You are on page 1of 15

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 18: Pagsulat ng Balita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel S. Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera at Roselle U. Rosario
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 18 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsulat ng Balita
Manunulat: Maricel S. Tiangson
Tagasuri: Pedro B. Cenera at Roselle U. Rosario/Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 18 para sa
araling Pagsulat ng Balita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 18 ukol sa Pagsulat ng Balita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Natutukoy ang datos na kailangan sa paglikha ng sariling ulat-balita


batay sa materyal na binasa.

MGA INAASAHANG LAYUNIN


A. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tuwirang balita at balitang
lathalain; at
B. Naisusulat nang wasto ang mga datos batay sa paraan ng pagsulat ng
balita.

PAUNANG PAGSUBOK
Sa bahaging ito ng modyul, susukatin muna ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

A. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang sumusunod na mga ulo ng balita


kung ito ay sumunod sa tuntunin ng pag-uulo ng balita at ekis ( )
kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. 865 pribadong paaralan sarado next


school year
sa gitna ng COVID-19 crisis
2. Mag-asawang PWD may tindahan na
sa
tulong ng mga nagmalasakit
3. COVID-19 survivor, nag-donate ng
plasma sa frontliner na kapapanganak
lang
4. Angeline Quinto, humihiling ng dasal
para sa inang
si mama Bob
5. Delivey rider na ninakawan ng bike
nakatanggap
ng regalo sa Bayan Patroller
https://news.abs-cbn.com/patrolph

B. Tama o Mali: Basahin at unawain ang mga paraan ng pagsulat


ng balita sa bawat bilang, isulat ang Tama kung wasto ang sinasaad
ng pangungusap at Mali kung hindi wasto.

_____ 1. Ang karaniwang ayos ng balita ay pabaligtad na piramide.


_____ 2. Ang mga sagot sa tanong na ano, sino, saan, kalian, bakit at paano
ay isinusulat lamang sa isang pangungusap.
_____ 3. Mga simpleng salita na naiiintindihan ng mambabasa ang
6
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng balita.
_____ 4. Kumbensyonal na pamatnubay ang ginagamit sa balitang lathalain
samantalang makabagong pamatnubay naman ang ginagamit sa
tuwirang balita.
_____ 5. Sa pagsulat ng balita kailangang hindi ito maligoy, hindi gumagamit
ng matatalinghagang salita, hindi nagbibigay ng sariling opinyon at
walang kinikilingan.

BALIK-ARAL
Halika’t balikan natin ang mga iba’t ibang uri ng kumbensyonal
at makabagong pamatnubay.

Panuto: Isulat kung anong uri ng kumbensyonal at makabagong


pamatnubay ang sumusunod na mga pamatnubay ng balita sa
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________ 1. Nahuli ang isang lalaking ginawang palikuran ang Manila Bay
ngayong Sabado habang nagsasagawa ng clean-up ang mga
awtoridad.
__________ 2. Inilunsad nitong Sabado ng Valenzuela City local government
ang isang contact tracing platform na layong mapabilis ang
paglabas-pasok ng mga tao sa mga establisimyento sa siyudad.
__________ 3. Higit 700 mga pribadong paaralan ang hindi na muna mag-o-
operate ngayong taon dahil sa epekto ng pandemya. Kaya
muling panawagan nila sa gobyerno ay agarang tulong para
sila'y makabangon.
__________ 4. Sugod! Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang iskaut
nang tangkain nilang akyatin ang Bundok Arayat.
__________ 5. Paindak-indak na sumapit ang Kapaskuhan sa kampus ng
Paaralang Normal sa pamamagitan ng mga nagniningningang
Christmas Décor at iba’t ibang kulay na ilaw dagitab na
nakapalamuti sa lahat ng dako.
https://news.abs-cbn.com/maiinit-na-balita
https://www.slideshare.net/ReggieCruz2/unang-
araw-balita-isports-editoryal-lathalain

7
ARALIN
Matapos mataya ang dati mo nang alam tungkol sa aralin,
alamin ang mga paraan at tuntunin sa pagsulat ng balita sa iba’t ibang
bahagi nito.

Ulo ng Balita o Headline – ang pamagat ng isang balita na makikilala sa


pamamagitan ng paggamit ng higit na malalaking titik kaysa sa nilalaman.

Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita

1. Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig at pantukoy.


