You are on page 1of 35

Ang Kultura ng Teknolohiya sa Kabataan Ngayon

Malaki ang ginagampanan ng teknolohiya sa paghabi ng kultura, lalo na sa kabataan. Ang


kulturang popular ay nakabatay sa pagdisimina ng iba’t ibang bagay gamit ang isang midyum.
Hindi natin maikakaila na ang Internet ay isang penomena na naging kaakibat ng isang
makabagong kultura. Hindi siguro akalain ni Tim Burners-Lee kung gaano kalaki ang kanyang
magiging kontribusyon sa pandaigdigang lipunan noong naimbento niya ang World Wide Web.
Labingdalawang taon na ang nakakaraan at marami nang sistema ang napalaganap sa Internet,
mga iba’t ibang nakakagawian ng mga kabataan ngayon. Wala na ang mga araw kung saan sila’y
maghapong nakatutok sa telebisyon o nagsisitambayan sa kalsada. Nabawasan na rin ang
kanilang paggagala kung saan-saan at dumadalas ang pagkulong sa kwarto. Ano ang ginagawa
ng tipikal na teenager na biniyayaan ng kompyuter at ng Internet connection?

Unang nauso ang e-mail. Pinaikling salitang “electronic mail,” ang e-mail ay isang rebolusyon sa
pagpapadala ng liham. Masasabing mas may silbi ito sa mga propesyonal na nangangailangan ng
mga dokumento ng mabilisan, nakagihasnan na rin ng kabataan ang paggamit ng e-mail para sa
forwarded e-mail na dati ay kilala bilang mga chain letters na pinapaseroks pa kung siniseryoso.
Nandiyan rin ang mga signature campaigns, at pakikipag-chikahan sa mga kaibigan na dumayo
na sa malalayong lugar. Dati, tamad ang kabataan na bumisita sa mga post office, halos wala
sigurong kikitain ang mga kartero sa market na ito. Ngunit ngayon, sila’y nagpapalitan ng diwa
at mga kaisipan via e-mail. Pero alam natin na hindi matiyaga ang mga kabataan. Kung gusto
nila ng makakausap, gusto nila na doon at doon rin. Kaya’t mabuting naimbento ang IRC at IM.

Ang Internet Relay Chat (IRC) ay isang sistema kung saan ang mga manggagamit (user) ay
makakapagkausap sa katakot-takot na iba pang manggagamit na naka-Online sa panahong din
iyon. Nahihiwalay sa iba’t ibang channels na nakabatay na rin sa interes mo at kung ano ang
gusto mong pag-usapan. Iba’t iba ang paraan ng klasipikasyon. Dito nagiging interaktibo ang
pakikipanayam ng paggamit sa Internet, at kadalasan, dito nagkakakilala ang mga taong hindi
naman talaga magkakilala sa totoong buhay. Marami diyan ang tumutuloy sa seryosong relasyon
at nagpapakasal dahil sa pagkakakilanlan sa isang chatroom. Hindi lamang ito isang kwento na
nangyayari sa “You’ve Got Mail,” na nasabi sa isang pag-aaral na pinamagatan Cyberlove (De
Luna, 2001). Sa kasalukuyan, nawawala na sa uso ang IRC, at dumadalas na ang paggamit sa
Instant Messaging (IM). Usong-uso ngayon ang paggamit ng Yahoo! Messenger (Y!M), na halos
lahat na siguro ng kabataan ay napalitan na ang pangalan nila ng kani-kanilang Yahoo!
Usernames. Marami diyan ang nagsasagawa ng block meeting na lang sa Y!M, o kaya’t
naglalaro ng mga Online na laro laban sa isa’t isa. Kasabay ng pag-usbong ng kultura ng pag-
text, ang IM ay naging isang mas mabilis na pakikipagtalastasan gamit ang mga salitang pasulat
sa mga taong nakikilala natin sa totoong buhay. Ngunit hindi makakaila na marami rin ang mga
hindi magkakilala na nagkakakilanlan sa Y!M.

Dumako naman tayo sa kinalolokohan talaga ng lahat ng tao ngayon. Tila wala na yatang tao sa
Pilipinas na walang Friendster account. Sa ngayon, tinatayang may isang milyong Pilipino ang
merong Friendster account. Ayon kay Joe Hurd, bise presidente ng Friendster para sa
internasyonal, nagsimula ang popularidad sa San Francisco Bay Area kung saan marami ang mga
Pilipino. At doon nagsimula ang pagkauso ng buong sambayanan sa Friendster. Dahil dito, naiba
ang marketing strategy ng mga Amerikanong nagmamay-ari ng Friendster. Dahil hindi
masyadong kumikita ang mga Online advertisement, at alam nilang mas madalas ang gamit ng
mga tao sa Pilipinas ng kanilang selepono (cellphone), sa Pilipinas nagkaroon ng unang mobile
service ang Friendster. Ngayon, halos lahat pa rin ng tao sa Friendster ay mga Pilipino, at nauuso
na rin ang blog feature sa Friendster.

Pahapyaw na Pagtinggin sa Kasaysayan ng Blog

Kaya’t ngayon ay dumako naman tayo sa tunay ng introduksyon nitong pagsusuri. Ano ba itong
salitang blog? Mula sa pinaiksing web log, ang blog ay isang Online journal kung saan ang isang
manggagamit (tinatawag din na blogger) ay malayang magsulat ng kahit anong ninanais niya
tungkol sa mga bagay-bagay na nasakanyang mga alapaap ng karanasan. Hindi masabi kung saan
talaga nagsimula ang blog. Kung titingnan sa pinaka konsepto ng blog, kung saan ang personal
na pagmumuni-muni tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kani-kanilang mundo, lalo
na sa pulitika, si Samuel Pepys ng Inglatera ang masasabing unang “blogger.” Nauso ang
pagsusulat sa diary nung ika-17 siglo kasabay ng pag-usbong ng literatura, murang papel, at
pinataas na pagkakilanlan sa sarili (heightened self-awareness). Si Samuel Pepys ang unang
nagsulat na parang isang tipikal na blogger ngayon. Nagbigay siya ng mga personal na kritisismo
sa mga nangyayari sa kanyang paligid tungkol sa pulitika, at naging repleksyon na rin ito ng
kanyang mga karanasan. Meron itong katangian na pagiging “self-glorious.” Taliwas sa
pagkapubliko ng mga blog ngayon, ang mga sinulat ni Pepys ay nalathala lamang at nabasa ng
madla ng siya ay namatay.

Balik tayo sa panahon ngayon. Unang nauso ang mga “blog” sa mga komisyonadong gumawa ng
mga commercial websites. Sila ang tinaguriang una sa mga html geeks, at ang kanilang blog ang
pang-ensayo nila ng kanilang mga coding skills. Kaugnay na rin sa kanilang trabaho sa umaga,
gumawa sila ng mga websites na personal kung saan nandoon nakapaloob ang mga halo-halong
palaisipan at komentaryo sa mga bagay-bagay.

Noong December 1997 unang pinagalanan ni John Barger ang mga website na ito bilang “web
log.” Mayamaya’y tinawag naman ni Peter Merholz ito ng pinaikling salitang “blog” at tinawag
niya ang editor ng mga blog na ito bilang isang “blogger.”

Natapos na rin ang pagkaeksklusibo ng blog para sa mga html geeks noong 1999. Nitong taon na
ito umusbong ang Blogger (http://www.blogger.com) at LiveJournal
(http://www.livejournal.com), mga website na tumutlong sa isang ordinaryong tao na gumawa ng
kanilang sariling website para sa kung saan man ang gusto nilang i-blog. Tinawag ang mga ito
bilang “personal publishing tools” dahil hindi na nangangailangan ng ispesyal na mga kaalaman
para makagawa ng mga web logs. Napadali na ang lahat, kaya’t ang isa pang katawagan sa mga
blogging platforms na ito ay “push-button publishing tools.” Hanggang ngayon, malawakan ang
mga gumagamit sa mga website na ito, at libu-libo ang gumagawa ng mga bagong account para
sumama sa bandwagon ng mga merong blogs.

Ngunit dahil lang ba sa pagkauso nito naakit ang mga tao, lalo na ang kabataang Pilipino, para
mag-blog? Tila hindi lamang pagkauso ang dahilan mismo. Malamang ay meron pang kaakibat
ang pagkauso ng blog. Maganda ring usisain kung bakit naiiba ang blogging sa iba pang Internet
trends dito sa Pilipinas. At kung saan talaga pumapasok ang mga distinktong katangian ng mga
kabataang Pilipino noon at ngayon, at kung saan papasok ang blog sa ebolusyon ng mga
kabataan ngayon.

TESIS NA PANGUNGUSAP

Isang pag-aaral ng mga tipikal na mga blog entries ng kabataan ngayon at ang mga katangian ng
tipikal na teenager na blogger.
SULIRANIN

Paano nakaka-apekto sa social, filial, at emotional dynamics ng kabataan ang kanilang mga web
logs o blogs?

SARBEY NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

A. Ang Computer-Mediated Communication Systems

Bago na-imbento ang mass media, nakadepende sa mga haka-haka, kuro-kuro at kung anu-ano
pang walang batayan ang mga tao para sa impormasyon. Matagal ang proseso ng paglathala ng
mga libro, at hindi nagtagal naimbento na rin ang newsprinting. Sa pagsilang ng mga diyaryo,
napabilis na rin ang pagkalat ng balita, ngunit limitado ang espasyo ng mga diyaryo para sa mga
tunay na manunulat at ang mga tinaguriang maglathala ng mga pangyayari sa lokal na setting.
‘Di naglaon, nang umusbong ang paggamit ng iba’t ibang teknolohiya para sa komunikasyon (na
kakatwa ay nagmula sa mga teknolohiyang militante), nauso ang radyo at telebisyon, dalawa sa
pinakarebolusyonaryong midyum na pang masa.

Si Harold Laswell (1948) ay nagkaroon ng isang modelo ng komunikasyon. Isa ito sa unang mga
modelo para sa komunikasyon. Meron ditong limang mahahalagang elemento. Una ay kung sino
ang magpapahayag ng mensahe (Communicator), tapos kung ano ang kanyang mensahe
(Message), pangatlo ay sa papaanong paraan (Medium), pagkatapos ay kung para kanino
(Receiver), at kung ano ang magiging epekto (Effect). Ibinatay niya sa tatlong premiso ng
lipunan ang kanyang modelo, ayon sa surveillance, correlation, at transmission. Ito raw ang
nagpapatatatag sa lipunan at kinakailang ng epektibong sistema ng komunikasyon para ito ay
mangyari.

Kung susuriin mabuti, ang radyo at telebisyon nga ay napalawak ang tagatanggap ng mga
mensahe na nanggagaling sa pamahalaan, o sa industriya, ngunit kulang pa rin ang mekanismo
ng feedback. Mahalaga sa mga sistema ng komunikasyon ang mga reaksyon at ang kaagyat na
epekto nito sa manonood o tagapagpakinig. Ngunit malamang, hindi naman lahat ay
magkakaroon ng ganang makipag-labanan sa linya ng telepono para lang maipahayag ang kani-
kanilang mga reaksyon. Naging limitado para sa mga Receivers na ibalik ang kanilang
pagproseso sa kaalamang napulot nila sa midya. Kaya’t unti-unting nangangailangan ng midyum
na makakapaghandog ng isang sistema na hindi hahadlang dito.

Dito na papasok ang Computer Mediated Communications (CMC). Ang CMC ay may abilidad
na gayahin ang isang Face-to-face (FTF) society. Tinuturing ang CMC bilang isang birtwal na
kalawakan (virtual space), at ayon sa pagpapangalan ni William Gibson sa kanyang akdang
Neuromancer (1984), isang cyberspace. Isa itong espasyo kung saan narereplika ang mga
kaganapan sa reyalidad. Ang Internet kung sa gayon, ay naging isang portal ng komunikasyon.

Ayon sa mga pag-aaral nila Rheingold, Thompson at Fernback, dalawang klasipikasyon para sa
CMC. Una ay ang Asynchronus, tulad ng mga message boards at e-mail, kung saan nagkakaroon
ng time delay ang mga pag-uusap. Kasalungat naman ng Asynchronus ay ang Synchronus CMC,
kung saan narereplika ang real time responses. Halos magkasingtulad na ito ng pag-uusap sa
tunay na buhay, sobrang liit na lamang siguro ng marginal errors sa pagkatotoo ng oras na
maaring dahil sa Internet connection speed. Dahil dito, masasabing ang Computer Mediated
Communication ay alternatibo sa mga kumbensyonal na face-to-face interactions.

