You are on page 1of 2

Siya na Kakaiba

Ni Angel Grace R. Canoy


October 26, 2019

Hinihigop ang lahat nga lakas ko sa tuwing pumapasok sa tainga ko ang kakila-kilabot
na tunog ng kampanang naghuhudyat na ng susunod na asignaturang makakasalamuha sa
buhay-estudyante. Bigla akong tinatakasan ng interes sa eskuwela at nais kong takasan ang
asignaturang labis kong kinatatakutan at kinaiinisan - ang asignaturang Ingles.

Simula’t simula ng pagtungtong ko ng paaralan ay hindi ko talaga masikmura ang


asignaturang ito. Pakiramdam ko ay kinakalawang ang utak ko. Ayokong pag-aralan ang
“grammar lessons” at literatura kasi kahit anong gawin ko hindi talaga ito mahigop ng kukote ko.
Ito ang paniniwala ko hanggang tumuntong ako ng ikasampung baitang pero bigla itong
nagbago ng pumasok na ako sa buhay senior high school. Biglang naging maaliwalas ang
aking pakiramdam at nag- iba ang pagtingin ko sa asignaturang ito. Isang tao ang sa likod ng
pagbabagong ito - ang taong nagturo sa aking mahalin ang “grammar lessons” at literatura na
dati ay kinaayawan ko.

Si Gng. Hazel Lopera, isang magiting na guro sa departamento ng Ingles ng Sisters of


Mary School, ang nagturo sa aking mahalin ang asignaturang Ingles. Talagang kakaiba yung
pakulo niya kung kaya’t unti-unting napapawi ang poot na aking nadarama. Taglay niya ang
mala-Albert Einstein na katalinuhan. Buong husay niyang pinaghimay-himay ang bawat leksiyon
para tuluyang huminog ang aming kaalaman. Sinasanay niya ang mura naming mga utak na
maging rasyonal sa pag-iisip sa pamamagitan ng matatalas niyang mga katanugan. Sa
anumang aspeto ay sinusubok niya ang mga kaalamang nakatanim sa aming isipan at
ipinagyayabong pa ito.

Minsan nagmimistula din siyang payaso ng klase. Sinasangkapan niya ng aliw ang
talakayan sa tuwing tadtad at pagod na ang aking utak dahil sa nakakabalinguyngoy na termino
at aralin. Ang makapukaw-interes niyang mga biro ang tanging pinaghuhugutan ko ng lakas.
Ang pag-iiba niya ng ekspresyon ng kanyang mukha ang nagpapatawa at umaaliw sa pagal
kong utak. Ang pagiging palabiro niya ay naging daan upang mas maunawaan namin ang
leksyon sa malikhaing paraan.

Taglay rin ni Gng. Lopera ang mapag-arugang kamay ng isang ina. Walang makahihigit
sa hindi matumbasang pag-unawa niya sa mga mag-aaral. Buong puso niyang inihahandog sa
amin ang pangalawang pagkakataon sa tuwing nakakaligtaan naming gampanan ang aming
responsibilidad bilang mag-aaral. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay hindi niya pa rin kaming
hinahayaang lumaki sa layaw. Alam niya kung kailan niya tatanggapin ang mga paumanhin
namin at alam niya rin kung kailan hindi palulusutin ang mga palusot namin. Nakaantabay siya
palagi sa aming tabi lalo na kung ramdam niyang nahihirapan na kami.
Saludo ako sa ginintuang puso at angking katalinuhan ni Gng. Hazel Lopera na siyang
nagsilbing guro ko hindi lang para matuto ng kaalaman sa Ingles bagkus ay ang nagturo rin sa
akin na mahalin ang asignaturang naging kaaway ng interes ko. Tinapik niya ang manhid kong
pakikitungo sa literatura’t balarila sa pamamagitan ng katangi-tangi nyang pagmamaneho ng
araw- araw na diskusyon. Kaya siya ang mansanas ng aking mga mata.

You might also like