You are on page 1of 14

8 Page | 1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4
 Pagsunod at Paggalang Taos-
pusong Gawin
 Pagsunod at Paggalang,
Palaganapin Natin
Alamin Natin

Sa mga naunang modyul 5 at modyul 6, nakilala natin ang mga Page | 2


pamamaraan ng pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
mga itinalagang may awtoridad sa lipunan. Nakilala din natin ang mga
bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad. At nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa
hindi paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Ngayon atin
alamin ang dahilan kung bakit natin ginagawa ang paggalang, anong
bumabalot na pag-unawa kung bakit kinakailangan nating gawin ang
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.

Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga


magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim
na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad nahubugin, bantayan
at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan. (EsP8PBIIId-10.3)
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa
mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa
kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito. (EsP8PBIIId-10.4)

Aralin 1 Pagsunod at Paggalang Taos-pusong Gawin

Aralin Natin

Ang mga Pilipino ay nagpapahalaga sa paggalang. Tinuturo ito ng ating


mga magulang sa murang edad pa lamang sa loob ng ating pamamahay. Ang
paggalang ay patuloy yumayabong habang tayo ay tumatanda. Itinuturo ang
mga katagang po at opo kapag ang kausap ay nakatatanda at ginagabayan
ng mga magulang na masanay ang mga bata sa magalang na pananalita pa
lamang. Itinuturing na kawalan ng paggalang at kabastusan sa kulturang
Pilipino ang pakikipag-usap na hindi gumagamit ng mga nabanggit na
kataga at panghalip.
Sa kilos makikita ang paggalang tulad ng pagmamano, pag-aangat o
pag-alis ng sombrero kasabay ng payukod nang marahan ng mga
kalalakihan bilang tanda ng paggalang sa kababaihan o sa nakatatanda.
Pagkatok sa pinto at pagsasabi ng “tao po” kung pupunta sa ibang
Page | 3
bahay, pagbati ng magandang araw, pag-alis ng sapatos o sapin sa paa
kapag papasok sa ibang bahay. Kapag nasa paaralan, itinuturo ang anyo ng
paggalang sa mga panuntunan at patakaran ng paaralan. Halimbawa ang
pagbibigay-galang sa watawat at Pambansang awit.
Ang paggalang ay isang mahalagang pundasyon nang maayos na
ugnayan sa loob man o labas ng pamilya. Pananagutan ng bawat magulang
bilang tagapaghubog ng mabuting asal sa kanilang mga anak.

Si Confucius, Pilosopong Intsik ay lumikha ng balangkas ukol sa


limang ugnayan na susi sa pagkakaroon ng maayos at matiwasay na
lipunan. Ang pag-iral ng paggalang sa ugnayan sa pagitan ng:

1. Pinuno sa pinamumunuan
2. Ama sa anak o Ina sa anak
3. Asawang lalaki sa asawang babae
4. Nakatatandang kapatid sa nakababatang kapatid
5. Kaibigan sa kaibigan.

Ang ugnayan ay mahalaga na salik, ang pagsunod at paggalang sa mga


itinalagang awtoridad, likas man o itinalaga ng lipunan. Sinabi ni Confucius,
kung matututuhan ng anak na gumalang sa magulang, saan man siya
pumunta, sa paaralan, simbahan, pamahalaan at sa lipunan, dadalhin niya
sa kaniyang pagkatao ang natutuhang paggalang.

Mataas na antas ng paggalang ng isang tao kung ginagawa niya ito


bunsod ng pagmamahal at pagiging makatarungan.

Ang paggalang ng mga anak sa magulang ay nararapat lang bunsod ng


pagmamahal sa magulang bilang mga natural na itinalagang awtoridad ng
Diyos, na siyang (magulang) mag-aaruga, magmamahal at huhubog sa
kaniyang pagiging mabuting tao.

Ang paggalang sa matatanda ay dapat gawin dahil sa kanilang edad,


kundi sa kanilang pagmamahal at sa mga naiambag nila sa lipunan noong
kanilang kabataan. Ang kanilang hindi matatawarang kaalaman,
karunungan at karanasan sa buhay ay nararapat pakinggan at pahalagahan.
Ang paggalang sa awtoridad ay gawin natin sa pagbibigay katarungan
sa kanila. Sila ay nagpapatupad ng batas para sa kaayusan at para sa
kabutihang panlahat, marapat na sumunod at magbigay respeto sa kanila.

Gawain 1 Page | 4
Gawain: Karapatdapat
Panuto: Punan ng pagpapaliwanag ang bawat kahon sa mga katapat na
larawan ng mga tao na dapat nating bigyan ng paggalang.

Ang mga ay nararapat bigyan ng paggalang dahil…

Pamantayan sa Pagmamarka
5 puntos sa malinaw at malikhaing pagpapaliwanag 5 puntos sa ideya at nilalaman
10 puntos kabuuan

Gawain 2: Suri-Sitwasyon.
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na sitwasyon. At sagutin ang
mga katanungan.

Sitwasyon 1

Si Joey ay isang magalang at masunuring bata.


Pinalaki siya ng kanyang magulang na may
pagpapahalaga sa paggalang sa kapwa. Kahit saan siya
magpunta hindi niya nakalimutang bumati sa mga
nakasalubong tao, matanda o may awtoridad. Siya ay
palagiang nagmamano sa magulang at nakatatanda.
Minsan umuwi ang kanyang kuya na nurse na isa ring frontliner sa
panahon ng pandemya. Noon palagi niyang niyayak ang kanyang kuya
ngunit ngayon siko-siko na lang ang kanilang batian.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sa paraang siko-siko na lang ang batian sa isa’t isa dahil sa pandemya
nababawasan ba ang paggalang ni Joey sa kanyang kuya?