Ayon sa Virtual Ethnography ni Christine Hine (2000), ang Internet ngayon ay nagiging isang
rebolusyonaryong sistema ng pamamahagi ng impormasyon. Ang material form na dating
natatagpuan sa mga prints ay nag-a-assume na ng virtual form. Maliit pa lamang ang
pangunawang kultural sa mga porma ng impormasyong ito kaya’t hindi pa gaanong suportado o
kasing-kapanipaniwala ang impormasyon.

Ngunit maari rin namang sabihin ang taliwas. Dahil sa efficiency ng Internet sa pamamahagi ng
malaking array ng impormasyon, ang isang tao ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng
maraming reference at hanguin ang katotohanan para sa kanyang sarili. Hindi na siya limitado sa
mga kanonisadong mga aklat, at makakakuha ng real time na impormasyon.

Ang mga teyorista ng post-modernismo ay nagsasaad na ang modernismo ay napapasailalim na


ng isang krises. Mabubuwag na ito dahil meron ng umusbong na panibagong organisasyon ng
buhay panlipunan. At kung tunay nga na mamamayani ang epektibong sistema ng CMC,
maaring mawala na rin ang mga pag-aalinlangan sa pagkamakatotohanan (authenticity),
representasyon, at realidad. Ayon kay Poster (1995), nabubura na ang mga naghihiwalay sa
pagitan ng mga tao at mga makina, ang mga linyang humihiwalay sa realidad at sa bertwalidad.

Sa patnugot pa rin ni Hine, sinuri rin niya ang simulain ng CMC. Sinabi niya na ito ay isang
magandang tagpuan sa palitang pang-kultural (cultural exchange) dahil nabubura nito ang mga
limitasyong dala ng heograpikal na mga kalagayan. Isang kompyuter lang ang kailangan at
konektado na ang Pilipinas sa Aprika o sa Europa. Masasabing noong panahon pa lamang ng e-
mail ay hindi pa rin maihahantulad sa mga situasyon na FTF, ngunit sa status ngayon ng
synchronus computer mediated-communication, nababawasan na ang mga discrepancy sa
pagitan ng virtual at real communication.

Sa isang pag-aaral ni Sproull and Keisler (1986) ang naging unang pag-aaral na naging patunay
sa konklusyon ni Hine na ang Internet ay isang kultural na artifact. Sa kanilang sinaunang pag-
aaral sa Computer Mediated Communication, sa larangan ng sikolohiyang panlipunan,
nagkaroon sila ng dalawang grupo. Ang isa ay nasa isang tradisyonal na pook-trabahuhan
(workplace), at isa ay nilagay sa isang sistemang may CMC. Napnsin nila na mas naging
produktibo ang gumagamit ng CMC. Pantay-pantay naman ang pag papartisipa ng mga kasapi sa
parehong grupo ngunit mas agresibo sa pagpapatibay ng kanilang mga saloobin at ideya yung
mga gumagamit ng CMC. Inugat nila ito sa pagkakaroon ng “disinhibiting” na epekto para sa
mga gumagamit ng CMC. Dahil nabawasan na ang mga “social cues,” hindi na nangangailangan
ng mga particular na kumbensyon dahil hindi na humahatol sa kanilang paggawa ang kanilang
pagkatao (identity). Kung mapapansin, meron pa ring mga karaingan ang mga may kulay, mga
kababaihan, sa mga pook-trabahuhan ngayon. Dahil sa anonymity at faceless interactions sa
Internet, hindi na namamayag ang mga sitwasyong nakakailang para sa ilang tao. Napatotoo na
ang mga katagang “trabaho lang, walang personalan.”

Ano naman ang pinagkaiba ng mga sitwasyon sa cyberspace kung ikukumpara sa totoong buhay
(In Real Life o IRL)? Makikita natin na mataas ang anonymity sa Internet. Hindi mo
kinakailangang magkabit ng pagkakakilanlan o isang identidad. Ngunit hindi rin mapagkakait na
meron ding namamanaog na pagbuo na cultural identities at self-identities sa cyberculture.

Ang komunikasyon ay may batayan din ng pagkakakilanlan ng mga kasapi sa kani-kanilang mga
sarili. Kung titingnan nga natin muli ang pagkakakilanlan sa cyberculture, sinasabi ni Bell (2001)
na nagkakaroon ng projeksyon at presentasyon ng sarili sa Internet. Ayon kay Cheung (2000),
nagkakaroon ng isang konstruksyon ng sarili gamit ang personal homepage. Nagiging bahagi ito
sa pagtrato ng Internet bilang isang cultural na artifact.

Ang isang website na binuo para sa sarili, na ngayon ay kinikilala bilang isang “blog,” at ang
pinakamalaking isyu sa papel nito, ay isang website na ginagawa ng indibidwal mismo. Nagiging
isang repleksibong pagprepresenta at pagkukwento ng sarili ang nangyayari. Ito ay biglang
nabibigyang kahulugan ng midyum na ginagamit, at sa isang ideya ng imagined audience.

Ayon kay Benedict Anderson sa kanyang Imagined Communities (2001), ang pagkakaroon ng
pagkaka-isa sa isang ideya o idiyolohiya ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng mga komunidad
na ito. Kaya para sa isang gumagawa ng isang personal na webpage, langawin man ang kanyang
website, ay meron pa rin siyang isang ideya ng isang mambabasa sa batayan na meron at merong
makaka-relate sa kanyang pagbuo ng sarili na naganap sa website. Dahil na rin sa isang imagined
audience, kahit na sinasabi ng mga indibidwal na kanilang totoong sarili ang kanilang binubuo,
meron pa ring nagaganap na self-censoring o tailoring. Merong iba na meron ng tinatawag na
“virtual alter-egos.” Ang istilo ng komunikasyon ay maaring hindi nagkakalayo sa istilo ng
komunikasyon ng kanilang real-life ego, ngunit meron pa ring self-conscious articulation of that
tailor-made self-identity.

Ang identidad Online ay kadalasan binibigyan kahulugan ng kulay (race), kasarian (gender),
sekswalidad (sexuality) at income class. Wala masyadong pagtatalakay at mga pag-aaral na
nagawa sa race, ngunit kung tutuusin, lalong nawawala ang inter-racial conflict dahil malamang
hindi naman na kaagad isinisiayat na makita ang indibidwal sa kanyang pamamahayag via CMC
systems. Kung titingnan naman natin ang gender issues, makikita natin na ang mga CMC ay
nagiging bagong espasyo para sa mga kababaihan. Meron ng mga movement na tinatawag na
“cyberfeminism.” Kinatutuwa na ng mga peminista ang pagusbong ng Internet bilang isang
midyum na nag-e-empower sa kanila at ang kanilang mga pakay. Papasok na rin dito ang gay
and lesbian concerns. Ang Internet ay nakakatulong sa pag-lobby ng mga ninanais na karapatan.
Dahil sa mga CMC, nagiging mas demokratiko ang paglalaban ng mga taong ito.

Tulad sa realidad, nagkakaroon ng class distinctions sa CMC. Ngunit medyo naiiba ito.
Malamang, ang isang obyus na pagbabahagi ay yung mga nasa gitna at mataas lang na poder ng
lipunan ang mayroong Internet access. Bihira naman ata ang mga nakatira sa ilalim ng tulay na
merong Internet access. Ngunit merong isang kakaibang social architecture din at pagkakaiba sa
isang kinikilala bilang “digital economy.” Nasa pinakataas nito ang kinikilalang mga digital elite.
Tinatawag din bilang information user, ang mga taong may kaalaman at kakayahan na
manipulahin at ukitin ang information superhighway na ito. Susunod sa klaseng ito ay ang mga
“digital shoppers” o ang information used. Sila ang gumagamit ng mga ginagawa ng mga digital
elites, at ang primary consumers ng mga produkto na nabebenta sa Internet. Meron silang akses
sa CMC, ngunit nasa pagkaawa pa rin sila ng mga digital elite ang kanilang nalalaman. Huli sa
mga klaseng ito ay ang digital underclass. Sila ay ang mga “off-line” users. Sila ang walang
access sa CMC, kaya’t sila ang nasa pinakailalim.

Kung titingnan natin, ang CMC ay rebolusyonaryo sa pamamalakad ng mga buhay ng iba’t ibang
tao sa lipunan. Mahirap ng isipin ngayon ang buhay na walang mga kompyuter, at sinong
magaakala na ang isang bagay na ginawa para sa paggawa ng aretmitika ay siya ring bagay na
huhubog sa komunikasyon?

B. Ang Katangian ng Pamilyang Pilipino at mga Pilipinong Teenager

Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang tungkol sa pag-usbong ng blog bilang isang bahagi ng
rebolusyon ng CMC sa Pilipinas. Maganda rin tingnan ang background ng pamilyang Pilipino at
ang paghimay ng katauhan ng isang teenager.

Ayon kay Susan Dumedres (1993), ang mga pamilyang Pilipino, tulad ng karamihan sa Asya, ay
pumipigil sa indibdwalisasyon dahil sa pagkakamalapit ng mga magkakamag-anak (o ang
tinatawag na close family ties). Ang mga bata ay parating tumitingin sa kanilang mga magulang
bilang batayan ng paghubong ng kanilang sarili. Kung ikukumpura sa mga kanluranin na
katumbas (counterparts), mas dumedepende ang mga kabataang Pilipino sa kanilang mga
magulang dahil madalas ay ang mga magulang mismo ay may matataas na ekspektasyon sa kani-
kanilang mga anak. Kanonisado na sa maraming akda ang pag-asa ng mga magulang sa kanilang
mga anak na makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ang buong pamilya sa kahirapan.
Nandyan din ang pag-asa ng mga magulang na sumunod sa kanilang mga yapak ang kanilang
mga anak. Dahil dito, mahirap ang pag-forge ng self-identity ng mga kabataang Pilipino dahil
nasanay na sila sa kultural na pandidikta ng kanilang mga magulang sa kanilang dapat gawin,
dapat asalin.

Nagkaroon sila G. Mendez at Jocano ng isang intensibong pag-aaral ng mga kabataang Pilipino
sa parehong rural at urban na setting noong 1979. Ikinumpara nila ang mga general na trends ng
mga kabataan sa kanilang pakikisama sa kanilang mga pamilya. Ayon sa kanilang hypothesis,
ang pamilya, bilang isang basic na yunit ng lipunan ay ang humahawak sa emosyonal at sosyal
na aspekto ng buhay ng mga taong ito, ay nakakatulong sa pag-express ng mga saloobin ng
kabataan, kung ang “emotional climate” sa tahanan ay “stable.” So hindi na sakop ng mga sinabi
ni Dumredes ang lahat ng pamilyang Pilipino. Wala naman talagang mga bagay na dapat tingnan
in absolute terms. Pero yun nga, kung ang emotional climate naman ay nakakapamandag sa mga
kabataan, nagdadala ng takot at kakulangan sa kalayaan, hindi na sila nagiging progresibo at
nawawalang ganang ipahayag ang kani-kanilang mga sarili.

Naiiba rin talaga ang kabataang Pilipino sa mga kanluranin. Para sa mga kanluranin, ang
kabataan ay parating nagrerebelde, pasaway sa kanilang mga magulang, kritiko, at walang utang
na loob. Ngunit kabalintunaan na marami sa mga kabataan ngayon ay payag naman sa pagka-
strikto ng kanilang mga magulang. Yun lang, talagang nakagisnan na na mas liberal ang pagtrato
sa mga kalalakihan at mas pinapayagan silang magliawaliw kung ikukumpara sa mga
kababaihan. So nandyan ang mga limitasyon sa kabataang babae dala na rin ng mga hamak ng
lipunan at pagka-patriarchal ng lipunan.

