You are on page 1of 16

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 17: Iba’t Ibang Uri ng Pamatnubay ng Balita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel S. Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera at Roselle U. Rosario
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 17 para sa Sariling Pagkatuto
Iba’t ibang Uri ng Pamatnubay ng Balita
Manunulat: Maricel S. Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera at Roselle U. Rosario/Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 17 para sa
araling Iba’t ibang Uri ng Pamatnubay ng Balita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 17 ukol sa Iba’t ibang Uri ng


Pamatnubay ng Balita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita
batay sa materyal na binasa.

MGA INAASAHANG LAYUNIN


A. Natutukoy ang mga binigyang-diing datos sa mga pamatnubay ng balita;
at
B. Nakikilala ang pagkakaiba ng paggamit ng pamatnubay na kumbensyonal
at makabagong pamatnubay sa mga halimbawang balita.

PAUNANG PAGSUBOK

Halina’t tayahin ang paunang kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.

Panuto: Piliin sa Hanay B ang uri ng kumbensyonal na pamatnubay at


makabagong pamatnubbay na inilalarawan ng mga pahayag na nasa
Hanay A. Isulat ang letra sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_____1. Uri ng pamatnubay na kumbensyonal na A. Pamatnubay na Ano


ang pinakatampok ay ang tao o B. Pamatnubay na Isang
organisasyong kasangkot sa pangyayari. Salita
_____ 2. Pamatnubay na kumbensyonal na ang C. Pamatnubay na Paano
binigyang-diin ay ang di-pangkaraniwang D. Pamatnubay na
pook o lunan. Pagkakaiba
_____ 3. Makabagong pamatnubay na karaniwang E. Pamatnubay na
binubuo ng salitang pandamdam. Paglalarawan
_____ 4. Makabagong pamatnubay na gumamit ng F. Pamatnubay na
talang lubhang nakagugulat, Panggulat
nakagugulantang o nakasisindak. G. Pamatnubay na Saan
_____ 5. Makabagong pamatnubay na ipinakikita H. Pamatnubay na Sino
o pinalilitaw ang pagkakaiba ng dalawang I. Pamatnubay na
bagay. Tahasang Sabi
_____ 6. Makabagong pamatnubay na gumamit ng J. Pamatnubay na Tanong
makabuluhang pangungusap ng ispiker
o kaya’y hango sa isang akdang sinipi.
_____ 7. Kumbensyonal na pamatnubay na mas
mahalaga o makabuluhan ang pangyayari o
pagdiriwang kaysa taong kasangkot sa
balita.

6
_____ 8. Ang pamatnubay na ang batayan ng balita
ay ang paggamit ng tanong na may
malaking bahagi sa salaysay at kung ito ay
wala pang kasagutan.
_____ 9. Makabagong pamatunubay na
naglalarawan ng tao, lunan, at pangyayari.
_____ 10. Uri ng kumbensyonal na pamatnubay na
ang kaparaanan ng pangyayari ang
pinakamabisang anggulong itinampok.

BALIK-ARAL
Batay sa balitang nasa loob ng kahon, isulat sa talahanayang nasa
ibaba ang mga datos o detalyeng sasagot sa mga tanong. Isulat ito sa sagutang
papel.

DepEd handa sa hamon ng new normal


Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng Department of
Education (DepEd) sa pangunguna ni Secretary Leonor Briones para sa “new
normal” na pamamaraan ng pagkatuto ng mga kabataan sa pagbubukas ng klase
sa Oktube 5.
Bilang tugon sa tumitinding mga hamon sa sektor ng edukasyon
sa gitna ng krisis dulot ng Coronavirus desease 2019 (COVID 19) pandemic.
Inilunsad ng Kagawaran ng Basic Education – Learning Continuity Plan (BE-LCP)
na layuning gabayan ang mga guro, magulang at mag-aaral upang maipagpatuloy
ang edukasyon sa kabila ng pandemya.
http.www.bcs.gov.ph/wp-content/uploads/2020/08/BC-VOL2-ISSUE3.pdf

Tanong Detalye Mula sa Balita


Ano?

Sino?

Kailan?

Bakit?

Paano?

