You are on page 1of 11

PELIKULA

KaPe: Iskrip

Maraming Salamat mainit na pagpapakilala… sing-init ng klima natin


ngayong hapon na ito.

Bago tayo magsimula sa ating talakayan, nais ko lang ipaalala na huwag


ninyong kalilimutang mag- take down notes ng mahahalagang impormasyong
makukuha ninyo sa gagawin nating talakayan dahil pakikinabangan ninyo rin yan
mamaya sa ating ebalwasyon. Isa pa palagi ninyo lamang ibuka ang inyong isipan
sapagkat tunay na hitik sa kaalaman ang ibabahagi sa inyo ng team Bubukakang
Liwayway.

Kaya naman…. Bukang – buka ka na ba?

SAGOT: oo bukang-buka na!

KaPe talakayan: ang tatalakayin natin ay hindi tungkol sa kape, kung di sa


kahulugan at kasaysayan ng pelikula.

Kahulugan ng Pelikula

Para sa iyo ano ang pelikula?

Gawin nating mas madali: Word Association: Magbigay ng isang salita na


maaaring ikabit sa Pelikula.

Balik tayo sa ating talakayan…

Ang pelikula ay nagsisilbing salamin ng buhay ng publiko sapagkat dito


naisasalarawan ang kanilang mga pangarap, hangarin at paniniwala.
 Ano kaya ang ibig sabihin ni Canto 2009 dito?
 Gaya ng ibang anyo ng sining ay nagtataglay din ang pelikula ng mga
kwentong kapupulutan ng mga aral at syempre sabi nga ay salamin ng
buhay, ibig sabihin, ito ay nagpapapakita ng katotohanan ng buhay o ‘di
kayaý mga isyung panlipunan mula noon hanggang ngayon.
 Salamin ng buhay ng publiko? Bakit ba tayo gumagawa ng mga
pelikula? Para kanino? Sino ba yung mga inaasahang tatangkilik?
 Syempre ang publiko o ang madla. Kaya naman ang pelikula, kadalasan ay
nagpapakita ng katotohanan ng buhay. Hindi lamang ng isang particular na
tao kundi ng buhay na pinoportray ng marami.
 Naging malaking parte ng pamilang Pilipino ang Pelikula. Hindi lang kasi
ito para mang-aliw, lundayan rin ito ng mga aral, kuwento, kaalaman
tungkol sa mga pangyayari sa totoong buhay.
 Kaya nga diba madalas kapag nakakapanood tayo ng mga palabas, nadadala
tayo. MInsan tumatawa, umiiyak o minsan pa nga sabay nating
nararamdaman, bakit? Kasi nakakarelate tayo.
 Kung minsan may mga karaketr sa pelikula na kumbaga inaasahan mong
sana mangyari din sayo, dun pumapasok yung pangarap, hangarin at
paniniwala.
 Kumbaga sinasalamin nga nito yung buhay ng publiko at isinasalarawan ang
mga pangarap, hangarin at paniniwala ng madla.

Ang Pelikula ay…

 Kilala rin bilang sine at pinilakang tabing.


 Sino dito yung pagnagyayayang manood ng pelikula eh sine ang
nasasabi? “Oy tara nood tayo sine!”
 Ako personaly. Parang naging tradisyon kasi naming magpipinsan
na pag Pasko sa panonood ng pelikula mapupunta yung
pinamaskuhan. At kapag nagkakayayaan talagang ang sinasabi eh
“Nood tayo sine”. Which is acceptable naman pala kasi nga sabi
ang pelikula kay kilala rin bilang sine.
 Eh sa panahon ngayon, “movie” na yung sinasabi eh no? English
na. Kumbaga bihira ka makarinig ng nagsasabi ng pelikula sa
panahon ngayon no?
 Pinilakang Tabing- Mayroon akong teorya tungkol dito. Yung
pilak parang katumbas niya kasi ay pera diba?, tapos yung
pelikula naman diba pinipilahan, tapos binabayaran,
gingawang negosyo, industriya. Tapos yung tabing ay yung
malaking tela sa entablado na pinagtatanghalan. So feeling ko
kaya siya tinawag na pinilakang tabing ay dahil sa yung
pelikula na itinatanghal o pinapalabas sa mga tabing ay
ginagawang negosyo.

 Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang


isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
 Alam naman natin na ang pelikula ay bahagi ng industriya ng
libangan. Pero bago pa sya maging source of entertainment sa
madla, Maraming bagay pa muna ang dapat iconsider .
 Bilang sa pelikula nga ay ipinalalabas yung mga kwento o kasisipan.
Hindi naman doon lang natatapos yon. Kay siya isang anyo ng sining
kasi bukod sa simpleng paglalahad ng kwento may iba pang factor na
dapat iconsider, tulad ng way ng pag-arte ng mga artista, kung paano
sila iiyak, paano nila iinterpret yung storya.
 Tanyag na libangan at negosyo, nililikha sa pamamagitan ng
pagrerekord.
 Uyyy. Alam na alam natin to. Wala ng libre sa mundo. Kaya nga
kapag nagpupunta tayo sa mga sinehan. Nagbabayad tayo. Kahit
pa nga nanonood ka lang sa bahay ng tv, kasi diba yung ibang
pelikula pinlalabas na ngayon sa tv, nagbabayad pa rin tayo.
Bakit kamo? Syempre yung kuryente. Lalo na kung uumpisahan
mo ng umaga tas matatapos ka gabi na, nakoow lagot ka sa nanay
mo, palo.
 Ibig kong sabihin, bukod sa kumbaga goal nitong pelikula eh
makapanlibang, ay nagiging negosyo din ito. Ang pelikula ay
parehong sining at industriya.

 Isang uri ng aliwan na nagpapatibay ng isang kuwento sa pamamagitan


ng tunog.
 Sa panahon ngayon san ka makakapanood ng movie na walang
katunog-tunog? Kasama yan sa pelikula para mas maging matibay
yung emosyon. Halimbawa diba kapag horror yung palabas tapos ang
plain lang walang background music and all. Parang wala lang pero
diba kapag may tunod nakakdagdag sa kaba.

 Isang pagkakasunud-sunod ng mga larawan na nagbibigay ng ilusyon


ng tuloy-tuloy na paggalaw. 
 Kung pamilyar kayo kay mickey mouse? May maikling video clip na
siguro napanood niyo na rin. Yung kung paano ginawa si mickey
mouse noon. Kasi diba si mickey mouse ang unang Disney character
na ginawa ni Disney. Kung natatandaan niyo, pinakita doon sa video
clip na si mickey ay pictures or drawing na pinagsunod-sunod, then
nagcreate sya ng illusion na parang gumagalawa siya.
 Flip book. Ang tawag doon ay motion picture

 Ang Pelikulang Pilipino ay ang pinakabatang uri ng sining sa Pilipinas


at isang popular na uri ng libangan.
 Tulad nga ng sabi ko kanina. Parte na ito ng buhay ng Pamilyang
Pilipino. Libangan at the same time lundayan ng karunungan. Kaya
rin siguro siya naging popular dahil, may nakikita tayong pictures,
may gumagalaw na mga karakter, may dayalog, may music at
syempre kinapupulutan ng aral, impormasyon yung kwento mismo
nung pelikula. Kumbaga hindi sya nakakaboring.

