You are on page 1of 30

8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Aralin 1: Pagsulat ng Balita
Aralin 2: Antas ng Wika
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Aralin 1: Pagsulat ng Balita, Aralin 2: Antas ng Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jennifer Kristine P. Panisa
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Nilda A. Borromeo
Tagaguhit:
Tagalapat: Jennifer Kristine P. Panisa
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor - FILIPINO
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI - Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Aralin 1: Pagsulat ng Balita
Aralin 2: Antas ng Wika
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin

1 Pagsulat ng Balita

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Sa pagsulat ng anomang babasahin, napakahalaga ang pagkakaroon


ng kaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat. Ngunit hindi mo ito
maisusulat kung wala kang ideya tungkol sa paksa. Sa modyul na ito ay iyong
matututuhan ang ilang paraan o istratehiya sa pangangalap upang maging
hitik sa impormasyon ang iyong isusulat na balita, komentaryo at iba pa.

Sa pagkakataong ito, malilinang ang iyong kakayahan sa paggamit ng


iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita
o komentaryo upang makatulong at maging handa sa anomang hamon sa
mundo ng kontemporaryong panitikan.

Handa ka na bang lakbayin at pag-aralan ang bagong aralin na


nakahanda sa iyo? Sa panibagong hamon na ito alam kung kaya mo!

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

- nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa


pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa. F8PU-IIIa-c-3

1
Subukin Natin

Para sa unang araw ng iyong pagkatuto, subukin mong sagutin ang


mga gawain sa ibaba upang masukat natin ang iyong kaalaman o dating
kaalaman tungkol sa pagbibigay o paggamit ng estratehiya sa pangangalap
ng mga ideya sa pagsulat ng balita at komentaryo.

Basahin ang mga tanong at piliin ang angkop na sagot. Isulat ang letra
ng tamang sagot.
1. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa pangangalap ng
impormasyon sa pagsulat ng balita, komentaryo?
A. gawin ang nararapat
B. bigyang halaga ang panahon
C. sapat na kaalaman hinggil sa paksa
D. itala ang lahat nang narinig na impormasyon
2. Ano nararapat gawin sa pagkuha ng mga datos o impormasyon?
A. kawastuhan
B. katimbangan
C. makakatotohanan
D. lahat ng nabanggit
3. Kailan mo masasabi na matagumpay ang iyong pakikipanayam?
A. pagpapakatotoo sa lahat ng panahon
B. kapag kilala mo ang iyong taong kapanayam
C. nabigyan mo ng halaga ang panahon na ibinibigay sa iyo ng
iyong kinakapanayam
D. kung ang kinakapanayam ay ang mga taong may malaki ang
karanasan sa paksang hinahanapan ng impormasyon
4. Ang sumusunod ay ang ilang paraan upang maging maayos at
hitik sa impormasyon ang susulatin na balita. Alin ang hindi
kabilang na paraan?
A. pakikipanayam
B. pagsulat ng talaarawan
C. pagbabasa at pananaliksik
D. pagbibigay ng sariling opinyon
5. Bakit napakahalaga ang pangangalap ng mga impormasyon bago
susulat ng balita at komentaryo?
A. upang madaling matapos ang gawain
B. pagpapatunay ng katumpakan sa paghuhusga
C. mapalawak ang kaalaman at maging batayan ang eksperensiya
D. maisaalang-alang ang kawastuhan ng mga datos na nakalap
ng walang labis o walang kulang

12
Aralin Natin

Sa bahaging ito ay matutuklasan at mapag-aaralan mo ang bagong


aralin tungkol sa paggamit ng istratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsagot sa mga gawain.

Narito ang isang balita. Basahin ito at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong:

Lahat ng mga guro sa Filipino mula 7 hanggang 9 na baitang na


naatasan na susulat ng self-learning modules ay nagtipon-tipon sa Miko’s
Brew, Tagum City noong Pebrero 2-3, 2021 para sa isinagawang Finalization
of self-learning modules in Filipino for Quarter 3 at pinangungunahan ito ni
Dr. Cristy S. Agudera. Ang Tagapamanihalang Pansangay na Si Dr.
Josephine L. Fadul ang panauhing pandangal sa pagtitipong iyon. Lubos
siyang nagpapasalamat sa mga guro na nagbigay ng kanilang panahon para
gumawa ng SLM.