7
ARALIN
Alamin natin ang iba’t ibang uri ng pamatnubay sa pagsulat ng balita.

Mga Uri ng Balita Ayon sa Anyo (Structure)


1. Tuwirang Balita – Isang balita na may sapat na datos o ulat na
ikinukwentong walang paligoy-ligoy, nagsisimula sa kabuurang pamatnubay
(summary lead) at sumusunod sa anyong baligtad na piramide.
2. Balitang Lathalain – Tulad ng tuwirang balita, batay rin ito sa tunay na
pangyayari. Subalit ang karaniwang ayos nito ay tulad nang sa isang kuwento
na ang sinusunod ay ayos piramide kung saan ang pinakamahalagang ulat
ay nasa bandang huli.

Ang Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa dahil ito ang pinakabuod ng
balita. Sa akdang lathalain o pabalitang lathalain, ito ay maaaring isang
salita, parirala, pangungusap o isang talata.
Mga Uri ng Pamatnubay
1. Kumbensyonal na Pamatnubay o Kabuuurang Pamatnubay
Sinasagot nito ang mga tanong na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit?
at Paano? Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide kung saan ang mga
mahahalagang datos ay nasa una at pangalawang talata. Karaniwang
ginagamit ito sa tuwirang balita.

Mga Uri ng Kombensyonal na Pamatnubay

1.1 Pamatnubay na Sino


Kung higit na pinakatampok ang tao o organisasyong kasangkot sa
pangyayari.
Halimbawa:
• Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP ang
kaniyang pirma sa impeachment complaint na inihain ng oposisyon,
kahapon, matapos itong katayin sa komite.
1.2 Pamatnubay na Ano
Ginagamit kung ang mga pangyayari o pagdiriwang ay mas mahalaga
o makabuluhan kaysa taong kasangkot sa balita.
Halimbawa:
• Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na
ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon
ng madaling araw.
1.3 Pamatnubay na Saan
Ginagamit kung ang pook o lunan na pinangyarihan ay pambihira o di
pangkaraniwan.
Halimbawa:
 Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na palarong olimpiyada.
1.4 Pamatnubay na Kailan
Bihirang ginagamit sapagkat talastas ng mga tao na ang balita ay
napapanahon. Gayunpaman ginagamit itong pamatnubay kung ang paksa
ay ukol sa huling araw (deadline) o bumabanggit sa nakaraang
kapistahan.

8
Halimbawa:
 Simula sa Pebrero 1 ay maaari ng magparehistro ang mga papasok
na kindergarten, Grade 1 at 7 at 11 sa School Year 2020-21.
Ayon sa Department of Education magtatagal ang early
registration hanggang Marso 6.

1.5 Pamatnubay na Bakit


Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang pinakamahalaga.
Halimbawa:
 Upang makatulong sa libo-libong pinauwing Pinoy migrant
workers na nawalan ng trabaho dulot ng Coronavirus desease 2019
(COVID 19), inilunsad ng Department of Science and Technology
(DOST) ang programang Innovations for Filipinos Working Distantly
from the Philippines (IFWD PH).
1.6 Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang pinakamabisang
anggulo na dapat itampok.
Halimbawa:
 Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang
ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
2. Pamatnubay na Di-kumbensyonal o Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na panimula ang akda upang akitin ang
mambabasang basahin ang kabuuan nito. Karaniwang ginagamit ito sa
pagsulat ng balitang lathalain.
Mga Uri ng Pamatnubay na Di-kumbensyonal o Makabagong Pamatnubay:
2.1 Pamatnubay na Panggulat
Kalimitan, ito’y isang pangungusap, parirala o salita lamang.
Ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga, nakagugulat,
nakagugulantang o nakasisindak.
Halimbawa:
 Kampeon ng NSPC!
Nagwaging muli ang Daloy sa pambansang paligsahan na ginanap
sa Isabela nang ito ay napiling pinakamagaling na pahayagang pang-
elementarya.
2.2 Pamatnubay na Tanong
Ginagamit kung ang tanong ay may malaking bahagi sa salaysay at
kung ito ay wala pang kasagutan at ito ay gagawing batayan ng balita.
Halimbawa:
 Sino pa bang nangunguna sa pagharap sa problemang ito
kundi ang ating mga medical professionals?
Sa kabila ng pagod, kakulangan ng supplies, at iba pang mga
balakid, nananatili silang alisto para tugunan ang mga pangangailangang
medikal ng ating mga kababayan.
2.3 Pamatnubay na Tahasang Sabi
Ito’y makabuluhang pangungusap ng ispiker o kaya’y hango sa
isang akdang sinipi at ginamit na panimula ng isang balita.
Halimbawa:
 “Muling makababangon ang estado ng turismo sa bansa
pagkatapos ng isang buwang quarantine at maibabalik muli ang
trabaho ng mga Pilipinong nasa industriya at lubos na
naapektuhan ng pandemya.”

