You are on page 1of 11

Introduksiyon

Sa
Pag-aaral ng Wika
(FIL 101)

LAKBAY SANAYSAY
NI
ROSE MARIE G. CALOT
1EDFIL2A

MAY 2021
I. Introduksiyon

Bakit nga ba madaming wika ang Pilipinas? Alam natin


na ang wika ang nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa,
nangangahulugan ba ito na madaming dayuhang
naninirahan sa ating bansa na naging dahilan kung bakit
nagkaroon tayo ng maraming wika? Ilan nga bang wika
ang mayroon sa ating bansa? Bilang mga Pilipino ay
mahalaga nating malaman nating wika na mayroon sa
ating bansa, hindi lamang upang gamitin pang
komunikasyon kundi pati na rin ipagmalaki at ingatan.
Ating tutuklasin at aalamin ang isa sa mga
pangunahing wika ng ating bansa, ang wikang
pangasinan. Importante na malaman natin ang iba’t ibang
wika sa Pilipinas upang ito ay ating magamit, maingatan
at di tuluyang maglaho.
II. Heograpikal na Lokasyon
Ang Mapa ng Pangasinan

Ang Pangasinan ay isang lalawigan sa Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos.


Ang salitang "Pangasinan" ay nag-ugat sa salitang "asin" dahil sa
maraming pagawaan ng asin dito noon pang araw (literal: "asinan" o kaya
naman pinanggagalingan ng asin). Ang Pangasinan ay unang natagpuan
ng mga taong Austronesian na tinawag na Anakbanwa ng 2500 BC. Ang
lalawigan ng Pangasinan ay nahahati sa 44 na bayan, 4 na lungsod, at
1,364 na mga barangay. Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi
ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat Tsina.
Ang Wikang Pangasinan (Pangasinan: Salitan Pangasinan)
o Pangasinense ay nasasailalim sa sangay Malayo-Polynesian ng
pamilya ng mga wikang Austronesian.
Isa ang wikang pangasinan sa mga opisyal na kinikilalang wikang
rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika
ng mga etnikong minorya sa Pangasinan. Pangasinense ang ang wikang
ginagamit ng mga taong naninirahan sa gitnang bahagi ng Pangasinan at
Ilokano ang pangunahing wika sa pinakamalaking bahagi ng lalawigan.
III. Mga Halimbawa ng mga Bernakular na salita
(Pangasinenseng mga salita)

1. Makalakal
2. Agi
3. Bulas

4. Datal
5. Danom
6. Kawigi
7. Kawus
8. Kaput
9. Atagtagay
10. Silaw
IV. Kahulugan sa Wikang Filipino

1. Mabait
2. Kapatid
3. Bigas
4. Sahig
5. Tubig
6. Kaliwa
7. Damit
8. Pinto
9. Matangkad
10. Ilaw
V. Mga Halimbawa ng mga bernakular na pangungusap
(Pangasinenseng mga pangungusap)

1. Si siak ay maongsuoluto.
2. Si siak so manooras na plato.
3. Si Linda ay magangganang bii.
4. Aramay ugugaw manggagalaw
irag kalsada.
5. Si Pina ay maongya
mangansyon.
6. Antoy ngaran mo?
7. Angan kala?
8. Pigaray edad mo?
9. Antoy ibabagam?
10. Sam pigatan?
VI. Kahulugan sa Wikang Filipino

1. Siya ay matalino.

2. Maghugas ka ng plato.
3. Si Linda ay magandang babae.

4. Ang mga bata ay naglalaro sa


kalsada.
5. Si Pina ay magaling kumanta.

6. Ano ang pangalan mo?


7. Kumain ka na ba?

8. Ilan taon ka na?


9. Ano ang sinasabi mo?

10. Magkano iyan?


VII. Pangunahing Ideya

Ang Wikang Pangasinan ay madaling matutunan kung ikaw ay matagal


ng naninirahan dito ngunit hindi naman kung ikaw ay bago pa lamang sa
lugar na ito. Nag aral ako sa lalawigang ito noong ako’y nasa ikalimang
baitang pa lamang at masasabi ko na hindi ito madaling matutunan lalo
na’t halo halo ang mga taong naninirahan dito. Batay sa aking sariling
karanasan, marami akong nakitang mga ilokano na naninirahan sa
lalawigang ito dahilan upang lalong maghalo halo ang mga wika dito. Ang
pangasinense ay nagkakaiba iba ng mga salita dahil tulad nga sabi ko
maraming ilokano ang nakatira dito at kapag natutunan nila ang
pangasinense di nila maiiwasan na mahaluan ito ng kanilang sariling wika,
di katulad kapag ikaw ay purong pangasinense. Ang nanay ko ay isang
purong pangasinense kaya sa kaniya ako natuto magsalita ng wikang ito
at isa naring dahilan ay dahil doon ako nanirahan ng isang taon. Isang
taon ako nanirahan dito kaya di imposibleng matuto ako at mapagtanto
ko ang pagkakaiba nito sa wikang tagalog na nakasanayan kong bigkasin.
May mga pagkakataon na parehas ito sa wikang tagalog ngunit may
pagkakataon na hindi. Bilang halimbawa ay sabon, maging sa panginan
ang tawag dito ay sabon ngunit nilalagyan lamang nila ito ng punto o ng
salitang “mut”.
VIII. Konklusiyon

