You are on page 1of 16

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Demand


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aleah S. Siducon
Editor: Nora H. Talag at Arnaldo Santos
Tagasuri: Maricel F. Azcarraga
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javeña
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ed. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan 9
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Konsepto ng Demand
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 1 para


sa araling Konsepto ng Demand!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul 1 para
sa araling Konsepto ng Demand!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang matututunan mo ang sumusunod:
1. Naibigay ang kahulugan ng demand;
2. Naisa-isa ang mga mahalagang konsepto ng demand; at
3. Nailapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Tama o Mali.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at ekis (x) kung ito ay mali.

_______1. Kapag tumaas ang presyo ng produkto, tumataas ang demand para dito.
_______2. Ipinapaliwanag ng batas ng demand na kapag bumaba ang presyo ng
produkto ang demand ay tataas rin.
_______3. Nais ng mga konsyumer ang mataas na presyo ng mga produkto o
serbisyo.
_______4. Ang negatibong ugnayan ng presyo at dami ng produkto o serbisyo
ay nagpapakita ng hindi tuwirang ugnayan ng mga ito.
_____ 5. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang
bilhin ng isang mamimili sa isang takdang panahon, lugar at presyo.

BALIK-ARAL
SEMANTIC WEB
Panuto: Ang mamimili ay may iba’t ibang karapatan na dapat tamasahin sa ating
lipunan. Isulat sa loob ng bilohaba ang walong karapatan na dapat taglayin ng isang
mamimili.

Karapatan
ng mga
mamimili

ARALIN

Panimula
Ang maykroekonomiks (microeconomics) ay sangay ng ekonomiks na
sumusuri sa galaw at pag-uugali ng mga mamimili at bahay kalakal upang
maunawaan ang proseso ng pagbuo ng desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Pinag-aaralan dito ang ginagawang desisyon ng bawat indibidwal at
bahay kalakal sa pamamagitan ng pagsusuri sa pagpiling ginagawa ng bawat tao,
negosyo at industriya. Sa kabuuan, ang maykroekonomiks ay nakapokus sa suplay
at demand at ang pagtatakda ng presyo at dami ng produkto sa pamilihan (Balitao
2015,125).
Sinusuri ang Ekonomiks sa pamamagitan ng pag-aaral ng pag-uugali ng tao
sa loob ng pamilihan. Sino ba ang tinatawag na mamimili? Sila ang bumibili ng tapos
na produkto at gumagawa ng plano hinggil sa dami at uri ng produkto na kanyang
bibilhin (Balitao et al 2012,141). Ang layunin ng mamimili sa pagsasagawa ng plano
ng pagkonsumo ay ang pagbuo at pagsasagawa ng mga desisyon patungkol sa
pagbili ng produkto at pagkonsumo upang matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Ang Konsepto ng Demand


Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at
kayang bilhin ng mamimili sa isang takdang panahon, lugar at presyo (Cervantes et
al 2010, 64). Presyo ang nagiging batayan ng isang mamimili sa pagbili ng isang
produkto. Ito rin ang dahilan ng mamimili sa pagtangkilik ng produkto dahil
mayroon siyang kakayahan na makabili nito. Kapag ang isang tao ay may kakayahan
na bilhin ang isang produkto at serbisyo nagkaroon ito ng demand. Ang kagustuhang
mabili ang produkto pero walang kakayahang bumili nito ay hindi puwedeng tawagin
na nagkaroon ng demand dahil sa bawat kagustuhan ng mamimili na mabili ang
produkto ay dapat may kakayahang siyang mabili ito para matawag na may demand.
Nangangahulugan na may tuwirang impluwensiya sa mga mamimili ang presyo ng
produkto at serbisyo na ipinagbibili sa pamilihan habang ang ibang salik na
maaaring makaapekto sa pagbabago ng demand ay hindi nagbabago o ceteris
paribus.

kagustuhan kakayahan demand

Nagmula ang ceteris paribus sa salitang Latin na nangangahulugang “ang


ibang pang bagay ay hindi nagbabago” (Balitao 2015,125). Sa pag-aaral ng demand,
ipinagpapalagay na ang iba pang salik ay hindi nakakaapekto maliban sa salik na
sinusuri. Halimbawa, maaaring maraming dahilan kung bakit nagbabago ang
demand at presyo ng face mask sa pamilihan tulad ng pangangailangan,
napapanahon o uso at marami pang iba. Upang mapag- aralan itong mabuti,
kailangan munang alisin ang ibang salik na nakakaapekto sa demand ng face mask
sa halip ang presyong salik lamang ang nakakaapekto sa pagbabago ng demand para
sa face mask.

