You are on page 1of 11

Panuto:

Pansinin ang mga larawan sa ibabang bahagi, base sa mga larawan, ibigay kung anong wika ang
umiiral o mas ginagamit sa mga media gaya ng telebisyon, radio o dyaryo pati na rin sa mga
makabagong paraan ng malikhaing pagpapahayag. Isulat ang iyong sagot sa isang kalahating
papel. Sampung puntos.

Sagot: register o barayti ng wikang ginagamit sa ibat ibang sitwasyon pero dito sa bansang
PIlipinas, kadalasan na ginagamit ay wikang filipino dahil ito ang ang lingua franca o
pangunahing wikang ginagamit. Ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na
ginagamit ng mga lokal na channel ay ang wikang filipino.
-Ang telebisyon ang ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mamamayang naabot nito, ang radio na may kakayahang maghatid ng balita at aliw sa dalawang
estasyon ng AM at FM. Ang Fliptop na pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap. Ito ay
modernong balagtasan dahil sa mga bersyonng nirarap ay magkakatugma. Ito ay walang
nasusulat na iskript kaya ang karaniwang mga salita dito at di pormal. Sa sinehan na gumagamit
na midyum na filipino at mga barayti ng wika na tinatangkilik ng mga manonood. Pick up lines
na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagayna madalas
naiuugnay sa pagibig at iba pang aspeto ng buhay. Ito ay nagmumula sa mga BOLADAS ng mga
binatang manliligaw na nagnanais mapansin,magpakilig at magpangiti sa mga dalagang
nililigawan. Mga hugot lines na tinatawag ding love lines o love quotes. Karaniwang nagmumula
sa linya ng mga pelikula o telebisyong nagmamarka sa mga manonood.

A. PAGKILALA
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa
patlang bago ang bilang. Isang puntos bawat bilang. Limang
puntos.
Fliptop 1.Karaniwang paggamit ng salitang nanlalait upang
makapuntos sa kalaban.
Di-pormal na wika at walang masusulat na iskrip; balbal at impormal 2. Ang

wikang ginagamit na pagtatalo sa fliptop.


Pick Up Lines 3. Ito'y tinatawag ding makabagong bugtong.
Hugot Lines 4. Tinatawag ding loves lines o love qoutes.
Telebisyon 5. Pinakamakapangyarihang medya sa Pilipinas
B. TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag sa ibaba ay wasto at MALI naman kung hindi.
Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Isang puntos bawat bilang. Limang puntos.

MALI 1. Itinuturing na pinakamakapangyarihang media ang radyo dahil sa rami ng


mamamayang naaabot nito.
TAMA 2. Sa paglaganap ng internet connection ay lalong dumami ang manonood ng
telebisyon saanmang sulok ng bansa.
MALI 3. Mas tinatangkilik na basahin ng karamihan gaya ng drayber at tindera ang broadsheet
dahil nakasulat ito sa wikang tagalog.
TAMA 4. Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo.
TAMA 5. Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit 90%
sa Pilipinas ay nakakaintindi ng tagalog
A. HUGOT LINE
Panuto: Bigyan ng hugot ang larawan na nasa ibaba. Limang puntos.

UTOT
Hindi ko naman hinahangad na
ipagmalaki mo ko! Ayaw ko lang
itanggi mo ako sa harap ng maraming
tao!
B. PICK-UP LINE
Panuto: Bigyan ng pick-up line ang larawan na nasa ibaba. Limang
puntos.

-Covid vaccine ka ba?


-Why?
-Coz you make me feel that I really need you! 😊 😊

-Virus ka ba?
-Bakit?
-Coz you can’t spell virus without U and I 😊 😊 😊
TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Ibigay ang iyong sariling replekyon sa mga sumusunod na
paksa na nasa ibaba. Sampung puntos bawat bilang. (20 puntos).

1. Kahalagahan ng wikang Filipino bilang midyum sa pakikipag-talastasan o pagpapahayag sa


makabagong panahon.

