You are on page 1of 17

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 3: Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga


Pagbabago ng Salik na Nakaaapekto sa Demand
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aleah S. Siducon
Editor: Nora H. Talag at Arnaldo Santos
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javeña
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga
Pagbabago ng Salik na Nakaaapekto sa Demand

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 3
para sa araling Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Mga Pagbabago ng Salik
na Nakaaapekto sa Demand!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 3


para sa araling Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Mga Pagbabago ng Salik
na Nakaaapekto sa Demand!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:


1. Naipaliwanag ang mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand;
2. Nasuri ang mga pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa
demand; at
3. Nakapagpasya ng matalino sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na
nakaaapekto sa demand.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Suriin kung ang sumusunod na sitwasyon ay tama o hindi. Isulat ang T kung
ito ay nagpapahayag ng wastong impormasyon at M kung hindi sa patlang na
nakalaan bago ang bilang.

_____ 1. Ang pagsunod sa uso ay nakapagpapataas sa demand na nagiging dahilan


sa pagtaas ng presyo ng produkto.
_____ 2. Ang labis na paggasta ay mainam lalo na sa panahong mababa ang antas ng
produksiyon.
_____ 3. Ang pagkakaroon ng maraming kahalili ng produkto ay makatutulong sa
mga mamimili upang magkaroon ng maraming pagpipilian sa pamilihan.
_____ 4. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang
mahahalagang bagay na dapat bilhin.
_____ 5. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na
presyo.

BALIK-ARAL

Dayagram

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon, isulat sa loob ng kahon ang mga salik
maliban sa presyo na nakaaapekto sa pagbabago ng demand.

2.Na-promote sa trabaho si Joan kaya


may karagdagan sa kanyang suweldo at
dadami ang mabibili niyang produkto.

1.Tumaas ang demand sa


3.Tumaas ang presyo ng kape
ARALIN

Panimula
Ayon sa batas ng demand, kapag mataas ang presyo ay mababa ang demand,
kapag naman mababa ang presyo ay mataas ang demand, ceteris paribus. Ngunit
may pagkakataon na kahit napakalaki ng pagtaas ng presyo ay kaunti lamang ang
pagbaba ng demand. May pagkakataon rin na kahit maliit lamang ang pagbabago sa
presyo ay napakalaki naman ng pagbaba ng demand. May pangyayari rin na kahit
napakalaki ng pagtaas o pagbaba ng presyo ay tila walang epekto sa isang mamimili.
Ipinahihiwatig lamang nito ang pagbabago sa mga salik na nakaaapekto sa demand.
Mga Pagbabago sa mga Salik na Nakaaapekto sa Demand

1. Pagbabago sa Kita

Kung may sapat na pagtaas sa kita, maaaring makabili ng mas maraming


cellphone ang mga sambahayan sa lahat ng antas ng presyo nito. Ito ang
pangkaraniwang epekto ng pagtaas ng kita sa demand para sa maraming produkto.
Ang mga produktong nagpapakita ng ganitong ugnayan ay itinuturing na mga
normal good. May mga kalakal naman sa kabila ng pagtaas ng kita ng sambahayan
ay bumababa naman ang demand para sa kanila. Ang mga kalakal na ito ay
tinuturing na inferior good. Magandang halimbawa nito ay ang cellphone. Kung
tumataas ang kita ng sambahayan, lumilipat ang demand para sa lumang modelo
ng cellphone patungo sa mas maginhawang gamitin na bagong modelo ng cellphone.
Kapag tumaas ang kita lumilipat ang demand sa mga bagong modelo at ito ay
magdudulot ng pagbaba ng demand para sa mga lumang modelo ng cellphone
(Balitao et al 2015, 126)

