You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

I. Layunin

Napipili ang isang napapanahong paksa sa pagsulat ng isang sanaysay (F8PU-IIf-g-27)


II. Paksang Aralin:

Paksa: Mga Napapanahong Paksa ng Sanaysay

Sanggunian: Francis, Shandy (2007) http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/20/Sanaysay


Kagamitan: Manila paper,kartolina strips

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban at pagsasaayos ng silid
B. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng tatlong napapanahong paksa na ginagamit sa pagsulat ng
sanaysay at pipili ang mga estudyante ng kanilang napupusuang larawan na sasagutan.

C. Paglalahad
Ang mga napiling larawan ng mga estudyante ay tungkol sa edukasyon, kahirapan at pamilya. Ito
ay iilan lamang sa mga napapanahong paksa sa pagsulat ng sanaysay. Ipapakilala ng guro ang
paksang tatalakayin na tungkol sa mga napapanahong paksa sa pagsulat ng sanaysay at
babasahin ang nakasulat na layunin.
Magtatanong sa mga estudyante ng mga sumusunod:
Ano ang inyong napansin sa mga larawan?
Napapanahon ba ito?

D. Pagtatalakay
Magpapaskil ang guro sa harap ng pisara ng nakasulat na napapanahong sanaysay na
pinamagatang “Kahalagahan Ng Pag-aaral o Edukasyon Tungo sa Pag-unlad ng Bansa” na
isinulat ni Yolanda Panimbaan. At pagkatapos basahin ng mga estudyante ay magtatanong ang
guro ng mga sumusunod na katanungan:
Itatanong :
Tungkol saan ang paksa ng binasa ninyong sanaysay?
Ano ang pamagat ng binasa ninyong sanaysay?
Sino ang sumulat ng binasang ninyong sanaysay?
Napapanahon ba ito?
E. Paglalahat
Paano mo natin malalaman na napapanahon ang isang sanaysay?
Sa sanaysay na ating itinalakay bakit kaya ganun ang napiling paksa ng sumulat ?
Gawaing pagpapayam
Igrupo ang klase sa dalawa ang unang grupo ay sa kanan at ang pangalawang grupo
naman ay nasa kaliwa. Pipili sa loob ng kahon ang bawat lider ng grupo at sa loob ng
kahon ay may dalawang paksang tungkol sa pamilya at kahirapan na gagawan nila ng
isang sanaysay.

Unang grupo- Sumulat ng isang sanaysay na may paksang tungkol sa pamilya sa 5


minuto at ipaskil ito sa harap ng pisara.

Ikalawang grupo-
Sumulat ng isang sanaysay na may paksang tungkol sa kahirapan sa 5 minuto at ipaskil
ito sa harap ng pisara.

IV. Pagtataya
Pumili ng isang paksang sanaysay na naglalahad ng mga napapanahong isyung panlipunan isulat
ito sa isang malinis na papel at isumite pagkatapos ng sampung minuto.

V. Takdang Aralin
Pumili sa mga sumusunod na napapanahong paksa: Edukasyon, Kalikasan, Pag-ibig at Sa iyong
sarili at isulat ito na may panimula, gitna at wakas. Ilagay ito sa long size bondpaper at
seguradohing sundin ang pamantayang nasa ibaba.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG NAPILING NAPAPANAHONG SANAYSAY:

Kaugnayan sa paksa: 15

Istilo sa pagsulat: 15

Nilalaman: 15

Kalinisan: 5

Kabuuan: 50

You might also like