You are on page 1of 25

8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Mga Ekspresyong Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Genalyn L. Ladroma
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Nilda A. Borromeo
Tagalapat: Genalyn L. Ladroma
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor - FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Mga Ekspresyong Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Mga Ekspresyong
Aralin Hudyat ng Kaugnayang
Lohikal

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!


Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang
naunang mga gawain.
Kumusta ka? Narito na naman ako upang magbigay ng
mahahalagang kaalaman na magagamit sa iyong pang-araw-araw na
buhay. Inihahandog ko sa iyo ang modyul na ito. Tumatalakay ito
tungkol sa Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal (dahilan-
bunga at paraan-resulta).
Madali lang ang aralin sa bahaging ito ng modyul. Kailangan
lamang na mag-ukol ka nang kaunting oras upang matagumpay mong
masagutan ang mga gawain sa araling ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod na kasanayan:
- nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta) (F8WG-IIIe-f-32) at
- naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at
katuwiran .(F8PS-IIIe-f-32)

1
Subukin Natin

Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa


sa araling ating pag-aaralan. Ibigay ang bunga sa sumusunod
na mga larawan sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
SANHI BUNGA

1. A.

2. B.

3. C.

4. D.

5. E.

2
Aralin Natin

Paglakbayin mo ang iyong diwa sa pag-aaral mo sa bagong aralin.


Nababatid kong muli kang masisiyahan sa mga matutuklasan mo.
Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto.

KASIPAGAN, SUSI SA TAGUMPAY

Naalala ni Arnold ang kanyang karanasan sa buhay noong siya


ay nag-aaral pa. Umaagos ang luha sa kanyang mga mata na hindi
niya mapipigilan dahil sa mga karanasang hindi niya malilimutan.

Nakatira sila sa maliit na bahay malapit sa tapunan ng basura.


Palagi nilang nalalanghap ang masangsang na amoy ng basura. Dahil
sa kahirapan maraming beses niyang naranasan na kumain ng
walang ulam. Minsan matulog na walang laman ang tiyan. Lumaki
siyang hindi niya natikman ang mga masasarap na pagkain.

Nangangalakal ng basura ang kanyang mga magulang. Lima


silang magkakapatid at siya ang panganay. Tumutulong siya sa
pangangalakal ng basura para matulungan ang pamilya. Hindi niya
inalintana ang masangsang na amoy ng basura at init ng araw. Sa
matiyagang pangangalakal ng basura, nakaipon siya ng pera at
patuloy siyang nag-aaral.

Nagtiis at nagsikap siyang mabuti kaya natutong maging


matapang sa pakikibaka sa buhay. Dahil sa kanyang kasipagan,
nagkaroon siya ng perang panustos sa kanyang pag-aaral.

3
Kahit sobrang hirap ng buhay, patuloy siyang nag-aaral nang
mabuti kaya nakatapos siya ng pag-aaral. Sa matiyaga niyang pag-
aaral at pagtatrabaho, naging maganda ang kanyang buhay at
naisaayos niya ang buhay ng kanyang pamilya. Hindi talaga hadlang
ang kahirapan para makatapos ng pag-aaral. Kailangan lang ng sipag
at tiyaga.

Gawain 1
Panuto: Batay sa binasang teksto sagutan ang sumusunod na mga
tanong sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong katangiang ipinakita ni Arnold?


a. masipag
b. matapat
c. makasarili
d. mapagkatiwalaan

2. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo para magtagumpay sa


buhay?
a. mag-aral nang mabuti
b. liliban sa klase minsan
c. magtrabaho para makatulong sa pamilya
d. mag-aral nang mabuti at sumunod sa payo ng magulang

4
3. Hadlang ba ang kahirapan para makatapos ng pag-aaral?
Bakit?
a. Oo, dahil walang pambayad ng matrikula.
b. Hindi, dahil mahirap mag-aral na walang pera.
c. Oo, dahil magtrabaho na lang sa halip na mag-aaral.
d. Hindi, dahil maraming paraan para makatapos ng pag-aaral.

4. Bakit napaiyak si Arnold nang maalala niya ang nakaraan?


a. maraming magandang alaala
b. lumaki siyang walang mga magulang
c. naranasan niya ang matinding kahirapan
d. hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan

5. Paano nakatulong kay Arnold ang determinasyong


magtagumpay sa buhay?

a. nakapag-aral siya
b. palagi siyang nangangalakal ng basura
c. tumutulong siya sa kanyang mga magulang
d. nagsipag at nagtiyaga siya sa kanyang pag-aaral

5
Gawin Natin

Mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at


ugnayan ng mga pangyayari sa paglalahad. Bawat pangungusap ay
nagtataglay ng mga ekspresiyong makabuluhan at makahulugan
kapag pinagsama sa tulong ng pang-ugnay. Ito ang mga
konseptong naglalahad ng relasyon o kaugnayang lohikal.
Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang lohikal tulad ng dahilan-bunga at paraan-resulta.

MGA EKSPRESYONG HUDYAT NG


KAUGNAYANG LOHIKAL

1. Dahilan-Bunga
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari.
Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil,


dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang
naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya
naman, dahilan dito, at bunga nito.
Tingnan ang halimbawang mga pangugusap na nagpapakita ng
relasyong dahilan-bunga at pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit.