2. Pagbabago ng presyo ng mga Kaugnay na Kalakal

Ipagpalagay ng may dalawang magkasingtulad na alcohol sa pamilihan ngunit


makaiba ng brand. Kapag ang presyo ng isa ay bumaba, ceteris paribus, ito ay
makapanghihikayat na pagtaas ng demand para sa ibang brand. Ang dalawang
produkto na magkaiba ng brand ay itinuturing na substitute good na kung saan
pareho ng kagustuhan ang tinutugunan kaya maaaring ihalili ang isa para sa iba.
Minsan naman, ang pagbaba ng presyo ng isang kalakal ay nakapanghihikayat ng
mas mataas na demand para sa ibang kalakal (Balitao et al 2015, 126). Ito ay
tinatawag na complimentary good na kung saan ang dalawang produkto ay ginagamit
nang sabay. Halimbawa, ang serbisyo ng mga telecommunication service para sa
internet ay masasabing complimentary good ng cellphone o laptop. Sa panahon
ngayon na kailangan ang serbisyo ng internet dahil sa online learning, maraming
mamimili ang hahanap ng murang serbisyo mula sa mga telecommunication service.
Ipagpalagay na ang presyo ng telecommunication service ay bumaba, ibig sabihin
marami na ang puwedeng magkaroon ng internet at dahil dito tataas ang demand
para sa mga smartphone at laptop na magagamit sa online learning o distance
learning modality ng mga mag-aaral.

3. Pagbabago ng panlasa

Maaaring magbabago rin ang demand dahil sa pagbabago ng panlasa o


kagustuhan ng mga mamimili sa pagdaan ng panahon. Noong una, sapat na ang
cellphone na maaaring gamiting pantawag at may kakayahan nang magpadala at
tumanggap ng mga text messages. Nang tumagal, naging kagustuhan na ng mga
mamimili na ito ay magkaroon ng maraming gamit tulad ng camera, video camera,
music player at iba pa. Sa ngayon at sa hinaharap, maraming naniniwala na
magiging matatag ang panlasa ng mga mamimili tungo sa mga smartphone na may
pinabuting computing capacity kung ihahambing sa mga naunang modelo ng mga
cellphone. Ibig sabihin nito, maaaring asahan ang pagbaba ng demand para sa
cellphone habang ang demand naman para sa mga smartphone ay tataas (Balitao et
al 2015, 127).

Ang pagbabago ng panlasa ang siyang maaaring mahalagang salik din sa


pagtaas ng demand para sa mga organikong pagkain. Sa pagdaan ng panahon, unti-
unting umaakyat ang kamalayan ng mga mamimili tungkol sa produksiyon ng mga
pagkain na hindi magdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao, dahil hindi
ginagamitan ng artipisyal na spray o pataba (Balitao et al 2015, 127).

4. Pagbabago ng mga Ekspektasyon

Dahil sa matuling pagbabago ng teknolohiya, maya’t maya ay may


nagsusulputang mga bagong cellphone. Kung ang demand para sa isang
kasalukuyang modelo ang cellphone ay bumababa, ito marahil ay dahil sa pag-
aakalang bababa na ang presyo nito sa hinaharap dahil sa pag-aakalang bababa na
ang presyo nito sa hinaharap dahil sa paglabas ng pinabuting modelo ng mga
cellphone kung kaya’t hihintayin na lamang nila ang pagkakataong mangyari ito.
Ang inaasahang “sale” o pagbaba ng presyo sa hinaharap naman ay nagpapababa
sa kasalukuyang demand sa mga bilihin dito. Ang inaasahang mataas na kita sa
hinaharap ay nagpapataas sa demand para sa mga kalakal sa kasalukuyan (Balitao
et al 2015, 127).

5. Pagbabago sa bilang ng mamimili

Ang pagbabago ng populasyon o estruktura at komposisyon nito (halimbawa,


batay sa edad at kasarian) ay maaari ding makaapekto sa demand para sa iba’t ibang
pangangailangan. Ang demand para sa cellphone ay maaaring tumaas kapag lumaki
ang bahagi ng populasyon na may maayos na trabaho. Kaakibat naman ng mataas
na antas ng panganganak ay ang pagtaas ng demand para sa gatas at medisina
(Balitao et al 2015, 217)

Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na


Nakakaapekto sa Demand
Maraming salik ang nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga mamimili at bilang
isang matalinong mamimili kailangan maging matalino sa pagtugon sa mga
pagbabagong dulot ng mga salik. Ang ilan ay matalinong pagpapasya sa pabago-
bagong demand dulot ng salik nito (Balitao et al 2015, 123).
1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong
pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay
na dapat bilhin. Halimbawa, tuwing Pasko ay nakakatanggap tayo ng regalo
na minsan ay sa pamamagitan ng pera at ang mga empleyado naman ay
nakakatanggap ng 13th month pay, ibig sabihin sa panahon na ito maraming
pera ang tao. Sa pagdami ng pera hindi ibig sabihin na kailangan itong
gastusin lahat, kailangan pagplanuhan ng mamimili ang paggastos at unahin
ano lamang ang kailangan. Matutong pag-aralan ang pag-iipon para sa mga
darating na panahon na kailangan ito, katulad ng nararanasan natin ngayon
na pandemya na kung saan karamihan ng mga tao ay walang trabaho at
walang pinagkakakitaan na nagiging dahilan ng kawalan nila ng kakayahan
na mag-demand ng mga produktong kailangan. Kailangang tipirin ang kita
dahil ang labis na paggasta lalo na sa panahon na mababa ang antas ng
produksiyon dahil ito ay magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
at serbisyo (Balitao et al 2012,149). Hindi rin mabuti kung mababa ang antas
ng paggasta dahil magdudulot naman ito ng matamlay na ekonomiya. Ibig
sabihin, dapat na nasa tamang antas lamang ang paggasta. Hindi labis ngunit
hindi rin naman kulang (Balitao et al 2012,149)
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na
presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t
ibang pamilihan. Ang pagkakaroon ng maraming kahalili ng produkto ay
makatutulong sa isang mamimili upang magkaroon ng maraming pagpipilian
na may mababang presyo. Halimbawa, sa panahon ngayon na may COVID 19
maraming produkto na ating nakasanayan ang tumaas ang presyo sa
pamilihan katulad ng alkohol, kung ang brand ng alkohol na nakasanayang
gamitin ay tumaas ang presyo maghanap ng ibang brand ng alkohol na kung
saan may mababang presyo. Katulad rin ito ng mga face mask na may mataas
na presyo, kung hindi kayang bumili ng mga face mask na may mataas na
presyo humanap ng alternatibong produkto na puwedeng kapalit dito tulad
ng mga binebentang face mask na gawa sa tela na may mababang presyo pero
puwedeng pamalit sa may mataas na presyo ng face mask. Upang magkaroon
ang mamimili ng kakayahan na bumili ng produkto at serbisyo kahit maliit
ang kita nito ay nangangailangan lamang ng masusing pagsusuri sa mga
alternatibo o pamalit na produkto.
3. Ang pagsunod sa uso ay nakapagpapataas sa demand na hahantong lamang
sa pagtaas ng presyo ng produkto. Mas makakabuti kung hindi agad susunod
sa uso upang hindi magkaroon ng malaking pagbabago sa demand. Ang isang
matalinong mamimili ay hindi dapat nagpapadala sa mga umuusong
produkto o serbisyo, dapat isaalang-alang pa rin ang pagiging praktikal sa
pagkonsumo ng mga produkto o serbisyo. Tandaan na ang uso ay lumilipas o
nawawala rin kaya kung laging susunod sa uso ang mga mamimili hindi ito
nakakatulong upang mapanatili ang mababang presyo ng produkto o
serbisyo. Mapapansin sa mga pamilihan na mas mataas ang presyo ng mga
produktong nasa uso kaya hindi praktikal na magpaapekto sa uso (Balitao et
al 2012, 149)
Ang mga salik na nagdudulot ng pagbabago sa dami ng demand sa produkto
ng isang mamimili ay nagdudulot ng epekto sa lahat. Ang matalinong pagtugon ng
mga mamimili sa mga salik ay napakahalaga at ang tamang paggasta at pagkonsumo
ay makatutulong upang maging matatag ang kalagayan ng presyo sa pamilihan.

PAGSASANAY

Wais-D-Best
A. Panuto: Dahil sa pandemyang dulot ng COVID 19, ang ating bansa ay
nahaharap sa isang pagsubok lalo na sa usapin ng estado ng ekonomiya.
Maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho dulot ng pagsasara ng
maraming kumpanya dulot ng pagkalugi dahil sa lockdown. Ipagpalagay na
ang pamilya mo ang isa sa naapektuhan ng problemang ito at kayo ay
nakakaranas ng economic crisis, paano mo pagdedesisyunan ang pagpili sa
mga produkto o serbisyo. Lagyan ng tsek (/) ang kahon na iyong pinili at
ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat bilang.
1.
I-Phone MyPhone
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. pampublikong paaralan pampribadong paaralan

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. online learning printed modyul

