You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 14: Pagsusuri sa Patakaran ng Pananalapi


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Oliver Sam H. Rivera
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos
Tagasuring Teknikal: Ernesto D. Tabios
Tagaguhit:
Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 9
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 14
Pagsusuri sa Patakaran ng Pananalapi
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 14 para
sa araling Pagsusuri sa Patakaran ng Pananalapi
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 14 para sa


araling Pagsusuri ng Patakaran ng Pananalapi!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Nabigyang kahulugan ang expansionary at contractionary monetary policy;
2. Nasuri ang pagkakaiba ng expansionary at contractionary monetary policy;
at
3. Naisa-isa ang mga estratehiya na ipinapatupad ng Bangko Sentral ng
Pilipinas sa pagtugon sa mga krisis pang-ekonomiya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Tukuyin kung TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI kung hindi ito
totoo.

______________1. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang bangko ng mga bangko sa


bansa.
______________2. Tumutukoy ang inflation sa pangkalahatang pagbaba ng presyo ng
bilihin.

______________3. Layunin ng BSP na mapanatili ang kaayusan ng pagbabayad ng


mga buwis sa bansa.

______________4. Isa sa mga gampanin ng BSP ay ang lumikha ng pera.

______________5. Ang mga patakaran ng pamahalaan sa pagsasaayos ng supply ng


salapi ay Expansionary Monetary Policy at Easy Monetary Policy.

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin ang bangko na binibigyan deskripyon sa bawat bilang

_______________1. Bangko na naglalayong tulungan ang mga bansa na naging


apektado ng ikalawang digmaang pandaidig.

_______________2. Bangko na ang layunin ay manghikayat na mag-impok.

_______________3. Itinatag ang bangko na ito upang matulungan ang mga Kapatid
nating Muslim upang matulungan sa kanilang negosyo at maiangat ang kabuhayan.

_______________4. Bangko na tagapag-ingat yaman ng pamahalaan.

_______________5. Bangko na ang layunin ay matulungan ang mga magsasaka o


maliliit na mangagawa.
ARALIN

ANG EXPANSIONARY MONETARY POLICY AT CONTRACTIONARY MONETARY


POLICY

Sa pamamahala ng salapi mahalaga na maingatan ito. Sa pangunguna ng


Bangko Sentral ng Pilipinas bilang pangunahing institusyon na tagapangasiwa ng
suplay ng salapi sa bansa, responsibilidad nito na matugunan at maisaayos ang
gawaing ito. Isa sa mga isinasagawa ng BSP ay ang monetary policy o patakaran
sa pananalapi. Ito ay nauukol sa pagkontrol sa supply ng salapi sa sirkulasyon.
Layunin nito na mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Masigurong
magkakaroon ng kakayahan ang mga mga mamamayan na makabili at matugunan
ang kanilang pangangailangan gamit ang kanilang salapi na kinita mula sa
pagtatrabaho.

Ang patakaran sa pananalapi ay may dalawang uri. Ito ay ang expansionary


monetary policy at Contractionary monetary policy. Tunghayan mula sa mga
diagram sa ibaba kung kailan at paano ipinatutupad ang dalawang patakaran:

Expansionary
Monetary Policy

Bunga nito ang


Upang muling paglikha ng maraming
maipanumbalik ang trabaho kaya mas
Ipinatutupad ito kung sigla ng ekonomiya ang marami ang
ang ekonomiya ay nasa pamahalaaan ay magkakaroon ng
kalagayan ng magpapatupad ng kakayanan na bumili ng
depression o recession mababang interes sa mga produkto o
na kung saan mababa mga pautang upang serbisyo na
ang supply ng salapi at mahikayat ang mga magpapataas ng
mababa ang output negosyante na kabuuang demand para
para sa produksiyon mamuhunan at sa sambahayan at
maidagdag sa kanilang bahay kalakal. Ang
puhunan. kalagayang ito ay
indikasyon ng pagsigla
ng ekonomiya.
Contractionary
Monetary Policy

Ipinatutupad naman Bunga ng mahigpit na


ang Contractionary Upang maiwasan ang pagpapahiram ng pera
policy kapag ang inflation ang sa mga bangko, ay
ekonomiya ay sobrang pamahalaan ay magbabawas rin ng
sigla o overheated maghihigpit sa puhunan ang mga
economy. Mataas ang pagpapahiram ng mga negosyante na mauuwi
supply ng salapi pera sa mga komersyal naman sa pagbabawas
ngunit kasabay nito na bangko sa ng mga mangaggawa
ang pagtaaas ng pangunguna ng BSP o kasunod nito ang
pangkalahatang Bangko Sentral ng pagbawas ng
presyo ng bilihin o Pilipinas. Sa produksiyon. Sa
inflation. pamamagitan ng pamamaraang ito ay
pagtaas ng mga interes napapababa ang presyo
sa mga pautang ng at napapabagal ang
mga bangko. ekonomiya. Ipinapakita
ng kalagayang ito ang
pagnanais ng
pamahalaan na
mapababa ang
implasyon.