Kilala ang lalawigang Pangasinan


sa mga magagandang tourist
spots nito kung saan ay isa dito ay
ang Hundred Islands na unang
pambansang parke ng Pilipinas.
At matatagpuan sa Barangay
Lucap, Lungsod ng
Alaminos, Pangasinan, Pilipinas.
Isa mga masarap na manga,
bangus at mga kakanin na
tinatawag na Calasiao puto.
Sakop ng Pangasinan ang isang
posisyon ng geo-pampulitika sa
gitnang kapatagan ng Luzon. Ang
Pangasinan ay inilarawan bilang
isang gateway sa hilagang Luzon.
Ang mga taga-Pangasinan ay tinukoy
bilang Pangasinense. Ang terminong
Pangasinan ay maaaring tumutukoy
sa mga katutubong nagsasalita ng
wikang Pangasinan o mga taong may
naninirahan sa Pangasinan.
Tinatawag silang pangasinense o
kaya naman ay pangalatok na
nakaakinsulto. Nagmula ang salitang
“pangalatok” sa mga katagang
"Pangasinense" at katok, isang
salitang Pangasinan na
nangangahulugang baliw.
IX. Mga Sangguniang Ginamit

https://www.academia.edu/30913430/WIKA_AT_KULTU
RANG_PILIPINO_SA_PANGASINAN_Ang_Kahiligan_n
g_mga_Dagupe%C3%B1o_sa_Lungsod_ng_Dagupan_
sa_Wikang_Tagalog
http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-
groups-in-the-philippines/pangasinense/
https://pinoypawikan.weebly.com/blog/pangasinense1
https://pilipinasnakayganda.wordpress.com/2014/11/09/
hundred-islands/
https://brainly.ph/question/20242
https://www.slideshare.net/michaelsaudan1/9-na-
pangunahing-wika-sa-pilipinas
X. Sanaysay

Kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay may kanya kanyang wika na


ginagamit ang mga Pilipino upang makipagkomunikasyon at masabi ang
kanilang saloobin. Ang wika ay mananatiling buhay hangga’t may
gumagamit nito, mahirap man itong intindihin o bigkasin isa lamang ang
tanging layunin nito, yun ay maipahayag ang nais sabihin ng ating
kaisipan. Dala ng maraming taon na pananakop sa atin ng iba’t ibang mga
bansa nagkaroon tayo ng maraming kultura at wika. Tuwing Agosto ay
ipinagdiriwang ang “Buwan ng Wika” sa buong Pilipinas. Ang wika ay
isang mahalagang kasangkapan upang malinaw at mabisa na
magpahayag ng damdamin at kaisipan ng mga tao. Ang Pangasinan na
kilala dahil sa Hundred Islands at dahil sa mga pagkain nito ay isa sa mga
wikang maganda at madaling aralin sa labindalawang wika ng ating
bansa.
Ang wikang Pangasinan ay sinasalita ang ng higit pa sa dalawang
milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang mga pamayanang
Pangasinan sa Pilipinas, at ng kapansin-pansing bilang ng mga
Amerikanong may kanunununuang Pangasinan. ang isa sa
labindalawang pangunahing wika sa Pilipinas. Ang kabuuang populasyon
ng lalawigan ng Pangasinan ay 2 434 086, ayon sa sensus ng 2000. Ang
pinapalagay na bilang ng mga katutubong mananalita ng wikang
Pangasinan ay 1.5 milyon.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong
daigdig. Ang Pilipinas ay mayroong 175 na wika ngunit ang nananatiling
ginagamit ay 171 na lamang at ang apat ay lipas na. Importante na
pahalagahan natin ang iba’t ibang wikang ito dahil ito ang magsisilbing
sandata natin upang mabago ang ating bansa. Mayroon man tayong iba’t
ibang wika mahalaga na malaman natin na tayo ay pantay pantay parin
at di ito isang hadlang upang tayo ay hindi magkaisa.

You might also like