You are on page 1of 5

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Online Distance Learning Modality

Paaralan Baitang 8
LESSON Guro Asignatura Filipino
EXEMPLAR Petsa Markahan Ikatlo
Oras Bilang ng Araw 2
I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakagagamit ng wasto sa pangungusap ng mga impormal na salita ayon sa
sitwasyon
2. Nakatutukoy ng mga salitang impormal sa isang pangungusap o teksto
3. Nakapagpapahayag nang mabisa ng mga kaisipan ayon sa sitwasyon
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
pamamagitan ng multimedia(social awareness campaign)
C.Pinakamahalagang Kasanayan Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
sa Pagkatuto (MELC) (Kung komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
mayroon,isulat ang pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan Nalilinang ang mga kasanayang 21st Century sa mga gawaing pagsasanay at
(Kung mayroon,isulat ang kabihasaan
pagpapaganang kasanayan.)

II.NILALAMAN Mga Salitang Ginagamit sa Impormal Na Komunikasyon

III.KAGAMITAN PANTURO

A.Mga Sanggunian

a.Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC/BOW,PLUMA 8 (ph358-362)

b.Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c.Mga Pahina sa Teksbuk Pinagyamang Pluma 8 (pahina 358-362)

d.Karagdagang Kagamitan mula sa


Portal ng Learning Resource
B.Listahan ng mga Kagamitang Panturo 1.Access para sa virtual na pagtuturo gamit ang Google Meet o maaringngamitin
para sa mga Gawain sa ang Google Classroom
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan 2.video, zoom access
https://m.youtube.com

IV.PAMAMARAAN

A. Panimula Mga Paalaala sa mga mag-aaral para sa Online Learning


1.Kung gagamit ng Google Meet siguraduhin na nakabukas ang video ng guro
upang nakikita ng mga mag-aaral.
2.Tanging ang mikropono lamang ng guro ang nakabukas ,manatiling nakasara
ang mikroponong mga mag-aaral maliban lamang kung may katanungan o
pahihintulutan ng guro
3.Ang mga activity sheets o worksheets at iba pang kagamitan para sa paglinang
ng kasanayan ay ipapadala ng guro sa pamamagitan ng sulatriniko o mga
aplikasyon sa social media

Mga Paalaala sa mga mag-aaral para sa Modular Learning


1.Natatanging mga magulang o nakatatandang kamag-anak o otorisadong tao
ang maaring kumuha ng mga modyul na gagamitin ng mga mag-aaral
2. Kailangan ang gabay ng nakatatanda na nakadalo sa oryentasyon sa paggamit
ng modyul,para sa pagsagotng mga Gawain na nakatala ditto.
3.Sundin ang mga panuto na nakasaad sa modyul
4.Isumite sa guro o otorisadong kawani ng paaralan ang mga modyul na
nasagutan para sa pagwawasto aayon sa itinakdang araw

Unang Araw
Panimulang Gawain
1. Simulan sa isang panalangin. Isama sa panalangin ang kasalukuyang
kaganapan o kalagayan ng buong mundo (covid 19)
2.Magkaroon ng maikling kumustahan at usapan upang maiset ang kahandaan
ng mga mag-aaral sa isasagawang pag-aaral

Pagsasanay Blg.1
(21st Century Skills na Nililinang:Oral and Written Communication)

Paunang Pagtataya
(I-share ang screen/audio)
Bago pasimulan ang aralin, babasahin ng guro ang isang maikling teksto mula sa
Pluma 8 (balita na iniulat ni Pia Arcangel)

Mga Salita ng Taon 2012


Ang salita ng taon 2012 ay ang salitang wangwang. Bagamat ito’y matagal
nang alam ng marami ay ito pa rin ang napili sa isinagawang Pambansang
Kumperensya sa Wika at Sawikain. Lumabas na mula sa simpleng depinisyon
ay nagkaroon na raw ng politikal na kahulugan ang “wangwang” mula pa ng
gamitin ito ni Pangulong Aquino sa kanyang inaugural speech. Isang taon daw
nilang pinag-aralan ang mga salita bago nila ito napili. Ang finalists sa salita ng
taon ay mula sa mga pangyayari sa political at lipunan, popular culture, at iba
pa.
Ang iba pang salitang pinagpilian para sa salita ng taon ay ang fish kill
,impeachment, level-up, pagpag, pick-up line, SALN, trending, wagas at wi-fi.

September 23,2012
24 Oras,GMA News TV
Batay sa narinig ng mga mag-aaral, pasagutan ang mga sumusunod:
1. Sang-ayon ka ba sa salitang napili bilang salita ng taon? Ano ang mga
naging batayan sa pagpili?
2. Sa iyong palagay, ano ang maidudulot ng pagpili ng salita ng taon sa bansa
partikular sa wikang Filipino?

