You are on page 1of 12

Edukasyon sa

Pagpapakatao
4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 15: Naipapakita ang iba pang paraan upang mapabuti
ang pag-aalaga ng mga halaman - Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bonavid C. Sibbaluca
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tenikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 15
.

Naipapakita ang iba pang paraan upang


mapabuti ang pag-aalaga ng mga halaman
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 4)
Modyul 15: Naipapakita ang iba pang paraan upang mapabuti ang pag-aalaga ng
mga halaman

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon sa Pagpapakatao 4) Modyul 15


ukol sa pagtukoy sa pagpapakita ng iba pang paraan upang mapabuti ang pag-
aalaga ng mga halaman.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang maipakikita


ang iba pang paraan upang mapabuti ang pag-aalaga ng mga
halaman.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Buuin ang mga Jumbled Letters na tumutukoy sa


pagtatanim at pangangalaga sa ating mga halaman.

1. Ginagamit ang bagay na ito kung walang bakanteng


lupang mapagtataniman.
ASPO - __________________
2. Ang mga halaman ay nangangailangan din ng ________
upang makagawa sila ng kanilang sariling pagkain.
WAAR - __________________
3. Nangangailangan din ng sapat na ____________ ang mga
halaman upang mabuhay.
BUITG - _______________
4. Upang maalagaan nang mabuti ang halaman
kinakailangan alamin ang ________ nito upang mabuhay.

KTNGIAAAN - ______________
5. Lalong lumago pa ang mga halaman kung itatanim sa
magandang _______________________.
RUI GN PULA - _____________

BALIK-ARAL

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang nagsasaad ng tama o mali sa


talaan tungkol sa pagpapahalaga sa mga bagay na may buhay o
materyal man.
Tama Mali
1.Iwasan ang pagsusunog ng kagubatan dahil
may mga hayop na naninirahan dito.
2. Kinaugalian na nila sa kanilang barangay
ang magsunog ng basura.
3. Ang mga lumang gulong ay kanilang
ginagawang paso.
4. Hinayaan ang langis na natapon at kumalat
sa dagat.
5.Pagkatapos ng bagyo maraming puno ang
natumba kaya sila ay nagtanim muli.

ARALIN

Tayo ay nakaharap sa crisis ngayong panahon. Ngunit hindi


naging handlang ito sa mga magsasaka, at mga hardinero upang
magpatuloy sa pagtatanim. Sana ganun din tayo. Gamitin natin
ang panahong ito upang maging kapaki-pakinabang sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay, at mga halaman sa
bakuran.