Halimbawa: Mali: Alo at Perez ang nanguna sa talumpatian
Tama: Alo, Perez, nanguna sa talumpatian
2. Iwasang gumamit ng salitang may dalawang kahulugan.
Halimbawa: Mali: Hindi pantay na tubo, pinag-awayan ng magkapatid
Tama: Hindi pantay na kita, pinag-awayan ng magkapatid
3. Huwag puputulin ang salita sa dulo ng linya.
Halimbawa: Mali: Seminar, ida-
raos sa EQHS
Tama: Seminar, idaraos sa E. Quirino
4. Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.
Halimbawa: Mali: Reyes, nahalal na
pangulo ng
Dramatics
Tama: Reyes, nahalal na pangulo ng Dramatics
5. Huwag gumamit ng pang-abay na pananggi.
Halimbawa: Mali: Pulong ng Math Club, hindi natuloy
Tama: Pulong ng Math Club, ipinagpaliban
6. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugalian nang daglatin.
Halimbawa: Mali: De La Salle University, kampeon sa basketball
Tama: DLSU, kampeon sa basketball
7. Iwasang ulitin ang mga salita.
Halimbawa: Mali: VAT tatalakayin sa Senado tatalakayin din sa Kongreso
Tama: VAT tatalakayin sa Senado, Kongreso
8. Gamitin ang pandiwang lantad.
Halimbawa: Mali: GMA, maaaring dumalo sa pulong ng Senado
Tama: GMA, dadalo sa pulong ng Senado
9. Gamitin lamang ang pangalan ng tanyag o kilala.
Halimbawa: Mali: Roxas, nagtutulak ng bawal na gamut, nadakip
Tama: Nagtutulak ng bawal na gamut, nadakip
10. Gumamit ng pang-uring pamilang kung mahalaga.
Halimbawa: Mali: Mga mag-aaral nahuli sa ‘pot session’
Tama: 50 mag-aaral nahuli sa ‘pot session’
https://www.slideshare.net/shekainalea/pag-uulongbalita

8
Paraan ng Pagsulat ng Tuwirang Balita

1. Isulat ang kabuoang pamatnubay (summary lead) at sagutin kaagad ang


pinakatampok na “W” (Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, Paano)
2. Isulat ang teksto, ang sunod-sunod na pangyayari sa ayos na baligtad na
piramide.
3. Iwasan ang mga kuro-kuro o opinion at mag-ingat sa paggamit ng mga pang-uri.
4. Gumamit ng simpleng salita na naiintindihan ng karaniwang mambabasa.
5. Gumamit ng maikling pangungusap na ang katamtamang haba ay may 15 – 25
salita lamang.

Halimbawa ng Tuwirang Balita:

Taxi drive, nagsauli ng isang bag na naglalaman


ng malaking halaga
Kabuuang Pamatnubay:
Isang tapat na taxi driver ang nagsauli ng Pinakatampok na “W”
isang bag na naglalaman ng malaking halaga na (Sino, Ano atbp.)
sinasabing naiwan ng isa sa kaniyang pasahero.

Sinabi ng driver na kinilalang si Genesis


Maghirang, tubong Pasig City, na maaaring may
nakaiwan sa isa sa kaniyang mga pasahero ng Teksto:
nasabing bag, ngunit hindi na niya maalala kung
sino ito. Kahalagahan 2

Sa halip na iuwi at itago ang pera, umiral ang


kabutihanng puso ni Ginoong Genesis, at agad itong
dinala sa tanggapan ng Eastern Police District
Kahalagahan 3
Meralco Ave.

Kinabukasan ay agad na nagreport sa pulis


ang tunay na may-ari ng bag at laking gulat nilang
naisauli pala roon ng driver ng kanilang sinakyang
taxi ang bag na naglalaman nang di kukulangin sa
isandaanglibong piso.

Lubos ang pasasalamat ng may-ari ng bag na


isa palang kawani ng pamahalaan, at ang pera ay
pampasahod ng mga kasama niya sa opisina.

Nakatakda namang parangalan ng Pasig City


Government si Ginoong Maghirang.
Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral.
Radio Broadcasting Script ng Marciana P.
Catolos Memorial National High School. DepEd.

9
Paraan ng Pagsulat ng Balitang Lathalain
1. Simulan ang balita sa makabagong pamatnubay (novelty lead).
2. Iayos ang nakalap na mga ulat sa kanilang pagkasunod-sunod na
kahalagahan.

Halimbawa ng Balitang Lathalain:


Paindak-indak na sumapit ang
Kapaskuhan sa kampus ng Paaralang Normal sa
pamamagitan ng mga nagniningningang Makabagong Pamatnubay
Christmas Décor at iba’t ibang kulay na ilaw (Novelty Lead): Pamatnubay
dagitab na nakapalamuti sa lahat ng dako. na Paglalarawan

Sinimulan ang pagdiriwang sa paradang


mga parol na nilahukan ng mga mag-aaral, guro, Salaysay (Narrative)
magulang at mga kasapi sa barangay.