Isa pa sa mga unang iniisip ng kabataan ay wala silang pakialam sa mga sinasabi o pangangaral
ng kanilang mga magulang. Ngunit karamihan pa rin ng Pilipinong mga magulang ay
nakikipagtalastasan ng matino sa kanilang mga anak. Masasabing mas malaki ang atensyon na
binibigay ng mga magulang na nasa mga rural na pook kung ikukumpara sa mga nasa
urbanisadong lugar, ngunit hindi naman gaanong kalala ang pader na pumipigil sa mga magulang
at kanilang mga anak.

Subalit ayon sa isang pag-aaral ng McCann-Erickson Philippines noong 1993, sa mga panahon
ngayon (kung ikukumpara sa panahon na ginawa ang pag-aaral nila Mendez at Jocano), mas
mataas na ang lebel ng parental absenteeism. Ang mga magulang ay nagiging career-oriented o
kaya’t abala sa pamamalakad ng kabahayan (household management), kaya’t hindi na
masyadong nabibigyan ng buong pansin ang kani-kanilang mga anak. Nasanay na tuloy ang
kabataan sa isang independent na inquiry, at umaasa na rin sa kanyang mga kaibigan at sa midya
para sa patnubay at awtoridad. Kahit papaano, meron pa rin namang ginagampanan ang mga
magulang, ngunit nagiging hati nga ito, dahil marami sa kanila ay umaasa na lang sa iba’t ibang
mga sistema dahil iba na nga naman ang panahon. Maraming sa mga kabataan na nasasanay
naman sa ganito, basta hindi hati ang pamilya, dahil halos lahat rin siguro ng kanilang mga
kaibigan ay may mga sitwasyon na ganoon na nga. Andun ang kanilang magulang, ngunit hindi
sa lahat ng pagkakataon.

Ngunit paano nga ba talaga makipagtalastasan ang mga kabataan kung pinapangaralan sila ng
kanilang mga magulang? Ang unang hinala ay ang kabataan ay napapaloob sa kultura ng dedma,
hindi na lang nila kikibuin ang kanilang mga magulang. Nasa kultura naman talaga natin ang
hindi pag-sagot sa likod ng ating mga magulang, o maging palaban o agresibo sa tono o
pagbigkas ng mga rason kung bakit sila “nagkakasala” sa kanilang mga magulang dahil
pinapangaralan ito bilang bastos at hindi kanais-nais. Kaya sa pag-aaral ni Mendez at Jocano,
napag-alaman nila na ang karamihan ng kabataan ay nakikipag-rason na lang at matinong
nakikipagtalastasan sa kanilang mga magulang. Ang dahilan nila ay wala naman silang mapapala
sa pagmumukmok kung meron naman talaga silang lehitimong rason kung bakit nila nagawa ang
isang bagay. Wala ring magagawa ang pagdadabog at pagsisigawan dahil lalo lamang itong
mapapagulo ang mga bagay-bagay. Ngunit kung babalikan natin ang pag-aaral ng McCann-
Erickson, hindi na masyadong ebidente ang mga bagay na ito ngayon dahil kadalasan, maiksi na
lamang ang pagtutuligsaan ng mga magulang, mas meron na silang kaalaman sa parenting
psychology, at ang kanilang mga pangangaral ay may “tantamount repercussions” na hindi na
limitado sa mga tradisyonal na mga parusa tulad ng pamamalo o pagkukulong lamang sa bahay.
Ngayon, napakaraming mga bagay na naka-depende ang mga buhay ng kabataan, tulad ng
panonood ng telebisyon, pagkakaroon ng akses sa Internet, at pakikipag-text sa mga kaibigan,
nakagisnan na ng mga magulang na kompiskahin ang mga pribelehiyong ito kapag nagiging
pasaway ang kanilang mga anak. Ang reaksyon kadalasan ng mga kabataan ay tumahimik na
lamang at magreklamo sa kanilang mga kaibigan.

Ngayong natalakay na ang carrot-and-stick dynamics at ang sistema ng pangangaral ng mga


magulang, tingnan naman natin kung ano ang ginagampanan ng mga kaibigan ng mga teenager
sa status quo. Kadalasan, ang mga magulang ay walang problema kung makipagkaibigan ang
kanilang mga anak sa mga kasing-kasarian ng kanilang mga anak. Ang kutob na ito ay mas
madalas na nangyayari sa mga batang babae, kaysa sa mga lalake. Mas gusto ng mga magulang
na ang kanilang mga nagdadalagang anak ay wag munang makihalubilo sa mga kalalakihan sa
mga perenyal na takot na dala na rin ng makamandag na lipunan. Kung gayon, dala na rin ito sa
natural na proteksyonismo sa mga kababaihan dahil na rin siguro sa patriatikong lipunan na
ginagalawan natin.

Nagiging “frustrated” ang mga kabataan sa iba’t ibang mga rason, maaring sa mga nabanggit sa
taas, lalo na’t kung sa palagay nila ay hindi sila naiintindihan ng kanilang mga magulang. Paano
nga ba ang coping mechanism sa pagharap sa kanilang mga problema ito? Naklaklasipika ito sa
dalawang uri: ang verbal at ang non-verbal. Sa verbal, dito naglalabas ng galit sa paraang
pasalita. Maaring pagkinakausap ay lumalaban ito ng salita, o sa ekstremong mga sitwasyon, ay
nagmumura. Pwede rin namang pasulat maglabas ng galit, isa na atang bahagi ng buhay ng lahat
ng tao ang magtago ng diary, at ang kabataan ay ginagawa itong daan para mailabas ang
kanilang mga sama ng loob, pwedeng sa pagsusulat ng kung ano mismo ang kanilang saloobin o
kaya naman patula o sa malikhaing pamamaraan. Minsan pa nga ay ang mga tulang nagagawa
dala ng galit ay napupunta sa mga literary portfolio ng kani-kanilang publications sa paaralan.
Ang isa namang paraan ng paglalabas ng galit, non-verbal, ay hetong mga paraan kung saan
kinikimkim nila ang kanilang mga saloobin, o kaya naman ay tumitingin ng masama, o umiiyak,
itong mga ito ay pamamaraan kung saan kahit walang salita ay napapahayag ng mga kabataan
ang kanilang sama ng loob sa mundo

Sa ika-limang kabanata ng pag-aaral nina G. Mendez at Jocano, pinag-aralan nilang masmabuti


ang pakikipagkaibigan at ang status ng kanilang pakikisama at kung ano ang mga pinag-uusapan
ng mga kabataan. Ang mga kabataan daw ngayon ay optimistiko sa pagtitiwala sa sarili. Marami
sa kanila ang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang klase ng tao sa pagdalo sa mga salu-salo o mga
party. Sa kasalukuyan, nauuso na rin ang pagdalo sa mga concert, panonood ng madalas ng sine,
at iba pang mga gawaing kinababarkadahaan.

Kung titingnan naman ang perspektibo ng kabataan sa mga sensitibong isyu tulad ng
sekswalidad, ang lipunan ngayon ay pinapanormal na ang mga ganitong isyu. Ang pagtrato sa
isyu na ito ay tila kasual na lamang, ngunit ang kanilang primary source pa rin ay ang midya at
ang kanilang mga kaibigan, hindi ang kanilang mga magulang. Ngunit kahit dito, mataas pa rin
ang pagtingin ng kabataan sa chastity at naniniwala pa rin sa kabanalan ng sakramento ng kasal.
Hindi naman nawawalan talaga ng moralidad ang mga kabataan, hindi tulad ng popular na
perspektibo ng madla na karamihan ng mga kabataan ay namamayanig na mga rebelde at lahat
ng bawal ay gagawin. Maaring minsan ay may mga sitwasyon na nagiging rebelde ang mga
kabataan at nariyan ang pakiramdam na ang buong mundo ay laban sa nag-iisang tao. Ngunit
kakaunti lang naman talaga ang mga pagkakaroon ng delinkwente o “social deviance” sa mga
ekspektasyon ng kabataan sa lipunan. Ayon sa pag-aaral na ginawa sa Kentucky ni Ball (1962),
meron naman talagang bahid ng pagkarebelde (mild rebelliousness) at natural na pagka-aktibo ng
kabataan, ngunit ang mga sukdulang pagkakataon na gumagawa na sila ng mga maliliit na
krimen, ay pili lamang. Sa kanilang pag-aanalisa, kadalasan sa mga ito ay parehas lang naman
ang mga IQ sa mga taong hindi pasaway, ngunit mas madalas sila ang pumapalpak sa mga
gawaing pang-paaralan. Kadalasan sa mga pasaway ay galing sa mga hati ang pamilya o kaya
naman ay yung galing sa mababang socio-economic class. Maaring ang mga teenager na ito ay
yung hindi masyadong nababantayan ang paghubog ng kanilang mga pag-aasal at naiiwan na
lang sa pagpapatnubay ng midya at impluwensya ng barkada (na sa kanilang sitwasyon, ay
malamang masama). Sila ay nalululong sa mga bisyong, hindi kadalasan naman ay
pinageeksperimentohan talaga ng maraming kabataan tulad ng paninigarilyo, paglalasing, o
pagsubok ng masasamang droga. Sa mga ilang pagkakataon, hindi naman talaga ito dala ng
kakulangan ng atensyon ng pamilya, kundi ang mga bisyong ito ay nasa-pamilya na rin talaga.
Kung ang mga magulang ng isang teenager ay mga alcoholic at mayroong bar sa bahay o
madalang na supply ng alcohol, asahan na rin na magiging alcoholic ang batang iyan. Ang
tolerance sa pamilya o ang kaalaman na ginawa rin ng kanilang mga magulang iyon ay
nagpapadali sa mga kabataan na maimpluwensyahan ng mga kabarkada.

Mahirap ipaghiwalay at kritikuhin ang teenager na wala sa konteksto ng pamilya, ngunit sa


bahaging ito, titingnan naman natin ang panunuri ng ilang mga kritiko sa komplikadong
katauhan ng mga teenager. Unang-una, ano nga ba itong “adolescence?” Kilala ito sa ating bansa
siguro bilang pagbibinata o pagdadalaga. Ayon sa mga opisyal na depenisyon, ang adolescence
ay ang bahagi ng buhay ng tao na napapagitna sa pagkabata (childhood) at pagiging matanda
(adulthood). Sinasabi ni Offer (1998) na nagsisimula ito sa onset ng puberty at nagwawakas
kung nakatanggap na ng kasarinlang ang idibidwal sa kanyang mga magulang. Ito ang panahon
ng pagdagsa ng iba’t-ibang mga pagbabago sa pisyological na kalagayan ng tao. Nagkakaroon na
ng secondary sex characteristics. Bukod sa mga pagbabagong pisikal, ang yugtong ito ay mas
emosyonal at sikolohikal ang mga epekto. Dito na nagdadagsa ang “maturation” o pagiging mas
ma-konsensya ng indibidwal. Ayon kay Rogers (1962) ang adolescendce ay ang panahon kung
saan ang indibidwal ay naghahanap ang intelektwal na kasarinlan at naghahanda para sa isang
career. Kung sa gayon, mahalaga ang konsepto ng sarili, at paghahanap ng isang pagkakakilanlan
sa sarili. Ang ideya ng isang “identity crisis” ay pinapasukan ng ilang mga kabataan. Ito ang
panahon kung saan hindi nila makilala ang depenisyon ng kanilang mga sarili, at kung sino nga
ba talaga ang mapagkakatiwalaan nila. Kadalasan ay ang depenisyon ng sarili ay hinahanap nila
sa iba’t-ibang taong nagiimpluwensya sa kanila. Dahil dito, namumulat ang isang idibidwal sa
iba’t ibang uri ng tao, iba’t ibang uri ng personalidad at ang tanong na kung “ano ba talaga ang
gusto mo sa buhay?” ay madalas na naiisip. Sa panahon ding ito papasok ang isang indibidwal sa
kolehiyo, ang lebel ng edukasyon na sa unang pagkakataon, nagiging spesyalisado na ang mga
pinag-aaralan ng isang indibidwal. Maaring ito ang maging momentum para porsegihan ang
paghahanap sa tunay na pagkakilanlan sa sarili.

