You are on page 1of 3

Ullalim (Epiko ng Kalinga)

Ang Ullalim ang epikong-bayan ng mga Kalinga sa Cordillera. Isang bantog na bayani
sa naturang epikong-bayan si Banna ng Dulawon. Noong 1974, inilathala nina
Francisco Billiet at Francis H. Lambrecht ang ilan sa kaniyang mga
pakikipagsapalaran.

Buod ng Ullalim

Simula

Sa Nibalya da Kalinga (Kasal ng Magkaaway), sinalakay nina Banna ang isang nayon
para mamugot. Nagkaroon ng madugong labanan at napahiwalay siy� sa mga kas�ma.
Dahil tinutugis ng mga kaaway, naisip niyang tumalon sa ilog at magpatangay sa
agos. Nakarating siy� sa isang kaaway na nayon at nakita ni Onnawa, na dagling
umibig sa kaniya. Nag-iisa noon si Onnawa dahil n�sa pamumugot din ang ama at mga
kanayon. Nags�ma sina Banna at Onnawa bago umuwi ang mandirigma. Nabuntis si
Onnawa, at para mailihim ang nangyari ay ipinaanod sa ilog ang sanggol na si
Gassingga, kas�ma ang mga handog sa kaniya ni Banna. Mabuti�t nasagip ang sanggol
ni Mangom-ombaliyon at pinalaking isang mahusay na mandirigma.
Kasukdulan
Si Banna naman ay nanligaw sa magandang si Laggunawa. Ngunit ang gusto ng ama ng
babae ay ipakasal ito sa sinumang makapapatay sa higanteng si Liddawa. Marami nang
mandirigmang nabigo na mapugot ang ulo ni Liddawa. Nabalitaan din ni Gassingga ang
kondisyon ni Laggunawa at nagpasiyang lumahok. Nagdal� siy� ng alak sa nayon ni
Liddawa at hin�mon ang lahat ng inuman. Nang malasing si Liddawa, pinugot ni
Gassingga ang ulo nit� at dinal� sa bahay ni Laggunawa. Ipinabalita ang kasal nina
Gassingga at Laggunawa.
Wakas
Nagalit si Banna sa nangyari at nagsadya sa bahay ni Laggunawa. Hin�mon niya ang
hindi nakikilalang anak. Nag-isip ng paraan si Laggunawa para mapigil ang labanan.
Binigyan niya ng pagsubok ang dalawa. Nagwagi sa pagsubok si Banna. Ngunit kinain
ng malaking saw� si Gassingga. Ipinasiyang iligtas si Gassingga. Pati si Mangom-
ombaliyon ay dumating. Nailigtas ni Banna si Gassingga at nakilala ang anak. Sa
dulo, nagkaroon ng dalawang kasalan. Binalikan ni Banna si Onnawa para pakasalan.
Ikinasal din sina Gassingga at Laggunawa.

Manimimbin (Epiko ng Palawan)


Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si
Nicole Revel sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan
kay Masinu. Nalathala ito sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa
Pranses at Ingles. Isa pang epikong-bayang Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala
sa Paris noong 1983 at muling inilathala noong 1991 nang may salin sa Filipino ni
Edgardo Maranan.

Buod ng Manimimbin
Simula
Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siy� ng
isang babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuy�. May kapatid ang
babae, si Labit, na naging kaibigan ni Manimimbin.
Kasukdulan
Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at Labit. Dahil kapuwa may
mahiwagang ka�pangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang manalo. Naisip
nil�ng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nil� ang Kulog at
bumalik sil� sa lupa.
Wakas
Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga mahiwagang ibon at ng
Binibini ng mga Isda, nagwa�kas ang epikong-bayan sa sabay na pag-iisang-dibdib
nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit sa
kapatid ni Manimimbin.
Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa
Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa
itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nit� ang paggamit ng mga pangalang
naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang
nagtal� ng epikong-bayan noong 1889 at si Canuto Medina na nagtal� noong 1906.
Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong
1927 at pinags�ma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo
Yabes noong 1935.

Simula Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago


siy� ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don
Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan
hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang bat� si Lam-ang dahil k�ya na
niyang magsalita at may taglay siy�ng kakaibang lakas.
Kasukdulan
Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na
umalis ang kaniyang ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at
pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na
nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siy�, nakita niya ang ulo ng
kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.

Wakas
Nang bumalik siy� sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan
siy�. Nang maligo siy� sa Ilog Amburayan, namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang
libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng
pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siy� sa nasabing lugar, kas�ma ang
tandang at aso niya. Nakarating siy� matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at
pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan.
Naibigay din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nit� kay� ikinasal ang
dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siy� ng berkakan, isang malaking
isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang lab� at sa tulong ng kaniyang
tandang, muli siy�ng nabuhay at namuhay nang matiwasay.

