You are on page 1of 2

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal kong Michael,

Isa po sa mga problemang kinakaharap ng ating paaralan ang kawalan ng interes ng mag-aaral na
minsang nagdudulot ng paghinto nila sa pag-aaral. Sa iyong palagay, paano ito masusulosyonan?

Nababahala,

Ivy_17

Para sa iyo Ivy_17

Isa nga sa hinaharap na problema ngayon sa ating paaralan ang kawalan ng interes sa pag-aaral ng
mga estudyante, gayunpaman ang isang sulosyong aking naisip bilang mag-aaral ay panatilihin nating
ikonekta ang ating sarili sa ating guro na kung saan makiisa sa pag monitor sa ating kapwa mag-aaral at
himukin na wag lumiban sa araw-araw na pasukan.

Mahal na Patnugot,

Bilang mag-aaral ako po'y lubos na nababahala sa paglaganap ng isyu patungkol sa "Bullying",
marami na kasi sa palagay ko ang naging biktima rito. Ano po ba ang iyong opinyon tungkol sa isyung ito

Nagtataka

Jelsem_17

Para sa iyo Jelsem_17

Ang bullying ay hindi birong isyu. Maaring madulot ito ng depresyon na kung saan ay maging sanhi
ng pagkitil sa sariling buhay.
Isipin nalang natin na ang lahat ng tao ay pantay pantay na nilikha ng may kapal at huwag nating hayaan
na makadulot tayo ng sakit sa damdamin ng iba bagkus, hayaan nating pagmamahal at kapayapaan ang
mangingibabaw sa lahat at hindi kasakiman.

Minamahal kong Michael,

Sa aking pagkakaalam, iilan pa sa mga mag-aaral mula sa mababang baitang gaya ng baitang 7 ang
hindi pa masyadong bihasa sa pagsulat maging sa pagkilala ng mga letra at pakiwari ko'y nahihirapan din
sila sa pagbabasa. Paano po ba ito mabibigyang pansin?

Nag-aalala

Ronald_17

Para sa iyo Ronald_17

Isa sa pinatupad na programa ng DepEd ay ang Implementation of Reading Program sa bawat


paaralan na kung saan sa loob ng isang araw ay may nakalaang 30 minuto para bigyang pansin ang
paghasa sa mga mag-aaral sa pagbasa. Binibigyang tuon din ng mga guro ang mag-aaral na kulang pa sa
kaalaman ng pagsulat at pag-intindi. Sa paraan na ito'y sa palagay ko, matutulogan sila para hubugin ang
kanilang kaalaman.

You might also like