Upang bigyang-kahulugan ang okasyon,


nagdala ang nagpaparada ng mga lamapara,
sulo o kandila at anumang motif na Di-inaasahang
naglalarawan ng Nativity, pagdalaw ng Tatlong Kasukdulan
Mago at ng Hegira. (Surprise
Climax)
Ang pagpapanauli ng parada ng mga parol
ay nagsimula sa paaralan mula noong 1987 at
mula noon ay taon-taon nang ginaganap. Subalit
ngayon lamang nasaksihan ang pinakamakulay
at pinakamakahulugang parada na naganap
alinsunod sa panukala ng punong lungsod sa
pagpapanauli ng magagandang tradisyon at
kulturang Pilipino.

https://www.slideshare.net/ReggieCruz2
/unang-araw-balita-isports-editoryal-
lathalain.

10
MGA PAGSASANAY
Natitiyak kong handang-handa ka na sa pagsulat ng sarili mong
balita.
Panuto: Sumulat ng tuwirang balita sa tulong ng GRASPS. Gawin ito sa sagutang
papel.

GRASPS

GOAL Naisusulat nang wasto ang mga datos batay sa paraan ng pagsulat
ng balita.
ROLE Isa kang kawani ng inyong pansangay na pahayagan.
AUDIENCE Mga guro at mag-aaral

SITUATION Magkakaroon ng patimpalak ukol sa Pamabansang Tagisan ng


Talino sa Filipino sa Sekondarya at ikaw ang naatasang sumulat ng
ulat-balita tungkol sa patimpalak.

Narito ang mga datos na maaari mong makalap.

Ano? Pambansang Tagisan ng Talino sa Filipino sa Sekondarya


Saan? DepEd Central, Ultra, Pasig City
Kailan? Marso 30, 2021
Bakit? Upang matukoy ang mga mag-aaral na may malawak na
kaalaman sa Filipino.

Mga Kalahok: Iba’t ibang pansekondaryang paaralan


sa Pilipinas na nagwagi sa idinaos na
panrehiyong paligsahan sa Tagisan ng
Talino sa Filipino

Mga Panauhing Dumalo: Kalihim DepEd Leonor Briones, mga


DepEd Regional Director, mga
principal ng mga kasaling paaralan
sa iba’t ibang rehiyon

Ang Namahala sa Patimpalak: DepEd NCR sa pangunguna ng


Panrehiyong Superbisor sa Filipino

Tinanggap na Premyo: Unang Pwesto – Php30,000.00


Ikalawang Pwesto - Php20,000.00
Ikatlong Pwesto - Php10,000.00

PRODUCT Ulat-balita ukol sa patimpalak na Pambansang Tagisan ng Talino


sa Filipino sa Sekondarya

Maaaring gumawa ng ulat-balita sa sulatang papel.

11
STANDARD
Mga Napakahusay Mahusay Di-gaanong
Pamantayan Mahusay
5 3 1
Pag-uulo ng Nakatatawag- Nailahad ang
Nakatatawag-
Balita pansin, buod o diwa ng
pansin, balita ngunit
nailahad ang
nailahad ang hindi
buod o diwa ng
buod o diwa ng nakatatawag-
balita ngunit pansin at hindi
balita at
hindi nakasunod sa
nakasunod sa
nakasunod sa alituntunin.
alituntunin.
alituntunin.
Mabisang Napakalinaw na Malinaw na Malinaw ngunit
Pamatnubay nailahad sa nailahad sa hindi kumpleto
payak na mga payak na mga ang mga
pangungusap pangungusap impormasyon
ang pagsagot sa ang pagsagot sa upang masagot
5 W’s at H sa 5 W’s at H sa ang 5 W’s at H
pamatnubay. pamatnubay. sa pamatnubay.

Pagkasunod- Mahusay na Hindi naisaayos


Napakahusay at
sunod ng mga naisaayos ayon ayon sa
mabisang
Detalye sa pababang pababang
naisaayos ayon
kahalagahang kahalagahang
sa pababang
pagkasunod- pagkasunod-
kahalagahang
sunod ang mga sunod ang mga
pagkasunod-
detalye. detalye.
sunod ang mga
detalye.
Kalinawan at Malinaw at Maligoy ang
Napakalinaw at
Kaiklian ng maikli ang pagkalalahad
maikli ang
Pangungusap pagkalalahad ng mga
pagkalalahad
ng mga pangungusap.
ng mga
pangungusap.
pangungusap.
Wastong Maayos na May ilang Kulang sa
Gamit ng nagamit ang gramatika at paggamit ng
Gramatika at gramatika at payak na wastong
Kapayakan ng madaling salitang ang gramatika at
Salita maunawaan hindi nagamit payak na salita.
ang mga salita. nang wasto.

Kabuoang
25 puntos
Puntos

12
PAGLALAHAT

Panuto: Isulat ang pakakaiba at pagkakatulad ng tuwirang balita at


balitang lathalain sa tulong ng Venn Diagram.

