You are on page 1of 2

Magsisimula ang pagtatalakay sa simula ng naiambag sa pagpili ng paksa, pagsusulat ng

konseptong papel, pagbubuo ng vidyo at infographics at ang paghahanda para sa presentasyon.

Nung unang ibinahagi ni Ms. Jumarang ang aming adbokasiya na kailangang gawin ay
napaisip ako at ang aking kagrupo. Ano nga ba ang magandang adbokasiya sa panahon naming
ngayon? Sa aming pagiisip, naisip ko na padami na ng padami ang bilang ng mga mahihirap sa
Pilipinas ngunit kung kahirapan na naman ang paksa ng aming adbokasiya ito ay gamit na gamit
na sa larangan ng mga ganitong bagay. Dahil dun naisip ko na badjao ang aming ipaksa dahil
nadami na ang badjao o ang mga naninirahan sa lansangan at namamalimos sa tabi ng kalye.
Pagdating ng aming paguusap ay parehas at iyon din ang naisip ng aking kagrupo napakasaya
naman at hindi na kami mahihirapan sa pagpili dahil iisa ang aming nais at naisip na paksa sa
aming adbokasiya. Dahal dito nabuo ang titulo na ANG BADJAO SA BARANGAY MALITAM:
ANG MASALIMUOT NA HATID NG BUHAY. Nabuo ang titulong ito dahil sa pagtutulungan
naming apat na magkakagrupo. Nuong una ay wala pa kaming lugar kung anong lugar ba talaga
ang aming gagamitin isa sa mga napagpiliian namin ay ang Cuenca, Lipa at Batangas city ngunit
nakausap ng isa sa aking kagrupo ang aming dating guro sa Cuenca Institute na sa brgy. Malitam
nga daw ay maraming badjao. Sa aming pagsasarbey ay napagalaman namin na may sitio badjao
nga daw duon kaya iyon ang aming napiling lugar dahil mas madali kaming makakapagpatuloy
ng aming adbokasiya sa lugar na magkakasama na ang mga badjao.
Ang kahirapan ay lagi ng ginagamit sa mga ganitong adbokasiya, dahil sa paguusap ng
aming grupo ay nabuo namin ang aming adbokasiya na naglalaman na maipaalam sa mga tao
at lalo na sa kabataan na ang mga badjao ay hindi lang tulad ng iniisip natin sa kanila. Ito ay may
layunin na ipakilala kung sino nga ba talaga ang mga badjao at kung paano sila namumuhay sa
araw araw. Ito ay pinamagatang ANG BADJAO SA BARANGAY MALITAM: ANG MASALIMUOT
NA HATID NG BUHAY dahil nakaisip na kami ng adbokasiya, paksa at pamagat ng aming
adbokasiya ay inuna na naming gawin at tapusin ng maayos at pinagisipan ng lubusan ang aming
adbokasiya kung paano matutulungan ang mga ito. Binuo ko at tinapos ang aming konseptong
papel at ito ay aking pinadagdagan sa aking kagrupo at kung may ideya pa sila ay maari nilang
idagdag sa aming konseptong papel at ganon nga ang nagyari dahil sa pagtutulungan at
pagkakaisa ng aking grupo ay natapos naming agad ito.
Tapos na ang aming konseptong papel panahon na para naman ito ay isagawa. Planado
na ang aming pagpunta sa brg. Malitam para malaman at maranasan namin talaga ang kanilang
pamumuhay at masaksihan ang kanilang mga ginagawa sa araw-araw. Nagkita kita ang aming
grupo sa lipa at duon kami nagsimulang mag byahe papunta sa brgy. Malitam. Hindi naging
madali ang aming pag punta duon. Hindi ito isang sakay lamang kundi kung aking bibilangin ay
halos nakaapat na jeep kami papunta sa sakayan papunta sa brgy. Malitam. Pagdating naming
duon ay sa brgy. Hall na kami dumeretso at nakipagusap kung maari kaming pumunta at
magsagawa ng aming interview sa mga badjao. Madali naman kausap ang nakausap nami sa
bgry. Hall. Sa aming pagpunta sa sitio badjao ay tila nahirapan kami sa pagpara ng tricycle dahil
