You are on page 1of 12

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 11: Istraktura ng Pamilihan na may Ganap na


Kompetisyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilou V. Ocuaman
Editor/Tagasuri: Arnaldo A. Santos at Nora Hernandez
Tagaguhit:
Tagasuring Teknikal/Tagalapat: Ernesto D. Tabios
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
9
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 11
Istraktura ng Pamilihan na May Ganap
na Kompetisyon

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul
11 para sa araling Istraktura ng pamilihan na May Ganap na Kompetisyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Modyul 11 para sa


araling Istraktura ng Pamilihan na May Ganap na Kompetisyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Nailalarawan ang pamilihang may ganap na kompetisyon.
2. Naipapaliwanag ang mga katangian ng pamilihang may ganap na
kompetisyon.
3. Nauunawaan ang konsepto ng pamilihang may ganap na kompetisyon.

PAUNANG PAGSUBOK
TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung
hindi.
1. Ang ganap na pamilihan ay kinikilalang bilang modelo o ideal. Sa
ilalim ng ganitong sistema sinumang konsyumer or prodyuser ay
malayang kontrolin ang takbo ng pamilihan sa takdang presyo.
2. Sa ilalim ng ganap na kompetisyon maraming produkto na
magkakatulad o homogenous kung kaya’t ang konsyumer ay
maraming pagpipilian.
3. Ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at
dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat.
4. Ang mga dating negosyante ay walang kakayahang hadlangan
ang pagpasok ng mga bagong negosyante sa industriya.
5. Ang salik ng produksyon ay walang nakukuhang hilaw na
materyales kaya’t hindi makabuo ng mga produkto.

BALIK-ARAL
Panuto: Gamit ang Bubble Diagram ibigay ang iyong konspeto ukol sa
pamilihan.

PAMILIHAN

ARALIN

Pamilihang May Ganap na Kompetisyon


Ito ay istraktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal. Sa ilalim
ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer ang maaaring
makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay nangangahulugang
hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng mag-isa ang presyo.
Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat maraming
nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa pamilihan at sa
panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may kakayahang idikta ang
presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa buong bilang ng maaaring
bumili ng produkto o serbisyo.
Dahil dito, ang lahat ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta
at bumili ng produkto at serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng
pamilihan. Ang sitwasyong ito ay ipinaliliwanag ng konsepto ng price taker na kung
saan ang prodyuser at konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng
presyo sa pamilihan at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics 2 nd
Edition (2009), makikila ang pamilihang may ganap na kompetisyon ayon sa
sumusunod na katangian:

֍ Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser - Dahil sa marami at maliliit


ang konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensiyahan ang
presyo na papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan. Ipagpalagay natin sa
isang palengke maraming nagtitinda (prodyuser) ang handang ipagkaloob ang
kanilang produkto sa murang halaga dahil maraming namimili (konsyumer)
ang nais bumili ngunit kung may mga pagkakataon na mataas ang presyo ng
mga bilihin handa pa rin ang mamimili na ikonsumo ito. Sa madaling salita
walang kakayahan ang konsyumer at prodyuser na kontrolin ang presyo sa
pamilihan.
֍ Magkakatulad ang produkto (Homogenous) – Ito ay nangangahulugang
maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay maraming
pagpipilian. Halimbawa, ang gulay, na galing sa Benguet ay walang pagkakaiba
sa gulay na galing sa Nueva Ecija o ang tela na galling Divisoria ay walang
pinagkaiba sa tela na galling sa Taytay. Sa panahon ngayon mapapansin na
dumarami ang nagtitinda (prodyuser) sa pamamagitan ng online selling dahil sa
marami ang pagkukunan ng mga produkto halos nagkakaparehas o
magkakatulad na ang itinitinda ng karamihan halimbawa si maria at si diego ay
parehas na marunong gumawa ng biko kaya’t parehas silang nagtinda dahil
dito mas na papaigting nito ang kompetisyon sa pamilihan.
֍ Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon – Dahil walang direktang
may kontrol sa mga salik ng produksiyon, maraming mapagkukunan ng mga
sangkap para makabuo ng mga produkto. Bunga nito, maraming produkto ang
nagkakatulad na maaaring ipagbili sa pamilihan. Halimbawa, napakarami at
madaling makabili ng harina sa pamilihan na pangunahing sangkap sa
paggawa ng tinapay kaya naman asahan na maraming panaderia sa pamilihan.
Marami ring manggagawa na may kasanayan sa paggawa ng tinapay kaya
maraming makukuhang panadero. Ibig sabihin, hindi maaaring makontrol ang
suplay at demand ng mga salik ng produksiyon.
֍ Malayang pagpasok at paglabas sa industriya – Ang pamilihan partikular na
ang sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad na
maibahagi. Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay hadlangan
o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan. Ito ay nakatutulong upang paigtingin
ang kompetisyon sa pamilihan na nagdudulot para siguraduhin ng mga
prodyuser na ang kanilang produkto ay may mataas na kalidad at tamang
presyo upang tangkilin ng mga konsyumer. Gaya ngayon sa pandemikong
panahon na dinaranas halos karamihan ay nag isip ng bagong paraan sa
pagnenegosyo na lalong nagpasigla sa ang mga “online shop ” at nadagdagan pa
ito ngayon ng mga konsepto ng “ online palengke at iba pa ” dahil pagpasok ng
bagong prodyuser sa pamilihan tisyon nagiging masigla ang palitan ng kalakal
sa pamilihan.
֍ Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan – Dahil ang sistema ay malaya,
ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo at dami ay
bukas para sa kaalaman ng lahat. Malayang makagagawa at makapagbebenta
ang isang prodyuser sa pamilihan. Gayundin, ang mga konsyumer ay malaya
kung bibili o hindi bibili ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Halimbawa
ayon sa DTI, dahil nauuso ang online selling nagkukulang sa impormasyon ang
mga seller kaya’t ipinatupad nila ang batas na nagsasaad na dapat bawat
produkto ay merong kompeletong impormasyon para sa ikakabuti ng mga
konsyumer at nga pamilihan.