Mga Tatangnan ng Patakaran sa Pananalapi

Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay may mga ipinatutupad na mga estratehiya


upang masiguro na maiwasan ang mga suliraning pang ekonomiya gaya ng
depression/recession at implasyon. Ang mga pamamaraan na ipinapatuad ng BSP
upang masigurong maayos ang pangangasiwa sa supply ng salapi ay ang mga
sumusunod:

ESTRATEHIYA PARAAN
Open market operation Pagtitinda at pagbili ng mga government bond ang
gawaing ito. Kapag ang suplay ng salapi sa
sirkulasyon ay mataas, magbibili ang BSP ng mga
bond kaya ang mga taong may hawak na pera, sa
halip na gamitin ito sa pagbili ng mga produkto, ay
ibibili na lamang ng mga bond. Ang pagbili ng bond
ay pagbawi nito sa mga mamumuhunan, kaya
maaaring gamiting pambili ng salapi na hahantong
sa paglaki ng pera sa sirkulasyon. Ang bond o
securities ay papel na kumakatawan sa mga asset
ng bansa at garantiyang sa transaksiyon na ito.

Pagtatakda ng reserba Bahagi ng operasyon ng mga bangko ang pagtatabi


sa bahagi ng idinepositong pera sa kanila at ang
nalabing bahagi ay maaaring ipautang upang
lumago at kumita. Ang BSP ang nagtatakda ng
reserbang itinatabi ng bangko na ginagamit upang
makontrol ang dami ng perang lalabas at maaaring
ipautang ng mga bangko. Kung ang layunin ng BSP
ay magdagdag ng pera sa sirkulasyon, ibinababa
nito ang kinakailangang reserba ng mga bangko
upang mas marami ang ipautang. Ang multiplier
effect ay inaasahang makakapagpasigla sa
ekonomiya. Ngunit kung kinakailangan naman na
bawasan ang sobrang dami ng salapi at maiwasan
ang implasyon, itinataas ng BSP ang mga
kinakailangang reserba ng mga bangko.
Rediscounting Function Ang mga bangko ay nakahihiram din ng pera sa BSP
bilang pandagdag sa kanilang reserba. Discount rate
ang tawag sa interes na ipinapataw sa pag utang ng
mga bangko sa BSP. Kapag nais ng BSP na
mabawasan ang salapi sa sirkulasyon, itinataas nito
ang mga discount rate. Sa ganitong sitwasyon, iiwas
ang mga bangko na manghiram sa BSP at magtago
ng mas malaking reserba na lamang kaya hindi
madaragdagan ng salapi sa ekonomiya. Ngunit kung
nais ng BSP na maging masigla ang ekonomiya,
ibinababa nito ang interes sa pagpapautang sa mga
bangko.
Moral Suasion Sa paraang ito, hinihikayat ng BSP ang mga bangko
na gumawa at kumilos ayon sa layunin ng BSP.
Ginagawa ito upang mapatatag ang kalagayang
pananalapi ng bansa nang hindi gumagamit ng
anumang patakaran.

Sa madaling salita, ang Expansionary Money Policyay ipinatutupad upang


maitaas ang suplay ng salapi sa sirkulayon at maiwasan ang depression at recession
at ang Contractionary Money Policy naman ay isnasagawa upang mapapababa ang
supply ng salapi sa sirkulasyon upang maiwasan ang inflation.
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Isulat ang EMP kung ang pahayag ay patungkol sa Expansionary
Monetary Policy at CMP kung ito ay tumutukoy sa Contractionary Monetary Policy

___________1. Nagpapahiram ng pera ang pamahalaan sa mababang interes upang


makahikyat ng mga negosyante na mamuhunan.

____________2. Naipapatupad ito ng BSP kapag nasa kalagayang overheated


economy ang ekonomiya ng bansa.
____________3. Kasunod ng paghihigpit sa pagpapahiram ng pera ng pamahalaan
ay ang pagbaba ng sahod ng manggagawa.

____________4. Iniiwasan ng polisiyang nito ang pagkakaroon ng Recession o


depression.

____________5. Iniiwasan sa polisiyang ito ang mababang output ng produksiyon.

PAGSASANAY 2

Panuto: Piliin mula sa • Open Market operation kahon ang tinutukoy sa


bawat bilang. Isulat ang • Moral suasion sagot sa patlang.
• Discount rate
• Pagtatakda ng Reserba
• Bond

____________1. Ang tawag sa interes ng pagpapautang sa mga bangko ng BSP


____________2. Paraan ng BSP ng paghikayat sa mga bangko na gumawa ng mga
hakbang na makakapagpaayos sa supply ng salapi na hindi gumagamit ng kahit
anong paraan.
____________3. Ang mga papeles na kumakatawan sa asset ng bansa at garantiyang
transaksiyon nito.