9
Ito ang ipinahayag ni Department of Tourism (DOT) Secretary
Bernadette Romulo-Puyat sa Laging Handa virtual press briefing noong
Hunyo 25.
2.4 Pamatnubay na Pagkakaiba
Ginagamit upang maipakita o mapalitaw ang pagkakaiba ng
dalawang bagay.
Halimbawa:
 Higit na marami ngayon ang nakapasa sa LET kaysa noong isang
taon.

2.5 Pamatnubay na Kasabihan o Kawikaan


Sinisimulan ang pamatnubay sa mga kilalang kasabihan o
taludtod.
Halimbawa:
 Kung ganoon ang ama, ganoon din ang anak (Like father, like
son). Si Warren Cruz, isang binatang katatapos lamang sa pag-
aaral ng abogasya, ay nanguna sa pagsusulit sa batas gaya rin ng
kanyang ama na nagkamit ng pinakamataas na marka noong 1987
BAR examination.
2.6 Pamatnubay na Paglalarawan
Ito’y naglalarawan ng tao, lunan, pangyayari. Ginagamit kung
sa ilang salita ay makabubuo ng malinaw na larawan sa isipang ng
bumabasa.
Halimbawa:
 Puting-puti ang kasuotan, tangan ang mga diploma, ang 800 na
nagsipagtapos ay masayang nagmartsang pababa ng entablado
habang tinutugtog ng rondalya ang Aida March.
2.7 Pamatnubay na Isang Salita
Ang pamatnubay na karaniwang binubuo ng salitang pandamdam.
Halimbawa:
 Sugod!
Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang iskawt nang tangkain
nilang akyatin ang Bundok Arayat.

 Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Mabisang Pamatnubay:


1. Gumamit ng payak na pangungusap.
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na ano, sino,
saan, kailan, paano at bakit sa isang pangungusap lamang.
3. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad
nitong gramatikong kayarian.
Halimbawa: Apat na pasahero sa jeep ang tumilapon dahil sa
banggaang naganap sa Shaw Boulevard. Ang apat na pasahero sa jeep
ay malubhang nasugatan.
https://www.slideshare.net/ReggieCruz2/unang-araw-balita-isports-
editoryal-lathalain.

10
MGA PAGSASANAY
Patunayan kung naunawaan mo ang pagkakaiba ng kumbensyonal
na pamatnubay at makabagong pamatnubay ng balita at ang mga iba’t
ibang uri ng mga ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsasanay.

Pagsasanay Blg 1.
Panuto: Suriin kung anong uri ng KUMBENSYONAL NA PAMATNUBAY ang
sumusunod na mga pamatnubay ng balita. Isulat ang iyong sagot sa bawat
patlang.