Kahit na may hinarap na krisis ang mga guro ay lumalaban pa rin sa


paggawa ng modules para sa kanilang mga mag-aral. Bagaman may banta
ng panganib, sinisigurado naman ng mga tagapamahala na sumusunod sa
COVID 19 Inter-Agency Task force for the Management of Emerging Infectious
Diseases Resolutions (IATF) protocols ang mga ito.

Isinulat ni: Jennifer Kristine P. Panisa

1. Ano ang naganap noong Pebrero 2-3, 2021?


2. Sino-sino ang mga partisipante ng mga pagtipon-tipong iyon?
3. Saan ginanap ang Finalization of self-learning modules?
4. Bakit kailangang magtipon-tipon ang guro sa Miko’s Brew kahit may
banta ng COVID?
5. Paano sinisigurado ng mga tagapamahala ang seguridad ng mga
guro?
3

12
Nasagot mo ba ang mga katanungan?
Magaling! Ngayon naman ay aalamin mo ang mga istratehiya sa pangangalap
ng mga ideya sa pagsulat ng balita.

PAGSULAT NG BABASAHIN

Sa pagsusulat ng balita, napakahalagang gamitin mo ang mga


istratehiya sa pangangalap ng impormasyon hinggil sa paksa o isyung
isusulat. Kailangang maging maayos at hitik sa impormasyon ang susulating
balita sapagkat malaking bahagi ang ginagampanan ng balita sa araw-araw
na pamumuhay ng mga tao. Ito ay nagbibigay sa atin ng impormasyon hinggil
sa mga pangyayari na naganap na o nagaganap o di kaya naman ay
magaganap pa lamang.

Katangian at Layunin ng Balita

Ang balita ay may malaking epekto sa mga desisyon, opinion at pag-


iisip ng mga tao.

1. Makatotohanan at napapanahon- Kailangan ang balita ay


napapanahong usapin at siksik sa makatotohang impormasyon.
Halimbawa:
❖ Corona Virus
❖ Vaccine

2. Suportado ng mga bagong detalye- Ang isyung tinatalakay sa balita


ay nararapat na may kaukulang suporta ng mga detalye at may diin ng
katotohanan ang bawat pahayag.
3. Eksakto ang mga detalye- ang balita ay kailangang may kumpletong
detalye kaugnay ng usaping tinalakay at nararapat na eksakto ang mga
teknikal na detalye tulad ng mga pangalan, petsa at kronolohikal na
pagkasunud-sunod ng pangyayari.

12
Para hindi ka na mahirapan gamitin mo ang pangunahing pamatnubay
(basic lead) sa paglahad ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
paggamit sa mga tanong na (ano, sino, saan, kailan, bakit at paano).
ASSaKaBaPa
A- Ano- ano ang nangyari sa loob ng balita
S- Sino- sino o sino-sino ang mga taong sangkot sa isyu o balita
Sa-Saan- tumutukoy sa lugar na pinangyayarihan ng balita
Ka-Kailan- ang panahon kung kailan nangyari ang balita
Ba-Bakit- dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari
Pa-Paano-sumasagot sa kung paano nangyari ang balita

Upang lubusang maunawaan ang aralin, maaaring balikan ang


halimbawa sa bandang itaas ng aralin natin at mga tanong na iyong
sinagutan.
4. Balangkas- Sa pagsulat ng balita, maaaring gamitin din ang inverted
pyramid.

Ang paggamit ng inverted pyramid ay modelo para sa pagsulat ng balita.


Nangangahulugan na lamang ito na ang pinakamabigat o pinakamahalagang
impormasyon ay dapat nasa itaas- ang simula- ng iyong balita at ang hindi
gaanong mahalaga na impormasyon ay dapat nasa ibaba.

Pamatnubay (Lead)
pinakamahalagang detalye

Katawan (Body)

mahalagang detalye
hindi gaanong mahalagang detalye

12
Halimbawa sa paggamit ng inverted pyramid gamit ang halimbawang balita
sa bandang Aralin Natin.

Finalization of self-learning modules in Filipino for Quarter 3

Kahit na may hinarap na krisis ang mga guro ay lumalaban pa rin sa pag
paggawa ng modules para sa kanilang mga mag-aral

sinisigurado naman ng mga tagapamahala na sumusunod sa COVID 19 Inter-


Agency Task force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions
(IATF) protocols
ang mga ito.