Ang pamilya nina Mang Ambo


at Aling Nita ay mahilig magtanim.
Sila ay tulung-tulong sa pag-aalaga
ng kanilang mga tanim sa kanilang
bakuran. Si Kaloy na laging kasama
ni Mang Ambo sa pagbubungkal ng
lupa sa gilid ng kanilang mga tanim
upang ang mga ito ay makahinga at
madaling marating ng tubig ang mga ugat. Lalo din dadami ang
ugat ng kanilang pananim. Sila Aling Nita at Nenita naman ang
nagtatangal ng mga ligaw na damong tumutubo sa tabi ng
kanilang pananim. Ginagawa din nila ito upang mas mabuhay ng
mabilis at lumago ang kanilang mga pananim. Ang kanilang
libangang mag-anak ay ang pagdidilig ng kanilang mga pananim
umaga’t hapon kapag tag-araw ngunit sila ay nagpapasalamat
naman kapag maulan ang panahon dahil sila ay nakakatipid ng
tubig na pandilig. Maingat nilang dinidiligan ang kanilang mga
pananim at kinakausap din nila ang mga ito.
Sa kanilang pamamahinga sa harap ng kanilang bahay ay
langhap nila ang sariwang hangin na nanggagaling sa kanilang
mga tanim. Laking tulong sa kanila ang kanilang mga pananim
dahil dito na rin nila kinukuha ang kanilang gulay na niluluto ni
Aling Nita.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang kwento.
1. Ano-ano ang ginagawa ng mag-anak sa kanilang mga
pananim? Bakit nila ito ginagawa?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Marami ba silang pakinabang sa kanilang mga pananim?
Ano-ano ang mga ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Kayo, magagawa niyo rin ba ang ginagawa ng pamilya ni
Mang Ambo? Ano-ano ang inyong mga gagawin upang
magkaroon din kayo ng mga sariwang gulay at
magagandang halaman?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Mag-isip ng nararapat mong gawin. Ibigay ang dapat
gawin sa bawat pahayag.
1. Naputol ang tangkay ng halaman ni nanay sa hardin.
____________________________________________________
2. Natuyo ang lupang pinagtamnan ng halaman.
____________________________________________________
3. Pinipitas ng mga bata ang mga bulaklak sa inyong hardin.
____________________________________________________
4. Nilalaro ng mga bata ang mga dahon ng halaman,
kinukurot at pinipitik ang mga ito.
________________________________________________________
5. Nakita mong nabunot ang halamang iyong itinanim sa
paso.
________________________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng ang nagpapakita ng wastong pangangalaga
sa mga halaman at sa hindi.
____1. Diligan sa hapon o sa umagang-umaga ang mga halaman.
____2. Hahayaang mabuhay ang mga halaman sa daraanan ng
mga tao.
____3. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig sa pagdidilig.
____4. Bungkalin ang lupa ng tanim upang makahinga ito.
____5. Hayaan tumigas ang lupa ng mga tanim na halaman.

Pagsasanay 3
Panuto: Batay sa mga napag-aralan mo sa aralin tungkol sa
wastong pag-aalaga ng mga halaman. Kung ikaw ay pag-
aalagain ni nanay ng inyong mga halaman. Ano-ano ang
mga nararapat mong gawin upang mabuhay ang mga
ito. Ipakita ang iyong mga gagawin sa pamamagitan ng
paggguhit. Iguhit ito sa notebook.
PAGLALAHAT

Sagutin ang tanong at ipaliwanag nang mabuti ang sagot.


Paano mo mapabubuti ang pag-aalaga ng inyong mga
halaman?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Sagutin ang sitwasyon.


Ikaw ang inaasahan ng inyong Nanay na mag-alaga ng
inyong mga halaman habang siya ay nasa trabaho. Ano-ano
ang mga nararapat mong gawin upang hindi mamatay ang
mga halaman ninyo?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at sagutin ng


wasto o di-wasto ang bawat pahayag
tungkol sa pag-aalaga ng mga halaman.
________1. Kailangan ng mga halaman ang pataba upang
lumago pa lalo.
________2. Hindi na kinakailangan pang bungkalin ang lupa ng
mga tanim na halaman.
________3. Maaksaya sa tubig ang halaman kaya hindi na
kailangan pang diligan.
________4. Sa pagbubungkal ng lupa sa taniman, patamaan sa
may ugat upang mabuhay.
________5. Kapag magdidilig ng halaman, kailangan ng mahinang
buhos upang hindi matumba ito.
SUSI SA PAGWAWASTO

5.wasto 5.tama 5. uri ng lupa


4.di-wasto 4.mali 4. katangian
3.di-wasto 3.tama 3.tubig
2.di-wasto 2.mali 2.araw
1.wasto 1.tama 1.paso

Panapos na Gawain Balik-Aral Paunang pagsubok

5.

4.

3.

2.

sagot ng bata. 1. sagot ng bata.


Tanggapin ang mga Tanggapin ang mga

Pagsasanay 3 Pagsasanay 2 Pagsasanay 1

Sanggunian
A.DepEd Resources
Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kagamitan ng Mag-aaral (Yunit III)
Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kagamitan ng Guro (Yunit III)
B.Online Resources
https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/pangangalaga-ng-halaman

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01Oug8CW2kB3Sb3vxO6Zs9FybYDQQ

You might also like