You are on page 1of 11

UNIVERISTY OF CALOOCAN CITY

Brgy. 173, Congressional Road, Caloocan City

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

KORAPSYON
Hindi mawawala kahit kailan ang Korapsiyon sa ating bansa maari lang itong mabawasan ngunit
hindi ito nawawala. Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw sa atin. Hindi sa lahat ng
pagkakataon ay nagiging tapat sila sa ating bayan.
ANO ANG KABAN NG BAYAN? PARA SAAN ITO?
Ang kaban ng bayan ay nangangahulugang ay kayaman ng bayan kung saan dito nilalagay ang mga
buwis na naibibyad ng mga tao.
Ginagamit ito upang matustusan ang pangangailangan ng isang bansa upang makapagtaguyod ng
mga proyekto na mapapaunlad ng ating bansa.
BAKIT NAGKAROON NG KORAPSYON?
Nagkakaroon ng korapsyon sa ating pamahalaan dahil sa pansariling interest at pangangailang
pinansiyal.
Minsan kung sino pa ang nasa mataas na posisyon sa gobyerno ay sila pa ang gumagawa nito. Dahil
hindi sila natatakot na mahuli dahil sila ay may kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino
man ang magsusuplong sa kanilang masamang gawain sa awtoridad. (Anne Marie 2011)
Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas.
Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.”
Hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at
pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”

ANO ANG EPEKTO NG KORAPSYON?


Ang pagpapalala ng kahirapan sa ating bansa.
Naghahadlang sa pag-unlad ng bansa.
Ang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga na sa itaas.
PAANO NINANAKAW ANG KABAN NG BAYAN?
Dahil nga sila ang nakaupo nagagawa nila kung ano gusto nila, Nagkakaroon ng mga sabwatan sa
pagnanakaw sa kayaman ng bayan, dahan dahan nila pinagnanakawan upang dumami ang kanilang
mga kayamanan.
Habang patagal ng patagal palaki rin ng palaki ang sabwatan sa pagnanakawan.
PAANO MATATANGGAL ANG KORAPSYON?
Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao.
Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon.
Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.
Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng
pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form
ng corruption.
Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao.
Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon.
Kung lahat ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat ay
magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo ang korapsyon.
KONSEPTO NG BAYANI
Kahit walang batas na nagpapahayag kung paano nagiging bayani ang isang Pilipino, mayroong
iilang pamantayan na tumutukoy sa kwalipikasyon ng isang makasaysayang tao upang hirangin siya
bilang bayani ng Pilipinas.
ANG NATIONAL HEROES COMMISSION AY GINAWA ANG MGA SUMUSUNOD NA
CRITERIA:
Ang mga bayani ay ang mga may konsepto ng bansa, at nagnanais at nakikipagpunyagi para sa
kalayaan ng bansa.
Tinutukoy at umaambag ang mga bayani sa isang sistema o buhay ng kalayaan at kaayusan para sa
isang bansa.
Ang mga bayani ay nakakatulong sa kalidad ng buhay at tadhana ng isang bansa.
Ang mga bayani ay bahagi ng pagpapahayag ng mga tao.
Iniisip ng mga bayani ang hinaharap, lalo na ng mga susunod na henerasyon.
Ang pagpili ng mga bayani ay nagsasangkot sa buong proseso na gumawa ng isang partikular na tao
bilang isang bayani.
NOONG NOBYEMBRE 15, 1995, PINILI NG TEKNIKAL NA KOMITE NG NATIONAL
HEROES COMMISSION ANG SIYAM NA MAKASAYSAYANG PILIPINO BILANG
PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS.
ANG PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS NA LUMABAN SA MGA KASTILA SA
PAMAMAGITAN NG KANIYANG MGA NOBELANG NOLI ME TANGERE AT EL
FILIBUSTERISMO NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG ESPANYA SA BANSA. DR.
JOSE RIZAL
SIYA AY ISANG PILIPINONG REBOLUSYONARYO AT BAYANI NA NAGTATAG NG
KATAASTAASAN KAGALANGGALANG NA KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN
(KKK) O KATIPUNAN, ISANG LIHIM NA LIPUNAN NA NAKATUON SA
PAKIKIPAGLABAN SA MGA ESPANYOL NA SUMAKOP SA PILIPINAS. ANDRES
BONIFACIO
SIYA AY KILALA BILANG DAKILANG PARALITIKO AT UTAK NG REBOLUSYON. ISA
SIYA SA MGA BUMUHAY NG LA LIGA FILIPINA NA SIYANG NAGBIGAY- SUPORTA
SA KILUSANG PANG- REPORMA. APOLINARIO MABINI
PINAMUNUAN NIYA ANG PWERSA NG PILIPINAS SA UNANG LABAN SA ESPANYA
NOONG MGA HULING TAON NG REBOLUSYONG PILIPINO (1896-1898), AT
PAGKATAPOS AY SA DIGMAANG ESPANYOL- AMERIKANO (1898), AT SA LABAN SA
ESTADOS UNIDOS SA PANAHON NG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO (1899- 1901).
EMILIO AGUINALDO
 ANG MATAPANG NA ASAWA NG LIDER NG ILOKANONG MAGHIHIMAGSIK NA SI
DIEGO SILANG. KASUNOD NG PAGKAMATAY NG KANYANG ASAWA, PINAMUNUAN
NIYA ANG GRUPO SA HIMAGSIKAN LABAN SA MGA KASTILA. GABRIELA SILANG
ISANG PILIPINONG PINTOR AT BAYANI. KILALA SIYA PARA SA KANYANG
LARAWANG SPOLIARIUM, ISANG DIBUHO NG PAGKALADKAD NG MGA BANGKAY
NG MGA NATALONG GLADYATOR SA COLOSSEUM SA ROMA. ANG
NAKAKABAGBAG-DAMDAMING EKSENANG ITO AY MAARING ITULAD SA MGA
KASAWIAN NG MGA PILIPINO SA ILALIM NG ESPANYA. JUAN LUNA
ISANG PROPAGANDISTA AT SATIRISTANG REBOLUSYONARYONG PILIPINO. SINIKAP
NIYANG ITAGUYOD ANG MAKABAYANG SENTIMYENTO NG MGA ILUSTRADONG
PILIPINO, O BURGESYA, LABAN SA IMPERYALISMONG ESPANYOL. MARCELO H. DEL
PILAR