Ngunit ang pagtugon sa katanungan ng identity ang hindi lamang pangangailangan ng mga
teenager. Sa ika-limang kabanata ng akda ni Fleming (1948), inilista niya ang lima sa
pinakamahalagang pangangailangan ng mga kabataan sa pagtugon sa kanyang pagdalo sa mundo
ng mga matatanda. Una sa mga pangangailangan na ito ay ang pangangailangan na matanggap
ng lipunan. Marami sigurong matatanda na hahatol sa mga kabataan bilang mga abersyon sa
“normal” at katangatanggap sa lipunan dahil sa kabataang subkultura tulad ng “goth” o “punk,”
ngunit hindi iyan ang itinutukoy na pagtanggap ng lipunan. Diyan na papasok ang
pangangailangan ng mga kaibigan, o matanggap ng kanilang immediate peers. Paulit-ulit ng
nabanggit sa papel na ito ang kahalagahan ng mga kaibigan, at sa panahong ito sinsimulan na ng
isang indibidwal ang pagbuo ng kanyang personal social network. At nagagawa ito sa
pakikihalubilo sa mga kapwa nila kabataan ayon sa iba’t ibang interes na napapaloob sa iba’t
ibang subkultura na naayon kadalasan sa kabataan. Dito na rin papasok ang mga iba’t ibang
gawain ng mga kabataan bukod sa pagpasok sa kani-kanilang mga paaralan. Nandyan ang
pagpunta sa mall kung saan pwede silang manood ng sine o kaya naman mag window shop
kasama ng mga kaibigan, o mag-bowling. Naryan din ang pagkahilig sa mga gawaing
pangatletiko o pampalakasan, kundi naman ay pagtugtog ng instrumentong pang-musika. Kung
hindi kaya, eh di panonood na lamang ng mga manlalaro ng kanilang mga paboritong sports
team, o kaya naman pagsuporta sa paburito nilang banda. Patok rin ang mga gawaing pang-arte
at literatura tulad ng masinig na pagsusulat, pagbabasa, potograpiya at iba pang mga kasanayang
panlibangan. Mahilig din nilang ipagpatuloy ang tradisyon ng pakikipagsosyalan sa
pamamagitan ng mga party at iba pang similar na salu-salo.

Pangalawa sa mahahalagang pangangailangan ng kabataan ay ang mga pagkakataon na


makapagbigay at makatanggap. Dito na papasok ang pagbuo ng mga personal na relasyon sa
mga tao sa kanyang paligid. Ito ang yugto ng buhay ng mga kabataan kung saan una nilang
mararanasan ang pagnanasa na magkaroon ng panghabangbuhay na kasama o “partner.” Kaya’t
nagiging natural ang pagkakaroon ng pakiramdam na paghanga at mga bahid ng pag-ibig.
Nadadalas na rin ang pagpapakita ng tenderness o mga pamamahayag ng paggiliw. Nagiging
mas maunawain na rin sila sa pagkakaiba ng mga babae at lalake, at nakikita kung ano ang dapat
pagpasalamatan sa iba’t iba pang mga taong mahalaga sa buhay nila. Ang pagdagsa ng mga
unang pagkakataon para maging involved romantically ang mga indibidwal na ito ay isa sa mga
pinakakomplikadong bagay sa pagiging teenager. Nandyan na ang mga pakiramdam na hindi
nila maunawaan o matuntunan. Dahil dito, babalik na naman tayo sa unang pangangailangan na
pagtanggap sa lipunan, lalong nangangailang ng mga “karamay” sa mga bagong bagay na
nararamdaman at nararanasan ng mga teenager na ito.

Pangatlo naman ay ang pangangailangan na matuto ng mga bagong bagay. Mahilig


makipagsapalaran ang mga kabataan at handa silang harapin ang kahit anong mga bagong
karansan. Kung tutuusin, ito ang yugto ng kanilang buhay kung saan pinaka-gamay na nilang
pag-eksperimentuhan ang kanilang mga sarili, para matugunan ang tanong tungkol sa sarili.
Dahil dito, ang mga kabataan ay nahihilig na sa pagsubok ng iba’t ibang mga gawain, tulad ng
pagakyat ng bundok, pagtugtog ng gitara, pagsayaw ng cha-cha, o kaya naman magsulat ng isang
maikling kwento. Ang pagkatuto ng iba’t ibang mga gawaing ito ay makakatulong sa paghanap
kung ano nga talaga ang angkop at kinasisiyahan ng isang indibidwal na gawin. Para ba sa kanya
ang “fashion design” dahil natutuhan niyang gumuhit ng maayos at natural na mahilig siyang
mamili ng mga damit? Ang mga hobby na ito ay pwede rin isama sa kanilang mga Friendster
profile at yun ang magiging basehan ng mga ilang searcher na mahilig rin gawin ang bagay na
iyon. At dahil doon, buong puso at galak na pinapahintulutan ng kanilang mga magulang na
kumuha ng mga extra-curricular na aktibidades ang mga kabataan basta’t kaya ng bulsa at hindi
makakahamak sa pagtamo ng magagandang marka sa paaralan.

Ang paaralan ay ang pinakamagandang segue para sa ika-apat na pinakamahalagang


pangangailangan ng kabataan, ang paghahanap sa bagong kaalaman. Tulad ng pagnanasa sa mga
bagay na gusto nilang matutunan, gusto rin ng mga teenager na palawakin ang kanilang mga
kaalaman. Nagkakaroon na sila ng mga pilosopikal na pagtanaw sa buhay, at mas napapabuti ang
pagintindi ng kanilang mga relihyon kung sila nga ay napapaloob sa isang relihyon. Nagiging
mas matanong ang mga kabataan, hindi lamang tungkol sa kanilang mga sarili, kundi tungkol na
rin sa mga bagay-bagay na napapaligid sa kanila. Higit sa lahat, hindi na lamang mga bagay na
pinag-aaralan sa paaralan ang nais nilang pag-aralan. Mas nagiging analitiko sila sa mga
kaganapang sa sosyo-puliktikal, at kadalasan hindi mawawala na bigkasin ng isang kabataan ang
kanyang mga saloobin tungkol sa mga mahahalagang usapin. Kaya nga dito sa pamantasan, tila
malahigante ang pagtulak na ang mga taga-UP dapat ang pumorsige ng mga mobilisasyon. Na
dapat tayo ang unang magkaisa para sa kapakanan ng bayan. Kung babalikan ang ideya ng
pagpapalawak ng kaalaman, dito papasok ang “intellectual maturity” na isa sa mga hangarin ng
kabataan sa pagpasok niya sa adolescence. Hindi na uso ang pagiging mangmang, at wala sa
kulturang Pilipino na magmaang-maangan. Mulat ang mga kabataan at nauuhaw siya para sa
kaalaman dahil alam niyang sa kanyang pagtatanong, may mga sagot na magbubuo ng kanyang
pagkatao at mas maganda kung makakapagpabuti rin ito ng lipunan.

Huli sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng kabataan ngayon ay yung pagkakataon na


magkaroon na magkaroon ng mga responsibilidad. Kakatwang isipin dahil madalas, alam ng
marami ay tamad ang mga kabataan, ngunit ninanais rin siya na mabigyan ng mga
responsibilidad. Isa ito sa pinakamahalagang pagpapakita ng maturity, sa paggawa ng mga
gawain na kadalasan ay gawain na ng mga matatanda. Noong bata sila, maaring inuutusan sila sa
iba’t ibang gawaing pambahay, ngunit ibang lebel na ang ninanais nilang gawin. Hindi lang
simpleng mga gawaing pambahay kundi mga komplikadong bagay tulad ng pagdeposito ng pera
ng pamilya sa bangko, pagmamaneho para sa mga nakakabatang kapatid, at iba pa. Maaring ang
mga nais nilang responsibilidad ay ang sa paaralan. Madalang ang mga kabataang ganito, ngunit
kadalasan, nagiging angkop na lugar ang paaralan para magpakita ng mga katangian ng isang
mabuting mamumuno at magandang sukatan ng responsibilidad dahil sa maraming mga gawaing
pang-akademiko na iniiwan sa kabataan ngayon. Sa pagtutugon sa mga responsibilidad na
napapataw sa kanila, nakakagisnan nila ang kanilang mga kalakasan at kahinaan.

Sa isa namang pag-aaral ni Feldman at Eliot (1990), naitala nila ang “developmental goals” ng
mga kanluranin. Una na dito ang pagbuo ng behavioral at emotional autonomy. Pangalawa ay
ang pakikitungo sa pagusbong ng sekswalidad. Ikatlo ay ang pagkakaroon ng mga interpersonal
skills para makipag-ugnayan sa mga kaibigan nilang kasing kasarian o kaya naman yung iba na
galing sa kasalungat na kasarian. Ikaapat ang paghubong ng edukasyon at iba pang mga
kaalaman na adult work-related, at huli, ay ang pagresobla ng mga isyung kinahaharap ng
pagkakakilala sa sarili at moralidad. Ang limang ito ay ang nagpapaiksi ng talakayan tungkol sa
isang adolescent in general.

Hindi kalayuan ang mga kabataan Pilipino diyan. Ang naiba na lang siguro sa western template
ay ang sociocultural influences. Ayon sa pag-aaral ni Peña, ang imahen ng kabataan dito sa
Pilipinas ay tumutugma sa template ng mga kabataan na kanluran.

Hindi maiiwasan na marami sa pagkakaiba ng pagbibigay kahulugahan sa Pilipinong teenager ay


makikita na lamang sa sosyo-kultural no konteksto. Ngunit napakalaki na talaga ng impluwensya
ng Amerika sa mga kabataan ng Pilipinas ngayon, na di na maiiwasan ang pagbasa sa mga
kabataan sa isang postmodernong konteksto. Sa pagbasa ni Tolentino (2001) sa mga pagusbong
ng “uso” at ang revival ng “retro,” pinakita niya kung paano ang isang teenager, na kahit wala
namang masyadong kakayahan finansyal ay ang nagpapausbong sa komersiyalismo ng
pagkakaroon ng mga uso sa kultura. Gamit ang perang binibigay sa kanya ng kanyang mga
magulang, gumagawa sila ng libo-libong mga transaksyon sa mundo na nagkakahalaga ng
limpak-limpak na pera (ang mga kabataan sa buong mundo ay gumagastos ng $100 billion kada
taon). Sa paguugnay ng kabataan sa kung ano ang uso, ito ang pakiramdam nila ang daan
patungo sa pagkakakilanlan ng sarili. Nagkakaroon ng isang pakiramdam ng pagkahiwalay sa
mundo (sense of alienation) ang mga kabataan kung wala silang kaalaman tungkol sa mga bagay
na nangyayari sa mainstream na kultura. Masasabing iba-iba pa ang pagtanaw sa mga kulturang
iyan, dala na rin ng pagkakaiba-iba ng mga nauuso sa pagitan ng iba’t ibang income classes. Iba
ang pinamimilihan ng mga kabataang nabibiyayaan ng kanilang mga magulang ng mga credit
card, doon sa batang kanto na kailangang maglako muna ng diyaryo para kumita.

Sa ikalawang pagbasa ng sanaysay ni Tolentino, nabanggit niya ang pagiging interkatibo ng


kabataan ngayon. Inugat niya sa mga bata, kung saan hindi na uso ang paglalaro sa kalye, kundi
nakukupkop na siya sa bahay at ginagawan ng mga birtwal na mga karanasan dala ng mga
kompyuter games at iba pang midya. Mas kontrolado na ang mga elemento kaya’t ito na ang
nagiging ideyal na paraan kung saan nagiging mas interaktibo ang kabataan, sa mga simulations
na libre sa mga panganib na dala ng paglalaro sa labas o sa kalsada. Madalas ay may
pagkabayolente ang dala ng midya sa tahanan ng Pilipino, ngunit sa ilalim ng dahas ay meron
din natutunan ang mga kabataan. Isa na rito ang pagpapasensya, tiyaga, at pagkakaroon ng “team
dynamics.” Kadalasan naman kasi ay pang-grupo ang mga midyang ito, at napapalawak ang
pakikipagtalastasan sa kanilang kapwa.

Ang isang magandang epekto ng pagkainteraktibo ng kabataan ay ang pagkawala ng


“technophobia.” Para sa kabataan, walang dapat ikatakot sa paggamit ng iba’t ibang mga uri ng
teknolohiya dahil nakalakihan na nila ang iba’t ibang bagay na ito. Nakasama na sila sa
henerasyon na madalas magnasa sa mga consumer electronics, at kaakibat na ng kanilang paglaki
ang pagliit ng mga bagay na teknolohiya. Kaya’t kung ipagsasama ang dalawang konsepto ng
pagkainterkatibo at pagsanib sa kultura ng uso, makikita natin na ang kabataan ngayon ay bihasa
sa pagsama sa uso, na dito sa papel na ito, ay ang kultura ng pag-b-blog.

