You are on page 1of 6

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.1

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 088-226-2651

College of Education/Teacher Education Department


FIL. 3: Introduksyun sa Pamamahayag
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon

Dito sa Pilipinas, ang pagpapaunlad ng pamamahayag ay sinisimulan ng mga bata, mula sa


elementarya hanggang sa kolehiyo. Ito ay lalo pang pang pinatibay sa implementasyon ng Republic Act
No. 7079 na tinaguriang Campus Journalism Act of 1991. Idineklara nito ang pagtataguyod at
pangangalaga sa kalayaan sa pamamahayag kahit na sa mga paaralan. Itinataguyod din nito ang
pagpapaunlad at pagsulong ng pamahayagang pangkampus bilang isang paraan sa paghubog ng mga
Rationale
positibong pagpapahalaga, paglinang sa mapanuri at malikhaing pag-iisip at pagpapaunlad ng
Sa modyul
katangiang na at
moral itodisiplinang
matutuhanpansarili
ang tungkol sa pahayagan
ng mga kabataangatPilipino.
maunawaan ang halaga nito sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay.

Intended Learning Outcomes

A. Nalalaman ang kahulugan at kahalagahan ng pahayagan


B. Nakagagawa ng isang Vein Diagram patungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng pang-araw-araw
na pahayagan at pampaaralang pahayagan

Activity
Gawain: Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa pamamahayag.
Diskusyon

Modyul sa Filipino
Fil. 3- Introduksyon sa Pamamahayag
Pampaaralang Pahayagan
Pamamahayag
Ang pamamahayag o peryodismo ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag- uulat ng
mga kaganapan. Ang kataga ay ginagamit upang ilarawan ang mga gawainng pahayagan. Mga
palabas na pambalita sa telebisyon at radio, at sa mga magasing pambalita. Maraming iba’t ibang
hanapbuhay na pambalita at pangkabatiran sa larangan ng pamamahayag, katulad ng mga trabahong
mga tagapag- ulat na pampahayagan, ankor na pambalita sa telebisyon, manunulat, patnugot,
tagaguhit o ilustrador, at litratista o potograpo. Ang mga taong naghahanapbuhay sa larangan ng
pamamahayag ay pangkalahatang tinatawag na mga tagapamahayag, mamamahayag, o peryodista.
Pampaaralang Pamahayagan
Ang Pamahayagang pangkampus ang nagiging tuklasan, linangan at sanayan ng talent at
kakayahan ng mga batang manunulat tungo sa kadalubhasaan sa pamamahayag.

Pahayagan
1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.1
Ang pahayagan o diyaryo ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman at naghahatid ng mga
mahahalagang balita, impormasyon at patalastas. Ito ay inilalathala araw-araw o lingguhan at
binebenta sa murang halaga.
1. Pagsulat – tuld ng pagsulat ng mg pahayagan, magasin at iba pa.
2. Pagsasalita – na karaniwang nagaganap sa radyo sa pamamagitan ng pagbabalita at
umuna o pagbibigay ng kumintaryo.
3. Pampaningin – pagbabalita sa television, ng mga on-the-spot telecast na
pagbabalita,komentaryo,paanunsiyo, at iba pa.

Anyo ng Pahayagan
1. Palayong pamahayagan – ito ang anyo ng pag-uulat ng mga pangyayari na nakatuon
lamang sa mga datos at sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino,Saan, Kailan, Bakit at Paano.
2. Pagpapakahulugang pamahayagan – anyo ng pag-uulat kung saan ang mamahayag ay
napapaliwanag sa kahalagahan ng pangyayari sa paraan ng paglalawak ng kasagutan sa
tanong na Bakit at Paano.
3. Katunggaling pamahayagan – tumutukoy ito sa anyo ng pag-uulat kung saan ang
mamahayag, bilang kabahagi ng tinaguriang ikaapat na estado ay nagsisilbing watchlog o
tagapagbantay ng mga gawain ng tatlong sangay ng pamahalaan: ang ehekutibo, lehisatibo
at hudikatura.
4. Pangkaunlarang pamahayagan –layunin nito na itaguyod ang panlipunan, pang-
ekonomiya at pampulitikang kaunlaran ng bansa.
5. Dilaw na pamahayagan – anyo ng pamahayagan na ginagawang sensyonal ang mga istorya
tulad ng mga krimen, karahasan, kalayaan at immoral na mga gawain.
Mga Tungkulin ng Pamahayagn
a. Maglathala ng balita
b. Magbigay ng puna sa balita
c. Mang-aliw sa mambabasa
d. Magbigay ng payo sa mambabasa
e. Maglathala ng paanunsyo
Mga Tungkulin ng Mamamahayag
May tatlong tungkulin ang isang mamahayag, ito ang sumusunod:
a. Iulat o ilarawan ang isang pangyayari
b. Ipaliwanag ito at bigyang-kahulugan
c. Hulaan ang maaaring kahihinatnan ng nasabing pangyayari
Mga Tip para sa mga Batang Mamamahayag
1. Maging mapag-usisa
2. Maging matiyaga sa iyong layunin
3. Maging makatarungan at matimbang
4. Maging totoong interesado sa mga tao
5. Hanapin ang katotohanan
6. Maging mapamraan
7. Lakasan ng loob
8. Sauluhin ang iyong balarila
9. Alamin moa ng iyong midyum
10. Mapagbasa
Mga Pangunahing Pahina ng Pampaaralang Pahayagan
A. Pangmukhang Pahina
Ito ay karaniwang naglalaman ng mga sumusunod:

2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.1
1. Pangalan ng pampaaralang pahayagan. Taglay nito ang pangalan at lugar ng paaralan, tama,
bilang ng isyu, saklaw na mga buwan at taon ng pagkalimbag.
2. Tainga. Isa o dalawang kahon na kahanay ng pangalan ng pampaaralang pahayagan na naglalaman
ng logo ng paaralan, kasabihan, kartun o panimula ng mahahalagang panloob na balita.
3. Ulo ng pinakamahalagang balita. Nagsisislbi itong pamagat ng pinakatampok na balita at
nakalimbag sa malalaking titik.
4. Dek. Ang tawag sa linya o mga linya ng dulo ng balita.
5. Mga ulo ng mga balita. Ang mga pamagat ng balita na nakalimbag sa malalaking titik ngunit hindi
kasinlaki ng ulo ng pinakamahalagang balita.
6. Istorya ng balita. Ang kabuuang istorya ng pangyayari.
7. Pamatnubay. Ang tawag sa panimula ng balita na karaniwangbinubuo ng una at pangalawang
talata.
8. Kolum. Ang tawag sa bertikal na pangkat ng inimprintang material.
9. Column rule. Ang linyang bertikal na naghahati sa pahina sa mga kolum. Karaniwan ito ay may
espasyong isang em na lapad.
10. Lupi. Ang tawag sa imahinaryong linyang horizontal na naghahati sa pahina sa dalawang pantay na
bahagi.
11. Byline . Pangalan ng may-akda na karaniwang makikita sa itaas o sa ibaba ng akda.
12. Kahon . Anumang nakaimprintang material na napalibutan ng buo o bahagi lamang ng natatanging
linyang pamborder.
13. Dateline. Linya bago panimula ng balita na nagbibigay ng petsa at lugar kung saan nagmula ang
istoryang ipinadala.
14. Credit line. Linyang kumikilala sa pinagmulan o sanggunian ng aytem, larawan o kartun.

C. Pahiang Lathalain
Karaniwang taglay ng pahinang ito ang mga palagiang kolum panlathalain, natatanging lathalain, mga
larawan at guhit, puzzle, maze at iba pa.
D. Pahinang Pampanitikan
Ito ay karaniwang naglalaman ng maikling kwento, sanaysay, tula, dula, suring-dula, suring-pelikula,
suring-aklat, komiks at iba pa.
E. Pahinang Pampalakasan
Karaniwang mababasa rito ang mga balita, editoryal, kuro-kurong tudling at mga opinyon, kartung
editoryal, lathalain, mga larawanat guhit na nauukol sa pampalakasan o isports.
Saklaw ng Pamahayagan
Ang pamahayagan ay isang sining ng pagpapahayag ng ibat-ibang impormasyon na may
kahalagahan para sa mga mambabasa, tagapakinig o tagapanood.
Gampanin ng patnugot
Tinatawag na patnugot o editor ang isang taong namamatnugot. Sa isang diwa, nagmumula
ang proseso ng pamamatnugot sa ideya para sa mismong akda at nagpapatuloy sa ugnayang
nasapagitan ng may-akda at patnugot sa gayon, isa ring pagsasagawa ang pamamatnugot
nakinabibilangan ng malikhaing mga kasanayan, ugnayang pantao, at isang malinaw o tumpak na
pangkat ng mga metodo o kaparaanan. Sa larangan ng pamamahayag, ang patnugot ay isang
tagasulat ng pangulong tudling o editorial. Maaari rin itong tumukoy sa isang kasangkapang
pamutol o pang-edit ng pelikula.

Mga Tungkulin at Pananagutan ng mga kaanib ng patnugutan


Upang maitaas ang abtas ng kagalingan sa trabaho at mapigilan ang kapabayaan at
pagpapasan ng maraming trabaho ng ilang mga kaanib ng patnugutan, kinakailangan ang pagtukoy
sa mga tungkulin ng bawat isa.
1. Punong Patnugot
a. Subaybayan nag mga trabaho ng mga kaanib ng patnugutan
3
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.1
b. Sumulat ng mga editoryal ng pampaaralang pahayagan pagkatapos ng konsultasyon sa ibang
kaanib ng patnugutan
c. Iwasto ang mga akda bilang paghahanda sa pagpasa nito sa tagapayo ng pampaaralang
pahayagan para sa pangwakas na pagwawasto at pag-aaproba sa pagpapalimbag
d. Subaybayan ang paghahanda sa pag-aanyo
e. Ipatupad ang mga Gawain o sulatin sa takdang panahon
f. Umaktong tagapag-ugnay na pinuno sa pagitan ng kaanib ng patnugutan at tagapayo ng
pampaaralang pahayagan.
g. Tumawag ng mga pagpulong ng mga patnugot na may konsultasyon sa tagapayong
pampaaralang pahayagan