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. sapatos na gawa sa ibang bansa
sapatos na gawa sa Marikina

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. milk tea sago at gulaman

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
B. Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutan kung ikaw ay
pabor o hindi at bigyan ito ng paliwanag bakit ikaw ay pabor o hindi.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

sitwasyon pabor hindi pabor


1.pagkakaroon ng sale
sa mga mall

2.pagkakaroon ng
maraming brand ng
isang produkto
3.pagbili ng mga
imported na produkto
4.pagdami ng tao na
walang trabaho

5.pagdami ng
nagbebenta online
ng mga produkto

PAGLALAHAT

Diyagram
Kumpletuhin ang diyagram sa ibaba. Sagutin ang tanong na “Paano ang
matalinong pagpapasya sa pagtugon sa pagbabago ng mga salik na nakaaapekto sa
demand?” Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Alam ko Nais kong matutuhan Natutuhan ko

PAGPAPAHALAGA
What’s On Your Mind!

Panuto: Paano mo pagpapasyahan ang sitwasyong ito? Isulat ang iyong sagot sa loob
ng status box na iyong facebook na makikita sa ibaba.
Mula sa iyong baon, nai-iipon ka para makabili ng cake para maibigay na
regalo sa kaarawan ng iyong nanay. Subalit bago dumating ang araw ng kaarawan
ng iyong nanay, nagkaroon ka ng proyekto sa isa mong asignatura. Wala kang
pambili ng mga gamit bukod sa pambili mo ng cake. Alin ang bibilhin mo, ang cake
o ang mga gamit para sa proyekto?

Friends Album
What’s on your mind?
friends album

What’s on your mind?


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Sang-ayon o Hindi Sang-ayon

Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang sang-ayon


kung sa palagay mo ay tama ang isinasaad ng pangungusap at hindi sang-ayon
kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Ang pagkakaroon ng sale sa mga mall ay nakakatulong sa mga
mamimili na magkaroon ng mataas na demand sa produkto.
__________2. Maraming salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo ng mga mamimili at
bilang isang matalinong mamimili kailangan maging matalino sa pagtugon sa mga
pagbabagong dulot ng mga salik.
__________3. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at maglaan ng
parehong halaga para sa mga produktong pangangailangan at kagustuhan.
__________4. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na
presyo. Maraming pagpipilian na mga alternatibo o pamalit na produkto sa
pamilihan.
__________5. Ang isang matalinong mamimili ay dapat nagpapadala sa mga
umuusong produkto o serbisyo, dapat isaalang-alang ang pagiging praktikal sa
pagkonsumo ng mga produkto o serbisyo.

SUSI SA PAGWAWASTO

pangalan ng paaralan ang mahalaga kung ano ang iyong natutunan.


pagkonsumo ay
makatutulong upang
maging matatag ang
kalagayan ng presyo sa
pamilihan.
Pagpapahalaga
Ang una kong gagawin hahanap ako ng kaklase na may sobrang gamit para sa
project para kung sakali konti na lang bibilhin ko pero kung talagang kailangan
na bumili uunahin ko ang project dahil dito nakasalalay ang grades ko.
Maraming pa namang puwedeng gawing regalo para sa kaarawan ng nanay ko
SANGGUNIAN
• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman,
Apollo, Lumibao Jr., Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015.
Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

• Balitao, Bernard, Rillo, Julia. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-


unlad Makabayan. Serye. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang


Pilipino. Mandaluyong: SIBS Publishing House.

• Villoria, Evelina, Cruz, Nilda, Rillo, Julia, at Lim, Alice. 2000.


Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications Inc.

• Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson,


Maria Carmelita, at Soriano, Celia. 2017. Kayamanan: Ekonomiks.
Sampaloc Manila: Rex Book Store Inc.
• Cervantes, Meriam at Balitao, Bernard. 2010. Sanayang Aklat sa
Bagong Kurikulum Ekonomiks. Quezon City: St. Jude Thaddeus
Publications.

Ang alam ko po ay hindi na


PAGKILALA ito kasama.

Salamat po!

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMS)
Tagalapat

NAME
Naglapat Ng Video

NAME
Video Editor

NAME
Tagapagsuri Ng Video

NAME
Gurong Tagapag-Ugnay

Gilbert O. Inocencio
NAME
Punong Guro
Rolando Julian
NAME
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like