You are on page 1of 4

Tunay na Kaibigan

-Isabel Guape
"Ang totoong kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo palagi. Ang tunay na
kaibigan ay yung taong nagpaparamdam sayo at ang taong nandyan sa panahon ng kasiyahan,
kalungkutan at sa gitna. At may panahon din na presensya ng isang kaibigan ay sapat na, upang punan ang
iyong kalungkutan.

Sa mahigit isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tototong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin,
karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at lumilisan kapag ako na ang
nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko
importante? Minsan iniisip ko nga na baka hindi pero, nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay
ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa ito pagdating ng marami pang taon. Pero
ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan? Paano ba malalamankung ikay mayroong
kaibigan na nariyan lamang kung meron kang maibibigay?
Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan.
Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila.
Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na.
Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.
Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka.
Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.
Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan.
Ang kaibigan hanggang umpisa lang.
Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit
kapag nangangailangan ka.
Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, Bahala ka
na.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang.
Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik.
Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.
Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan.
Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na.
Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.
Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian.
Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.
Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan.
Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.
Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan.
Angkaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga.
Ang kaibigan walang pakialam.
Ang kaibigan ay bahagi na ng aking buhay. Minsan sila ang nagiging basehan ko kung sino at kung ano ako
noon at ngayon. Sabi nga nila Tell me who your friends are, and I tell you who you are. Kung titingnan ko
ang ganitong pananaw, masasabing dapat maging mapili ako sa pagkakaroon ng kaibigan.
Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa aking buhay. Maraming pagkakaibigan ang
nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit
gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan ng pinagsamahan
ay mananatiling nakaukit sa aking mga pusot isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang nandyan, upang
magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ako ay sabayan, sa pagharap ng hamon at pagsubok
ng buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede mong maramdaman kahit kailan. Parang ibon na
mahirap pakawalan. At parang isang agos na kay hirap pigilan. Ang pagkakaibigan ay hindi inaasahan itoy
kusang dumadating at minsan ay nawawala. Dapat pahalagahan upang di mawala. Kailangan ng pasensya
at tiwala sa isat isa. Minsan kailangan mong magparaya at intindihin.

Lahat ng tao pwede mong tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabi mong tunay.
Tunay na kaibigan ay napaka hirap hanapin para kang lulusong sa tubig dagat hindi mo
alam kung gaano kalalim, itataya mo ang buhay mo para sa tinatawag na tiwala sa sarili. Kung kayat ang
pagmamahal sa kaibigan ay isa pinakamahalagangbahagi ng buhay ko dahil isa rin itong dahilan kung bakit
akoy lalong tumatatag sa araw-araw sa kadahilanang isa sila sa aking pinaghuhugutan nang lakas.
Ang isang kaibigan ay maihahalintulad natin sa isang paro-paro bagamat dadating ang panahon na sila ay
aalis, ay nag-iiwan pa rin itong mag-iwan ng marka sa ating katauhan na magiging bahagi na ng ating
buhay hanggang sa kahuli-hulihang sandali.

ST. PETERS COLLEGE OF ORMOC


COLLEGE UNIT

Filipino 11: Sanaysay at Talumpati


TALUMPATI

Ipinasa kay:
Gng. Myriam H. Dio

Ipinasa ni:
Isabel D. Guape
BSED-III

You might also like