2. Pangalawang patnugot
a. Tumulong sa punong patnugot sa pagwawasto ng mga akda
b. Sumulat ng mga editoryal sa kahilingan at konsultasyon
c. Naghahanda ng mga takdang gawain ng mga pampahinang patnugot sa konsultasyon ng
punong patnugot.
d. Makipagtulungan sa punong patnugot, tagapamahalang patnugot at patnugot sa pag-aanyo
sa pagdedesinyo sa pahina

3. Tagapamahalang patnugot
a. Tagapagdala ng akda at dummy sa paglimbag para sa typesetting.
b. Magwawasto ng mga kamalian sa pagmamakinilya ng mga akda
c. Tumulong sa punong patnugot at sa patnugot sa pag-aanyo sa pagdedesinyo ng pahina
d. Muling magwawasto sa mga winasto nang makinilyadong akda bago ang pangwakas na pag-aaproba
ng tagapayo para sa pagpapalimbag

4. Pampahinang patnugot
4.1 Patnugot ng balita
a. Magtakda ng mga reporter na kokober ng mga kaganapan para sa paglilimbag
b. Sumulat ng mga balita na itinakda ng punong patnugot o sa pamamagitan ng sariling inisyatibo na
may konsultasyon sa punong patnugot
c. Iwasto ang mga akdang balitang natanggap bago ipasa sa punong patnugot

4.2 Patnugot sa lathalain/panitikan


a. Magbigay ng takdang isusulat ng mga manunulat ng lathalain at panitikan
b. Sumulat ng lathalain at regular na kolum-lathalain
c. Iwasto ang mga lathalaing natanggap bago ipasa sa punong patnugot

4.3 Patnugot sa isports


a. Magtakda ng mga reporter na kokober ng mga kaganapang pang-isports
b. Sumulat ng mga akdang hindi naibigay sa mga reporter
c. Iwasto ang mga natanggap na akdang pampalakasan bago ipasa sa punong patnugot

5. Patnugot sa pag-aanyo
a. Tumulong sa pag-aanyo ng mga pahina sa pampaaralang pahayagan
b. Maghanda ng kartung-editoryal
c. Gumuhit ng mga ilustrasyong panglathalain, pampanitikan at iba pang di-pambalitang akda

6. Palarawang mamamahayag
a. Kumuha ng larawan sa mga kaganapan para sa paglimbag
b. Maghanda ng palarawang akda ng pampaaralang pahayagan sa konsultasyon ng tagapamahalang
4
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE patnugot at punong patnugot
MODULE WEEK NO.1

c. Sumulat ng mga kapsyon sa mga larawang gagamitin sa paglilimbag sa pakikipagtulongan sa


punong patnugot
d. Paglalabel at pagkilalang mabuti sa mga larawang gagamitin sa paglilimbag. Anumang paglalabel,
pagtatapyas o pagpapaganda ng larawan ay gamitan ng lapis sa likod ng larawan

7. Tagapagpamahalang patnugot
a. Gumawa ng listahan ng mga paaralang nagpadala ng kanilang mga pampaaralang pahayagan
b. Magpadala ng mga kopya ng sariling pampaaralang pahayagan sa mga paaralang ito
c. Magtago at magpaskil ng kopya sa mga bulletin board o newspaper rack
d. Mamigay ng mga kopya ng pampaaralang pahayagan sa mga mag-aaral at sa iba pang kinauukulan

8. Patnugot sa pagwawasto ng kopya


a. Iwasto ang mga impormasyon, kamalian sa gramatika, pagbabaybay, pagbabantas, paggamit,
organisasyon at iba pang mga kamalian sa bawat akda
b. Paunlarin ang akda sa pamamagitan ng mabisang pamatnubay at pagkakaltas ng opinyon sa balita at
iba pang hindi nararapat na material sa akda
c. Sumulat ng ulo ng balita at magpasaya ng tipograpiya
d. Magbigay ng tagubilin sa typesetter tungkol sa tipo, laki ng font na gagamitin at bilang ng mga
kolum at em

9. Reporter
a. Mangalap ng mga impormasyon sa takdang kaganapan at sumulat ng akda tungkol dito
b. Tumanggap ng takdang Gawain mula sa mga patnugot at isakatuparan ito sa takdang panahon

Exercise

Gawain : Pakita sa pamamagitan ng isang Vein Diagram ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Pang-araw-
araw na pahayagan at pampaaralang pahayagan.

Pang-araw-araw na Pampaaralang
Pahayagan pahayagan

5
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.1

Pagkakatulad

Assessment

Panuto: Magtala ng limang halimbawa ng pang-araw-araw na pamahayagan na makikita sa inyong bahay at


ipaliwanag kung paano ito nakakatulong sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay.
Reflection

Ano ang kahalagahan ng pahayagan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

Resources and Additional Resources

 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

6
Crafted by Mariel Bandada

You might also like