REBOLUSYONARYONG PILIPINO NA KILALA BILANG "TANDANG SORA" DAHIL SA


KANYANG EDAD. SIYA AY KILALA RIN BILANG "INA NG KATIPUNAN", "INA NG
HIMAGSIKAN" AT "INA NG BALINTAWAK" PARA SA KANYANG MGA
KONTRIBUSYON. MELCHORA AQUINO
ANG IKA-7 SULTAN NG MAGUINDANAO MULA 1619 HANGGANG 1671. SA PANAHON
NG KANYANG PAGHAHARI, MATAGUMPAY NIYANG NILABANAN ANG MGA
PAGSALAKAY NG ESPANYOL AT HINADLANGAN ANG PAGKALAT NG KATOLISISMO
NG ROMA SA ISLA NG MINDANAO. SULTAN KUDARAT.
KALAGAYAN NG SERBISYONG PABAHAY,KALUSUGAN, TRANSPORTASYON,
EDUKASYON AT IBA PA

Serbisyong pabahay Alam naman natin na palaki na nang palaki ang papulasyon at gayon na din sa
ating mga pangagailangan isa na dito ang magkaroon nang maayos na tahahan. talamak ngayon ang
mga informal settlers or squatter lalo na sa lungsod ng maynila nang dahil sa kakulangan sa
pinansyal. Kaya layunin ng gobyerno na magkaroon ng libre o murang pabahay para sa mga illegal
at informal settlers gayundin sa mga nasunugan at mga nasalanta ng bagyo at iba pang mga
trahedya .
Serbisyong kalusugan Ngayong panahon nang tag-ulan di maiiwasan sumama ang pakiramdam at
magkaroon ng trangkaso ubo, sip-on nang dahil sa pabago bagong klima pero, ang isa sa mga
nakakaalarmang sakit ngayon ay ang dengue, ngayong taon humigit kumulang 167,000 na ang kaso
ng dengue at 750 ang naitalagang namatay. Ayon sa Department of Health ito ang pinakamataas na
naitalaga na kaso ng dengue sa loob ng limang taon.kaya pinaaanyayahan at kung maaari na ang
paghahanap at pagpuksa sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok (search and destory),
na sanhi ng dengue, at paggawa ng mga hakbang para maprotektahan ang sarili sa mga lamok gaya
ng pagsusuot ng long sleeves o paggamit ng mga mosquito repellent ay isa sa mga mabisang paraan
para makaiwas tayo sa sakit na dengue. sa lamang ito sa magandang probisyon na noong
Nobyembre 2018 lamang ay matagumpay na naipasa sa Konggreso sa loob ng isang mungkahing-
batas pangkalusugan—ang Universal Health Care Act.
Sa ilalim ng batas na ito, hinihingi rin ang di-bababa sa tatlong taong serbisyo sa mga
pampublikong ospital o health centers ng lahat ng mga nakapagtapos ng medisina o mga kursong
pangkalusugan mula sa mga pampublikong paaralan.
Magandang mga ideya ito, hindi ba?
Sa mga pag-aaral, ang ating bansa ang may pinakamataas na rate ng paglobo ng mga presyo ng mga
gamot at serbisyong medikal sa buong Asya. Marami sa ating mga kababayan ang hindi man
lamang natitignan ng mga doktor kung sila ay may karamdaman.
Sa panukalang batas na ito mas matitiyak para sa lahat ang serbisyong pangkalusugan na
preventive, curative, at rehabilitative. Magagarantisa nito ang abot-kayang medikal na atensyon
para sa lahat – sa bahay, sa trabaho, sa paaralan o sa kahit saan sa bansa sa pamamagitan ng
kooperasyon at sinerhiya ng mga ahensya ng gobyerno, mga Local Government Unit, at ng
pribadong sektor.
Sebisyong pang transportasyon