MGA PAGSASANAY
Isip-Connect
PANUTO: Batay sa mga larawan na nasa ibaba mag bigay ng opinion na
maiuugnay sa mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon.

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

2
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT
Ang araling ito ay tinatalakay ang mga katangian ng pamilihang may ganap
na kompetisyon.
Upang mauunawaan kung paano nakakatulong ang pamilihang may ganap
sa kompetisyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser at higit sa lahat kung
paano nito pinasisigla ang ekonomiya ng isang bansa.

Panuto: Punan ang mga tsart batay sa hinihinging impormasyon.

Ganap na kompetisyon Isa – Isahin ang mga


katangian ng ganap na
kompetisyon
Walang sinumang
nagtitinda at mamamili
ang maaring
magkontrol ng presyo
ng kalakal

Ang pinagbibiling
produkto ay walang
pagkakaiba

Madaling pumasok sa
pamilihan ang mga nais
mag negosyo.

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod katananungan.

1. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pamilihang may ganap na


kompetisyon sa kapakinabangan ng mga konsyumer?

2. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pamilihang may ganap na


kompetisyon sa kapakinabangan ng mga prodyuser?

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B isulat sa patlang ang letra ng


tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Ang mga konsyumer at prodyuseray A. Ganap na Kompetisyon
nakakatanggap ng mga impormasyong may
kaugnayan sa mga produkto o mga bagong
polisiyaprodukto o mga bagong polisya na may B. Malayang paggalaw ng
kaugnayan sa pamilihan. sangkap ng produksiyon.
2. Walang sinoman ang kakayanang
kontrolin ang presyon sa pamilihan.
C. Homogenous o
3. Malaya ang sinumang mag negosyo. Magkakatulad na
4. Maraming pagkukunan ng sangkap O produkto.
materyales para sa produksiyon o sa pagbuo ng
produkot.
D. Malayang pagpasok at
5. Maraming produkto ang paglabas sa industriya.
magkakapareho.
6. Malayang kalakalan.
E. Maraming maliit na
7. Ito ay nakatutulong upang paigtingin konsyumer at prodyuser.
ang kompetisyon sa pamilihan na nagdudulot
para siguraduhin ng mga prodyuser na ang
kanilang produkto ay may mataas na kalidad at
F. Malaya ang impormasyon
tamang presyo upang tangkilin ng mga
ukol sa pamilihan
konsyumer.
8. Walang direktang may kontrol sa salik
ng produksyon.
9. Walang kakayahang hadlangan ng
mga dating prodyuser ang mga bagong papasok
sa pamilihan.
10. Ito ang istraktura ng pamilihan na
kinikilala bilang modelo o ideal. SUSI SA PAG
3. Nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng konsyumer at prodyuser.
ng produkto at serbisyong handa at kayang ikonsumo.
sagot sa marami niyang pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan
2. Ito ay nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang
konsyumer
1. Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at
GAMIT ANG BUBBLE DIAGRAM:
I. Balik-Aral:

5. Mali
4. Tama
3. Tama
2. Tama aaral.
1. Mali nakabatay sa sariling opinion ng mag –
TAMA O MALI: Paalala: ang pagsasanay ay
II. Paunang Pagsusulit: III. Pagsasanay:
aaral Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan 5.
opinion ng mag – Maraming maliit na konsyumer at prodyuser. 4.
nakabatay sa sariling Malayang pagpasok at paglabas sa industriya. 3.
pagpapahalaga ay Homogenous o Magkakatulad na produkto. 2.
Paalala: ang Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon. 1.
IV. Pagpapahalaga: Paglalahat. IV.

10. A 9. D 8. B 7. D 6. D 1. F 2. E 3. D 4. B 5. C
V. Panapos Na Pagsusulit

SANGGUNIAN
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward D.J., De Guzman,
Apollo D., Lumibao Jr., Juanito L., Mateo, Alex P., at Modejar, Irene J.
Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral. Department of Education, 2015.
Balitao, Bernard R., Rillo, Julia D. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-unlad, Makabayan
Serye, Quezon City, Vibal Publishing House Inc., 2004
Baluyot, Emily B., Cruz, Jocelyn B., Fronda, Jennifer G., Liquigan, Rosario M.
Basic Economics with Agrarian Reform and Taxation. MUTYA Publishing
House Inc., Malabon, 2010.
McConnell, Campbell R. Economics; Principles, Problems and Politics: International
Edition; The McGraw-Hill Companies Inc., New York, 2005.

You might also like