6
Halimbawa:

a. Masipag siyang mag-aral kaya mataas ang kanyang marka.


dahilan pang-ugnay bunga
(dahilan + pang-ugnay + bunga

b. Dahil masipag siyang mag-aral, mataas ang kanyang marka.


pang-ugnay dahilan bunga
(pang-ugnay + dahilan + bunga

c. Mataas ang kanyang marka sapagkat masipag siyang mag-aral.


bunga pang-ugnay dahilan
(bunga + pang-ugnay + dahilan

2. Paraan-Resulta
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang
resulta. Suriin ang mga halimbawang pangungusap, mapapansing
wala itong pang-ugnay ngunit sa tulong ng sa, inihudyat nito ang
paraang ginamit upang matamo ang resulta.

Halimbawa:

a. Sa sipag at tiyaga, nakamit niya ang kanyang pangarap.


paraan resulta
(paraan + resulta)
b. Nakamit niya ang kanyang pangarap sa sipag at tiyaga.
resulta paraan
(resulta + paraan)
c. Sa tulong ng kanyang kaibigan, nakaligtas siya sa kapahamakan.
paraan resulta
(paraan + resulta)

7
Sanayin Natin

Gawain 2

A. Tukuyin kung anong Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

ang mga sinalungguhitang mga pangungusap na binasa mo sa

“Aralin Natin” na pinamagatang “Kasipagan Susi sa Tagumpay”.

Isulat kung ito ba’y DAHILAN-BUNGA o PARAAN-RESULTA sa

sagutang papel.

1. Dahil sa kahirapan maraming beses niyang naranasan na

kumain ng walang ulam.

2. Sa matiyagang pangangalakal ng basura, nakaipon siya ng pera

at patuloy siyang nag-aaral.

3. Nagtiis at nagsikap siyang mabuti kaya natutong maging

matapang sa pakikibaka sa buhay.

4. Dahil sa kanyang kasipagan, nagkaroon siya ng perang panustos

sa kanyang pag-aaral.

5. Sa matiyaga niyang pag-aaral at pagtatrabaho, naisaayos niya

ang buhay ng kanyang pamilya.

8
B. Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa ibaba sa iyong sagutang

papel. Salungguhitan ang dahilan at bilugan naman ang bunga.

Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

Halimbawa:

Nagtatrabaho siya nang mabuti kaya naging maayos ang kanyang

buhay.

1. Inipon niya ang kanyang baon kaya nakabili siya ng bagong

cellphone.

2. Dahil sa pandemyang COVID 19, maraming nawalan ng trabaho at

matumal ang kita ng negosyo.

3. Matiyaga siyang nag-aral kaya nakakuha siya ng mataas na grado.

4. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang ama

ni Roland.

5. Sapagkat hindi marunong lumangoy si Adrian, gumamit siya ng

salbabida.

9
Tandaan Natin

Gawain 3

Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyong hudyat ng


kaugnayang lohikal ang mga patlang upang mabuo ang diwa.
Kunin ang sagot sa pamimiliang kahon sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

dahil sapagkat
kasi bunga nito
kaya kaya naman

Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay napakahalagang bagay na dapat matamasa


ng bawat isa sa atin 1. _________________ nagsisikap ang mga magulang
para makatapos ng pag-aaral ang mga anak. Ito ay mahirap itaguyod
2.__________ kailangan natin ng pagsisikap, kaunting tiyaga at higit sa
lahat ay katatagan upang maabot ang ating mga pangarap.

3. ______________ nagsisikap ang mga magulang sa pagtatrabaho,


nakapag-aral ang mga anak. 4._______________ nag-aaral tayo nang
mabuti, natuto tayo nang husto.
Kaya naman ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap para
makamit ang ating pangarap.
Ang edukasyon ay napakahalaga 5. ________________ ito ang susi
sa pagtupad ng ating mga pangarap at ilaw sa ating madilim na
nilalakaran. Tandaan natin na ang edukasyon ay susi sa tagumpay.

10
Suriin Natin

Gawain 4

Panuto: Gamitin ng wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang


lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta). Sumulat ng pangungusap
ayon sa hinihingi ng bawat sitwasyon gamit ang mga ekpresyong
hudyat ng kaugnayang lohikal.

Halimbawa:

Sitwasyon: Hindi marunong


sumunod sa mga Health
Protocols

dahilan – bunga
sagot: Hindi siya nagsuot ng face mask at face shield kaya
hindi siya pinahintulutang makapasok sa loob ng
mall.

1.

Sitwasyon: Pagdami ng kaso ng


COVID 19 sa ibang lugar ng
Pilipinas

dahilan-bunga
Sagot:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

11
2.
Sitwasyon: Ginawang
sakripisyo para
makatapos ng pag-aaral

paraan-resulta

Sagot:

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Sitwasyon: Nagtagumpay
siya sa buhay

dahilan-bunga

Sagot:

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

12
4.