Ang transportasyon sapilipinas ay hindi pa gaanong maunlad, dahil sa mga sumusunod na dahilan:
mga buludunduking lugar sa bansa at mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi paglalaan
ng pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga
nakalipas na taon, ang pamahalaan ay sumisikap upang maipaganda ang sistema ng transportasyon
sa bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang proyektong pangimprastrasktura.[Mas pinili ng
rehimeng Duterte ang panandaliang solusyon sa problema. Ang mga imprastraktura ay dapat
matagal nang naitayo.Ito ang saloobin ng mga opisyal ng gobyerno at mga piling resource persons
sa Town Hall ng CNN Philippines.Ayon kay Paulo Alcazaren, isang arkitekto at urban planner,
sintomas lamang ang trapiko sa matagal nang problema ng bansa. Kulang na kulang ang Pilipinas
ng mahusay at buong sistema ng transportasyon.Ayon sa MMDA, maraming taon ang kailangan
para maayos ang mass transport sa Pilipinas. Hindi overnight nangyari ang trapik sa Metro Manila
kaya hindi rin overnight ang solusyon para rito, Siniguro ni DOTr Undersecretary for Planning
Benny Reynoso na maraming transport facilities ang nakapilang ipapagawa, kasama na ang subway
sa Metro Manila.Ang 356B pesos na Metro Manila Subway ay proyekto ng rehimeng Duterte. Ito
ay magmumula sa Mindanao Avenue sa Quezon City at magtatapos sa NAIA sa Pasay. Inaasahang
370,000 pasahero ang magbebenepisyo rito.
EDUKASYON
Inihayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi madaling itapat ang lebel ng
edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.Sa pagdalo sa isang pagtitipon sa Lipa, Batangas sinabi ni
Enrile na kailangang ayusin ang sistema ng edukasyon ng bansa sa loob ng mahabang
panahon.Dapat aniyang pinagtitibay ang mga polisiya para maisulong ang pagpapaunlad ng
edukasyon. AMININ natin na sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na mapagbuti ang sistema ng
edukasyon sa bansa, hindi pa natin nararating ang wastong antas na pakikinabangan ng mga mag-
aaral. Nalalagay ngayon sa pagkuwestyon ng taumbayan ang bagong K-to-12 program na
nagdadagdag ng taon sa mga mag-aaral bago makatuntong sa kolehiyo. Ngunit hindi lang naman
iyan ang layon ng K to 12. Layunin din nito na bigyan ng mas magandang preparasyon ang mga
estudyanteng papasok sa kolehiyo. Ang isang nakikita nating sagabal sa pagtatamo ng de-kalidad na
edukasyon ay ang kakulangan ng mga guro. Sa ngayon, ang ratio ng mga guro sa estudyante ay:
isang guro sa bawat 50 mag-aaral. Bakit? Marami kasi sa mga propesyonal ang pinipiling
magtrabaho sa ibang bansa dahil kikita sila ng mas malaki doon imbes na gampanan ang kanilang
pinagaralang propesyon sa sariling bansa.Itinaas na ang sahod ng mga guro sa pribadong paaralan
pero patuloy pa rin ang problema ng kakulangan ng mga teachers. Kasi nga, mas nakakaakit ang
sahod na iniaalok ng mga employers sa ibayong dagat.
BAGYO, BAHA, POLUSYON, MABILIS NA URBANISASYON, PAGKAWASAK NG
KALIKASAN

