You are on page 1of 1

Kabataan noon at ngayon`

Bagong henerasyon nandito na tayo ngayon


kabilang na tayong lahat sa modernong sistema ng panahon
kung saan teknolohiya na ang batayan,
kung saan mapapatanong ka na lang kung pag-asa pa nga ba ng bayan ang mga kabataan?

Parang noon lang masaya pa silang naglilibang,


naglilibang sa bakuran ng kanilang tahanan.
Ngayon di na uso ang patintero at tagutaguan
sapagkat umaga palang facebook na ang pinagkakaabalahan
Puro mura ang bukambibig pero sa recitation wala kang maririnig
Halos wala ng saplot dumami lang ang likers
pero pag titingnan ang grado mas mataas pa ang followers.

Noon, nakikiusap pa na palabasin ng bahay


makasama lang makalaro ang kapitbahay,
Ngunit ngayon, tanghaling tapat kompyuter agad ang katapat,
LOL, ML, DOTA, ROS, Aysus!

Kabataan noon, tangi nilang pinoproblema kung paano sila makakabili ng chichirya,
ngayon di daw sila mabubuhay ng walang jowa
labing tatlong taong gulang pababa halos lahat marunong na
tapos kapag nabuntis ng maaga sa magulang ipapaalaga.

Tropa? Barkada? yan ang sinusunod at pinapakinggan nila


ni hindi manlang naisip ang mga magulang nila.
sa bawat hingi ng pera pambili ng kolorete at
sa bawat kupit ng pera pangkompyuter ay
katumbas ng dugo, luha at pawis nila
mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang nasabing kabataan

Nasubukan niyo na ba silang pagmasdan?


nasubukan niyo na bang hawakan ang kanilang mga palad
tingnan kung gaano kakapal ang kanilang mga kalyo kakatrabaho maibigay lang ang iyong luho?
Na halos igapang ka nila sa kahirapan tapos ikw magpapagapang lang?
Iho, Iha naturingan tayong pag-asa ng bayan pero bakit parang naging kabaliktaran?
Oo. kabilang na rin ako sa henerasyong ito
pero teka, teka baka kasi kayo'y natatamaan at sabihing masyado akong naglilinis-linisan,
Pasensya na, nais ko lang naman maimulat ang inyong mga mata
di naman kasi hamak na mas masayang mamuhay sa makaluma at simpleng sistema,
na ngayo'y malaki na ang pinagkaiba

You might also like