_____________________1. Sa ika-27 ng Hulyo, ihahatid ni Pangulong Rodrigo Roa


Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation
Address (SONA), isang taunang kaganapan na nakatala
na simula pa noong panahon ng Komonwelt. Ito ay isang
tradisyon – isang pambansang Gawain – sa loob ng
halos 85 taon.
_____________________ 2. Naramdaman ang magnitude 3.2 na lindol sa Butig, Lanao
Del Sur Sabado ng umaga. Ayon sa Phivolcs, ang
episentro ng lindol sa layong 18 kilometers Southeast ng
Butig bandang 9:09 ng umaga.
_____________________ 3. Naging mabilis din ang kilos ng ABS-CBN, matapos mag-
file kamakalawa ng isang quo warranto petition ang
Solicitor General na humihiling sa Korte Suprema na
suspindihin na ang franchise ng network dahil sa ilang
paglabag doon. Sinabi ni solicitor general na iyon ay
isang “very urgent motion”.
_____________________ 4. Pinatutunayan ngayon ni JK Labajo na marunong talaga
siyang gumawa ng magandang kanta na hindi madaling
kalimutan. Nominee na naman kasi ang sarili niyang
komposisyon na Buwan sa PMPC Star Awards for Music.
_____________________ 5. Sususpindihin ng Pasig City ang mga mall at iba pang
establisyimento na hindi mag-iimplement ng social
distancing.
___________________ 6. Dahil sa paparami nang paparami ang nasusumpungan
nang gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa kanilang
mga trabaho, nasa 14 pang bicycle racks ang ipinuwesto
ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector sa
mga istasyon ng MRT-3.

11
Pagsasanay Blg. 2

Panuto: Suriin kung anong uri ng MAKABAGONG PAMATNUBAY ang


sumusunod na mga pamatnubay ng balita. Isulat ang iyong sagot sa
bawat patlang.

____________________ 1. Hindi lahat ng luma, wala nang halaga.


Gaya na lamang ng ilang lumang gamit na iniingatan
ngayon ng ilang kolektor tulad ng panyeta, maliit na libro
at paa ng lumang sewing machine na libu-libo ang presyo.
___________________ 2. “Lahat ng sumusuporta sa aking administrasyon ay
inaanyayahan kong magsuot ng yellow ribbon sa ika-28
ng Hulyo,” ito ang panawagan ni Pangulong Ninoy Aquino
sa kanila ng kanyang isyong kanyang kinasangkuta sa
Dispercement Accelaration Program o DAP.
___________________ 3. Makakamit ba ng Pilipinas ang Hamon ng MDG 2015?
Ito ang tanong ng mga kinatawan ng United nations (UN).
___________________ 4. Masikip, marumi at hindi matitirahan, iyan ang
komento ng marami sa mga nasalantaan ng bagyong
Yolanda kaugnay sa mga bunk houses na ibinigay ng
gobyerno.
___________________ 5. “Like mother, like daughter,” pinatunayan ng former
Sexbomb dancer na si Rochelle Pangilinan ang katagang
ito nang ipakita niya ang galing sa pagsayaw ng anak nila
ni Arthur Solinap na si Baby Shiloh.

Pagsasanay Blg. 3

Panuto: Bumuo ng Pamatnubay na Kumbensyonal o Kabuurang


Pamatnubay batay sa sumusunod na mga datos. Isulat ito sa sagutang
papel. (10 puntos)

Sino? Department of Education Secretary Leonor Briones


Ano? Pag-apruba ng pasukan ni Pangulong Duterte
Saan? Mga paaralan ng buong Pilipinas
Kailan? Oktubre 5, 2020
Bakit? Upang magkaroon ng sapat na paghahanda sa mga
kagamitan ng mga mag-aaral

12
PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang hinihingi ng talahanayan.
Mga Uri ng Pamatnubay
Kumbensyonal na Pamatnubay Makabagong Pamatnubay
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7.

PAGPAPAHALAGA

Magbigay ng limang (5) kahalagahang dulot ng balita. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

 _________________________________________________________
 _________________________________________________________
 _________________________________________________________
 _________________________________________________________
 _________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Natitiyak kong malaki ang naitulong sa iyo ng mga naunang gawain
upang maisagawa mo ang panapos na pagsusulit.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Anong uri ng balita ayon sa istruktura ang ginagamitan ng pamatnubay na


kumbensyonal?
A. Balitang Lathalain C. Balitang Pinanggalingan
B. Balitang Lokal D. Tuwirang Balita

_____ 2. Anong bahagi ng balita ang nagsisilbing pang-akit sa mga mambabasa dahil
itinuturing itong pinakabuod?
A. nilalaman C. teksto
B. pamatnubay D. ulo ng balita