Sandayo (Epiko ng Zamboanga)


Ang Sandayo ay epikong-bayan mula sa mga Subanon na naninirahan sa bulubunduking
nasa hanggahan ng Hilaga at Timog Zamboanga. Kinalap, itinala, at isinalin ito sa
Ingles ni Virgilio Resma, isang pampublikong guro sa Misamis, mula sa salaysay ng
isang babaeng Subanon na kilala bilang si Perena, sa loob ng pitong magkakasunod na
gabi, simula ika-9 ng gabi hanggang ika-3 ng madaling-araw, noong ika-9 hanggang
ika-16 ng Hunyo 1980. Una itong nailatlahala sa pamagat na Keg Sumba Neg Sandayo sa
Kinaadman: A Journal of the Southern Philippines noong 1982. Pinamagatan naman
itong Sandayo sa salin sa Filipino ni Antolina T. Antonio bilang pagkil�la sa
bayani ng epikong-bayan.

Simula
Pangunahing tauhan ng epikong-bayang ito si Sandayo, anak nina Datu Salaria at ng
asawa nitong si Salaong ng Tubig Liyasan.

Kasukdulan
Gayunman, hindi siya iniluwal ng kaniyang ina kundi nahulog sa buhok nito sa
ikasiyam na ulit na pagsuklay.

Wakas
Sa pagsapit ng kaniyang unang buwan, ipinasiya ni Sandayo na maglakbay at mula roon
ay masasaksihan ang katapangan at kahusayan ng bayani sa pagharap sa mga hamon at
labanan.
Binubuo ng 4,843 taludtod, isa ang Sandayo sa tatlong epikong-bayan ng mga Subanon.
Ang dalawa pang nailathala na rin ay ang Ang Guman ng Dumalinao na binubuo ng 4,063
taludtod at ang Ag Tobig Nog Keboklagan na binubuo ng 7,960 taludtod. Kilal� rin
ito sa tawag na guman na tumutukoy hindi l�mang sa epikong-bayan ng mga Subanon
kundi maging sa paraan ng pag-awit nito. Nagaganap ang pagsasalaysay nito sa isang
buklog, ang isang linggong pagdiriwang na kinapapalooban ng awitan, sayawan, at
kainan. Kaugnay nit�, pinaniniwalaan ng mga Subanon na kapag may isang ibong dumapo
sa bubong sa panahong inaawit ang epiko, ito ay ang kaluluwa ni Sandayo�ang
bayaning mangangalaga sa kanilang mga lupain at tubigan at magpapanatili ng
kapayapaan at kaayusan ng pamayanan.

Tudbulul (Epiko ng Mindanao)


Mula sa pamayanang Tiboli ng lalawigan ng Timog Cotabato, Mindanao ang epikong-
bayang Tudbulul. Isinasalin ang salaysay nit� sa iba�t ibang pangkat at panahon sa
pamamagitan ng pag-awit o helingon. Ang mga awit o lingon na bumubuo sa epikong-
bayan ay tinatawag sa loob ng pamayanang Tiboli na Lingon Tuha Logi (�Awit ng
Matanda�). Malawakan naman itong kinikil�la bilang Tudbulul dahil ito ang pangalan
ng bayaning tauhan.

Tinatay�ng may 20 hanggang 24 na lingon ang epikong-bayan, at bawat isa ay


nagsasalaysay ng isang buong kuwento. Nagsisimula ang epikong-bayan sa awit na
Kemokul Laendo nga Logi (�Walang Anak si Kemokul�) na nakatuon sa pagnanais ni
Kemokul na magkaroon ng anak na lalaki na siy�ng magtatanggol sa kanilang
pamayanan, ang Lemlunay. Ang kapanganakan ni Tudbulul ang magiging katuparan ng
kaniyang nais. Ipinahihiwatig ang kadakilaan ng sanggol ng mga kakambal nit�ng
gamit pandigma: sombrero, kalasag, mamahaling gong, at isang kabayo.

Ang pag-awit ng Tudbulul ang siy�ng pinakatampok sa anumang pagtitipon ng


pamayanan. Isinasagawa ito tuwing Klalak, ang bahagi ng pagdiriwang kung kailan
tapos nang kumain ang lahat at wala nang iba pang gagawin maliban sa pakikinig ng
lingon. Itinuturing na sagrado ang pag-awit ng epikong-bayan dahil ang kanilang
diwata ang nagsasabi kung ano ang kanilang dapat isalaysay. Ginagawa ang helingon
h�bang nakaup� at mahigpit na ipinagbabawal ang paghiga. Kaugnay nit�, mataas ang
pagtingin ng mga Tiboli sa umaawit ng epikong-bayan at pinatutunayan ng paghahandog
sa kaniya ng mga pagkain at regalo sa katapusan ng pagtitipon.

You might also like