Sagot: Ang wika ang nagsisilbing tulay sa mabisang komunikasyon, mas epektibong pakikipagtalastasan
at mas epektibong pakikipag- ugnayan.  Sa pamamagitan ng paggamit ng wika malaya nating
naipapahayag ang ating saloobin at kaisipan hinggil sa mga bagay- bagay. Ang wika ay isa ring
napakahalagang instrumento sapagkat ito ang nagiging tulay sa pagkakabuklod buklod ng mga
mamamayan ng isang bansa. Pinagtitibay nito ang diwa ng pagkakaisa at pakakintindihan ng mga
mamamayang nasasakupan.  Bukod dito, ang pagkakaroon din ng sariling wika ay nakakatulong sa pag-
angat ng ekonomiya ng isang bansa. Kung kaya, bilang isang kabataan ng bagong henerasyon dapat
nating pangalagaan at tangkilikin ang wikang sariling atin

2. Mabuti at masamang epekto ng makabagong teknolohiya o mass media sa pagpapatibay ng wikang


Filipino.

Sagot: Epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagiging asa na lamang sa teknolohiya tulad ng
smartphone, tablet at laptop para sa kanilang araw araw na pangangailangan. Nagiging ugat din ng hindi
pagkakaunawaan ng mga mamamayan ang paggamit ng teknolohiya sapagkat dito ay may kanya kanyang
pananaw ang ibang tao kung kaya’t dito ay malakas ang loob nilang makipag sagutan sa isa’t isa lalong-
lalo na at ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagpindot lamang kahit walang pagkilos na nagaganap.
Isa pa sa mga epekto ng teknolohiya sa ating wika ay nawawalang halaga ang ating pinag-aralan sa
eskwelahan sapagkat nagpopokus ang mamamayan sa iba’t ibang pananaw marahil sa kanilang nakikita
sa social media; nakakawalang pokus sa sambahayan ang paggamit ng makabagong teknolohiya dahil sa
mga gadgets na laging gamit ng mga tao sa araw-araw nilang pamumuhay.

Gawain 2
Panuto: Ipaliwanag sa sariling pagkauunawa ang estado o sitwasyon ng wika sa telebisyon, radyo
o dyaryo, pelikula, flip-top, pick-up line at hugot lines. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang. Dalawang puntos bawat bilang. 12 puntos.

ito ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng


mamamayang naabot nito.
-Balita
-Magazine
-Dokumentaryo
-Reality TV
-Programmang pangshowbiz
-

Ito ay kakayahang maghatid ng balita at aliw sa dalawang estasyon


ng AM at FM.

Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa rap.


Ito ay modernong balagtasan dahil sa mga bersyonng nirarap ay
magkakatugma.
Ito ay walang nasusulat na iskript kaya ang karaniwang mga salita dito at
di pormal.

ito ay pagtatampok ng mga palabas sa telebisyon o sinehan na gumagamit


na midyum na filipino at mga barayti ng wika na tinatangkilik ng mga
manonood.

Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang


bagayna madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspeto ng buhay.
Ito ay nagmumula sa mga BOLADAS ng mga binatang manliligaw na
nagnanais mapansin,magpakilig at magpangiti sa mga dalagang
nililigawan.

tinatawag ding love lines o love quotes.


Karaniwang nagmumula sa linya ng mga pelikula o telebisyong
nagmamarka sa mga manonood.

Gawin ito
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa kahon.
Isulat sa isang buong papel. 20 puntos

1. Gaano kahalaga ang pagsulat ng Liham bilang isang:


a. Estudyante
b. Kaibigan

Sagot: Ang kahalagahan ng liham, ay naguugnay ito sa ating lahat na


dapat natin ito ingatan, dahil napakaimportante ito, sa bawat isa o sa
bansa natin, na ang liham ay dapat ingatan at dito natin malalaman ang
isang bagay na dapat natin makita o mabasa.

2. Magbigay ng isang sitwasyon kung saan makikita ang kahalagahan ng


pagsulat ng liham sa buhay ng tao

Sagot: Kung ikaw ay liliban sa klase at kailangan mo na gumawa ng


excuse letter, ang liham ay ginagamit ng tao ang liham bilang
instrumento ng komunikasyon, ito ang ginagamit natin para ipaabot ang
ating gusting sabihin o ipaalam sa pormal na paraan.

PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Tatlong puntos bawat bilang. (9
puntos)

1. Gumawa ng halimbawa ng isang Pamuhatan o Heading

1004 Pilar St.,


Tondo, Manila
Agosto 15, 2005
2. Gumawa ng halimbawa ng isang Patunguhan o Inside Address

Dr. Dolores S. Abad


Puno, Sangay ng Edukasyong Sekundaryo
Pambansang Punong Rehiyon
Kagawaran ng Edukasyon Misamis St., Quezon City

3. Gumawa ng halimbawa ng isang Bating Pambungad o Salutation

Mahal na Ginoo

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang pagkatapos ng
bilang. Isang puntos bawat bilang. (5 pts.)

LAGDA (SIGNATURE) 1. Nagsasaad ng pangalan ng sumulat. Kung ang ating sinulatan ay isang
kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating ilagda.

BATING PAMBUNGAD 2. Ito ay pagbati sa sinusulatan. Ang karaniwang ginagamit o mga


halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Licuanan:
Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno: Mahal na Ginang: atbp.

PAMUHATAN (HEADING) 3. Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres,


telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon)
PATUNGUHAN (INSIDE ADDRESS) 4. Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan
ng taong ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang
kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon.

KATAWAN NG LIHAM (BODY OF THE LETTER) 5. Ito ang tampok na bahagi ng liham na
nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan. Katangian ng maayos na mensahe

Test I: APLIKASYON
Panuto: Gumawa ng isang liham kahilingan ng mapapasukan/Aplikasyon o Application Letter (Bloke
format). (Sampung puntos)

Puso Center 16 De Junio

Brgy. Mactan Lapu-Lapu

Abril 24,2021

GNG. MARIA L. MENDEZ

Store Manager

Jollibee Foods Corporation

Mactan Lapu-Lapu Branch

Mahal na Gng. Mendez,

Nabasa ko po sa pahayagang Philippine Star petsang Abril 20, 2021, na nangangailangan ng isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala
ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na inyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya'y ako po ay nag-apply sa naturang trabaho.

Ako po ay isang dalaga, labing walong taong gulang, at nagtapos po ng sekundarya sa University of Cebu Mandaue.

Ako po ay masipag, matiyaga, at marunong makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan po ako ay nagkamit ng karangalan sa pagtapos ng sekundarya.

Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya. Sa loob ng anim na taon, ako po ay naging opisyal ng Supreme Student Government. Magaling po
ako sa matematiika, agham at wika. Marunong din po ako humawak ng kompyuter. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong
magiging isa akong produktong manggagawa ng inyong kompanya.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang

panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin.

Maraming salamat!

Sumasainyo,

MARY JOY M. BUQUIRAN

Aplikante

Test II: PAGKILALA


Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang. Isang puntos bawat bilang (10 puntos)

SEMI-BLOKE 1. Sa format na ito, nasa kanang gilid ang pamuhatan at ang bating pangwakas,
kasama na ang lagda. Katulad ng ganap na bloke, walang linyang indented o nakapasok sa format na
ito.
WASTO (CORRECT) 2. Katangian ng liham na laging isaisip na ang ano mang liham na
nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon.
Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang
priyoridad.
PAKIKIRAMAY 3. Uri ng liham na kung saan ito naman ang pakikiisa sa kalungkutan o
nararamdaman ng sinusulatan at kadalasan itong sinusulat para sa namatayan.
BLOKE FORMAT 4. Sa format na ito, lahat ng bahagi ng liham ay tinatayp sa kaliwang gilid. Isa
lamang ang espasyo ng mga linya ng katawan ng liham, ngunit dalawa sa pagitan ng mga talata.
Madalas gamitin ito dahil malinis at moderno ang dating.
LIHAM PANGKALAKAL 5. Isang formal na uri na nagsasaad ng makapag-ugnayan sa mga
tanggapan o opisina. Kailangan nito ng mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa,
maayos, malinis at makinilyado.
PAGTANGGAP 6. Uri ng liham na nakasaad ang pagtiyak sa pagdalo. Ang pagpapadala ng liham
nito upang matiyak ang nag-anyaya kung ilang bisita ang aasahin niya ay isang mabuting kaugalian.
PAANYAYA 7. Uri ng liham na ginagamit upang umanyaya sa tao sa isang mahalagang okasyon o
pagtitipon. Nakalahad nito ang ano ito, kailan, at saan ang magaganap.
SEMI-BLOKE 8. Ito ay parang bloke, ang kaibahan lamang nito ay nakapasok ang unang linya ng
bawat talata. Ito. Ang format na hawig sa anyong tradisyonal.
MAGALANG (CORTEOUS) 9. Napakahalaga ng himig o tono ng pagpapahayag. Hindi dapat
mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-
pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.
KUMBERSASYONAL (CONVERSATIONAL) 10. Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng
isang liham kapag ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na
pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan.
TAKDANG-ARALIN:
Puso Center 16 De Junio

