You are on page 1of 3

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.5

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 09362264300

College of Education/Teacher Education Department


FIL 3: Introduksyon sa Pamamahayag
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon

Ang kartung editoryal ay isang palagiang bahagi ng pahinang editorial. Ito ay editoryal na nakaguhit.
Layunin nitong ilarawan sa pamamagitan ng impormal na guhit ang panig na patnugutan tungkol sa
isang napapanahong isyu. Maliban dito, nagsisilbi rin itong pang-aliw o pampagaan ng loob sa gitna ng
Rationale
mga seryusong paglalahad ng mga opinion tungkol sa iba’t ibang isyu.
Sa modyul na ito, natatalakay ang nilalaman, kahulugan at kahalagahan ng pagguhit ng kartung
editoryal para sa paghatid ng balita sa mga mambabasa.

Intended Learning Outcomes

A. Nalalaman ang kahulugan at mga hakbang sa pagguhit ng kartung editoryal


B. Nakagagawa ng semantic wed
C. Nakaguguhit ng kartung editoryal

Activity
Gawain: Gumawa ng semantic web patungkol sa “Pagguhit ng Kartung Editoryal”.

Diskusyon
MODYUL SA FILIPINO
FIL. 3 INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG
Pagguhit ng Kartung Editoryal

Mga Dapat Tandaan sa Pagguhit ng Kartung Editoryal


1. Limitahan ang paggamit ng mga salita at label.
2. Gumamit ng mga pangkalahatang simbolo.
3. Magkaroon ng sariling istilo at huwag mangopya.
4. Ituon ang pagguhit sa iisang paksa lamang.
5. Limitahan sa tatlo hanggang sa limang bagay lamang ang iguguhit.
6. Ilarawan nang husto ang ekspresyonng mukha ng taong iguguhit.
7. Maaaring gamitin ng alusyon ng mga palasak na sanligan tulad ng mga superhero.

Mga Hakbang sa Pagguhit ng kartung Editoryal

1. Alamin ang pangunahing isyu na nais iguhit ng kartun.


2. Alamin ang panig ng patnugutan tungkol sa isyu.
3. Gumuhit sa tulong ng pinakamabisang simbolo na aakma sa pangkalahatang opinion ng patnugutan
tungkol sa isyu.

1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE Mga Karaniwang Simbolo sa pagguhit ng Kartung Editoryal
MODULE WEEK NO.5

1. Lapis, pluma, pahayagan – pamahayagan, karapatan sa pamahayag.


2. Kalapati – kalayaan, kapayapaan, demokrasya
3. Salakot – Juan dela Cruz, karaniwang mamamayang Pilipino
4. Kadena – Paninikil sa kalayaa, pang-aapi o pang-aalipin
5. Kamatayan at karit – panganib, kapahamakan
6. Heringgilya – parusang kamatayan, adiksyon sa droga
7. Buwaya – abusado, mapagsamantala
8. Buto’t balat na bata – kahirapan, gutom
9. Malyete – husgado, batas
10. Babaeng may piring at may dalang timbangan – katarungan
11. Mga alon – mga hadlang, pagsubok
12. Maskara - mapagkunwari, mapagpanggap
13. Agila – katapangan
14. Bareta ng ginto – kayamanan, karangyaan
15. Mataas na gusali – kaunlaran
16. Susi – daan tungo sa tagumpay o kaunlaran
17. Malaking bato sa daan – balakid sa anumang mithiin
18. Bungo at dalawang nagkrus na bato – kamatayan, kapahamakan
19. Sumisikat na araw – pag-asa
20. Taong may maraming tatu – criminal, masamang tao, dating bilanggo

Exercise

Panuto: ilarawan sa pamamagitan ng kartung editoryal ang kasalukuyang kalagayan ng bansa batay sa mga
sumusunod:

1. Ekonomiya
2. Pulitika
3. Kultura
4. Relihiyon

Assessment
Panuto: Magtala ng tiglimang pangunahin at napapanahong isyung nagaganap sa mga sumusunod at iguhit
ng Kartung Edditoryal:
1. Paaralan
2. Pamayanan
3. Bansa

Reflection

1. Nakakatulong ba ang kartung editoryal sa paghatid ng mabisang balita?


2. Paano nito napapagaan ang loob ng mambabasa sa gitna ng mga seryusong mga isyu na nilalahad
nito?

Resources and Additional Resources

 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.5

3
Crafted by Mariel Bandada

You might also like