A Pakakaiba: B Pagkakaiba:

Tuwirang Balita Balitang Lathalain


AB Pagkakatulad

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Kung nais mong sumulat ng balita, sumulat ng dalawang (2)
ulo ng balita na nais mong marinig o mabasa. Kapag ang nais mo naman
ay maging laman ng balita, sumulat ng dalawang (2) pamatnubay ng balita
na nais mong marinig o mabasa tungkol sa iyo. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Natitiyak kong malaki ang naitulong sa iyo ng mga naunang
gawain upang maisagawa mo ang panapos na pagsusulit.

Panuto: Bawat bilang ay binubuo ng isang pangungusap na may salita o


pariralang sinalungguhitan na may kanya-kanyang letra na A, B, C, D at ang
dagdag na pariralang Walang mali ay letrang E. Piliin sa pangungusap ang salita
o pariralang may mali. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Gumagamit ng matatalinghagang salita sa pagsulat ng balita.


A B C D
Walang mali.
E
_____ 2. Iwasan ang pag-uulit ng mga parirala at sugnay sa pamatnubay ng
A B C D
balita. Walang mali.
E
13
_____ 3. Ang teksto ng tuwirang balita ay nakasulat ayon sa pabaligtad na
A B
piramide na kung saan nauuna ang pinakatampok o pinakamahalaga
C
patungo sa pinakamaliit na kahalagahan. Walang mali.
D E
_____ 4. Mga komplikadong salita na naiintindihan ng mga mambabasa ang
A B
ginagamit sa pagsulat ng balita. Walang mali.
C D E
_____ 5. Mababasa sa hulihan ng teksto ang pinakatampok na pangyayari sa
A B C
tuwirang balita. Walang mali.
D E
_____ 6. Makabagong pamatnubay ang ginagamit sa pagsulat ng balitang
A B C D
lathalain. Walang mali.
E
_____ 7. Ang tuwirang balita ay gumagamit ng kumbensyonal na pamatnubay
A B
na kung saan sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, saan,
C D
kailan, bakit at paano. Walang mali.
E
_____ 8. Makatotohanan at hango sa tunay na pangyayari ang tuwirang balita
A B C
at balitang lathalain. Walang mali.
D E
_____ 9. Payak at maikli lamang ang ginagamit na pangungusap sa pagsulat
A B C D
ng balita. Walang mali.
E
_____10. Maikli at malinaw ang isang balita sapagkat ang layunin nito ay
A B C
magpabatid. Walang mali.
D E

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral at pagsagot sa mga gawain


sa mga modyul ng ikatlong markahan. Tunay kang masipag na mag-aaral na
handang isakatuparan ang lahat. Ihanda mo naman ang iyong sarili sa
paglalakbay sa koridong Ibong Adarna.

14
SUSI SA PAGWAWASTO

unahan.
huli.
ulat ay nasa
ulat ay nasa bandang
pinakamahalagang
 Ang pinakamahalagang
 Ang
sanaysay na pangyayari piramide
 Nakasulat na parang Salig sa isang tunay
anyong baligtad na
pamatnubay
 Sumusunod sa
makabagong
AB Pakakatulad pamatnubay
 Gumagamit ng
kumbensyonal na
Balitang Lathalain:
 Gumagamit ng
Tuwirang Balita:
A. Pakakaiba B. Pakakaiba
Paglalahat:
5. A 10.E
4. A 9. E 5.Tama
3. E 8. E 4. Mali
2. E 7. E 3. Tama
(Pagsulat ng Balita) 1. B 6. E 2. Mali
Pagsasanay: Panapos na Pagsusulit: B. 1. Tama
5. Pamatnubay na Paglalarawan 5.
4. Pamatnubay na Isang Salita 4.
3. Pamatnubay na Ano 3.
2. Pamatnubay na Kailan 2.
1. Pamatnubay na Sino A. 1.
Balik-Aral: Paunang Pagsubok:

Sanggunian
Aklat:
Habijan, Erico M., Ontangco, Rowena S, Iquin Melinda P. at Carpio, Lucelma O. 2016. Panitik:
Filipino sa Panahon ng Pagbabao. Quezon City: Adriana Publishing Co., Inc.

Panitikang Rehiyonal Kagamitan ng Mag-aaral. Radio Broadcasting Script ng Marciana P.


Catolos Memorial National High School. DepEd.

Elektroniko:

Cruz, Reggie. mula kay Cecilio Cruz sa kanyang mga aklat sa Pamahayagang Filipino Nov. 7,
2017.
https://www.slideshare.net/ReggieCruz2/unang-araw-balita-isports-editoryal-
lathalain.

Delos Reyes, Sydel Camille L. Pag-uulo ng Balita. Nov. 20, 2016.


https://www.slideshare.net/shekainalea/pag-uulongbalita.
https://news.abs-cbn.com/patrolph

15

You might also like