_____ 3. Isang uri ng kumbensyonal na pamatnubay na kung saan ang pamamaraan


ang itinatampok. Ano ito?
A. Pamatnubay na Ano C. Pamatnubay na Paano
B. Pamatnubay na Bakit D. Pamatnubay na Saan

13
_____ 4. Anong uri ng makabagong pamatnubay ang isang pahayag kung sinimulan
ito sa kilalang kasabihan o taludtod?
A. Pamatnubay na Kasabihan C. Pamatnubay Panggulat
B. Pamatnubay na Pagkakaiba D. Pamatnubay na Tahasang Sabi
_____ 5. Noong Pebrero 14 ibinaba ng Phivolcs sa Alert Level 2 ang Taal matapos na
mabawasan ang mga aktibidad nito na indikasyon ng posibleng pagsabog.
Anong pamatnubay na kumbensyonal ang binigyang-diin sa pahayag?
A. Pamatnubay na Bakit C. Pamatnubay na Saan
B. Pamatnubay na Kailan D. Pamatnubay na Sino
_____ 6. Bilang pinunong ahensya ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious
Diseases (IATF-EID) pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang
laban sa pagsugpo sa Coronavirus desease 2019 (COVID-19) na nagdulot
ng matinding krisis, hindi lamang sa bansa pati na rin sa bunong mundo.
A. Pamatnubay na Bakit C. Pamatnubay na Saan
B. Pamatnubay na Kailan D. Pamatnubay na Sino
_____ 7. Patuloy ang pagmamakaawa ng nurses na payagan na silang lumipad abroad
para makapaghanapbuhay dahil doon umano sila kikita ng malaking
sahod at hindi sa Pilipinas. Pinag-aaralan naman ngayon ng Labor
Department kung puwedeng payagang makaalis ng bansa ang mga nurse
na nabigyan na ng employment contract hanggang Agosto 31, 2020. Anong
uri ng pamatnubay ang pahayag?
A. Balitang Lathalain
B. Makabagong Pamatnubay
C. Pamatnubay na Kumbensyonal
D. Tuwirang Balita
_____ 8. "Hindi nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino."
Ito ang pahiwatig ni Senator Christopher Bong Go sa pagsuporta niya sa
proposed bill ng kapwa Senator na si Ronald Bato dela Rosa na nag-aalis
sa minimum height requirements ng mga aplikante sa Philippine National
Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection
at Bureau of Corrections. Anong uri ng pamatnubay ang pahayag?
A. Balitang Lathalain C. Pamatnubay na Kumbensyonal
B. Makabagong Pamatnubay D. Tuwirang Balita
_____ 9. Anong uri ng makabagong pamatnubay ang sumusunod na balita?
Hustisya!
Iyan ang panawagan ng mga mamamayang Pilipino kaugnay sa isyung PDAF
Scam na kinasangkutan ni Janet Lim-Napoles.
A. Pamatnubay na Isang Salita C. Pamatnubay na Panggulat
B. Pamatnubay na Paglalarawan D. Pamatnubay na Tahasang Sabi
_____10. Ito’y makabuluhang pangungusap ng ispiker o kaya’y hango sa isang
akdang sinipi at ginamit na panimula ng isang balita. Ano uri ng
makabagong pamatnubay ang tinukoy?
A. Pamatnubay na Isang Salita C. Pamatnubay na Panggulat
B. Pamatnubay na Paglalarawan D. Pamatnubay na Tahasang Sabi

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral at pagsagot sa mga gawain


sa modyul na ito. Malaking tulong na natutuhan at naunawaan mo ang
pagkakaiba ng mga iba’t ibang uri ng pamatnubay ng balita upang
maisagawa mo ang iyong kasanayan sa pagsulat ng iyong sariling balita.

