You are on page 1of 9

Panimula

Sa bahaging ito ay sisimulan nang sumulat ng mga artikulo sa Pahayagang Pangkampus


na gagawing kompilasyon upang makabuo ng isang pahayagan. Masusubok ang kahusayan ng
mga mag-aaral mula pa sa mga natutuhan sa Introduksyon ng Pamamahayag hanggang sa
sabjek na Pamahayagang Pangkampus. Bibigyan nang mas malalim na tuon ang mga bahagi ng
pahayagang pangkampus sa modyul na ito. Magkakaroon ng mga pagsasanay na susukat sa
kaalaman ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang isyu na nangyayari sa kasalukuyan. Kanilang
magagamit ang mga nakalap na impormasyon upang ibahagi sa mga mambabasa sa
pamamagitan ng kanilang mabubuo na mga artikulo.
Ang lahat ay inaaanyayahan sa masiglang pakikilahok sa mga gawain tungo sa pagkamit
ng pagkatuto sa katapusan ng modyul.

Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng modyular na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Mabatid ang mga hakbang sa pagsulat ng mga artikulo sa pahayagan;

b) makasusulat ng mga artikulo nang may pagsaalang-alang sa mga tuntunin sa

pagsulat nito; at

c) makabubuo ng isang pahayagan mula sa mga naisulat na artikulo.

Mga Paksang-aralin

Aralin 1 Pagsulat ng Balita


Aralin 2 Pagsulat ng PangulongTudling
Aralin 3 Pagsulat ng Lathalain
Aralin 4 Pagsulat ng Isports
Aralin 5 Pagkuha ng LarawangPampahayagan
Inaasahang Bunga

Sa aralin na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a) malaman ang mga hakbang sa pagsulat ng balita;

b) magamit ang mga mungkahing paraan sa pagsulat; at

c) makasusulat ng iba’t ibang uri ng balita.

Nakalaang Oras: Tatlong oras

Introduksyon
Ang aralin na ito ay naglalaman ng mga kaalaman patungkol sa pagsulat ng iba’t ibang

uri ng balita. Sa bahaging ito ay magkakaroon ng pagbatid sa mga hakbang na aalamin ng mga

mag- aaral upang sila ay makasulat ng artikulo. Ito ang magsisilbi nilang gabay sa pagbuo ng

mga artikulo patungkol sa mga napapanahong pangyayari.


Gawaing Pampagkatuto

PANUTO: Magkliping ng isang balita mula sa pahahayagan at


idikit sa ibaba. Huwag kalimutan ang paglakip ng sanggunian sa ibaba ng
larawan.

Pagsusuri

Gabay na tanong.
1. Batay sa balitang idinikit sa itaas, ano ang pagkakaayos o kayarian ng paglalahad
ng mga datos? Ipaliwanag ang ayos o kayarian na ginamit.

_
_ _
_
_
_
_ _
_
Abstraksyon

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA

ISULAT ANG BUOD

 Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan (decreasing importance)
 Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay.
 Unahin ang pinakatampok.
 Isulat ang balita ayon sa pagkasunod-sunod na pangyayari batay sa pababang
kahalagahan.

MGA MUNGKAHING PARAAN SA PAGSULAT NG BALITA

 Isulat kaagad ang balta pagkatapos makalap.


 Bigyang diin at palawakin ang nangingibabaw na pangyayari.
 Maging tumpak.
 Iwasan ang magbigay ng opinyon. Ang mga opinyon ay nararapat lamang sa mga tanging
kolum, pangulong-tudling, artikulong may pangalan ng sumulat at sa balitang isport o
pampalakasan.
 Banggitin ang awtoridad o pinagmulan ng balita lalo na kung 1) nangingibabaw ang
opinyon kaysa tunay na pangyayari. 2) ang balita ay kontrobersyal at 3) ang balita ay
nagpapatalastas ng bagong regulasyon.
 Ibigay ang buong pangalan ng tao sa unang banggit. Pagkatapos gamitin na lamang ang
G. sa apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. naman sa babae.
 Ilahad ang pangyayari nang walang kinikilingan.
 Ipakilala ang pangalang binanggit.
 Iwasan ang pagkakaroon ng kulay sa paggamit ng salita o pariralang maaaring
makapinsala sa paniwala at asal ng mambabasa o ng ibinabalita.
 Simulan ang bawat talata sa mahalaga at kawili-wiling pangyayari.
 Sumulat ng maiikling pangungusap, Pag iba-ibahin din ang haba, ngunit kaylangang
payak at tumpak.
 Iwasan ang pagpapahaba o pampakapal lamang na pangungusap.
 Gumamit ng payak na mga salita na madaling mauunawaan ng mga mambabasa.
 Sundin ang istilong pamahayagan (style sheet)
BATAYANG AYOS O KAYARIAN (Basic Structure)

PABABANG KAHALAGAHAN PADIING KAHALAGAHAN


(Decreasing Importance) (Increasing Importance)

BATAS SA MGA TALANG NAKALAP BALITANG SINIPI


(Fact Story) (Quote or Speech Story)
BALITANG BATAY SA KILOS BALITA UKOL SA SAKUNA
(Action Story) (Accident Story)

BALITANG PANUBAYBAY BALITANG TALUMPATI O PANAYAM


(Follow-up News) (Speech Qoute Story)
BALITANG LATHALAIN
(News Feature)

BALITANG MAY
MARAMING
ITINATAMPOK O
MARAMING TALANG
BALITA (Composite or
Several Feature Story)
Paglalapat

PANUTO: Sumulat ng balita ayon sa mga kahingian sa ibaba.

1. Paksa: Kasalukuyang Sitwasyon sa Paglaban ng


Pandemya Uri ng Susulating Balita
 Ayon sa Saklaw o Pinagmulan – Isang (1) Balitang Lokal o Nasyonal at
Isang (1) Foreign News
 Ayon sa Anyo – Maaaring *Straight News, Single Feature o
One- Incident Story, Feature News , at Several Feature/Composite
Story
 Ayon sa Pagtalakay sa Paksa – Human Interest Story, In-depth
Report, Interpretative o Interpretive News
 Ayon sa Nilalaman – Balitang Pangkaularan (Developmental News)
Bilang pagtatapos, ilahad mo ang iyong natutunan sa araling ito.

You might also like