You are on page 1of 13

Araling Panlipunan – Ika-sampung Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Kalagayan ng mga Mangagawa sa Iba’t ibang


Sektor
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Roditha F. Tabangcura
Editor: Lerma L. Villamarin
Tagasuri: Ammeliza N. Vasquez
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios
Tagalapat: Alan P. Laurino
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 10
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Kalagayan ng mga Manggagawa
sa Iba’t ibang Sektor
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng
Modyul para sa araling Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t ibang Sektor !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 Modyul ukol sa
Kalagayan ng mga Manggawa sa Iba’t ibang Sektor !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

LAYUNING PAMPAGKATUTO:
Naipapaliwanag ang kalagayan, suliranin, at pagtugon sa isyu sa paggawa.

MGA INAASAHANG LAYUNIN:

A. Naipapaliwanag ang mga suliranin ng mga manggagawang Pilipino sa


iba’t-ibang sektor ng paggawa;

B. Nasusuri ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino sa ibat- ibang


sektor ng paggawa; at

C. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting kalagayan ng


manggagawang Pilipino sa iba’t ibang sektor.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto : Anong sektor ang tinutukoy. Isulat ang A kung Agrikultura, I Industriya
at S kung Serbisyo. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______ 1. Itinuturing na pinaka vulnerable na mga manggagawa.

______ 2. Saklaw nito ang gawaing pang komunikasyon, transportasyon,


pananalapi, medical, BPO at edukasyon.

______ 3. Kabilang sa sektor na ito ang mga gawaing tulad ng paghahayupan


sakahan at pagtatanim.

______ 4. Nakakaranas ang karamihan sa mga manggagawa nito ng hindi normal


na oras at pagkakasakit sa trabaho.

______ 5. Sa sektor na ito, unti unting nasisira ang kagubatan dahil sa pagpasok ng
mga namumuhunang dayuhan sa bansa.

BALIK-ARAL
Panuto : Ayusin ang mga ginulong letra at isulat ang sagot sa patlang.

1. GERMANA ____________ 6. AANNAHIM ______________

2. TOPLIO _______________ 7. MGASAKASA ____________

3. REAWYL ______________ 8. AYHMBAKASA ___________

4. ROTPIN _______________ 9. POECLI __________________

5. JNIORTA ______________ 10 . SNUDLAO ______________

ARALIN

KALAGAYAN NG MGA MANGGAGAWA SA IBA’T IBANG SEKTOR

SEKTOR NG AGRIKULTURA
Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami
ng mga hayop, tanim at halaman. Ito ay may kaugnayan sa labas ng gawain na
sangkot ang mga hayop at halamanan. Tinuturing na vulnerable ang sektor na ito
dahil sa kawalan ng sapat na benipisyo at tulong pinansyal ng pamahalaan.
Isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa dito ay ang patuloy
na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdami
ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubos na naapektuhan dito ang
mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang
produkto sa bansa. Kasabay nito, ang suliraning kakulangan para sa tubig. Mayroon
ding kakulangan sa suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda lalo na sa
panahon ng sakuna tulad ng pagbagyo, tagtuyot at iba pa. Nakadagdag din ang
pagbibigay ng pahintulot ng pamahalaan sa pagkonbert ng mga lupang sakahan
upang tayuan ng mga subdibisyon, malls at iba pang gusaling pangkomersiyo tulad
ng mga pabrika at pagawaan na ginagawang bagsakan ng mga dayuhang produkto.
Kasabay nito ay ang patuloy na pagliit at pagkawasak ng kabundukan at kagubatan.
Nagbunga ito ng pagkasira ng biodiversity, pagkawasak ng kagubatan at kakulangan
sa mga lupang sakahan.

SEKTOR NG INDUSTRIYA
Ito ang nagpoproseso o nagmamanupaktura ng hilaw na materyales upang
makabuo ng isang panibagong produkto na ginagamit ng tao.
Isa ang sektor na ito sa mga naapektuhan ng globalisasyon. Ang malayang
pagpasok ng mga namumuhunang industriya katulad ng konstruksiyon,
telekomunikasyon, beverages, mining at enerhiya na kung saan karamihan sa
kaugnay na industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa ay nagbunga ng pagbabago
sa pamantayang pangkasanayan at kakayahan sa mga nais magtrabaho sa
makabagong industriya. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga manggagawa. Halimbawa nito ay ang mahabang oras ng pagpasok
sa trabaho, mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng
empleyado at kawalan ng sapat na seguridad.

SEKTOR NG SERBISYO
Ito ang sektor na nagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga konsyumer. Ang
serbiyo'y maaaring sa pamamagitan ng pagdadala, pamamahagi, o pagbebenta sa
konsyumer ng mga produkto mula sa prodyuser maaari ring ibilang dito ang
industriya ng turismo. Ito ang may pinakamalaking bahagdan ng maraming
nagtatrabaho. Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na
ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino. Saklaw ng sektor na ito ang
sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal, turismo, business
processing outsourcing (BPO) at edukasyon.