Ayon sa Balitang Abante Tonite (Mabilis na Balita) “Sa bansang tulad ng Pilipinas, hindi
binibigyan ng malaking oras ang usapin ng kalikasan, lalo na sa social network. May mangilan-
ngilang maglalagay ng link ng mga isyu ng kalikasan, pero natatabunan ng palagay ng marami
ay mas malaki at mas mahalagang isyu gaya ng pulitika, krimen, sports, ekonomiya, pelikula”.
Nabibigyan lamang ng mas malaking pansin ang usapin ng kalikasan kapag nasa ilalim na tayo
ng kalamidad pangkalikasan, at napakalalaki ng mga kalamidad na ito. Katulad na lamang ng
bagyong Yolanda na pinakamalakas na bagyo o typhoon sa kasaysayan ng mundo. Ganoon din
ang Ondoy ilang taon na ang nakalipas na sumira ng record sa pinakamakas na ulan na naranasan
natin sa loob ng isang araw. Batay sa larawang ito, pinapakita nito ang lugar sa Quezon City na
madalas binabaha at nakararanas din ng matinding polusyon mula sa mga iba’t ibang sasakyang
dumadaan dito araw-araw.

Batay sa pahina na Kalikasa'y Pangalagaan, Tungo sa Magandang Kinabukasan “Ang


kalikasan ay isa sa pinkamagandang nilikha ng ating Diyos para sa’ting mga pangangailangan.
Ito ang nagbigay sa’tin ng kaligayahan
para tayo’y mabuhay. Ang kalikasan din ang pinagmulan nang mga bagay na lagi nating
ginagamit sa paaralan tulad ng papel, lapis, at marami pang- iba. Napakahalaga talaga ng ating
kalikasan sa ating buhay, kaya nararapat lang natin itong alagaan at huwag pabayaan”. Ayon sa
mensaheng ito, ang kalikasan ay kadugtong na ng ating buhay dahil kung ito ay tuluyan ng
masisira at mawawala ganun nadin ang mga tao at iba pang nabubuhay dito sa mundong ibabaw
ang mawawala. Kaya dapat una palang mas binibigyang pansin na talaga natin muna ang ating
inang kalikasan kaysa sa walang katuturan na bagay.
Ayon sa websayt na Bagyo’y paghandaan “Ang bagyo ay isang malaking unos na
mayroong isang pabilog o spiral sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat
na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Ang pagdagsa ng
maraming bagyo ay maaring epekto ng climate change o pagbabago ng klima.” Ang bagyo ay
hindi basta basta dahil nagdudulot ito ng hindi magandang epekto sa atin tulad na lamang ng
pagbaha. Ilan sa mga dapat tandaan tuwing tayo ay nakararanas ng unos tulad ng bagyo ay ang
mga Manahimik sa bahay at huwag nang lumabas Makinig sa radyo o manood ng telebisyon para
sa mga balita, Sundin ang mga babala tungkol sa kaligtasan, Sinupin ang tahanan at siguraduhing
ligtas sa hangin, Putulin ang mga sanga ng kahoy na malapit sa tirahan, Siguraduhing maluwag
ang kalsada para sa mga sasakyang pang-emergency, Kung ang inyong tirahan ay laging
binabaha, pumunta na agad sa evacuation center, Maghanda ng flashlight at portable radio na
bago ang mga baterya, Maglaan ng stock na pagkain, inuming tubig, gaas, baterya at first aid
supplies, Kung baha na, isarado ang kuryente, kalan de gas at gripo ng tubig sa bahay,
Siguraduhing hindi maaabot ng baha ang mga muwebles at appliances, gayundin ang mga
chemicals at kalat sa bahay, Iwasang pumunta sa mga lugar na maaaring magkaroon ng
pagkatibag o landslides, Huwag makipagsapalarang tumawid sa tubig na malakas ang alon,
Huwag gumamit ng electrical equipment kapag may baha, Huwag gamitin ang gas o electrical
equipment na nalubog na sa tubig, Pamalagiing bukas ang cellphone o linya ng telepono para sa
anumang emergensing tawag.
Ang polusyon ay isa sa pinaka mabigat na problema sa bansa dahil dito iba’t ibang estado
na ng tao ang naaapektuhan at nakakakuha ng sakit mula dito. Ayon sa ulat ni Narvasa ang
polusyon ay inilalarawan bilang kontaminasyon hangin, tubig, lupa at iba pang bahagi ng
kapaligiran bunga ng gawain ng tao, teknolohiya at kalamidad. Ito din ay nagdudulot ng