14
15
Paunang Pagsubok:
1. H 6. I
2. G 7. A
3. B 8. J
4. F 9. E
5. D 10. C
Balik-Aral:
Tanong Detalye Mula sa Balita
Ano? Isinasagawang paghahada para sa “new normal” na pamamaraan ng
pagkatuto ng mga kabataan.
Sino? Departmen of Education sa pangunguna ni Secreatay Leonor Briones
Kailan? Oktubre 5, 2020
Bakit? Bilang tugon sa tumitinding mga hamon sa sector ng edukasyon sa
gitna ng krisis dulot ng Coronavirus desease 2019 (COVID 19)
pandemic.
Paano? Puspusang paghahanda.
Pagsasanay Blg. 1: Pagsasanay Blg. 2
1. Pamatnubay na Kailan 1. Pamatnubay na Kasabihan
2. Pamatnubay na Ano 2. Pamatnubay na Tahasang Sabi
3. Pamatnubay na Paano 3. Pamatnubay na Tanong
4. Pamatnubay na Sino 4. Pamatnubay na Paglalarawan
5. Pamatnubay na Saan 5. Pamatnubay na Kasabihan
6. Pamatnubay na Bakit
Pagsasanay Blg. 3
Sa October 5 na at hindi na sa August 24 ang simula ng pasukan sa lahat ng
paaralan sa bansa.
Ito ang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nang aprubahan ni
Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng ahensiya na mailipat sa Oktubre
ang pasukan para magkaroon ng sapat na paghahanda sa mga kagamitan ng mga
mag-aaral.
Palalahat:
1. Pamatnubay na Sino 1. Pamatnubay na Tanong
2. Pamatnubay na Ano 2. Pamatnubay na Paglalarawan
3. Pamatnubay na Saan 3. Pamatnubay na Panggulat
4. Pamatnubay na Kailan 4. Pamatnubay na Isang Salita
5. Pamatnubay na Bakit 5. Pamatnubay na Kasabihan
6. Pamatnubay na Paano 6. Pamatnubay na Tahasang Sabi
7. Pamatnubay na Pagkakaiba
Pagpapahalaga:
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.
2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpalalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.
4. Nagpababatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.
5. Nagpatatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.
Panapos na Pagsusulit:
1. D 6. D
2. A 7. D
3. C 8. B
4. A 9. A
5. B 10. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat:
Habijan, Erico M., Ontangco, Rowena S, Iquin Melinda P. at Carpio, Lucelma O. 2016. Panitik:
Filipino sa Panahon ng Pagbabao. Quezon City: Adriana Publishing Co., Inc.

Elektroniko:

Begas, Leifbilly. January 19,2020. DepEd: Papasok na Kinder, Grade 1, 7, 11 pwede na


magpalista. https://bandera.inquirer.net/239202/deped-papasok-na-kinder-grade-
1-7-11-pwede-na-magpalista#ixzz6X8EKzJR1.

Begas, Leifbilly. March 19, 2020. Bulkang Taal ibinaba sa alert level 1.
https://bandera.inquirer.net/244714/bulkang-taal-ibinaba-sa-alert-level-
1#ixzz6X8HCsTeD.

Butig, Lanao Del Sur nilindol. Bandera. July 18, 2020.


https://bandera.inquirer.net/259699/butig- lanao-del-sur-nilindol.

Cruz, Reggie. mula kay Cecilio Cruz sa kanyang mga aklat sa Pamahayagang Filipino Nov. 7,
2017.
https://www.slideshare.net/ReggieCruz2/unang-araw-balita-isports-editoryal-
lathalain.

De Leon, Ed. February 12, 2020. ABS-CBN mas dapat ilantad ang mga natulungan para
makakuha ng maraming simpatya!.https://www.philstar.com/pang-masa/pang-
movies/2020/02/12/1992440/abs-cbn-mas-dapat-ilantad-ang-mga-natulungan-
para-makakuha-ng-maraming-simpatya.

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2020/08/15/2035444/pasukan-sa-
october-5-na-deped

Magbanua, Djan. May 20,2020. Bandera. https://bandera.inquirer.net/253716/suspended-


business-permit-parusa-sa-hindi-magpapatupad-ng-social-distancing-sa-
pasig#ixzz6X8XzEsgj.

Nurses patuloy ang pakiusap na ibasura na ang deployment ban. ABS-CBN News. September
02, 2020. https://news.abs-cbn.com/video/news/09/02/20/nurses-patuloy-ang-
pakiusap-na-ibasura-na-ang-deployment-ban.

16

You might also like