobrang impluwensiya ng English sa
Filipino (Pilipino, Tagalog). Manipestasyon ito ng mga nalilitong kabataan. Ikalawa: Karaniwan itong naririnig sa mga babaeng estuyante na karamihan ay anak-mayaman na nagsisipag-aral sa eksklusibong pribadong paaralan sa kamaynilaan. At ginagaya naman sila ng ibang estudyanteng ibig magpa-class, wika nga, lalo na ng mga PROMDI (from the province)
Ikatlo: Hindi ito itinuro sa paaralan ngunit sa mga
estudyante sa paaralan naririnig. Nakakatuwa. Hindi ba? Ikaapat: Sa paningin ng isang karaniwang estudyante, maaaring ito ay “gibberish” o “sinangkutsang” mga salita. Hindi niya ito kikilalaning matinong pangungusap. Maaaring sabihin niyang ito’y “deviant” o kaya ay “isolated sentences”
Ngunit suriin pa natin. Ang totoo, maraming “kamag-anak”
ito, tulad ng: “Let us go na. They might think we are making usap here” “you make tawad naman, o” At maraming pang iba. Paano kaya nagsimula ang ganitong tipo ng mga pangungusap?
Marami sa mag-asawang Pilipino ang nagpipilit na maging
English-Speaking lahat ng kabilang sa kanilang tahanan. Ngunit, ang problema, malimit na wala sa bahay ang mag- asawa kung araw at kung dumating ay gabi na at tulog na ang mga bata. Kaya’t sa buong maghapon, ang naririnig ng mga bata ay ang uri ng Ingles ng kanilang mga tsimay o tsimoy. At alam natin na napakabilis tumanggap o matuto ng wikang kaniyang naririnig sa paligid ang isang tao sa panahon ng kaniyang kamusmusan. ANTAS NG WIKA MGA LAYUNIN:
a. Natutukoy ang mga antas ng wika
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa paggamit ng antas ng wika c. Nakapagtatala ng mga salita at iuuri ayon sa kinabibilangang antas ng wika 22URI URING NGANTAS ANTASNG NGWIKA: WIKA:
A. A.PORMAL PORMAL B. B.DI-PORMAL DI-PORMAL A. PORMAL
-ito ay ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala
ng higit sa nakararaming tao lalo na ang mga may pinag- aralan. A. PORMAL
1.1 PAMBANSA
Ito ang pinakagamitin sa lahat sapagkat nauunawaan ito
ng buong bansa.
Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla.
Hal: pulis, tao, damit, simbahan
1.2 PAMPANITIKAN
Ito ang pinakamataas na lebel ng wika sapagkat mayaman
ito sa paggamit ng mga idyoma, tayutay at matatalinhagang pananalita.
Hal. Korona- kapangyarihan, kayamanan, katanyagan
bulaklak- dilag, dalaga mabulaklak ang dila di-maliparang uwak balat-sibuyas Naniningalang pugad Magsinungaling Isang kahig,isang tuka Matulungin Nagbibilang ng poste Ina Di mahulugang karayom Naghihirap Butas ang bulsa Walang trabaho Ilaw ng tahanan Nanliligaw Bukas ang palad Matao Bahag ang buntot Walang pera Maglubid ng buhangin Duwag B. DI-PORMAL
-ito ay ang mga wikang karaniwang ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan. B. DI-PORMAL 2.1 LALAWIGANIN
Ito ang mga wikang ginagamit sa iba’t ibang lalawigan.
Ito ay diyalekto ng isang wika.
Hal: vakkul-pantakip sa ulo ng mga Ivatan
t’nalak- habing yari sa abaka ng mga T’boli cabalen(Pampango)- kababayan Inday(Bisaya)- magandang babae TAGALOG ILOKANO SEBUANO BIKOLANO Aalis Pumanaw Molakaw Mahali Kanin Inapoy Kan-on Maluto Alikabok Tapok Abug Alpog Paa Saka Tiil Bitis Ibon Bilit Langgam Gamgam Halik Ungngo Halok Hadok
Kaibigan gayyem higala Amiga
2.2 KOLOKYAL
Ito ang mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong
impormal.
Hal: nasaan- nasa’n aywan- ewan
hintay ka- teka piyesta-pista mayroon-meron saan ba- sa’n ba hayun- ‘yun kailan- kelan kita mo- ta’mo kamusta-musta 2.3 BALBAL
Ito ang pinakamababang lebel ng wika na kung saan
impormal itong nalikha at nabuo. Katumbas ito ng slang sa Ingles. Karaniwan dito ang mga salita ng mga bakla o gay lingo, salita ng mga tambay. Patunay ng pagiging pagkamalikhain ng tao at pagiging buhay ng wika. salitang kanto o kalye Hal:
anda- pera parak-pulis
tol- kapatid iskapo- takas dehins- hindi epal- mapapel chaka- hindi maganda chibog- pagkain 143- i love you tsikot- kotse jontis- buntis praning-baliw okrayin- asarin yosi-sigarilyo tsimay-katulong pare- kaibigan WAKAS PANGKATANG PAGSASANAY PANUTO: Tukuyin at isulat sa hanay ng wastong antas ng wika ang kinabibilangan ng mga salitang may salungguhit sa tula. ESTUDYANTE Aurora S. Sion
T’wing bukang liwayway sila’y pandalas na
Upang di mahuli doon sa eskwela Karipas ng takbo at kandarapa pa Ganyan ang eksena kapagkaumaga.
Sa silid-aralan iyong mamamalas
iba-ibang mukha ang mababanaag Mayroong sumpungin,kikay, talipandas Mahangin, matyaga at ubod ng sipag. Ang pisi ng guro ay nauubos din Sa mga batugan, Pasaway,iyakin Bumabawi naman iyong magagaling Na sadyang ang dunong kay daling pandayin.
Wa epek kung minsan ang manahimik lang
Dahil ang pasensya nauubos naman Kapag mga sutil nagkasabay-sabay Guro’y di mapigil na sila’y tadyakan. Pasemplang-semplang man itong marka nila Ay nagbabago rin kung kausapin na Kung hindi titino tiyak lagot sila Sa erpat at ermat nilang sinisinta.
Kung minsan ang syota ang inaatupag
Husto lang sa japorms hindi tumutupad Sa mga pangakong twina’y hinahayag Ganyan estudyanteng naligaw ng landas.