You are on page 1of 2

Maskara

Mula sa titik ni: Jhon Marc L. Almaida

“Hampas lupa, Salot, Patay gutom, Isa kang Basahan, Dugyot, Mahirap”
Yan ang mga katagang palagi ko nalang naririnig, pang-iinsulto at pang-aabuso ng aking mga
kaklase, palagi nalang nila pinamumukha saakin na ganun ako kababa, palagi nalang.

Rinnngggggggggg (tunog ng aming Bell)

“Hayyys salamat at uwian na din, pero kailangan ko munang pumunta sa silid aklatan para gumawa
ng aming Takdang Aralin, Makapunta na nga.” Pero habang ako ay naglalakad may bigla nalang
sumulpot sa aking harapan at kami ay nagkabunggo, “Grabe ang lakas nang pagkakauntog ko dun”
at pagtingin ko sa aking harapan ayy nakita ko ang aking mga kaklaseng lalaki na may galit na
patingin sa akin.
Humingi ako ng kapatawaran ngunit hindi nila ito hindi nila ito tinanggap bagkos ay tinulak pa nila
ako palayo na dahilan ng pagsandal ko sa pader, at sa pngalawang pagkakataon ay hungi ulit ako
ng tawag, pero kagaya ng kanina ay hindi parin nila ito tinanggap, dahan dahan silang lumapit
saakin at sinimulan akong binulbog, at tinadyak tadyakan, wala akong magawa dahil mas malakas
sila sakin, hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang aking sarili, at nag umpisa ng bumuhos ang
aking luha, habang sila ay patuloy parin sa pang-aabuso saakin, hindi pa sila nakuntento at dinuraan
pa nila ako, hanggang isa sa aming kaklase ay naglakas loob para sila ay awtin sa pangbubugbog
saakin, si Marie Seatmate ko at kaklase ko rin since Kinder Garden, ang tapang nya naman para
pigilan ang mga lalaki kong kaklase, sabay banta na isusumbong sila kay Ms. Principal pag-inulit pa
nila ito,.
Umalis sila na may pahabol pang pandudura at pagsipa saakin, tinulungan akong tumayo ni Marie
at bilis agad akong umalis, at nagtungo agad ako sa aming bahay,.

“Mama Papa Nandito na po ako.”

Nakita ko ang aking Ama na nakikipag inuman kasama ang kanyang mga kakumpadre, at habang
ang aking Ina naman ay abalang-abala sa mga gawaing bahay, agad akong nagpalit ng damit sa
aking kwarto para tulungan si Mama sa kanyang mga gawain, naghanda na kami para sa aming
gabihan, at pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng aming pinagkainan, at pumunta sa
aking kwarto, hindi ko parin makalimutan ang mga ginawa nila saakin, hindi ba sila nagsasawa,
simula elementarya palang kami ay inaapi na nila ako, ang dumi nan g uniporme ko, mabuti pang
labahan ko na ito, para makatulog na agad ako ng maaga,.

Umaga nanaman mabuti pang maggayak na ako, kumain ako, at naligo, pagkatapos ay deretso
agad sa Paaralan, sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga lalaking nambully sa akin kahapon,
pasimpleng lakad ko na parang hindi ko sila napansin, ng di umanoy may biglang nampatik nalang
saakin, at deretso ko naman sa putikan, agaw pansin ako ng mga estudyante dito, sabay halakhak,
at para bang siyang siya pa sila sa kanilang nakita,.

Tumayo nalang ako at umalis, pumunta ako sa taas ng aming Paaralan at dun binuhos ang
aking sama ng loob,. “ Hindi ko na kaya, Pagod na ako, Ayaw ko na, Sawang sawa na ako sa mga
pamamahiyang ginagawa nila sakin hindi ko na kaya.”