Siguradong alam mo na ang mga mahahalagang salik sa pagsulat ng


balita.

Marami ang mga istratehiya sa pangangalap ng mga datos sa pagsulat


ng balita ngunit mas bibigyan diin natin ang isa sa mga istatehiya upang mas
madali para sa iyo ang pagkuha ng impormasyon.

Pakikipanayam- ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o


kabatiran ng harap-harapan sa mga taong dalubhasa patungkol sa
paksang hinahanapan mo ng sagot. Para mas madali sa iyo, gamitin
ang pangunahing pamatnubay (basic lead) sa paglahad ng
mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng paggamit sa mga
tanong na (ano, sino, saan, kailan, bakit at paano).

12
Gawin Natin

Sa pagkakataong ito ay mararanasan mo ang pagsulat ng isang balita


tungkol sa krisis na ating kinakaharap ngayon ang “CORONAVIRUS”.
Gamitin mo ang mga gabay na tanong sa pagsulat ng balita. (ano, sino,saan
,kailan, bakit, at paano).

Alam kong handa ka na….

Isulat ang iyong ginawang balita sa isang malinis na bondpaper.

12
Sanayin Natin

Pagkatapos mong nakapagsulat ng balita patungkol sa Corona


Virus. Ngayon naman ay ihanay mo ang sumusunod na detalye sa loob ng
inverted pyramid ayon sa kahalagahan nito. Sundan lamang ang halimbawa
na nasa aralin natin sa bandang itaas.

Pinakamahalagang detalye

Mahalagang detalye

di- gaanong mahalagag detalye

Tandaan Natin

Pagkatapos mong nakapagsulat at nakapaghanay ng mga detalye gamit


ang inverted pyramid. Ngayon naman ay suriin ang istratehiya na iyong
ginamit sa pangangalap ng impormasyon upang maging maayos at hitik ito.
Sundin lamang ang graphic organizer na nakahanda.

ISYU

ISTRATEHIYANG GINAMIT

IMPORMASYON NA NAKUHA

12
Suriin Natin

Batay sa iyong isinulat na balita sa bahaging Gawin Natin. Sagutin ang


mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Ano ang pangyayaring naganap sa loob ng balita?

2. Sino o sino-sino ang mga taong sangkot sa isinulat mong balita?

3. Kailan naganap ang pangyayari sa loob ng balita?

4. Saan naganap ang pangyayari sa balita?

5. Paano naganap ang balita?

1. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

12
Payabungin Natin

Binabati kita dahil sa matagumpay mong naisagawa ang mga naunang


gawain. Ipagpapatuloy pa rin natin ang iyong pagkatuto sa araw na ito.
Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng balita.

Gawain: Sumulat ng isang balita ayon sa mga impormasyon na ibinigay.


Sundan lamang ang pangunahing pamatnubay (basic lead).

Halimbawa:

1. Mayor Allan L. Rellon


2. Bibisita
3. Ipinamamahagi ang 10 kompyuter
4. February 9,2021
5. Liboganon Integrated School

Bibisita ngayong February 9, 2021 si Mayor Allan L. Rellon sa


Liboganon Integrated School upang ipapamahagi ang 10 kompyuter sa
nasabing paaralan. Kahit may pandemya, hindi inalintana ng mayor ang
sitwasyon bagkus determinado ito sa kanyang mga ginagawa.

1. Dr. Josephine L. Fadul


2. Binisita
3. Panauhing pandangal sa SLAC o School Learning Action Cell
4. January 8,2021
5. Liboganon Integrated School

10

12
Pagnilayan Natin

Magaling! Naranasan mo nang sumulat ng balita gamit ang istratehiya.


Kung gayon, ikaw ay handa na para maisalin ang bagong kaalaman sa tunay
na sitwasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa malinis na papel. Uriin ang balita at isulat ang F for fake news or T
para sa totoong balita.