LAYUNIN

Nais ng papel na ito na ipag-ugnay ang paggamit ng blog ng kabataan at ang mga kaakibat na
pagbabagong emotional at intelektwal na nangyayari sa kanila. Nais nitong suriin ang
pagkakaroon ng depinisyon ng sarili ang isang teenager sa pamamagitan ng pamamahagi ng
kanyang mga kuro-kuro tungkol sa kanyang pamilya, partikular na sa kanyang magulang (kung
ano ang kanyang mga saloobin sa pamamalakad ng kanyang mga magulang o mga bagay na
pinapagawa at hindi pinapagawa sa kanya); pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan (sa loob at labas
ng “blogosphere”); at ang kanyang mga komentaryo sa mas malaking lipunan. Nais ng papel na
ito na hubugin ang kabuuang epekto ng blog sa kabataang Pilipino ngayon.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang blog ay masasabing isang napakalaking rebolusyon sa Internet, dahil na rin siguro sa
sistematikong pagbabago na nadulot nito sa iba’t ibang dako ng mundo kung saan ang
pamamahayag ay limitado. Kaya’t mahalaga na tingnan ang isang modelo ng komunikasyon, at
ang gagamitin sa papel na ito ay ang modelo ni Laswell. Napagusapan na ng pahapyaw ang
modelong ito sa Sarbey na Kaugnay na Pagaaral (7). Ang modelong ito ay may pagka-linear o
deretso ang implikasyon. Kung babalik tanawan ang mga mahahalagang aspketo nito, makikita
na merong isang tao na may mensahe na gagamit ng isang midyum at kaakibat nito ang mga
tagatanggap ng mensahe (o ang audience), at kung anong epekto meron ito sa mga nakatanggap.
Dahil dito, makikitang ang modelo ay mas “persuasive” kaysa “informative.” Natutumpak itong
modelong ito sa penomena ng pag-b-blog dahil ginawa ito ni Harold Laswell, na isang
sosyolohista, para sa pangmadlang komunikasyon. Usisain natin ang bawat elemento. Sa
modelo, naryan ang tagapagpahayag ng mensahe o ang Communicator. Sa penomena ng pag-b-
blog, ito ang blogger. Siya ang may dala at nakikipagtalastas ng mensahe o ang Message, na
binubuo ng kanyang mga saloobin, sawikain, at kuro-kuro. Ang kanyang mensahe ay
pinapasantawid ng Midyum, na dito ay ang blog o ang personal na website na matatagpuan sa
World Wide Web. Ang kanyang Audience ay mga blog readers. Isa sa mga nagpapatanyag ng
modelo ni Laswell ay ang pagkakaroon ng epekto sa tinalagang audience. Makikita sa mga alam
na midyum para sa pangmadlang komunikasyon, medyo pasibo ang epekto. Hindi nagiging
tanyag ang epekto ng mensahe sa mga manonood. Maaring sa telebisyon ay makikita na lamang
ang epekto sa dami ng tagapagtangkilik ng programa, kilala bilang “rating.” Hindi talaga nito
nasasalamin ang mga reaksyon at komentaryo ng awdyens. Kung ihahantulad natin sa blog, mas
napapabuti nito ang pagpapatunay ng epekto dahil sa feedback system. Kung titingnan mabuti
ang ariketktura ng mga blog, halos karamihan ay mayroong nakatalagang lugar para magbigay
ng saloobin ang mambabasa ng blog. Isasama sa papel na ito ang paganalisa ng mga
komentaryong ito, at ang epekto sa pagiging cyclical na moda ng komunikasyon ang pag-b-blog.
Isa itong demokratikong paraan ng pamamahayag at kailangan din suriin ang aspekto ng
demokrasya pagdating sa karapatan na maipahayag ang sarili.

Kung titingnan mabuti, ang pagkakaroon ng kalayaan para maipahayag ang sarili ay isa sa mga
pinakamahalagang elemento ng karapatan ng bawat mamamayan. Maraming kaakibat na
responsibilidad ang pamamahayag, nandyan ang pagiging makatotohanan sa lahat ng
pagkakataon. Ngunit, makikita rin naman sa iba’t ibang pag-aaral na ang katotohanan ay may
suhebtibong pagtanggap, at naiiba-iba ang pagpapanayam natin sa katotohanan. Ngunit meron
mga kilalang mga unibersal na katotohanan na mahirap ibahin. Magandang tingnan ang iba’t
ibang suhebtibong perspektibo at iakibat ito sa iba’t ibang personalidad ng tipkal na blogger.
Ang perspektibo ng isang blogger ay sumasalamin sa kanyang sariling panindigan at ang pagbuo
niya ng konsepto ng kanyang sarili. Ang ideya ng pagbubuo ng imahen ng sarili ay masasali na
rin sa heneral na teyorya ng psychoanalysis.
Depenisyon ng Termino

Alter-Ego – isang namamayaning personalidad na kabalintuan o hindi karaniwang personalidad


na nakikita ng nakararami. Tinatawag din na secret identity kung minsan, at naunang gamitin sa
mga superhero para maiba sa kanilang ordinaryong personalidad.

Avatar – tingnan ang salitang ICON.

Blog – pinaiksing web log, isang Online journal o personal website na pinamamahalan ng
ordinaryong indibidwal na tinatawag na blogger

Blogger – ang taong namamahala sa isang blog

Blogosphere – ang birtwal na mundo na kinasasangkutan ng mga blogger, ang kanilang


awdyens, at ang kanilang mga blog.

Camwhore – Pinagdikit na camera (cam) at whore (pokpok). Isang proseso ng pagkukuha ng


litrato ng sarili para mapost sa blog ang mga litratong ito.

Computer Mediated Communication (CMC) – Ang sistematikong pagbabalangkas ng


komunikasyong nagaganap sa tulong ng mga kompyuter.

Community – isang blog account na bumubuo ng mga kasaping bloggers sa isang sabjek o
interes. Dito nila pwedeng pag-usapan ang kanilang mga hilig at mag-plano ng kaayat na
pangyayari at mga salu-salo.

Drama – mga dramatikong pamamahayag na gamit ang blog. Maaring heavily dramatic at
theatrical ang presentasyon ng isang post ng blogger o kaya naman ay madramang pag-aaway sa
mga iba pang blog user – kilala ito bilang isang flame war.

Emoticons – mga simbolo na binubuo ng iba’t ibang keyboard characters para maipakita ang
mga nararamdaman ng isang tao sa birtwal na realidad (Halimbawa: =), ^_^, ;oP)
Face-to-face Interactions – Alam din bilang FTF communication. Ito ang komunikasyon sa tunay
na buhay kung saan kaharap ng dalawang nag-uusap ang isa’t isa.

Fandom – tawag sa mundo ng mga fan subcultures. Interesado sila sa fan fiction at mga teorya sa
mga cultural artifact na kanilang dinadangal.

Flist – pinaiksing friends list sa LJ slang, isang pahina kung saan matatagpuan ang mga blog
entries na mga tinalagang kaibigan ng isang blogger

Flame – isang opensibong komento o post.

HTML (hypertext mark-up language) – ang wika na ginagamit para mai-program ang mga
website na nakikita sa Internet.

Icons – mga ginagamit na malilliit na letrato na kasama sa mg blog entries alam din bilang avatar
o kaya naman ay userpic.

IMterview – pinaiksing Instant Messaging Interview. Inimbento ng manunulat dahil sa mga


interview na naganap para sa pag-aaral na ito.

Internet – ang information superhighway, ang rebolusyon na pinamunuan ni Tim Beners-Lee


kung saan ang mga tao ay malayang nakakapagpalitan ng mga impormasyon.

IRL – pinaiksing “In Real Life,” para mabigyan ng diskripsyon ang mga tunay na pangyayari na
nangyayari sa tunay na buhay ng isang blogger

Links – isang paraan kung saan kapag pinindot ang mga ito ay mapupunta sa ibang webpage sa
Internet. Kadalasan sa mga bloggers, ito ay ibang mga blogs.

LiveJournal (LJ) – isang blogging platform na popular sa Pilipinas at sa mga Pilipino bloggers.

Meme – salita ni Richard Dawkins na naglalarawan sa isang “cultural na transmission.” Ngayon,


ito ang mga sarbey at test na nilalagay ang resulta sa mga blog para kunin din ng iba.
Photoblog – isang blog entry na merong mga letrato ng blogger at ng kanyang mga kaibigan at
pamilya. Minsan ay naka “collage” pa ang mga ito, gamit ang Photoshop.

Post – maaring isang blog entry (blog post) o isang komento. Orihinal na konteksto ay “liham”
(post office, at sa popular na kultura, kilalang-kilala ang mga post-its), naging kataga na para sa
mga tekstwal na kontribusyon sa blogosphere.

Userpics – tingnan ang salitang ICONS.

METODOLOHIYA

Sa pag-aaral na ito, maraming ginamit na mga metodolohiya para makuha ang impormasyon at
kagyat na suriin ang implikasyon ng mga impormasyong ito sa pag-aaral ng mga blog at ang
kaugalian ng mga kabataan.

Ang unang sangkap na ginamit ay ang interbyu. Ngunit tulad ng nasabi, tinagurian itong
IMterview. Ang isang IMterview (o IMterbyu sa Tagalog) ay nagaganap sa isang birtwal na
espasyo. Ang mga nakapanayam ng mananaliksik ay kilala rin niya sa totoong buhay, ngunit
kinagisnan niyang kapanayaman sila sa birtwal na espasyo dahil naayon ito sa kanyang pag-
aaral. Dahil isa itong pagsusuri ng kanilang “Online persona” at ito ay napapailalim sa isang
pagpapalagay na may bahid ng pagkaiba ang kanilang mga Online na sarili sa kanilang mga
personalidad sa tunay na buhay. Maaring hindi ito totoo, ngunit mas naayon pa rin na ang setting
ng interbyu ay ang parehong setting ng kanilang reyalidad kapag sila ay nag-b-blog. Bukod pa
diyan, nagiging mas administratively feasible ang pag-tala ng mga napagusapan dahil deretsyo
na ang mga sagot na nasa anyo ng mga salitang nakasulat. Hindi man ito ang unang
konsiderasyon sa paggawa ng IMterbyu sa halip na magsagawa ng kumbensyonal na interbyu
harap-harapan, nakikitang ang praktikalidad bilang isang bonus. Maaring hindi gaanong makikita
ang mga real-time responses tulad ng reaksyon ng mukha sa mga tanong, ngunit hindi rin naman
ito nangyayari sa mundo ng paghahalubilo sa blog. Naryan din ang mga emoticons na
nagsisilbing mga simbolo ng mga nararamdaman ng mamahayag at ng napapayamanan niya.
Tulad nga ng sinabi nila, kung gusto mong makapanayam ng mabuti ang isang mangingisda,
pumunta ka sa plaisdahan.
Nagkaroon din ng kontroladong mga sarbey. Kaunti lamang mga respondents dahil iniwasan
magkaroon ng bias ng mananaliksik sa kanyang mga kakilala. Kaya’t ang metodolohiyang
ginamit ay ang random na mga sasagot ng sarbey. Iniwan ang mga tanong sa dalawang Online
message board, ang Pinoy-exchange.com (PEX) at ang MTVAsia.com Graffiti Wall. Ang mga
sumagot sa mga tanong ay mga nasa Pilipinas na edad 15 ~25. Mahalaga ang edad at lokasyon
dahil limitado lamang ang sakop ng pag-aaral na ito sa mga bloggers na bata. Hindi na tiningnan
ng sarbey ang katayuang sosyo-ekonomiko dahil isa na namang ideyang kailangan paniwalaan
na ang karamihan ng makakapag-afford ng regular na akses sa Internet ay ang mga nasa klaseng
gitna, pataas. Inilagay rin ang sarbey sa mga message board at hindi sa blog ng tagapagsaliksik
dahil nais niya ring malaman ang distribusyon ng mga nagb-blog sa hindi nag-b-blog. Nakasalin
din sa Ingles ang mga tanong, dahil ito ang wikang nakagisnan na sa cyberspace. Ang mga
tanong ay makikita sa Appendix A.