Sa sinagawang pagtataya ng APEC (2016), kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa


“emerging and developing countries” sa Asya dahil sa pagyabong ng sektor ng
serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan at tax
incentives. Ganumpaman nagging kaakibat nito ang samu’t saring suliranin tulad
ng over-worked na mga manggagawa , mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo
na sa hanay ng BPO ito ay dahil sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho.

Patuloy din ang pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs)


sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya o supermalls ang
maliliit o mikro-kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may
kalamangan sa logistics, puhunan, at resources (NEDA report, 2016).

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1. Ipahayag ang iyong pananaw!


Sang-ayon ka ba na ang Pilipinas ay makilala bilang isa sa mga “ Emerging and
Developing Countries in Asia?” Bakit o bakit hindi ? Ipaliwanag ang iyong kasagutan
sa 3 pangungusap.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pagsasanay 2. Punan ang tsart ayon sa tekstong binasa. Itala sa “K” unang kolum
ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa at sa ikalawang kolum “K”,
isulat kung paano ito nakaaapekto sa kalagayan ng mga manggagawa.

(K) Mga suliraning kinakaharap (K) Paano nakaaapekto sa kalagayan


ng mga manggawa ng mga manggagawa

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Pagsasanay 3. Ipaliwanag ang iyong kasagutan sa bawat tanong ng hindi hihigit sa


3 pangungusap.

1. Sa mga sektor na natalakay, sino sa mga manggagawa ang higit na nakakaranas


ng hindi pantay na oportunidad o vulnerable sa mga pang-aabuso? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong maaaring gawin sa ganitong sitwasyon?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto : Ano ang iyong reaksyon patungkol sa headline? Ipaliwanag ito sa


pamamagitan ng 3 pangungusap. Iugnay ito sa aralin.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Open ended statement!

Pinakamahalagang natutunan ko sa araling ito ay ________________________________


__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Magagamit ko ang kaalamang ito sa ____________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______1. Sa sektor ng industriya, pinoproseso ang mga hilaw na materyales upang


gawing panibagong produkto.

______2. Ayon sa APEC kinilala ang Pilipinas bilang “Emerging Countries in Asia”.

______3. Sa sektor ng serbisyo mas nakilala ang mga BPO (Business process
outsourcing) at dito naging mas maganda ang kalusugan ng mga
manggagawa.

______4. Kasabay ng pagsulpot ng mga dayuhang kompanya sa sektor ng industriya,


nabago din ang kanilang pamantayan sa mga naghahanap ng trabaho.

______5. Sa pagsulpot ng mga dayuhang namumuhunan, lubos na naapektuhan ang


mga magsasaka dahil sa murang naibebenta ang mga produkto nito.

______6. Karamihan sa mga nag-eempleyo sa sektor ng industriya ay nakakaranas


ng pantay na oportunidad at tamang pasahod sa mga manggagawa.

______7. Saklaw ng sektor ng serbisyo ang mga gawaing pang komunikasyon,


transportasyon, pananalapi, medikal, BPO at edukasyon.

_______8. Karamihan ng mga kagubatan sa sektor ng Agrikultura ay unti unting


nasisira dahil sa pagpasok ng mga namumuhunang dayuhan sa bansa.

______9. Sa sektor ng Agrikultura, maituturing na vulnerable ang mga manggagawa.

______10. Sa sektor ng Agrikultura, nagsisimula ang pagmamanupaktura ng mga


produkto.
Mga Websites
Araling Panlipunan 10, Learners Module p. 192-196 1.
Mga Aklat
Sanggunian
Paunang Pagsubok Panapos na Pagsusulit
1. A 1. TAMA
2. S 2. TAMA
3. A 3. MALI
4. S 4. TAMA
5. A 5. TAMA
6. MALI
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI
SUSI SA PAGWAWASTO
1. Vera, Klarenz De. “Pagpapaunlad Ng Ating Ekonomiya,” January 1, 1970.
http://klarenzdevera.blogspot.com/2017/03/introduction.html.

2. edmond84 Follow. “Kalagayan Ng Mga Manggagawa Sa Ibat-Ibang Sektor.”


LinkedIn SlideShare, September 29, 2019.
https://www.slideshare.net/edmond84/kalagayan-ng-mga-manggagawa-sa-
ibatibang-sektor.

3. Rep. Https://News.abs-Cbn.com/News/06/19/18/Ph-Isa-Sa-Worst-Countries-
Para-Sa-Mga-Manggagawa-Labor-Official-Dumepensa, n.d.

You might also like