____________4. Operasyon ng mga bangko sa pagtatabi ng mga salapi mula sa mga


perang idinedeposito sa kanilang kliyente at ang natira na pera ay maaaring
ipahiram sa iba ng may interes.

____________5. Tumutukoy sa pagbili ng bond o securities ng pamahalaan.


PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang mga kahon. Tukuyin ang proseso ng expansionary policy at
contractionary policy
EXPANSIONARY MONETARY POLICY

CONTRACTIONARY MONETARY POLICY

Pamprosesong Tanong:

Ano ang layunin ng dalawang Polisiya na ito patungkol sa suplay ng salapi sa


ekonomiya?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Mag-React Ka!
Panuto: Magbigay ng masusing opinion patungkol sa sitwasyon.
“ Ngayong patuloy ang pandemyang COVID 19 sa buong mundo at marami
ang mga Negosyo at manggagawa na apektado nito, nararapat ba na
ipatupad ang Expansionary Monetary Policy ng BSP sa bansa? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat pahayag.


1. Alin sa mga sitwasyon ang nagiging dahilan ng pagpapatupad ng
contractionary monetary policy
A. Kapag ang ekonomiya ng bansa ay nasa kalagayang depression o
recession
B. Kapag bumababa na ang supplay ng salapi.
C. Kapag walang nakokolekta na buwis ang pamahalaan mula sa
taumbayan.
D. Kapag nagkakaroon ng overheated economy at nagdudulot ng
inflation.

2. Ano ang pahayag na tumutukoy sa inflation?


A. Pagbaba ng presyo ng mga Bilihin
B. Pagtaas ng pangakalahatang presyo ng mga bilihin
C. Pagbaba ng kita ng mga mangagagawa
D. Pagtaas ng bilang ng output sa produksiyon.

3. Estratehiya ng BSP na paghikayat sa mga bangko na kumilos at


magpatupad ng mga programa ayon sa layunin nito.
A. Moral suasion
B. Rediscounting
C. Open market operation
D. Reserve requirement.

4. Aling pahayag ang tumutukoy sa expansionary policy?


A. Kapag masigla ang ekonomiya at maraming pera ang mga tao at may
kakayanan na bumili ng mga produkto.
B. Kapag may pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin
C. Kapag mataas ang output ng produksiyon ng bahay kalakal
D. Kapag mababa ang suplay ng salapi sa ekonomiya.

5. Paano ipinatutupad ng BSP ang Rediscounting Function.


A. Pagbili ng mga bonds and securities.
B. Pagtatakda ng mga reserba sa mga perang idinedeposito sa mga
bangko.
C. Pagsang-ayon sa programa ng BSP ng mga bangko.
Panapos na Pagsusulit
1. D
2. B
3. A
4. D
5. D
Pagpapahalaga
Para sa pamprosesong tanong, maaaring magkaroon ng magkakaibang sago
tang mga mag-aaral batay sa kanilang pagkakaunawa at pagkakaintindi sa
paksa.
Paglalahat
Para sa pamprosesong tanong ito ay nakabatay sa magiging sagot ng mag-
aaral
Pagsasanay 1
1. EMP
2. CMP
3. CMP Balik-Aral
1. WORLD BANK
Paunang Pagsusulit:
4. EMP
2. SAVINGS BANK 1. TAMA
5. EMP 3. AL AMANAH BANK 2. MALI
Pagsasanay 2 4. LAND BANK OF THE
PHILIPPINES 3. MALI
1. Discount rate
5. BANGKONG 4. TAMA
2. Moral Suasion AGRIKULTURAL
5. MALI
3. Bond
4. Pagtatakda ng
Reserba
5. Open Market
Operation
SUSI SA PAGWAWASTO
hinihiram ng mga bangko.
D. Sa pamamagitan ng pagbibigay diskwento ng BSP sa mga perang
Sanggunian

Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson, Maria


Carmelita, at Soriano, Celia. Kayamanan: Ekonomiks. Sampaloc
Manila: Rex Book Store Inc. , 2017.
Garcia, Mondejar, Mateo, Buising, Lumibao, Guzman at Balitao, Bernard.
Ekonomiks:Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:
Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat(Deped-IMCS), 2015
Balitao, Cervantes, Nolasco, Ong, Ponsaran, at Rillo, Julia. Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
Ikaapat na taon: Vibal Publishing House Inc. , 2012.
Viloria, Cruz, Rillo, at Lim, Alice. Ekonomiks: Batayang Aklat sa Ikaapat na
taon: SD Publications Inc., 2000.

You might also like