pagkasira ng kapaligiran at nakapagpapababa ng kalidad ng buhay. Ang polusyon ito ay sanhi
ng pagtatapon ng iba't ibang uri ng dumi sa mga ilog.
at karagatan, kasama rin dito ang maling paraan ng pangingisda. ang mga basura tulad ng
bote, lata, plastic at mga kemikal na galing sa mga pabrika at minahan ang siyang nakaksira at
lumalason sa mga yamang-dagat. Ito ay ang mga bagay na nakalalason o nakaka-kontamina sa
atmospera. Ang karaniwang sanhi nito ay pagsusunog o combustion.
Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 55% ng populasyon ng buong mundo ang naninirahan
sa mga lunsod. Maaaring madagdagan pa ng 2.5 bil-yong tao sa mga lunsod pagdating ng
taong 2050. Ayon ito sa pinakahuling pag- aaral ng Population Division ng UN Department of
Economic and Social Affairs (UN DESA) ngayon lamang 2018. Naulat na mabilis na
lumolobo ang populasyon ng mundo: mula 751 milyon noong 1950 hanggang naging 4.2
bilyon ngayong 2018. Kasama sa pinaka-urbanized na rehiyon ang Northern America (na may
82% ng populasyon nito ay naninirahan sa urban areas ngayong 2018), Latin America at
Caribbean (81%), Europa (74%) at Oceania (68%). Ang antas ng urbanisasyon sa Asya
ngayon ay humigit- kumulang 50%. Sa kabilang banda, nananatili ang Africa bilang halos-
kanayunan, at tinatantiyang may 43% lamang ng populasyon nito ang naninirahan sa mga
lunsod. Sa madaling salita, nasa 54% ng populasyon ng mga lunsod sa mundo ang nasa Asya,
kasama na ang mga nasa Pilipinas. Sa kalakhang Maynila, kitang-kita at damang-dama ang
kumakapal na bilang ng mga tao, lalo na ng mga naghihikahos.
Ang kalikasan ay nararapat na pinahahalagahan dahil sa pinagkaloob nitong biyaya
kaya tayo ay nabubuhay sa ating pang araw-araw. Kung susumahin Malaki na ang kasalan na
nagawa na’tin sa ating inang kalikasan dahil sa pang aabuso na idinulot natin dito, ilang
halimbawa nalang ang polusyon na nagmula sa kagagawan ng tao at ang pag unlad na nais
matamo ng bawat bansa bilang urbanisasyon. Marahil ganito na nga ang nangyayari sa ating
kalikasan nanarapat lamang na gumawa tayo ng aksyon upang ito ay tuluyang sumigla at mas
matulungan din natin ang ating sarili upang magkaroon ng maayos at matagal pang buhay.

ACTIVITY#1
Direction: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. ANO ANG KABAN NG BAYAN? PARA SAAN ITO?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________--
2. BAKIT NAGKAROON NG KORAPSYON?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________
3. ANO ANG EPEKTO NG KORAPSYON?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________________
4. PAANO NINANAKAW ANG KABAN NG BAYAN?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________-
5. PAANO MATATANGGAL ANG KORAPSYON?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________________

ACTIVITY#2

Direction: Halimbawa na ikaw ang taong nasa kaliwa at kaharap mo ang taong korap , ano
ang sasabihin mo?

IKAW TAONG KORAP


ACTIVITY#3
Direction: ibigay ang MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL base sa
larawan at bigyang pakahulugan.

1. 2.

3. 4.

5.
ACTIVITY#4
Direction: Ibigay ang iyong opinyon sa mga sumusunod na tanong.
1. Kung ikaw ang presidente ng bansa paano mo mawawakasan ang korapsyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Bilang isang magaaral ano iyong maitutulong upang mabawasan ang mga isyu sa bansa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______
3. Kung isa ka sa mga senador at nalaman mo ang isa mga senador ay lihim na itinatago ang
kaban ng bayan ,ano ang iyong gagawin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________--
ACTIVITY#5
Direction: Ano ang mensahe ng nasa larawan? Magmungkahi ng solusyon upang ito ay
miawasan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________-

You might also like