You are on page 1of 5

8

Edukasyon sa Pagpapakatao
Gawaing Pampagkatuto

Ikatlong Markahan – MELC 7

Pagsunod at Paggalang sa Mga


Magulang, Nakatatanda at may
Awtoridad

REGION VI – WESTERN VISAYAS


Gawaing Pampagkatuto

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________ Grado at Seksiyon:_________


Petsa: ______________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA


PAGPAPAKATAO 8
Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at may
Awtoridad

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang


nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal,sa malalim na pananagutan at
sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin ,bantayan at paunlarin ang mga
pagpapahalaga ng kabataan (EsP8PBIIId-10.3)

II. Panimula (Susing Konsepto)

Ang pagsunod at paggalang sa mga magulang ay isang napakahalagang


birtud na kailangang isabuhay ng mga anak. Bilang isang anak kailangan mong
maunawaan at pahalagahan ang papel na ginagampanan ng iyong mga magulang
para hubugin ang iyong mga magandang ugali at pagpapahalaga upang maging
ganap ang iyong pagkatao.
Isang magandang bahagi ng kultura at ito’y ipinagmamalaki nating mga
Pilipino ay ang pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda. Ayon
sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for Human Service Providers ni
Sling,2004, hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang
dulot ng mayamang karanasan sa buhay.
May mga taong pinili ang Diyos upang pagkalooban ng tungkulin at
pagkatiwalaan ng kanyang awtoridad (Ayon kay Wolf,n.d. ).Ang kanilang taglay na
karunungan at kakayahan ay may malaking maitutulong upang magampanan ang
tungkuling ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit ng layunin at pagtugon sa kabutihang
panlahat.
Ang birtud na ito ay mapagtitibay sa pamamagitan ng pagpapakita mo ng
pagmamahal,pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos. Sa
kasaluluyang panahon, isang napakalaking hamon sa mga kabataan ang paggalang
at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad sa pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan kung saan nakakaranas ang karamihan ng matinding
stress bunga ng Covid-19 Pandemic. Maraming nakalulungkot na pangyayaring
nararanasan ng mga kabataan. Sila’y napahamak dahilan sa kawalan ng
kakayahang sumunod, gumalang at may kakulangan na rin sa pagpapahalaga nito.
Iba’t ibang suliranin ang maaring malunasan at higit sa lahat uunlad ang iyong
pagkatao kung nauunawaan at maisasabuhay ang birtud ng pagsunod at paggalang.
III. Mga Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Modyul para sa Mag-aaral, pahina 142-143

Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen S.


Lagarde, Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at Rheamay T.
Paras

MELC p. 107

IV. Mga Pagsasanay

Pagsasanay 1

Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at pagkatapos sagutin


ang mga katanungan
.

Sitwasyon A

Si Peter at Marvin ay matalik na magkaibigan at parehong nasa ika-walong


baitang sa junior high school. Pareho silang mahilig sa computer ngunit
naglalaro lamang sila tuwing Sabado. Isang araw ,niyaya ni Marvin si Peter
na lumiban sa klase para maglaro ng computer games ngunit hindi siya
pumayag .Ayaw niyang magalit ang kanyang ama at sumama ang loob ng
kanyang sakiting ina pag malaman na may ginawa itong hindi tama.

Sitwasyon B

Parehong nurse sa abroad ang mga magulang ni Kisha. Iniwan siya sa pag
aaruga ng kanyang lolo at lola kaya kapag siya’y ma problema ang unang
makakaalam at hinihingan nito ng payo ay ang matanda bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng kanyang mayamang karanasan sa buhay . Alam niya
na dahil sa katandaan ng kanyang lola ay maramdamin na rin ito kung kaya’t
maingat siya sa mga salitang binibitiwan kaya mahal na mahal siya ng
kanyang lola .

Sitwasyon C

Gustong-gusto ni Jorge na mag drive ng motorsiklo sa pagpasok sa


paaralan ngunit ayaw ng kanyang ama na isang pulis dahil siya ay 14 na
taong gulang pa lang . Ipinaliwanag ng kanyang ama na ipinagbabawal ng
batas l sa isang tulad niya ang magdala ng motorsiklo o anumang sasakyan.
Pinapangako siya ng kanyang ama na huwag gumamit ng motorsiklo
hanggang hindi siya sumapit sa tamang edad at magkaroon ng lisensiya.
Nangako naman si Jorge dahil alam nito na kapag hindi niya susundin ang
kanyang tatay ay nangangahulugan iyon ng kawalan ng respeto sa ama at
paglabag sa batas na ipinapatupad nito

Mga Tanong

1. Tama ba ang ginawa ni Peter na hindi pagsama sa kanyang


kaibigan? Bakit?
2. Anong magandang bahagi ng kulturang Pilipino ang ipinakita ni
Kisha?
Bakit kailangan niyang igalang ang kanyang lola?
3. Dapat bang tularan ng mga kabataang tulad mo ang mga ugali na
ipinakita nina Peter ,Kisha at Jorge ? anu –ano ang mga ugaling i

Pagsasanay 2

Suriin ang sitwasyon at sagutin ang mga tanong.

Si Adonis ay 14 na taong gulang at nag- iisang anak nina Mang Fred at Aling
Nena. Pagsapit ng gabi ay hindi na siya pinapayagang lumabas ng bahay dahil
siya ay menor de edad kaya palagi itong pinaalalahanan ng kanyang mga
magulang .Parehong panggabi ang trabaho ng kanyang mga magulang at ang
tanging kasama ni Adonis sa bahay ay ang kanyang Lola na palagi rin siyang
pinaalalahanan sa kahalagahan ng pagiging masunuring anak at apo. Isang gabi
habang nagpapahinga na ang kanyang lola ay palihim itong umalis papunta sa mga
barkada at nagkayayaan pa itong uminom ng alak. Nahuli sila ng mga pulis na lasing
kaya ipinatawag ang kani-kanilang mga magulang upang paalalahanan ang mga ito
ng kanilang mga responsibilidad at mabigyan ng tamang aksiyon ang mga
ginawang hindi tama ng kanilang anak.

Mga Batayang Tanong:

1. Naging masunurin bang anak si Adonis? Bakit?

__________________________________________________________________

2. Naipakita ba ni Adonis ang kanyang pagsunod at paggalang sa mga magulang,


nakatatanda at may awtoridad? Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Bakit kailangan ng isang tao na magkaroon ng birtud ng paggalang at pagsunod


sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
_________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano ang mangyayari sa ating lipunan kung magkaroon ang lahat ng tao ng
birtud ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Batayan sa pagbibigay ng iskor sa pagsasanay 2 ( Rubrik )

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


ng Pag-unlad
15 10 5

Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang salita Walang


ang mga salitang ginamit na hindi kaugnayan sa
ginamit sa angkop sa paksa ang mga
ginawang paksa paksa salitang ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ang nang mabisa ang
paksa paksa paksa

V. Repleksiyon

Bilang isang kabataan , inaasahan ka na maging mabuting halimbawa sa


iyong kapuwa . Kailangan mong isabuhay ang pagiging magalang at
masunurin sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa
pagmamahal ,pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos.

Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa kahalagahan ng


paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Oo, sagot ng mga mag-aaral


Pagsunod at paggalang sa nakatatanda,
pagmamahal at malalim na pananagutan Sagot ng mga mag-aaral
Pagsunod at paggalang, pagmamahal

You might also like