walang gusto na bumyahe papunta duon. Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay may
pumayag na ihatid kami. Sa daan ay napagtanto ko kung bakit karamihan sa tricycle driver ay
ayaw bumyahe dito. Dahil ito ay sobrang layo at ang mga daan papunta sa sitio badjao ay lubak
lubak pa, ng makarating kami sa tinatawag nilang sitio badjao ay sobrang gulat at awa ang aking
naramdaman. Kitang kita ko ang mga badjao hindi lang iilan ngunit ito ay napakadami at puro
badjao nga naman ang makikita mo dito. Tila ang kanilang mundo ay sobrang layo sa mundong
aking nakagisnan.Hindi ko alam kung paano magsisimula at kung paano sila kakausapin dahil sa
aking nakikita. Habang ginagawa ko ang dokumentasyon na ito ay naalala ko na naman ang
aking naging karanasan sa sitio badjao. Nagkaroon kami ng maayos na interview sa mga badjao
at nakita naming ang kanilang buhay. Nabago ang paningin ko sa kanila. Mali ako ng inakala at
maling mali ang pananaw ko sa kanila. Dahil sa adbokasiya namin ako mismo ay may natutunan
at hangad ko na ang makakapanuod ng aming bidyong ginawa ay may matutunan din tungkol sa
kung sino nga ba talaga ang mga badjao.Sa pagalis namin ay nakakataba ng puso na may mga
taong ganito ang pamumuhay ngunit lumalaban pa din. Natutunan ko sa kanila na kahit gaano
kahirap ang buhay ay tuloy pa rin ang ikot ng mundo at kailangan mong lumaban at
makipagsapalaran. Naiisip ko hanggang ngayon na may karapatan pa ba ako magreklamo? Dahil
sa punto ng buhay ko ngayon kahit hindi ito perpekto alam ko na ang swerte ko. Salamat sa mga
badjao na ito sa aral na binigay sa akin. Sa daan habang pabalik kami ay nilakad na namin ito
dahil kami ay wala ng masasakyan. Sa daan pabalik ay namumutawi sa aking isipan na ako ay
babalik hindi na bilang isang estudyante na nagiinterview para sa isang proyekto kundi isang tao
na may hangarin na makatulong sa kanila tulad ng aming naabutan sa brgy. Malitam ang
samahan nila ay tinatawag na SOLAR HOPE. Sila ay may pagkakatulad din ang adbokasiya sa
amin ngunit dahil nga sila ay may mga pundo na sila ay nakakatulong na din sa mga ito.
Sa paggawa ng infographics dahil ako at dalawa ko pang kagrupo ang nagbubuo ng bidyo
ay ito ay pinagawa ko sa aking isa pang kagrupo para madali kaming makatapos at
makapagsumite sa tinakdang pasahan. Ang naitulong ko lang sa pagbuo ng infographics ay ideya
kung paano ito bubuohin at paani sisimulan. Pagkatapos ko magbigay ng mga ideya ay ito ay
sinimulan at matagumpay na nagawa ng aking kagrupo base sa mga ideya na aking binigay at
sa mga sarili din at dagdag nya pang ideya sa pagbuo nito.
Sa aming dadating na presentasyon ay binuo ko ang aming ppt at pinadagdagan na lang
ulit ito sa aking kagrupo kung sila man ay may maidadagdag pa.Ang isa kung kagrupo ay
pinagawa ko ng isang dokumentasyon namin simula paggawa ng paksa hanggang sa pagbuo
namin ng bidyo ang pangpunta sa brgy. Malitam hanggang sa makauwi kami.
Dito nagtatapos ang aking pagbabahagi ng aming mga karanasan at nangyari sa aming
grupo sa pagbuo ng adbokasiya na meron kami. Hindi ito mabubuo at matatapos kundi dahil sa
pagtutulungan ng aming grupo. Ako ay nagpapasalamat sa buong partisipasyon at suporta ng
aking kagrupo. Tatapusin ko ang aking pagbabahagi sa mga salitang TAYO AY IISA, TAYO AY
PANTAY-PANTAY, TAYO AY ANAK LAHAT NG DIYOS.

You might also like