1. Covid 19 vaccine malabong mailabas

2. Ang bakuna na kontra Covid ay nakamamatay

3. Naging problema sa ekonomiya ang Corona Virus

4. Ang mga tao ay hinihikayat na kumuha ng national ID

5. Tumaas ang presyo ng karne dahil sa kakulangan ng supply

6. Ang hustisya ay para sa mga mahihirap at walang kalaban-laban

7. Kinakailangan ang Quick Response o QR code kapag ikaw ay papasok sa

mga Mall at ibang pang establishment

11

12
12
12
Ang ibang sagot ay
nakadepende na sa
guro ang pagpapasiya
Pagnilayan natin Suriin Natin Subukin natin
1. F Ang ibang
2. F sagot ay 1. C
3. T nakadepende 2. D
4. F na sa guro 3. C
5. T ang 4. D
6. F pagpapasiya 5. D
7. T
Susi sa Pagwawasto
Aralin

2 Antas ng Wika

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang bumubuo sa ating


pagkakilanlan. Bagkus ginagamit natin ang wika sa ating pang-araw-araw na
pakikisalamuha sa ating kapwa. Mahalaga din ito dahil sa malaki rin ang
ambag ng ating wika sa pagbuo sa ating personalidad bilang isang
mamamayang Pilipino. Sa araling ito ay lilinangin ang iyong kakayahan sa
paggamit sa iba’t ibang sitwasyon ng mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga).
Sa araling ito ay malalaman at matutuhan mo ang paggamit ng iba’t
ibang antas ng wika. Ang kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng iba’t
ibang antas ng wika, kaya’t napakahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman
dito. Ang wika ay ang pinkamabisang sandata para maintindihan at
makapagpahayag tayo ng ating saloobin.
Alam kong handa ka ng lakbayin at pag-aralan ang bagong aralin na
nakahanda sa iyo. Sa panibagong hamon na ito alam kung kaya mo!

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

-nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa


impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). F8WG-IIIa-c-30.

13

12
Subukin Natin

Para sa unang araw ng iyong pagkatuto, subukin mong sagutin ang


gawain sa ibaba upang malaman natin ang iyong kaalaman o dating
kaalaman tungkol sa paggamit ng iba’t ibang antas ng wika.
Basahin ang mga pangngungusap at suriin kung saan o anong
pagkakataon maririnig ang mga salitang ito. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa malinis na papel.

A. di-pormal na usapan B. pormal na usapan

1. Nene! makarigos ka na dindi.

2. Ikaw ang aking pag-ibig, ang sinisigaw ng puso ko.

3. Halika mare ng makapag chicka na tayo.

4. Samahan mo ako aking irog sa may halamanan.

5. Hintayin mo na magsalita ang ating Pangulo ng Republika Rodrigo

Roa Duterte.

Aralin Natin

Sa araling ito ay patuloy mong pag-aaralan ang aralin tungkol sa

paggamit ng iba’t ibang antas ng wika na iyong gagamitin sa iba’t ibang

sitwasyon. Pansinin at basahin ang tula tungkol sa antas ng wika.

14

12
Pormal at Di-Pormal

Ni: Jennifer Kristine P. Panisa

Wika ay mahalaga sa ating lipunang ginagalawan pormal o di-pormal


man
Nagbibigay identity ito sa ating pagkamamamayan
salitang parak, eskapo, chibog at lobat balbal ang tawag sa mga ito
Kolokyal naman ang ginagamit sa pang-araw-araw
kagaya ng meron, naron at lika, pinaiksing salita ngunit pampukaw
sigla
Aarangkada naman ang salitain ng mga katutubo ang lalawiganin
Tatak ng pagka Bicolano (saro), Cebuano (aduhan), Ilonggo (damo gid
man) at marami pang iba
Pambansa naman ang ginagamit sa mga aklat, babasahin, paaralan at
sa pampamahalaan
Balat sibuyas, taingang kawali at mabubulaklak na dila ay
pampanitikan na mayayaman sa idyoma at patayutay pa
Mga tanong:
Halika’t pag- aralan nang yumabong mga salita natin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


malinis na papel.

