You are on page 1of 1

Manimimbin (Epiko ng Palawan)

Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si Nicole Revel
sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan kay Masinu. Nalathala
ito sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses at Ingles. Isa pang epikong-
bayang Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983 at muling inilathala noong
1991 nang may salin sa Filipino ni Edgardo Maranan.

Buod ng Manimimbin

Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siyá ng isang


babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si Labit, na
naging kaibigan ni Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at
Labit. Dahil kapuwa may mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at
walang manalo. Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nilá
ang Kulog at bumalik silá sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga
mahiwagang ibon at ng Binibini ng mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay na pag-
iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit
sa kapatid ni Manimimbin.

You might also like