(21st Century Skills na Nililinang:Collaboration)


Pagsasanay Blg.2
ISagutan::
1. Sino sa inyo ang may probinsyang pinagmulan?
2. Magbigay ng ilang salitang mula sa inyong probinsya at ano ang ibig sabihin
nito?
3. Pabigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salita (I-share ang screen/audio
sa mga mag-aaral)
(Google:Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon:
https://m.youtube.com)

Basahin muna nang sabay sabay:

Relief ewan
goods lespu

pabebe
mudra
e

Pagpapaliwanag ng guro na ang bawat salita ay may kani-kaniyang antas at


karamihan dito ay ginagamit sa impormal na komunikasyon.
(21st Century Skills na Nilinang:Oral and Written Communication)
B. Pagpapaunlad
Pag-iisa-isa ng mga halimbawa at kahulugan ng iba’t ibang salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon.(lalawiganin, balbal, kolokyal at banyaga)
(I-share ang audio/screen)
Paglalahad ng Konsepto:
Itanong sa mga mag-aaral kung mayroon silang facebook account/Instagram
account at kung ano ang huling post nila.
Mula sa post na ito, magbigay ng komento gamit ang mga impormal na salita .

Ikalawang Araw
C. Pakikipagpalihan
(21st Century Skills na Nililinang:Critical Thiking)

Paglinang ng Kabihasaan

Tukuyin kung balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salitang binigyang-diin sa


bawat pangungusap.
(I-share ang screen, kung wasto ang kasagutan ng sasagot na mag-aaral, mag
thumbs-up lang, kung di-wasto ang kasagutan thumbs down.

___1. Hindi malaman ni nanay kung nasan ang tirahan ng kanyang malapit na
kamag-anak
___2. Ang astig naman ng kasuotan ng isang modelong aking napanood sa
video kagabi
___3. In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya
___4. Weird talaga ang pakiramdam kapag nandiyan siya
___5. Sa bahay na tayo ni erap kumain kaarawan ng anak niya.

Pormatibong Pagtataya
D.Paglalapat
(I-send sa guro ang kasagutan sa pamamagitan ng messenger o email)
Tukuyin ang impormal na salita na ginamit sa pangungusap. Pagkatapos ay
gamitin sa sariling pangungusap ayon sa iba’t ibang sitwasyon (usapan sa
messenger o chat, pagbibigay ng komento mula sa naipost na larawan sa FB o sa
Instagram, o maaring hango sa sariling karanasan.)
______1. Hanep naman ang suot mo.
______2. Kumain ka na ba? Tom-guts na ako kanina pa.
______3. Bad shot ako sa nanay mo.
______4. Aysus! Mag-aral naman kayong mabuti!
______5. Kumain ka na dyan, nasa mesa ang pagkain mo.

Ayon sa natalakay na aralin, sa inyong palagay, epektibo ba ang paggamit ng


mga impormal na salita lalo na sa panahong kasalukuyan? Ipaliwanag.

Paglalahat ng Aralin
Pasasagutan ng guro sa mga mag-aaral ang tatlong katanungan tungkol sa pinag-
aralan:
1. Ano-ano ang inyong natutunan mula sa aralin?
2. Ano pa ang hindi malinaw o hindi gaanong nauwaan ukol sa paksa?
3. Ano pa ang nais ninyong malaman o may iba pa bang katanungan tungkol sa
araling tinalakay?

Karagdagang-Gawain:
Gamit ang mga kagamitang lapis, pangkulay, ruler at bond paper. Sumulat ng
isang maikling kuwento sa pamamagitan ng paggawa ng komiks na ginamitan
ng mga impormal na salita sa kanilang dayalogo.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal o portfolio ng kanilang


naramdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt

Nauunawaan ko na___________________________________________

Nabatid ko na_________________________________________________
Repleksiyon ng Guro
Bilang ng mga mag-aaral na may mataas na antas ng
pagsasanay_______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na may average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mga mag-aaral na mababa sa average na antas ng
pagsasanay______sa________
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remedial
teaching_________sa________

Manunulat:

TERESITA M. MACABALES
Guro III

Nagpatunay sa kaangkupan ng nilalaman: Sumuri ng Paggamit sa Wika:

___________________________________________ JOEHAIRA MAE T. TRINOS


Guro I

Sumuri ng Katiyakan ng Kalidad:

JACKIELOU A. ALMIRA, PhD JONATHAN F. BERNABE, EdD


Pansangay na Tagamasid sa LRMS Pansangay na Tagamasid sa Filipino
(Teknikal) (Nilalaman at mga Kompetensi)

Pinagtibay: Inirekomenda:

EDNA F. HEMEDEZ, EdD NEIL G. ANGELES, EdD


Hepe, CID Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan

Sinang-ayunan:
Inaprubahan:

JOB B. ZAPE, JR
Hepe, CLMD HEREBERTO JOSE D. MIRANDA, CESO VI
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
PUNA:
 Nang
 COVID-19
 Sabay-sabay

You might also like