Kasaysayan ng Pelikula

 Bago tayo dumako dun sa next slide, kwentuhan ko muna kayo. Okay lang
ba yun??
 Actually tong kwento ko na to eh galling pa sa lolo ng lolo ng lolo ko. Ayon
sa lolo ko yung pelikula daw eh nagstart noong huling bahagi ng pananakop
ng mga Kastila. Noong 1897, dumating ang pelikula dito sa Pilipinas.
Mayroong 4 na pelikula na ipinalabas sa isang sinehan sa may 16 Calle
Escolta ni Antonio Ramos, isang sundalo mula sa Espanya.
 Tapos nung mga sumunod na taon nag isip sila ng taktiks para dumami
yung mga manonood. Naisip nila na gumamit ng isang Lumiere para
kumuha ng mga larawan o mga eksena mula sa magagandang tanawin ng
Pilipinas. Pagkatapos noon dumating na yung iba pang mga dayuhan na
gumagawa ng pelikula tulad nila Burton Holmes, Kimwood Peters,
Raymond Ackeman, mga tropa ng lolo ko, kaya lang nagkaaway-away sila
kasi nung 1900 pinalabas yung pelikulang Cock fight. Doon ipinakita yung
pagiging mahilig ng mga Pilipino sa sabong. Kaya mesyo nagkaisyu kasi
nagkadayaan daw. Char. Hahah
 Then here comes the Americans. Si Walgrah, bagong kaibigan ng lolo ko.
 Nagbukas naman siya ng unang sinehan dito sa Pilipinas na tinawag na Cine
Walgrah.
 Tapos sumunod naman na nagtayo ng sinehan tong si Samuel Rebarber,
isang kastila, ang pangalan ng sinehan niya ay Gran Cinematografo Parisen.
 Nung 1903 naman, nakilala raw ng lolo ko si Jose Jimenez nagjive sila kasi
Pilipino sila parehas. Nagtayo naman si Jimenez ng isang sinehan na ang
pangalan naman ay Gran Cinematograpo Rizal.
 Gumawa ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng
tunog ng pyano at mga
 mangaawit sa Manila Gran Opera House.
 Gumawa ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng
tunog ng pyano at mga
 mangaawit sa Manila Gran Opera House.
 Gumawa ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng
tunog ng pyano at mga
 mangaawit sa Manila Gran Opera House.
 Gumawa siya ng pelikulang tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng
tunog ng piano at mga mang-aawit ng manila Gran opera House.
 1914
 Us Colonial Goverment ay gumagamit na ng pelikula sa pag
hahatid sa Edukasyon at Propaganda
 nag aangkat din sila ng Pelikula mula sa Europa, ngunit ng sumapit ang
Unang Digmaang
 Panaigdig, ay pansamantalang itinigil ito.
 Tapos sabi pa ng lolo ko, noon gumagamit na ang US Colonial
Governemant ng Pelikula para maging daluyan din ng edukasyon at
paghahatid ng mga propaganda. Kaya lang nung sumapit naman yung unang
digmang pandaigsig ay pansamantalang natigil ito.
 Tapos, wala na nakatulog na yung lolo ko. Gabi kasi non nung kinwentuhan
nya ko hehe.

Atleast nalaman natin na ang pelikula pala eh nagsimula sa panaon ng mga


Amerikano at kastila hano.

1912- “Silent Picture”


From the word itself “silent Picture” ano kaya yung ibig sabihin nito?
Para magkaroon tayo ng ideya kung ano ang silent picture may ipapanood
ako sa inyo na clip. Tingnan natin kung paano ninyo bibigyang kahulugan itong
silent picture.
 Base don sa napanood ninyo ano ngayon ang ibigsabihin ng silent
picture?
 Ang silent picture ay yung mga pelikulang hindi nilalapatan ng mga
salita. Pero mayroong tumutunog na mga biyolin o piyano o orchestra
bilang background.

 Noong 1912 ipinalabas ang unang silent picture na ginawa nina E.M
Gross at A.W Yearsly. Ito yung La Vida del Rizal na ang ibig sabihin
ay Ang buhay ni Rizal.
 Ito ay tungkol sa pagsilang ni Rizal, karera sa Europa, hanggang sa
pagkakulong at pagpapatapon sa kaniya sa Fort Santiago.
1919- Unang Pelikulang Pilipino.
 Opisyal na simula ng Pelikulang Pilipino.
 Pinasimulan nga iyan ni Jose Nepomuceno sa paggawa nga niya ng
unang Pelikulang Pilipino na pinamagatang Dalagang bukid.
 Yung dalawang bukid ay hango sa zarzuelang isinulat ni Hermogenez
E. Iligan

1930- “Talkie”
Kung kanina ay silent ngayon talkie naman. Ito na yung pelikulang may
sound na may talk pa. Ibig sabihin maririnig na nating nagsasalita dito yung mga
gumaganap.
1932- Si George P. Musser na isang Amrikano ay gumawa ng talkie sa
Pilipinas.
Ang unang pelikulang talkie nga ay ang aswang. Pero sabi ng matatanda,
wala naman daw talagang tunog itong pelikulang ito. Siguro kaya ganoon eh dahil
una palang kasi so baka mababa pa yung kalidad ng tunog kaya di pa gaanong
naririnig.
1933- Unang talkie na gawang Pinoy.
Punyal nag into ni Jose Nepomuceno.
1939- unang Pelikulang Pilipino na ang salita at awit ay nasa wikang
Kastila.

Carmen Concha- Unang babaeng Direktor sa Pilipinas.