1. Ano ang napansin mo sa mga salitang may salungguhit?


2. Naintindihan mo ba ang mga salitang ito?

Alam mo ba…
Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang bumubuo sa ating
pagkakilanlan. Bagkus ginagamit natin ang wika sa ating pang- araw-araw
na pakikisalamuha sa ating kapwa. Alam natin ang wika ay napakalaki ng
gamit kung ang pag-uusapan ay ang kontemporaryong panitikan. Dahil
gumagamit ng iba’t ibang antas ng wika ang kontemporaryong
panitikan.

15

12
MGA ANTAS NG WIKA

1. Pormal- wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga

aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga

paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng

bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na

usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga

panununtunang gramatikal.

A. Pambansa- wikang ginagamit ng buong bansa.

B. Pampanitikan-wikang ginagamit ng mga manunulat na

karaniwang may malalim na kahulugan.

2. Di-pormal- wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang

ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang.

Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng panghalip

na “ako” at “mo”. Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw,

kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang

nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga

wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga

kaibigan.

A. Lalawiganin- wikang ginagamit ng mga tao sa partikular na


lalawigan o pook. Salitang ginagamit ng mga katutubo.

Hal: Kanta ti ulila (Ilocano) bakal papay (Ilonggo)

mayad na aldaw sa inyo kabos (bicol)

16

12
A. Kolokyal- pang-araw-araw na salita na maaring pinapaikli
ang mga titik ng salita para mas madaling salitain.

Hal:
meron penge kelan

B. Balbal- mga salitang nabuo sa kagustuhan ng isang grupo na


gusto magkaroon ng pagkakakilanlan.

Hal:

lespu (pulis) chibog (kain)

junakis (anak) momshie (mama)

Gawin Natin

Ngayon naman ay sikapin mong suriin at paghambingin ang antas ng


wika sa tulong ng dayagram. Pansinin at basahin muli ang tula na nasa
pahina 13 (Pormal at Di-Pormal) gamit ang antas ng wika upang mas madali
mo itong makuha. Sundan at kopyahin ang pormat na nasa ibaba at isulat
ito sa papel.

“Di- Pormal”
“Pormal”
paghambi-
ngin ang
antas ng Lalawiganin-
wika ayon
Pambansa- sa
kanilang
gamit at Kolokyal-
kahalaga
han
Pampanitikan-
Balbal-

17

12
Sanayin Natin

Pagkatapos mong nagawa ang unang gawain na nakaatas sa iyo.

Sumulat ng isang orihinal na tulang may masining na antas ng wika na may

malayang taludturan at may 2 saknong. Pumili sa paksang naayon sa iyong

gusto. Paksa: Pag-ibig sa magulang, bayan o kapaligiran. Isulat ito sa

isang bondpaper.

TULA

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

18

12
Gamitin ang rubrics sa ibaba para magabayan ka ng mga pamantayan sa
pagbuo nito.
5 4 3 2 Kabuuan
Pamantayan
Malikhain Mahusay Mahusay Hindi
ang ang ang mahusay
pagkakab pagkakabu pagkakabu ang
uo ng o ng o ng pagkakab
Pamagat pamagat pamagat pamagat uo ng
na may na may subalit pamagat
kaugnaya kaugnayan walang at walang
n sa sa paksa kaugnayan kinalaman
paksa sa paksa sa paksa.
Ang Ang Maliwanag Hindi
nilalaman nilalaman ang nakatuon
ng bawat ng bawat ideyang sa paksa
saknong saknong inilalahad ang mga
ay ay ngunit saknong
nakatuon nakatuon may at hindi
sa paksa, sa paksa saknong maliwana
maliwana at na lumihis g ang
g ang maliwanag sa paksa ideyang
Nilalaman
ideyang ang inilahad.
inilalahad ideyang
at inilalahad
pumukaw
ng
damdami
n ng
mambaba
sa
Mahusay Kakikitaan Kakikitaan Higit sa
ang ng 1-5 ng 6-10 10 ang
pagkakag pagkakam pagkakam mali sa
amit ng ali sa ali sa gramatika
mga gramatika gramatika at bantas.
salitang o sa o sa
hindi bantas. bantas.
Gramatika
kakikitaa
at Bantas
n ng
pagkakam
ali maging
sa
gramatika
man o
bantas

19

12
Tandaan Natin

Mahusay! Ngayon naman, ay ating balikan ang mahahalagang


kaalaman sa pamamagitan ng pagbuo sa mga salitang nasa isang kahon.
Hanapin ang antas ng wika sa loob ng Word Search puzzle.