Nagkaroon din ng pagsasaliksik para sa pag-aaral na ito. Dahil wala pang mga akdang nagawa at
nalimbag tungkol sa pag-b-blog sa Pilipinas, ang mga stastics ay nanggaling rin sa mga Online
sources, mga impormasyon na galing din sa mga pag-aaral na naganap sa akademya. Isa sa mga
naging gabay at source para dito ay ang tesis nila Campilan at Lazatin, ang mga nanalo ng best
tesis para sa nakaraang taong pang-akademiko dito sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

Ang huling metodolohiyang ginamit ay ang paggamit ng panunuring intertekstwal. Ang mga
blog entry ay bahagi ng isang proseso ng komunikasyon at sa bawat interkasyon na nagaganap
ay maraming pwedeng mabasa hindi lamang sa literal na konteksto kung hindi sa iba’t ibang
mga aspekto ng katauhan ng manunulat, mga sitwasyon kung saan naitatala ang mga
pangyayaring iyon, at iba pa.

SAKLAW NG PAG-AARAL

Malawak ang world wide web, at marami-rami na rin ang mga blogger na galing sa Pilipinas.
Dahil particular para sa kabataan ang pag-aaral na ito, ang pagsusuri ay gagawin sa mga may
edad na 15 – 25 taong gulang. Maaring ang mga sabjek ng analisis ay nagsimulang mag-blog sa
mas batang gulang, ngunit sa kasalukuyan, sila ay nasa age bracket na iyan.
Ang pagsusuri ay gagawin din sa mga kabataang Pilipinong kasalukuyang nananatili sa Pilipinas,
saan man dako, Luzon, Visayas at Mindanao. Halos lahat ay manggagaling sa mga taga-Metro
Manila ngunit merong sumagot ng sarbey na galing sa ibang probinsya, at meron ding ilang
bloggers na galing sa ibang probinsya na nag-aaral lamang ngayon sa Maynila. Mahalaga ang
heograpikal na kalagayan dahil malakas din ang hatak ng metropolis sa mga technological
trends, at ang pagka-uso ng pagsusulat bilang isang outlet ay mas makikita sa mga sentro ng
akademiya, na alam natin, sa ating bansa, ay ang Maynila.

Ang mga isusuring mga blog posts ay karamihan nanggaling sa LiveJournal. Ang Pilipinas ang
pang-anim na pinakapopular na bansa sa LiveJournal, at ito rin ang isa sa mga pinaka-popular na
interface na ginagamit para sa pag-b-blog. Malaki-laki na rin ang Filipino LJ Community at
maraming nagdadagsaang mga sub-community, isa sa pinakapopular ay ang peyups community
para sa mga mag-aaral, propesor, at alumni ng Unibersidad.

Dahil na rin sa dami ng mga bloggers, pumili na lamang ang mananaliksik ng dalawang
alegorikal na mga blogger na magrerepresenta sa mga kabataang blogger ng Pilipinas. Ang isa ay
isang 17-taong-gulang na batang lalaki na nagsimulang mag-blog nung siya’y 12-taong-gulang
pa lamang. Ang isa naman ay isang 18-taong-gulang na batang babae na merong dalawang blog
accounts para sa dalawa niyang mundong ginagalawan. Mas pag-uusapan ang mga ugnayan ng
mga personalidad na ito sa pagsusuri sa susunod na seksyon.

KAGYAT NA PAGSUSURI

Ang Batang Pilipinong Blogger

Ang kabataan sa kasalukuyan ang pinakamadalas na mag-blog sa buong mundo. Ayon sa


statistical distribution sa LiveJournal, ang mga edad 15 hanggang 21 ang may pinakamaraming
blog, lalo na sa mga 18 at 19 na taong gulang. Palibhasa maraming mga bagong karanasan, ang
mga kabataang ito ay sabik sa mga bagong kaalaman tungkol sa kanilang mga sarili, at pagtala
nito. Nung una, bago pa nauso ang paggamit ng Internet, marami-rami na rin ang gumagamit ng
mga tradisyonal na talaarawan (ngunit wala masyadong lokal na pag-aaral na nagawa tungkol
dito). Ang mga talaarawan na ito ay ginagamit bilang isang otobayograpikal (autobiographical)
na bagay para sa mga indibidwal bago sila tumuntong ng “adulthood.”
Meron mga ilang kabataan na nag-b-blog dahil nais rin nilang maranasan mag-tala ng kanilang
buhay ngunit tinatamad silang mag-“maintain” ng isang kwadernong kailangan nilang sulatan
araw-araw. Marami na ngang kailangang sulatin sa paaralan, tapos isa pa itong magiging balakid.
Merong iilan na gustong maging bihasa sa pagsusulat at pag-uulat ng mga bagay-bagay at
nanaisin nilang magsimula sa kanilang mga sarili, ngunit iilan lamang ang mga tinaguraing
“natural journalist” na mga ito.

Pagdating ng Internet at ang rebolusyon ng blog, natanggal na ang mga aspektong nakakatamad
sa tradisyonal na pagtatala ng araw. Hindi mo na kailangang mag-sulat ng longhand, tila mas
madali ang pag-pindot ng mga titik sa keyboard at ang pagpapaganda nito ay di hamak na mas
madali. Madaling ayusin kapag nagkakamali, at madali rin balik-balikan, dahil kadalasan ang
mga tala-arawan ay natatago sa ilalim ng unan o ng kama para hindi makita ng iba. May natural
na pagkama-sikreto ang mga kabataang Pilipino. Dala na rin ng mga konserbatibong tradisyon,
ang kahit anong deviation sa kahit anong konserbatibo ay maaring tingnan bilang kasamaan,
kaya’t itatago na lamang ang mga ito. Kahit papaano, ang mga nagtatala ay may itinatalagang
“outlet” ng kanilang mga saloobin, miski na may bahid ito ng pagkakaroon ng deviation sa kung
ano ang konserbatibo, kung ikukumpara sa mga hindi mailabas ang kanilang saloobin dahil
tinatamad sila. Nagkakaroon ng tinatawag na “repression” ng mga desire, at ang pagkimikim ng
saloobin ay maaring magdulot ng masasamang epekto.

Ngunit hindi lang limitado sa mga ma-sikreto ang kabataan ngayon, meron ding iilan na napaka-
bukas sa kanilang buhay. Lahat na siguro ng makukwentohan ng kanilang buhay ay
nakukwentohan nila. Dala na rin siguro ng liberalismo ng ika-dalawampung siglo, at pananakop
ng mga Amerikano, meron rin namang trend na maging bukas sa anumang bagay, lalo na sa mga
kaibigan na parating kapanayam ng mga kabataan ngayon (kung ikukumpara sa iba pa nilang
social influences).

Maraming mga aspekto kung saan ang extrovism at introvism ay nangyayari, ngunit kakaunti
lang naman ang mga nasa ekstremong mga dulo nito. Kadalasan sa mga kabataan ngayon ay nasa
gitna, ang mga ambiverts, na may mga pagkakataon na nanunumbalik ang pagkakonserbatibo at
pagkamasikreto, at minsan naman, ay nagiging mas malaya sa kanilang pamamahayag. Ang pag-
b-blog ay nananangkilik sa parehong personalidad at nagkakaroon pa nga ng “reconciliation” ang
ito dahil kapagnabasa ng isang introsibong kabataan na hindi siya nag-iisa sa kanyang
nararanasan, napapadali ang kanyang paglabas ng kanyang saloobin. Samantala, dahil madaling
mabasa ng publiko ang mga nalalaman ng isang blog, ito ang perpektong bagay para maipahayag
ng isang ekstrosibo ang kanyang mga sanaysay.

Malaki rin ang ginagampanan ng midya sa buhay ng mga kabataan ngayon. Lalo na’t ang mga
kompyuter ay mas madali ng ma-akses kung saan-saan: sa bahay, sa paaralan, kahit sa mga
shopping malls ay may mga kompyuter na rin, kailangang makibagay ang mga kabataan. Tulad
ng nangyari sa Friendster, merong natural na may response ang kabataan sa mga trend sa midya.
Hindi man ito ang pangunahing dahilan kung bakit nag-b-blog ang kabataan, iba’t iba rin ang
dahilan ng kanilang pagka-loko at pagsimula sa blog.

Fig 1. Ang dahilan ng pag-b-blog ng kabataan ngayon


Karamihan ng mga kabataang bloggers ay naaangkop sa middle at upper socio-economic income
brackets. Kung hindi mga pribadong institusyon, galing sila sa Science magnet high schools o
kaya naman sa Unibersidad ng Pilipinas na alam natin sa ngayon ay tinaguriang unibersidad na
para sa mga middle class. Ayon sa teorya ni Steven D. Levitt, ang katalinuhan, kahit hindi ito
namamana, ay kasalukuyang namamayani sa middle – upper class. Kadalasan, para kumita sa
ganung braket, ang mga namumuno ng mga household na iyon ay naka-tapos man lang ng
kolehiyo. Maari din namang nakatapos sila ng mas matataas na digri. Ang punto dito ay ang mga
may pinag-aralan ay ang kumikita ng maayos, maayos para magbigay ng magandang edukasyon
sa kanilang mga anak at isang atmosphere na mag-eenganyo sa mga kabataan na umasal na
edukada. Dahil dito, kahit na ang mga science schools at ang UP ay tinayo para sa mga hindi
kayang makapagbayad ng mga pribadong institusyon, ginagawa na lamang itong achievements
mill ng mga middle class, ang mga kayang magbayad sa mga mamahaling institusyon ngunit
gigipitin. Madalang ang mga blogger na hindi nanggagaling sa mga paaralang pribado, o special
government instutions, kaya’t masasabiing ang 90% ay nasa income bracket na mga iyon.

Ngayon natalakay na ang socio-income distrubtion at pahapyaw na binase ang argumento sa


kamalayan ng mga paaralan ng mga kabataang nag-b-blog, hati pa rin ang bilang sa age-bracket
na nasa high school pa at yaong nasa kolehiyo. Nagiging isang nakakahikayat na blog chronicles
ang pagtungtong ng mga high school bloggers sa kolehiyo, bilang isang simbolo ng paglaki at
maturity. Itinalakay mabuti ni Steven Levy sa kanayng artikulo tungkol sa isang teenager na
nagngangalan na Aaron Swartz tungkol sa kanyang mga unang araw sa Stanford. Kahit na
kanluranin ang ehemplong ito, sinasabi ni Levy na ang blog ay nagiging isang malinaw na
paglalarawan kung ano na nga ba an kalagayan ng mga kolehiyo sa lipunan, at isang
namamayaning deskripsyon ng buhay sa campus.

Nasa-isyu na tayo ng “personal growth.” Ang isa sa pinaka-unang blogger sa ating bansa ay
nagsimulang mag-blog noong siya ay 10 taong gulang pa lamang. 1996 siya nagsimula ng mala-
diary na website na hindi pa tinatawag na blog nung panahong iyon. Si Lauren Dado ay
kasalukuyang 19-taong-gulang na at nag-aaral sa Ateneo de Manila University. Ang kanyang
domain ay namamalagi pa ring tala ng kanyang buhay sa kolehiyo.

Sa pag-b-blog, ang blogger ay merong in-a-assume na persona. Kadalasan, ito’y nagiging


ekstensyon ng kanyang sarili at nagiging self-reflexive ang blog at sinasalamin nito ang tunay na
mga katangian ng isang indibidwal. Kahit na walang one-to-one correspondence sa personality
ng isang blogger sa tunay niyang katauhan, wala siyang radikal na pagbabagong ginagawa sa
kanyang sarili para sa kanyang mga mangbabasa. Kung hindi, mawawala na ang silbi nito bilang
isang outlet at iba pang karakit na epekto ng pag-tago ng identidad na itatalakay sa ibang bahagi.

