You are on page 1of 3

Binabalik-tanaw ko ang mga panahon na kung saan nagkaroon ng

kamalayan ang bawat Pilipino, mga sandali na namulat ang bawat isa sa
pagkamit ng inaasam-asam na kalayaan, at mga oras na kung saan nagkaroon
ng pagkakaisa bilang rebolusyon laban sa mapanirang Espanyol.
Mula nang bata pa si Jose ay nagkaroon na siya ng umaapaw na
pagnanais, isang tanda ng pagiging makabayan at ang pagmamahal sa lupang
kinagisnan, na nagsisilbing pagganyak o isang inspirasyong magkaroon ng
pagbabago. Maaga siyang namulat sa mga gawain ng Espanyol, at naging
mausisa sa bawat pangyayari ng kolonisasyon. Nag-aral siya, nagsipag, at
naging mapursigi upang matuto at magkaroon ng tamang edukasyon kasama
ng gabay na inilahad ng kanyang pamilya. Sa maagang edad ay nagsulat ng
mga sanaysay, mga tula, na yaring bumuo sa kanyang pagkatao bilang isang
manunulat at makata. Bukod ay naging isang doktor, naging bihasa sa
disiplinang panggagamot, at naging marunong at sanay sa ibat-ibang
lengguahe. Sa madaling salita ay naging isang edukadong tao si Jose. Siya rin
ay natutong magmahal, ngunit tila mas matindi ang pag-ibig niya para sa
bayan.
Naging mas maayos ang buhay niya nang pumunta siya sa Europa,
ngunit mas pinili niyang magsulat at mag-obserba sa mga pangyayari na
talagang napakaiba mula sa kanyang pinagmulan. Naranasan niya ang

kalayaan ng ibang bayan, ngunit naramdaman niya ang pagkakakulong sa


kadahilanan ng pang-aalipusta ng mga Espanyol sa kanyang Inang bayan.
Kayat pinili niyang bumalik at determinadong magkaroon ng pagbabago tungo
sa reporma.
Iyon ang simula ng kanyang aksyon na magkaroon ng mapayapang
bansa di tungo sa pagbubuwis ng buhay ngunit tungo sa kanyang pluma,
upang ilahad at ibunyag ang katotohanan ng pang-aalipusta ng mga Espanyol.
Naging simula ito ng malupit na karanasan ni Jose. Pinagtuunan ng pansin,
binantayan, idinakip at ikinulong, naranasan niya ang lupit ng mapang-api.
Siyay bahagyang nakakilos mula sa pighati, ngunit sa pag-aasang
mailigtas ang kaluluwa ng dating Atenista, ay ipinatapon siya sa Dapitan.
Naging limitado ang komunikasyon mula sa kanyang pamilya, at bahagyang
walang magawa sa kilusang Katipunan, na magkaroon ng isang madugong
himagsikan. Sa biglaang sandali ay hinatulan ng kamatayan si Jose, na di
katanggap-tanggap, at itoy naging sigaw ng himagsikan.
Si Jose ay nagmahal, at naranasan ring masaktan. Nang dahil sa pagibig ay ibinuwis ang kanyang buhay para sa bayan, at upang maghatid ng
isang mensahe sa bawat Pilipino na nagdurusa at patuloy na pinahihirapan ng
walang-awang Espanyol. Ang kanyang buhay na ibinuwis ay tanda ng

pagbabago, isang simbolo ng rebolusyon na patuloy na naging inspirasyon sa


bawat Pilipino.
Maaga siyang namatay, ngunit patuloy siyang buhay sa bawat puso ng
mamamayang Pilipino. Patuloy siyang isang inspirasyon sa ating buhay, na
dapat maging matatag at mapaghalaga sa pagkakaisa, at isang taong
marunong magmahal sa bayang kinagisnan. Siyay isang modelo sa bawat
estudyanteng katulad ko, na maging mapursigi at matiyaga sa pag-aaral,
maging edukado at mapang-unawa. Sa ating pagkakaugnay ay dapat manatili
ang pantaong kalayaan, upang magkaroon ng kapayapaan at kahinahunan sa
bawat isa.
Kayat salamat po Jose, nang dahil sayo ay namulat kaming mga Pilipino
mula sa kahirapan. Binigyan mo kami ng pag-asa, at lakas upang labanan ang
pag-aalipusta. Biniyayaan mo kami ng mata mula sa pagkabulag, mula sa
kamangmangan. Higit sa lahat ay tinuruan mo kaming magmahal, at
magpahalaga sa sariling bayan. Hinding-hindi ka naming makakalimutan, at
lagi kang magiging inspirasyon sa amin, at sa mga susunod na henerasyon ng
ating pinakamamahal na Pilipinas.
Jose Rizal, naway pagpalain ka ng Poong Maykapal. Salamat po.
Salamat.

You might also like