O W L A L A W I G A N I N
P D A I O M N A F B N A K
P D L A L A N I G A N I O
A E I K O B P A N G K O L
M D S P O G M O N G L K O
B P I U O L M O R A B Y K
A P O M P R O T R M D A Y
N N U R O E M T U I A L A
S P A M M A N A G A A L L
A A L B A L B A L A L D B

TANDAAN:

MGA ANTAS NG WIKA

1. ____________- wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga
panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan.
A. _______________- wikang ginagamit ng buong bansa.

B. _______________- wikang ginagamit ng mga manunulat na karaniwang may


malalim na kahulugan.
2. __________- wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw.

A. _________________- wikang ginagamit ng mga tao sa partikular na lalawigan


o pook. Salitang ginagamit ng mga katutubo.
B. _________________- pang-araw-araw na salita na maaring pinapaikli ang
mga titik ng salita para mas madaling salitain.

C. ____________- mga salitang nabuo sa kagustuhan ng isang grupo na gusto


magkaroon ng pagkakakilanlan.

20

12
Gawain II

Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng antas ng wika. Sundan lamang


ang Venn diagram sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.

PORMAL DI-PORMAL
Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Suriin Natin

Ngayon masusukat natin muli ang iyong natutuhan. Ang isa pang
gawaing ibibigay sa iyo ay susukat sa iyong kasanayan sa pagsusuri sa
pagbibigay ng interpretasyon sa tulang iyong binasa.

Panuto:
Basahin ang mga pangungusap at uriin ang mga salitang sinalungguhitan
ayon sa antas ng wika (1-5). Isulat ang letra ng tamang sagot sa malinis na
papel.

A- Pampanitikan C-Pambansa E- Kolokyal


B- Lalawiganin D- Balbal

21

12
1. Si Ylliana ang kabiyak ng aking puso?

2. Ang chaka naman ng kaibigan mo?

3. Madayaw na adlaw sa inyo tanan.

4. Andito na naman ang beke kong kumare?

5. Aling Tinay meron po ba kayong pagkain naubusan po kasi kami.

Payabungin Natin

Binabati kita dahil sa matagumpay mong pagsagot sa mga naunang


gawain. Ipagpapatuloy pa rin natin ang iyong pagkatuto sa araw na ito.
Palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri sa
isa pang gawain na nakahanda.

Panuto:

Gumawa ng 5 pangungusap gamit ang antas ng wika at uriin ito


kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal at balbal.
Isulat ito sa malinis na papel.

Halimbawa:
Gumawa ako ng salipawpaw mula sa papel- Pampanitikan
1.
2.
3.
4.
5.

22

12
Pagnilayan Natin

Magaling at natapos mo ang mga naunang gawain. Ngayon naman, ay


sagutin ang tanong na ito:

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga ng ibat-ibang antas ng wika.


Isulat ito sa sagutang papel.

23

12
12
24
Tandaan natin
1. pormal
2. pamban
sa
3. pampani
tikan
4. di-
pormal
5. lalawiga
nin
6. kolokyal
7. balbal
Suriin natin Subukin natin
Ang ibang
kasagutan ay 1.A
nakadepende 1. A 2.B
na sa guro na 2. D
3.A
magwawasto 3. B
4. D 4.B
( nasa guro ang
5. E
pagpapasiya) 5.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Gintong Pamana Wika at Panitikan, Batayang Aklat, Filipino,


Ikalawang Taon, Lolita R. Nakpil, Letecia F. Dominguez, Ph. D.

Filipino 8 Panitikan Filipino (Para sa mga mag-aaral)

Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8)

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8.


Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020

Gintong Pamana Wika at Panitikan, Batayang Aklat, Filipino,


Ikalawang Taon, Lolita R. Nakpil, Letecia F. Dominguez, Ph. D.

Basa, Jenny Rose, Published on August 10, 2014

Filipino 8 Panitikan Filipino (Para sa mga mag-aaral)

Batay sa Kurikulum na K-12 (Baitang 8)

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 8.


Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020

25

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI, Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

12

You might also like