Brgy. Mactan Lapu-Lapu

Abril 24,2021

Mahal kong Inay at Itay,

Magandang araw po. Hangad ko po ang inyong kaligtasan at kapayapaan habang binabasa itong aking liham ng pasasalamat. Una po sa lahat, nais kong magpasalamat

sa buhay na ipinagkaloob ninyo. Tunay na ang aking pagsilang dito sa mundo ay isang biyaya para sa akin. Masaya po ako na mapabilang sa inyong pamilya. Mahal

ko po kayo.

 Nais ko rin pong magpasalamat sa pagtataguyod ninyo sa amin. Batid ko po na hindi madali ang magpalaki ng pitong anak na may magkakaibang pag – uugali ngunit

nagawa po ninyo na mapagsama – sama kami sa loob ng bahay. Marami po akong natutunan sa inyo araw – araw. Bagay na nais ko rin pong ipagpasalamat sapagkat

kayo po ay naging mabuting halimbawa sa aming magkakapatid. Hindi man po tayo nakakaluwag sa buhay ay patuloy nyo pong pinagsisikapan na maibigay ang lahat

ng aming mga pangangailangan. Sa kabila ng laki ng ating pamilya ay nagagawa ninyong mapaghati – hati ang anumang biyaya na meron tayo.  

Salamat po at lumaki kaming laging may respeto sa isa’t isa at pag aalala para sa kapakanan ng bawat isa. Hindi man po kami naging matagumpay lahat sa mga

karerang pinili naming ay pilit nyong inunawa ang aming mga naging kahinaan at kakulangan. Tinulungan nyo po kaming bumangon at magkaroon muli ng pag asa

na ang lahat ng mga problema gaano man kalaki ay may solusyon.  

 Salamat po Inay at Itay sa pagtulong sa amin na itaguyod ang aming kani – kaniyang pamilya. Ang pag – alalay sa amin habang kami ay nagsisimula ng pamilya at

ang pangangalaga sa aming mga anak ay totoong malaking tulong para sa amin. Dahil po dito ay nakapagtatrabaho kami ng maayos at napapawi ang pangamba nab

aka mapabayaan ang aming mga anak habang kami ay naghahanap – buhay. Sabi nila kapag tapos na daw magpalaki ng anak dapat hindi na mag – alaga ng apo pero

kayo ang nagpatunay na hindi natatapos ang inyong pagiging magulang para sa amin kasi sobrang mahal ninyo ang aming mga anak.

 Higit sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal. Yung pagmamahal na kailanman ay hindi ko makukuha sa ibang tao. Mahalin man

ako ng mga anak ko at asawa ko pabalik ay hindi matutumbasan ang pagmamahal na ipinaramdam ninyo para sa akin. Hinding – hindi ko po makakalimutan ang lahat

ng sakripisyo ninyo para mapag – aral ako ng elementarya, highschool, at hanggang college. Tunay po na hindi ko matatawaran ang lahat ng mga pagkakataong kayo

mismo ang naglalakad ng mga papel ko para lang makapasok ako sa unibersidad. Wala po kayong katulad. Naalala ko po yung panahon na kinailangan ninyong

magpakatulong sa iba para lang meron kaming maipambaon sa eskwela. Saludo po ako sa inyo Inay at Itay. Mabuhay po kayo!

Lubos na nagmamahal,
MARY JOY M. BUQUIRAN

You might also like