1940’s- War Films

Panahon ng mga hapon at ikalawang digmaang pandaigdig


Pansamantalang natigil ang paggawa ng pelikula sa Pilipinas. Tinake over
ng Japan yung film industry sa pagpapalit nung mga pelikula natin sa Hollywood
films na free of tax. Kaya lang hindi rin sila nagtgumpay.

At ayun na nga lumitaw yung ga War Films. Bakit siya war films?
Dahil sa panahon na iyon, diba may digmaan. Yung digmaan yung nagdala sa
Pelikulang Pilipino ng Kamalayan sa realidad na kung saan hindi nailahad ng mga
naunang pelikula.

That time dahil sa Digmaan nasira yung mga kagamitan sa paggawa ng


pelikula pati yung mga sinehan. So ang nangyari nagbenepisyo yung industriya ng
teatro.

1950’s- Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino

Big 4- mga kilalang kumpanya na nagpoprouce ng mga films o pelikulang


pinanonood ng maraming Pilipino.

 Kay tinawag na ginintuang panaon ito ng pilikulang Pilipino ay dahil


sa ito yung taon na umani ng mga parangal ang pelikulang Pilipino sa
katauhan nila Gerardo de Leon at Lamberto Avellana. Nakilala sila sa buong
asya, matapos Manalo sa Asian Film Festival ang kanilang mga Pelikula.
 “ Ang Asawa kong Amerikana”, best script (1954) 
 “Ifugao” ni de Leon
 “ Anak-Dalita” at “Badjao” ni Avellana 

1960’s- pelikulang aksyon

Naging tanyag ang mga Pelikulang aksyon


Nakilala ang bagong Genre na “Bomba”. Ang bomba o bomba Films ayon
kay Flores (2016), may mapupusok na mga eksena, malimit na hubo’t hubad na
mga tauhan, senswal na konsepto – talaga namang mag-iinit ang sinumang
makakapanood. Sa makatuwid, ito yung tinatawag natin ngayon na pornograpiya.

Umusbong ang Regal Films

1970’s – 1980’s – “Wet look”


Ginamit ang mga pelikula bilang propaganda laban sa Martial Law. 
Kung susuriin natin, itong dekada na ito ay panahon na ng panunungkulan ni
Marcos (1965-1986). Diba nung panahon niya eh mahigpit na ipinagbabawal ang
pagpapalabas ng something na magtitrigger sa taong-bayan na mag-aklas laban sa
pamahalaan. So anong ginwa niya? Diba banned ang media noon? para madivert
yung atensyon ng mga tao, yung mga palabas eh into something na kapukaw
pukaw ng atensyon tulad nga ng “bomba films”

Kayalang nung 70’s -80’s ipinatigil din yung ma pelikulang bomba at


tungkol sa pulitika.

Wetlook nga ay nauso na, pamalit sa pelikulang bomba. Nympha (1971) 


Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa (1974) 
Burlesk Queen
Nung sinearch ko sila isa-isa yung mga genre nila parang hawig lang din sa
“bomba films” eh

1980’s -1990’s – ikalawang gintong panahon ng Pelikula


Naisa-alang alan na sa panahon na ito yung kalidad ng pelikula.
Nauso na rito yung genre na komedya na very teen –oriented
Dito na rin umusbong yung star cinema at Gma Films.
Jose Rizal at Sa Pusod ng Dagat (1998) 
Muro Ami 
Esperanza: The Movie (1999)

Gumawa ng pelikula na tungkol sa kolonisasyon na sinasaluhan ng tunog ng


pyano at mga
 mangaawit sa Manila Gran Opera House.
2000’s – rebirth ng Philippine Cinema

Nabuhay muli ang mga sinehan.

Sa panahon na ito, hindi na lamang limited sa malalaking sinehan ang Panonood


ng Pelikula. Naging instrument na rin ang digital media para mas marami yung
makapanood dun sa pelikula.

Napapalabas sa tv. yung mga pelikula.

Yung RPG Metanoia ay isang Filipino 3-D Computer animated adventure


film, na binosesan nila Zaijan Jaranilia, Eugene Domingo, Vhong Navarro, Aga
Mulach at iba pa.

Bago ko bitawan ang mikropono, alam kong mejo inantok kayo sa diniscuss
ko hehe. May hinanda akong short activity, okay lang ba kung iperform natin?

May ipapanood akong clip sa inyo, galling to sa movie na One More chance.
Panoorin muna natin, then after I need volunteers to reenact the scene. Okay lang
ba yon?

You might also like