Iskedyul ng Demand

Ang iskedyul ng demand (demand schedule) ay isang talahanayan na


nagpapakita ng dami ng produkto o serbisyo na nais at kayang bilhin ng mga
mamimili sa iba’t ibang alternatibong presyo (Balitao et al 2010, 64). Makikita sa
ibaba ang iskedyul ng demand para sa produktong cookies. Sa presyong ₱5.00 bawat
yunit, ang dami ng demand ay sampu. Kapag bumaba ang presyo sa ₱4.00, tataas
naman ang dami ng demand sa dalawampu. Sa presyong ₱3.00 ang dami ng demand
ay tatlumpu. Samantalang sa presyong ₱2.00 mas malaki ang demand sa daming
apatnapu. Sa pinakamababang presyo na ₱1.00, higit na malaki ang itinaas ng dami
ng demand na umabot sa limampu. Ito ay nangyayari dahil nais ng mamimili na
matamo ang mataas na antas ng kapakinabangan sa isang produkto o serbisyo sa
mababang presyo lamang upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan.

Iskedyul ng demand para sa produktong cookies


(Php 0.00)

Punto Presyo Dami ng Demand


A ₱5.00 10

B ₱4.00 20

C ₱3.00 30

D ₱2.00 40

E ₱1.00 50

Kurba Ng Demand

Ang grapikong paglalarawan ng mga datos sa iskedyul ng demand ay


tinatawag na kurba ng demand. Ang kurba ng demand (demand curve) ay nabubuo
kapag pinagdugtong ang mga punto mula A hanggang E. Mapapansin na ang
pagkilos ng kurba ng demand ay pahilis, pababa at pakanan o downward sloping
kung saan nagpapakita ito ng negatibo o hindi tuwirang ugnayan sa pagitan ng
presyo at dami ng demand. Ito ay nangangahulugan na sa bawat pagbaba ng presyo
ay tumataas ang dami demand samantalang kung tataas ang presyo bumababa
naman ang dami ng demand sa produkto at serbisyo. Ang kurba ng demand ay
nagpapakita ng magkasalungat na kilos ng presyo at dami ng demand na kung saan
sa pagtaas ng presyo bumababa ang demand at kapag bumaba ang presyo tumataas
naman ang demand.
Kurba ng demand para sa produktong cookies
PRESYO

5 A

4 B

3 C

2 D

1 E

0 10 20 30 40 50 DAMI
Batas Ng Demand 0
Isinasaad ng batas ng demand (law of demand) na kapag mababa ang presyo
ng isang produkto o serbisyo, ang dami ng demand ay mataas subalit kapag mataas
ang presyo ng naturang produkto o serbisyo, mababa ang demand nito, kung ang
ibang salik na maaaring makapagpabago sa demand ay hindi nagbabago o ceteris
paribus (Balitao et al 2010, 67). Ipinaliliwanag ng batas ng demand na may
magkasalungat na ugnayan ang presyo ng isang produkto at ang dami ng demand
para dito samakatuwid, mas nanaisin ng mga mamimili na bumili ng maraming
produkto sa mababang presyo. May kasiyahang natatamo ang mamimili kapag
mababa ang presyo dahil nakakabili sila ng maraming produkto samantalang ang
mataas na presyo ay nagpapabawas sa kakayahan ng mga mamimili na makabili ng
maraming produkto. Ito ang ipinaliliwanag ng downward sloping ng kurba ng
demand.
May mga produkto na hindi isinasali sa batas ng demand dahil ito yung mga
produkto na kapag mataas ang presyo ay mas tinatangkilik ng ilang tao. Tinatawag
itong giffen goods na nagpapakita ng kabaligtaran ng batas ng demand. Ilan sa
halimbawa nito ay ang mga gamit na antigo, mga bagay na pambihira at mga bagay
na kinokolekta. Ito yung mga produkto na mas ninanais ng ilang tao kapag
tumataas ang presyo dahil ito ay nagbibigay ng mataas na antas ng kasiyahan at
inaasahang tataas pa ang halaga sa paglipas ng panahon.

PAGSASANAY
I-DEMAND, ITALA AT IKURBA
Ang pandemyang dulot ng COVID 19 ay nagdulot ng lubos na pagbabago sa
pang-araw-araw nating pamumuhay lalo na pagdating sa pagbili ng mga
pangangailangan natin. Ang produktong pandesal ang isa sa naging pangunahing
pagkain ng ilang pamilyang Pinoy sa panahon ng pandemya dahil sa mababang
presyo nito. Nakatala sa demand schedule ang dami ng demand ng mamimili ayon
sa presyo ng pandesal kada piraso. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng demand
schedule, isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Presyo bawat Quantity


piraso Demanded
₱1 50

₱2 40
₱3 30

₱4 20

₱5 10

Ipakita mo naman ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve.