Patuloy akong umiyak at bigla nalang akong may nakitang isang mahabang lubid, hindi na ako
nagdalawang isip pa at itinali ko na agad ang tali sa taas, alam kong mali itong aking gagawin, pero
wala ng ibang paraan, ipinasok ko ang lubid sa aking ulo, handa na ako, Panginoon patawarin nyo
po ako sa kasalanan na aking gagawin, tinulak ko ang upuan na aking pinapatungan at hinihintay na
lamang na akong malagutan ng hininga, biglang nag dilim ang paningin ko nang biglang may narinig
akong boses,.

“ Jhon wag kang mawawala, nandito pa akong nagmamalasakit sayo, Jhon, Jhooonnnnn”

Nagising ako sa maliwanag na lugar, “ nasaan ako? “

“Nasa ospital ka Iho nadatnan ka ng kaibigan mong nakalambitin at walang malay mabuti nalang at
nakita kanya at tinagkal ng mabilis ang lubid na nakagapos sayo” Sabi ng Doctor, agad itong umalis
palabas ng silid,.

“ Hi Jhon, si Marie to, mabuti at gising kana, alam mo bang grabe ang pag-aalala ko sayo ng
makita kitang itutulak ang tinutungtungan mong upuan, pipigilan sana kita pero huli na, agad akong
gumawa ng paraan para tagkalin ka sa pagkakatali, pero nang naalis na kita, ehhhh wala ka naman
ng malay” sabi ni nya.
“ Pero bakit? Paano mo naman alam na nandun ako sa taas?” tanong ko.

“Actually papunta sana akong Canteen pero nakita kitang umiiyak at ang dumi ng iyong kasuotan
pinuntahan kita agad para malaman kung ano ba talagang nangyari, tas yun nakita kitang may balak
na magpatiwakal, kaya yun, swerte ka at nandun ako” sabi nya sa akin.

“Hahaha, salamat ha kung hindi dahil sayo baka wala na ako ngayon” Galak na galak na sabi ko sa
kanya.

“ Pero may tanong ako sayo, Bakit mo ba nabalakang magpatiwakal? Baliw na ba hah!?.” Galit na
patanong niya saakin.

“ Hindi ko na kasi kinakaya ang mga problema ko, ilang taon narin akong binubully ng mga kaklase
natin, tapos pag uwi ko pa sa bahay, ang aking Ama naman ay wala ng ibang ginagawa kundi
uminom ng uminom, hindi nya manlang tinutulungan si Mama sa pagtataguyod nya sa aming
pamilya.” Sabi ko naman sa kanya.

“ Ahhhhh kaya pala, pero wala namang problemang kayang lutasin, Oo mamaaring hindi mo na
halos makaya ang problemang iyong hinaharap, pero hindi ibig sabihin nito ay kamatayan ang
solusyon para matakasan ang mga problemang iyon, hindi mo ba maisip na maraming malulungkot
at iiyak kapag nawala ka ako malulungkot ako kapag nangyari yun? hindi mo manlang ba maisip
yun?.” Sabay buhos ng luha habang sinasabi nya ang mga salitang iyon.

At dun ko napagtanto na may tao pa palang nagmamalasakit saakin at ayaw akong mawala,
hindi ko alam ang aking gagawin, pero sigurado akong plano saakin ito ng panginoon, naging
masaya nalang ako dahil kung hindi dahil sa kanya ay baka wala na ako,. Tumigil narin ang mga
kaklase kong lalaki sa pang-aapi nila saakin, nalaman kasi ng aming principal ang mga kalokohang
ginagawa nila sa akin, masaya na ako ngayon, Malaya na ako sa buhay na naranasan ko noon, may
kaibigan na palagi kang sinosoportahan at palaging nandyan sa oras ng iyong pangangailangan, at
nabubuhay na ako sa mundong wala ng itinatagong kalungkutan, na kung saan ay malaya ko ng
ipinapakita ang tunay na aking nararamdaman, at hindi na ulit mabubuhay TULAD NG ISANG
MASKARA.

WAKAS...

You might also like