Minsan, hindi naman isang alter-ego ang niliikha ng blogger para aliwin ang kanyang sarili.
Gumagawa siya ng interest-based personality. Sa pakikipanayam ko sa aking babaeng
ininterbyu, wala naman siyang kinakailangang baguhin sa kanyang personalidad, ngunit yun nga
lang, hindi niya binibigay ang ilang mga impormasyon kung hindi kinakailangan. Sa kanyang
“alter-ego journal,” madalas lang niyang talakayin ang kanyang Fandom at paminsan-minsan
nag-rereklamo sa kanyang mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ang lahat ng ito ay naglalarawan
sa mga Pilipinong blogger, tingnan naman natin kung ano ang katangian ng blog bilang isang
midyum na nagiging tulay ng kabataang Pilipino para sa pamamahayag ng kanyang sarili.

Ang Blog Bilang Isang Midyum

Hindi lamang sa sinusulat ng blogger nakikita ang mga katangiang nabanggit kanina. Maraming
kagyat na aspekto ang mga blog para masalamin ang saloobin at heneral na mga interes ng
kabataang Pilipino ngayon.
Una na siguro dito ang packaging ng buong blog. Nakikita ito sa tinatawag na layout. Noong
una, limitado lamang ang mga blog sa mga nakakaintindi ng programming language ng HTML o
hypertext marukup language. Masasabi naman nating may kayang intindinhin ang wikang ito ng
ating kabataan, ngunit kung kailangan pa talaga nilang kabisaduhin ang kumbensyong ito, wala
na sigurong gaanong mag-b-blog. Dahil sa mga developers na nagpapadali sa pag-customize ng
mga blog, 90% ng mga taong Online ay gumagamit ng blog (ayon sa bilang ng mga sumagot ng
sarbey – na may minor na pagkakamali dahil kakaunti lamang ang nagsabing hindi sila nag-b-
blog, palibhasa dahil mahirap sigurong humanap ng sasagot ng sarbey na para sa blog kung hindi
ka isang blogger). Kung titingnan din sa sarbey ang mga gumagamit ng blog, ang karamihan sa
kanila ay gumagamit ng LiveJournal (LJ) at Xanga. Sunod ay ang Blogger at Wordpress. Sa LJ,
Xanga, at Blogger, madaling gumawa ng blog account at madali pa itong i-customize dahil
maraming mga default na layout at kung binibibbo ay pwedeng pag-aralan ang mga advanced
customization techniques. Dahil dito, pwede nilang palitan ang background ng kanilang mga
blog, lagyan ito ng header, iba-ibahin ang posisyon kung saan nakalagay ang kanilang mga
isusulat, at iba pa. Sa Wordpress naman ay mas komplikado, ang layout ay nangangailangan ng
Cascading Style Sheets (CSS) ngunit madali rin namang kumuha ng mga template na disenyo na
maari nalang baguhin ng user kung paano niya gusto. Wala lang siguro sa naserbeyan ngunit
marami-rami rin ang gumagamit ng Tabulas, sa katunayan, mga Pilipino ang may
pinakamaraming account dito, talo pa natin ang US. Kahit 2,091 blogs lamang ang nasa Tabulas,
halos lahat ng mga bagong update ay nakasalin sa Filipino.

Bukod pa riyan, ang mga “push-button publishing devices” (salitang ginagamit ng


blogger/blogspot sa kanilang programa) ay napapadaling gumawa ng profile pages para sa mga
manggagamit. Ang mga user ay maaring maglagay ng mga basic na impormasyon tulad kung
nasaan sila, ang kanilang kaarawan, mga interes, mga kaibigan sa network ng pag-b-blog na
iyon, at mga website na gusto niyang puntahan (ginagawan ng link). Naryan din ang kanyang
usericon na pwedeng bagu-baguhin. Kadalasan sa mga userpic ay ang mukha ng gumagamit,
kung hindi naman ay ang mga larawan ng kanilang interes. Maraming mga icon communities na
tumutlong gumawa ng mga icon na pang-display sa blog, at meron ding mga gawa na. Sa
katunayang, merong OPM_icons at pinoy_icons na mga community para sa mga icon na may
bahid ng pagka-Pinoy at doon sa mga mahihilig sa lokal na banda. Malayang makakapili ang
mga manggagamit ng LJ ng tatlo (sa mga libreng account) na userpics habang 15-100 sa mga
nagbabayad ng kanialng account.
Ang blog accounts ay madaling na-a-akses sa publiko. Kung gustong ibigay ng isang user ang
kanyang blog address, kadalasan ito ay binubuo lamang ng blogserver at username na
pinagsama. Halimbawa:

http://www.livejournal.com/users/celeni

Dahil dito, ang akses sa midyum na ito ay napakadali. Kung nais ng user, meron ding
pagkakataon na nahahanap pa ito sa mga search engine. Lumabas ng ngayon ang tinatawag na
“Google Blog Search” [http://www.google.com/blogsearch], gawa ng isa sa pinakamalaking
Internet enterprises sa mundo, ang google. Madali rin namang patayin ang mga feature na
napapadali ang paghanap ng blog ng isang tao sa “surfing public” para mas pribado ang dating
ng isang Online journal. Meron din mga iilan na kumukuha ng kanilang sariling mga domain
para mas personal ang dating ng kanilang mga blog. Isa na rito ang http://www.bikoy.net ,
www.laurganism.com, kung saan binbili ito sa nakatakdang panahon.

Ang Mensahe ng mga Blog

Iba’t iba ang uri ng mga blog post ng iba’t ibang indibidwal. Kadalasan, ang mga post ay
komposisyon ng iba’t ibang uri ng tipo ng blog na iyon ngunit talakayin pa rin natin ng isa-isa

Unang tipo ng blog ay ay ang tumatalakay ng mga pangyayari sa buhay-buhay. Halos 30% ng
mga blog ay nahuhulog sa kategoryang ito. Dito sinasalaysay ng blogger ang mga karansan at
pagtala ng kanyang mga ginawa sa araw na iyon. Ito rin ang tradisyunal na kadalasang nasusulat
sa mga talaarawan. Maaring dito binabahagi ng blogger ang kanyang personal na alaala at kung
bakit di dapat malimutan ang mga pangyayaring iyon. Maari rin dahil alam niyang ang mga
taong kasapi sa mga pangyayaring yun ay nagbabasa rin, at para maalala nila. Minsan, may mga
magkakaibigan na tumatalakay sa isang pangyayaring nangyari sa kanilang magkakabarkada.
Nagkakaroon ng maraming bersyon ang iba’t ibang pangyayaring iyon, at napapadali rin ang
akses sa iba’t ibang bersyon dahil kadalasan ang blogger ay naglalagay ng links ng mga blogger
niyang kasama sa karanasang iyon. Merong mga pahapyaw lang mag-kwento at meron din
namang sobrang ma-detalye sa mga pangyayari ng kanilang mga buhay. Kahit hindi nababasa
itong buong-buo ng mga mambabasa, pinapasangtawid pa rin ng blogger ang kanyang mga
karansan, para na rin siguro ma “immortalize” ito sa mga salitang nasusulat.

Pangalawang tipo ng mga blog entries ay ang mga komentaryo tungkol sa mga pangyayari sa
lipunan at pulitika. Medyo seasonal ang mga entries na ito, lalo na kung merong krisis sa sistema
tulad ng hindi pa nareresolbang Gloriagate scandals. Merong mga blogs tulad ng sa Philippine
Center for Investigative Journalism na malaki ang ginagampanan sa pagpapalaganap ng
impormasyon tungkol sa isyu, ngunit paano na nga ba ang boses ng kabataan? Nung nakaraang
mga dekada, ang boses ng kabataan ay naririnig lamang kung sasali sila sa mga mobilisasyon o
kasapi sila ng pangmadlang midya. Ngayon, mas nagiging demokratisado ang pamamahayag ng
mga saloobin at personal na opinion ng kabataan sa mga pangyayari. Ang nakakaaliw pa ay
nababasa mo rin ang mga saloobin ng mga anak ng mga pulitiko, at iba pang mga karakter na tila
nasa sideline lamang. Maslumiliit ang mundo dahil sa mga blog, dahil pwede mong basahin ang
blog ng kahit na sino at magkumentaryo tungkol dito. Ang karapatang sibil na pamamahayag ng
sarili ay napapatnubayan din dahil dito. Kung tutuusin, ang sociopolitical commentaries nga ang
nagpapalaganap ng kultura ng blog sa kanluranin. Ang nakaraang American presidential election
ay nabahiran ng impluwensya ng mga blogger sa Amerika. Nagkaroon pa nga ng isyu kung saan
merong bumisitang mga Secret Service officials sa isang blogger na nang-lait sa Pangulong
Bush. Naging tanong ulit ang kalayaan ng pamamahayag dahil dito. Kahit sa ating bansa,
merong mga kabataang nagsi-blog tungkol sa kanilang mga piniling kandidato sa 2004
Presidential Elections noong Mayo. Hanggang ngayon, dahil sa Impeachment/Resignation ay
madalas pa ring pinag-uusapan ang mga ito.

Ikatlo ay ang mga “cultural reviews.” Tulad ng nasabi sa sarbey ng kaugnay na pag-aaral, ang
mga kabataan ang unang nagpapalaganap ng mga “uso.” Nakaakibat din sa mga interes ng
kabataang ito ang kanilang mga ni-re-review. Kung mahilig sila sa mga bandang Pinoy, pag-
uusapan nila ang bawat palabas ng bandang iyon. Nung nauso ang Asian telenovelas at mga
mala-pantasyang teleserye, marami ang nagbibigay ng kanilang mga palagay sa mga pangyayari
sa mga ito. Karamihan ng mga cultural reviews ay natutuon sa pelikula. Kung ikukumpura sa
mga teleserye, medyo time-targetive ang mga pelikula, may isa hanggang tatlong lingo lang ito
namamalagi sa mga sinehan, kaya’t minamabuti ng mga blogger na bantaan ang mga manonood
tungkol sa mga pelikulang nagustuhan nila at inaakit ang kanilang mga kaibigan na panoorin ito;
at kung napangitan naman sila, mabalaan ang mga nagbabalak manood nito. Dito na rin papasok
ang mga panatikong bahagi ng mga fandom. Dito nila nilalagay ang mga pag-uusap tungkol sa
objek ng kanilang pagkapanatisimo. Halimbawa ay ang Harry Potter. Isa itong world-wide
phenomena at hindi hiwalay ang mga Pilipino sa pagkaloko sa aklat na ito. Ginamit ang blog sa
paglalabas ng mga rebyu tungkol sa pinakabagong aklat, mga teorya na mangyayari sa susunod,
at mga kwentong imbento ng user na tinatawag na fanfic. Ang fanfic nga ang isa sa
nagpalaganap ng kultura ng blog bilang isang subkultura ng fanatisismo.

Kaya’t ang pang-apat na uri ng mga blog entries ay yaong mga personal na literatura. Hindi na
ito mga naratibo o komentaryo lamang, ito na yung mga tula, awit, kwento, at minsan pa nga ay
mga nobela. Minsan, ninanais ng manunulat na bigyan siya ng konstruktibong kritisismo sa
kanyang mga akda. Dahil marami rin ang walang magawa, natatanggap nila ito. Ito ang
masmalikhaing pamamahayag ng kanilang mga saloobin, kung saan nahahasa ang user na
patnubayan ang kanyang mga damdamin labas sa kumbensyonal na pamamahayag.