Ipaliwanag ang kurba ng demand gamit ang batas ng demand.

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

KUMPLETUHIN MO!
Panuto: Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod
na pangungusap upang mabuo ang isang talata. Isulat ang mga tamang sagot sa
patlang.
Ang _____________ ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at
kayang bilhin ng mga mamimili. Ang demand ay higit na mauunawaan sa
pamamagitan ng ___________________ na kung saan ito ay isang talaan na
nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo.
Ang _______________ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na
nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago. Sa grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded na
tinatawag na ________________ ay makikita ang takbo ng demand. Ang
___________________ ay nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan
ng presyo at quantity demanded.

PAGPAPAHALAGA

I-React Mo!
Ang pandemyang nangyayari sa ating bansa ay nagdala ng maraming
suliranin sa ating ekonomiya. Nagkaroon ng kakulangan sa trabaho, produkto at
pera na gagamitin ng tao sa pagkonsumo. Isa sa problemang hinaharap ng
maraming tao ngayon ay ang kawalan ng kakayahang bumili ng pangunahing
produkto katulad ng bigas dahil sa kawalan ng pera na gagamitin sa pagbili nito.
Bilang mag-aaral, papaano ka makakatulong sa magulang mo na nakakaranas ng
kawalan ng trabaho at pera para bumili ng mga pangunahing pangangailangan tulad
ng bigas?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

1. Sa batas ng demand, ano ang ipinapahiwatig ng ceteris paribus?


A. Ang ibang salik ay may tuwirang epekto sa presyo.
B. Ang ibang salik maliban sa presyo ay hindi nagbabago.
C. Ang ibang salik ay may di-tuwirang epekto sa presyo.
D. Ang salik at presyo ay nagbabago.

2. Piliin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng demand.


A. Produkto at serbisyo na handa at nais bilhin sa iba’t ibang
presyo.
B. Produkto at serbisyo na nais at handing ipagbili sa iba’t ibang
presyo.
C. Talaan ng produkto at serbisyong bibilhin sa iba’t ibang presyo.
D. Talaan ng produkto at serbisyong ipagbibili sa iba’t ibang presyo.

3. Alin sa sumusunod ang pinakatumpak na paliwanag ng graph sa


ibaba? P

2
1
Dami
0 2 4
A. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand.
B. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand.
C. Madaming mabibili kapag mataas ang presyo.
D. Kauti ang mabibili kapag mababa ang presyo.

4. Bilang isang mamimili, paano ka naaapektuhan ng negatibong


ugnayan ng presyo sa dami ng demand?
A. Kapag mataas ang presyo, mataas ang demand.
B. Kapag mataas ang presyo, mababa ang demand.
C. Kapag mababa ang presyo, mababa ang demand.
D. Kapag mababa ang presyo, walang pagbabago sa demand.

5. Kapag ang kurba ng demand ay gumalaw mula itaas, pababa at


pakanan o downward sloping, ano ang ipinahihiwatig nito?
A. walang ugnayan ang demand sa presyo
B. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

SANGGUNIAN

• Balitao, Bernard, Buising, Martiniano, Garcia, Edward, De Guzman,


Apollo, Lumibao Jr., Juanito, Mateo, Alex, at Modejar, Irene. 2015.
Ekonomiks Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.

• Balitao, Bernard, Rillo, Julia. 2004. Ekonomiks: Pagsulong at Pag-


unlad Makabayan. Serye. Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

• Tullao, Tereso Jr. 2005. Unawain natin ang Ekonomiks sa Diwang


Pilipino. Mandaluyong: SIBS Publishing House.
• Villoria, Evelina, Cruz, Nilda, Rillo, Julia, at Lim, Alice. 2000.
Ekonomiks: Batayang Aklat para sa Ikaapat na Taon. Quezon City: SD
Publications Inc.

• Imperial, Consuelo, Antonio, Eleanor, Dallo, Evangeline, Samson,


Maria Carmelita, at Soriano, Celia. 2017. Kayamanan: Ekonomiks.
Sampaloc Manila: Rex Book Store Inc.

• Cervantes, Meriam at Balitao, Bernard. 2010. Sanayang Aklat sa


Bagong Kurikulum Ekonomiks. Quezon City: St. Jude Thaddeus
Publications.

Ang alam ko po ay hindi na


PAGKILALA ito kasama.

Salamat po!

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMS)
Tagalapat

NAME
Naglapat Ng Video

NAME
Video Editor

NAME
Tagapagsuri Ng Video

NAME
Gurong Tagapag-Ugnay

Gilbert O. Inocencio
NAME
Punong Guro
Rolando Julian
NAME
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like