Sitwasyon: Pagsisikap ng
magulang

paraan-resulta
Sagot:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5.
Sitwasyon: Karanasang nagbigay-
aral sa di pagsunod sa magulang

dahilan-bunga
Sagot:
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

13
Payabungin Natin

Gawain 5

Panuto: Tingnan at unawain ang larawan sa ibaba. Ipahayag sa lohikal


na paraan ang iyong pananaw at katuwiran tungkol sa larawang
nakita. Gumamit ng mga hudyat ng kaugnayang lohikal sa
pagpapahayag (dahilan-bunga at paraan-resulta). Gawing gabay sa
pagsulat ang pamantayan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

14
Mga Pamantayan Puntos

Pananaw at katuwiran 10

Wastong paggamit ng mga hudyat ng kaugnayang lohikal 10

Kabuuan 20

Aking Pananaw at Katuwiran

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

_____________

15
Pagnilayan Natin
Kung mayroon kang kompyuter o smartphone at koneksyon sa
internet, panoorin ang dokumentaryong “Pagpag for Sale” Sine Totoo
ni Howie Severino na matatagpuan sa youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=XOaVzEOnDrU
Kung wala naman basahin mo at pahalagahan ang dokumentaryo na
“Pagpag for Sale” ni Howie Severino mula sa youtube.

Pagpag for Sale


ni Howie Severino
Naniniwala ang magkapatid na sina Boy at Ray na may
pera sa basura. Gabi-gabi sila ay nangunguha ng basura, hindi
nila inalintana ang amoy nito. Para sa kanila ito ang amoy ng
pera at pagkain sa mesa at pang-araw-araw na gastusin.
Kinabukasan kasama na ni Boy ang kanyang asawa sa
pangunguha ng basura. Sila ay nangunguha ng basura mula
sa iba’t ibang mga kainan. Hinihiwalay nila ang basura at mga
pagkain. Ang tawag rito ay pagpag, mga tira-tirang pagkain
mula sa mga kainan. Pagkatapos ito ay ibinenta niya sa
kanyang biyenan na may karenderya. Hinuhugasan nila ang
pagpag sa mainit na tubig bago lutuin. Ito ay niluluto ulit at
ibinebenta sa murang halaga.
Sabi ni Aling Rosalina, mabili talaga ang pagpag kahit
alam nila na ito ay mga tira-tirang pagkain na mula sa basura.
Dahil mura lang ang halaga binubura nila sa isipan ang
pinanggalingan ng ulam para pantawid gutom at sila ay
makatipid.

Hinalaw mula sa:

https://www.youtube.com/watch?v=XOaVzEOnDrU

16
Gawain 6

A. Batay sa napanood o binasang dokumentaryo na “Pagpag for


Sale”, magbigay ng mga katuwiran o paliwanag sa mga dahilan kung
bakit sila kumakain ng pagpag.

Mga Dahilan

1.
Paliwanag/Katuwiran:
Dahil sa ______________________________
kahirapan ______________________________
______________________________

2.
Paliwanag/Katuwiran:
Kakulangan
___________________________
ng kaalaman
___________________________
tungkol sa
___________________________
kalusugan

17
3.

Paliwanag/Katuwiran:

Para ____________________________
makatipid ____________________________
____________________________

B. Panuto: Dugtungan ang pangungusap sa ibaba upang mabuo


ang talata. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Batay sa dokumentaryong aking napanood o


nabasa na “Pagpag for Sale”natutuhan ko________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Masasabi kong napakasuwerte ko dahil ___________


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

18
19
Suriin Natin Tandaan Natin
Payabungin Natin at
1.bunga nito
Pagnilayan Natin
2. kaya
3. dahil
-Nasa guro ang
4. sapagkat
pagpapasiya
5. kasi
Sanayin Natin
B.
1. Dahilan - Inipon niya ang kanyang baon
Bunga/Resulta - nakabili siya ng bagong cellphone
2. Dahilan -Dahil sa pandemyang COVID 19
Bunga/Resulta - marami ang nawalan ng trabaho at matumal ang kita ng
negosyo.
3. Dahilan - Matiyaga siyang mag-aral
Bunga/Resulta - nakakuha siya ng mataas na grado
4. Dahilan - Dahil sa labis na paninigarilyo
Bunga/Resulta - nagkaroon ng sakit sa baga ang ama ni Roland
5. Dahilan - Sapagkat hindi marunong lumangoy si Adrian
Bunga/Resulta - gumamit siya ng salbabida
Sanayin Natin
Aralin Natin Subukin Natin
A.
1. Dahilan-Bunga a. a 1. 1. c
b. d 2. 2. a
2. Paraan-Resulta
c. d
3. Dahilan-Bunga d. c 3. 3. b
e. d 4. 4. e
4. Dahilan-Bunga
5. Paraan-Resulta 5. 5. d
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

• K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8


Third Quarter
• Enrijo, Willita A., et. al. Panitikang Pilipino- Ikawalong Baitang
Filipino- Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2013
• https://www.youtube.com/watch?v=XOaVzEOnDrU
• DEPED Images
• Mga Larawan, Payabungin Natin guhit ni Hanna Rosary A. Lumaad

20
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tagum City

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

You might also like