Kung arte na lamang ang batayan ng mga blog entries, kung hindi nadadaan sa salita ay sa
larawan na lamang. Sabi nga nila “picture paint a thousand words.” Dahil sa mga libreng photo
servers tulad ng photobucket.com at ang pagbagsak ng presyo ng digital camera at pagkauso ng
mga cellphone na may camera, nahilig sa mga letrato ang kabataan ngayon. Walang konsepto ng
pagka-“camera shy” sa mundo ng blog, kung tutuusin, karamihan sa mga Pilipino ay mayroong
attachment sa mga litrato dahil sa namamayaning celebrity culture sa atin. Sa isang punto ng
ating buhay, maaring ninais nating maging sikat at maging artista. Hindi nawawala sa kabataan
ngayon ang complexity na ito, kaya’t ang camera at isang public domain ay nagpapadaling ma-
fulfill ang mga kanaisang ito. Kahit hindi hubog ng modelo o walang mga talento ng pag-arte,
nandun pa rin ang exposure sa publiko, at madali na ang pagpapa-star kaya sila nag ca-
camwhore. Ang iba naman, hindi ang kanilang mga sarili ang pinamamahagi, kundi ang kanilang
talento sa pagmamanipula ng kanilang mga letrato sa photoshop. Ginagawa nilang mga collage
ang kanilang mga entries at nagiging kaaya-ayang scrapbook ang dating ng mga blog entries.
Hindi limitado ang mga teknik na ito sa mga marurunong talaga dahil ang blog rin ay nagiging
tulong para magturuan ng iba’t ibang mga pamamaraan ng paggawa ng blog, kung baga kukuha
ka ng mga ideya at nagpapaturo. Meron talagang mga blog na dedikado sa paglagay ng mga
tutorial kung paano gawiin ang mga kaartehan dito at doon. Hindi mo kailangang maging Visual
Communication major para magawa ang mga ito. Ikatlong dahilan siguro ng pag-photoblog ay
ang simpleng rason ng pamamahagi ng mga alaala. Mahilig ang mga Pilipinong magka-salu-salo
at kung may pera, nagpapadala ng kopya ng letrato sa mga kaibigan. Mahilig tayong magpa-
recopy ng mga letrato, basta nandun tayo. Dahil sa blog, napapadali ang pamamahagi ng mga
letrato, at kasama na dito ang mga kuro-kuro sa mga kaganapang iyon, na mas madali pa kaysa
mag-album.

Hindi rin maiiwasan na merong mga “angsty” entries ang kabataan ngayon. Sila nga naman ay
bata pa, at maraming galit sa mundo. Ang mga emosyonal na entry ay dala na ng mga kaguluhan
sa konsepto ng pag-ibig, hindi pagkaintindi sa magulang, at iba’t iba pang mga isyu ng kabataan
ngayon. Maaring walang detalye, at kadalasan, malabo nga ang mga ito at limitado lang ang
akses sa mga kaibigan ang mambabasa. Kadalasan, binibigyan ng emosyonal na suporta ng mga
kaibigan ng blogger ang mga entry na ganito, kahit hindi nila gaanong maintindihan ang
konteksto dahil maaring nanggagaliti rin sila. Hindi uso sa mga Pilipino ang magpatingin sa mga
psychiatrist sa mga isyung ganyan, kaya’t madalas mga kaibigan talaga ang batayan ng
emotional stability ng kabataan, at dahil sa blog, kahit naka-maskara ang mga indibidwal na ito
sa tunay na mundo, hindi nahahadlang ang tunay nilang mga damdamin.

Ang huling uri ng blog entry ay ang meme. Tulad ng nasasabi sa depenisyon, ito ay mga sarbey
at mga test na ginagawa na merong lumalabas na resulta. Ang resulta ay maaring mga
masasayang kalokohan lamang na nakukuha sa mga logarithmic equations na kaakibat sa mga
input tulad ng pangalan at edad, ngunit nakakatuwa pa rin kung natsamba sa kaugalian talaga ng
blogger. Minsan naman nasa uri ito ng mga tanong na parang sarbey, mga top 10 favourite
things, at mga request para sa mga letrato at iba pa. Meron pang nalalaman na “tagging” kung
saan nakakapili ang blogger kung sinong gusto niyang sumagot pa ng meme.

Yun ang mga heneral na klasipikasyon ng mga blog entries. Maaring ang isang entry ay hybrid
ng iba’t ibang uri ng mga blog entries na iyon, ngunit solid pa rin ang mensahe at ang
pagsalamin nito sa manunulat.

Ang Mambabasa

Lahat ng nag-b-blog ay nagbabasa rin ng blog ng ibang tao. Ayon sa nagawang sarbey,
karamihan ng kanilang mga binabasa ay ang mga hindi nila kakilala ngunit yung mga nasa
parehong heograpikal na lugar. Susunod ay ang mga tunay nilang malalapit na mga kaibigan.
Marami ring nagbabasa ng blog ng kanilang mga colleagues at kamag-aral at yun na ring mga
acquaintances.

Nabanggit na ang konsepto ng isang “imagined audience” para sa mga personal website na ito.
Dahil dito, merong bahid ng pagka-paranoid ang mga blogger, bukas sa posibilidad na kahit sino
ay pwedeng magbasa ng kanilang mga blog entries. Kaya’t nauso ang paggawa ng mga “Friends
Only” journals kung saan ang mga nasa “flist” ng blogger ang makakabasa ng kanyang mga
entries. Meron pang kasamang mga “Friends Only banners” na tulad ng icon ay pinamamahagi
rin sa mundo ng blog.

Nagiging isyu ngayon sa mga blogger ay ang pag-basa ng kanilang mga magulang ng kanilang
blog entries. Nung araw pa ng makalumang talaarawan, kalaban din ng mga kabataan ang
mahilig makialam na magulang. Karamihan sa mga blogger ay hindi alam ng kanilang mga
magulang na sila’y merong journal na pampubliko, kung marunong nga silang mag-Internet pa
nga. Babalik tayo sa konsepto ng pagka-mataguin ng mga kabataan. Madalas naman at wala sa
tahanan ang mga modernong Pilipinong magulang, mas naalangan pa lalo ang mga kabataang
itong ipamahagi ang kanilang mga saloobin.

Sa mga kaibigan namang nagbabasa, marami sa mga blogger ay pinapabasa ang kanilang mga
blog sa kanilang kaibigan IRL. Meron din namang mga indibidwal na may mga nakikilalang
mga iba’t ibang personalidad sa blogosphere dahil sa proseso ng networking at nagbabasahan na
rin ng kanya-kanyang blog. Dahil dito, dalawa ang uri ng mga kaibigan na nagbabasa ng blog,
yung mga Offline na kaibigan at mga Online friends.

Comment ka naman diyan!

Tulad ng nasabi tungkol sa modelo ni Laswell, mahalaga ang reaction ng mga mambabasa sa
mensahe ng mga blogger. Lahat halos ng blogging interface ay nagbibigay ng oportunidad para
mag-iwan ng komento ang sino mang makakabasa nung entry na iyon. Maraming uri ng mga
komento. Una ay ang “affirmative response” kung saan tumutlong at nakaka-encourage ang mga
salita para sa blogger. Kung isa itong gawang malikhain, isa itong pag-apruba sa mga ginawa ng
blogger. Kung isa naman itong emosyunal na entry, isa itong pamamahayag na hindi siya nag-
iisa. Iba’t iba ang mga affirmative na komentong ito.
Meron namang mga value-neutral, ito ay mga komento na hindi nakakasakit o hindi rin naman
papuri. Maari itong tanong na di-opensibo o kaya naman request na i-add ang isang user sa flist
at iba pa.

Kung merong affirmative responses, meron din namang negatibo. Merong mga kritisismo na
natataon sa mga madaling i-target na mga indibidwal. Tinatawag ang mga negatibong komento
na ito bilang isang “flame,” kung saan nagbabarahan, at nag-aaway ng verbal ang iba’t ibang
mga user. Nagiging isang subkultura na rin ang “LJ Drama” kung saan merong mga indibidwal
na sisiraan ang isa pang blogger at nagiging palitan ito ng siraan. Nangyayari rin ito sa tunay na
buhay, ngunit sa mundo ng blog, isa itong “pastime” ng mga walang magawa sa buhay.
Kadalasan, ang mga inosente sa mga bagay na ito ay nabibiktima ng malala na umaabot pa
sapunto na binubura nila ang kanilang mga blog; samantala ang iba naman ay naaliw lang dito.

Hindi lang sa mga komento nangyayari ang reaction. Maaring isang buong blog post ang
response ng isang blogger sa isa pa ng blogger. Ang linear na modelo ni Laswell ay nagiging
isang kompliadkong cycle sa mundo ng blogging.

KONGKLUSYON

Maraming dahilan kung bakit nag-b-blog ang kabataang Pilipino ngayon. Nasasalamin ito sa
itsura, laman, at mambabasa ng isang blogger na Pilipino. Dahil na rin sa mga pagbabagong
teknolohikal, nakikita na merong mga bagay na tradisyunal na nanatili at namayagi na nilagay
lang sa makabong pormal na teknolohikal. Hindi pa rin naiba ang heneral na kaugalian, at naryan
pa rin ang pamumuno ng Pilipinong blogger dahil sa konsepto ng kung ano ang uso ay madaling
mapalaganap dito.

Nasasalamin ng mga iba’t ibang uri ng blog ang mga katangian ng mga kabataang Pilipino.
Hindi lang ito nagiging isang uri ng komunikasyon kung hindi pag-a-arkibo ng iba’t ibang uri ng
mga pangyayari at iba pang kultural na kaganapan. Nagiging mas mahalaga ang papel ng mga
kabataan kahit sa labas ng akademiya at ng kanilang paaralan.

Maari pang pag-igihin ang pag-aaral na ito kung titingnan mabuti ang pagkakapareha at
pagkakaiba ng mga Pilipinong blogger kung ikukumpara sa buong mundo. Maari ring suriin ng
mabuti ang mga Pilipinong blogger na lumipat sa ibang bansa, o yung tinatawag na mga Third-
Culture Kids. Meron ding isang pag-aaral na magiging time-based, ang pagtanda ng mga batang
bloggers sa adulthood, ang pagkumpara ng mga mag-aaral na nag-b-blog doon sa mga
nagtatrabaho na (kahit na ang dalawa ay pwedeng sabay na mangyari).

Mahalaga ang boses ng kabataan, at ang blog ay nagiging tulay para dito.

BIBLIOGRAPIYA

Ball, J. (1962). Social deviancy and adolescent personality. Kentucky: University of Kentucky.

Bell, D. (2001) An introduction to cybercultures. London: Routledge.

Blood, R. (2000). Weblogs: a history and perspective. Rebecca's Pocket 7 September 2000. [On-
line]. Available: http://www.rebeccablood.net/essays/weblog_history.html

Campilan & Lazatin. (2005). She blogs, he blogs, weBlog: power struggles between women and
men in a patriarchal cyberspace. BA Communication Research Thesis, UP Diliman.

Dumredes, S. (1993). The Filipino family holding on… a celebration guide for family week.
Quezon City: National Council of Churches in the Philippines.

Estampodor, L. (1987) The Relationship of some personal, family and social variables to the
aptitudes and occupational interest of selected Filipino high school students. MA Psychology
Thesis, UP Diliman.

Featherstone, M. & Burrows, R. (Editors). (1995). Cyberspace/cyberbodies/cyberpunk: cultures


of technological embodiment. London: Stage Publications.

Fleming, C.M. (1948). Adolescence (its social psychology: with an introduction to recent
findings from the fields of anthropology, physiology, medicine, psychometrics and sociometry).
London: Routledge & Kegan Paul.
Glasner, J. (2005). We’re a hit in Manila ! Now what?. Wired News 31 Mar 2005. [On-line].
Available: http://wired.com/news/business/0,1367,67027,00.html.

Hine, C. (2000). Virtual Ethnography. London: Sage.

Levitt, S. & Dubner, S. (2005). Freakonomics. NY: HarperCollins.

Levy, S. (13 Dec 2004). What your college kid is really up to. Newsweek Dec 13 issue. [On-
line]. Available: http://msnbc.msn.com/id/6646523/site/newsweek.

McCann-Erickson Ph. (April 1993). Portrait of the Filipino as a youth. Highlights. Makati City:
McCann Erikcson Philippines study.

Mendez, P. & Jocano, F. (1979). The Filipino adolescent In a rural and an urban setting: a study
in culture and education. Mendiola, Manila: CEU Research and Development Center.

Offer, D., Ostrov, E., et al. (1988). The teenage world: adolescents’ self-image in ten countries.
NY: Plenum.

Peña, E. (1998). An Exploratory Study of Self-Complexity, Self-Construal, and Negative


Emotion in Filipino Adolescent. MA Psychology Thesis, UP Diliman.

Sangil-de Luna, T. (2001). Cyberlove : a study on the development of internet-initiated


relationships toward 'real time' romances. MA Speech Communication Thesis, UP Diliman.

Tolentino, R. (2001). Sa loob at labas ng mall kong sawi kaliluha’y siyang nangyayaring hari:
ang pagkatuto at pagtatanghal ng kulturang popular. Quezon City: UP Press.

Unknown. (2005). Blog entries on the first ever Philippine blogging summit. [On-line].
Available: http://www.aspma.com/term/philippine-blogging-summit.html
Posted by kirlzat 7:01 PM

You might also like