______________________________________________________________________
Page | 5
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay dapat ba o hindi dapat ang ganitong pagpapakita ng
paggalang? Ipaliwanag ang iyong katuwiran.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Sitwasyon 2
Umabot na ng kalahating milyong Pilipino ang
nahawaan ng Covid 19 sa ngayon ayon sa Kagawaran
ng Kalusugan. Ang mga awtoridad ay nagtatakda ng
alintuntunin na dapat may physical distancing, mag-
suot ng face mask at face shield, at huwag lalabas
ng bahay kung hindi kinakailangan. Si Mario ay
isang Ama, may limang anak pumapasada bilang
tricycle driver. Hindi maiiwasan ni Mario na minsan, wala sa ayos ang
pagsuot ng face mask, may pagkakataon na ginagawang head bond ang face
shield, katwiran niya nakasisilaw at sagabal sa paningin. Palaging paalala ng
gobyerno na ang covid 19 ay maaring makakahawa maging sa pasahero o sa
kanyang pamilya kapag hindi tayo susunod sa alintuntunin upang iwasan
ang virus.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ang pagsunod ba sa alintuntunin ng gobyerno ay isang paggalang sa
mga taong nasa awtoridad? Ipaliwanag kung bakit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Anong mga bunga ang maidudulot kapag sinunod ni Mario ang batas?
Anong mga maaring dahilan ni Mario kapag ginagalang niya ang batas.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong mga maaring dahilan ni Mario kapag ginagalang niya ang batas.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Page | 6
GAWAIN 3. Pagnilayan Natin

Gawain: Ang hinaharap

Panuto: Basahin ang mensahe at gumawa ng isang maikling sanaysay.

“Hindi tayo laging bata. Darating ang panahon tayo naman ang
tatanda, kaya dapat na paggalang ay taos pusong ibigay sa
magulang at nakatatanda upang kapag tayo’y matanda na ay
maramdaman din natin ang naramdaman nila.”

Pamantayan sa Pagmamarka
5 puntos sa malinaw at malikhaing pagsulat 5 puntos sa ideya at nilalaman
10 puntos kabuuan

GAWAIN 4. Suriin Natin

Panuto: Piliin ang tamang sa sagot sa bawat katanungan.

1. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng .


A. Pagbibigay ng halaga sa isang tao.
B. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
C. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
D. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.

2. Tanggap ni Jay na garapal magsalita ang kanyang lolo pero sinusunod


parin niya ang utos nito. Ano-ano ang mga dahilan ni Jay na sundin Page | 7
ang kanyang lolo, MALIBAN sa:
A. Dahil tanggap at mahal niya ang kanyang lolo.
B. Dahil may edad na ang kanyang lolo at ulyanin.
C. Dahil may paggalang si Jay sa mga nakatatanda.
D.Dahil mabuti naman ang inuutos ng kanyang lolo.
3. Sinasabi ni Confucius, ang pinakadakilang Pilosopong Intsik na kung
matututuhan ng anak na gumalang sa magulang, saan man siya
pumunta, sa paaralan, simbahan, pamahalaan at sa lipunan, dadalhin
niya sa kaniyang pagkatao ang natutuhang paggalang. Ano ang
ipinahiwatig ni Confucius?
A. Sa bahay nagsisimula ang paggalang.
B. Saan ka man patungo siguradong gagalangin ka.
C. Ang paggalang ay dapat gawin kahit saan ka magpunta.
D. Kung magalang ka, gagalangin ka rin kahit saan ka magpunta.
4. Ang pagmamano ay likas sa ating mga Pilipino tanda ng ating
paggalang sa mga magulang at nakatatanda. Ngunit ngayon sa
panahon ng pandemya dulot ng Covid19 at sa utos na rin ng IATF ang
pagmamano ay dapat

A. kalimutan
B. ipagpaliban
C. ipagpapatuloy
D.isapuso at ipagmalaki

5. Paano mo mas higit na maipakita ang paggalang sa mga taong may


awtoridad?
A. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
B. Ipaglaban ang inyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa
katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
pagkamali.
D. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat
sundin ay magiging kaaya-kaaya para sa iyo.
Pagsunod at Paggalang, Palaganapin Natin
Aralin 2
Page | 8

Aralin Natin

Tinuturo ng ating mga magulang ang mabuting asal sa murang edad


pa lamang, ito ang pagsunod at paggalang. Makikita sa isang bata kung
mayroong paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad sa
pamamagitan ng kanyang mga salita at kilos.

Ang mga bahagi na angkop na kilos upang maisagawa at palaganapin


ang pagsunod at paggalang sa bawat isa.
1. Maging magandang halimbawa o ehemplo sa iba.

May kasabihan tayo, ang ginagawa ng


matatanda ay laging tama sa mga mata ng
bata. Bilang mga magulang dapat tayo ay
maging isang modelo o isang huwaran. At sa
mga kabataan dapat din natin tularan ang ating
mga magulang na maging magalang at sumunod sa nakatatanda at may
awtoridad saan man o anumang oras.
2. Makilahok sa mga gawain na nangangailangan ng kooperasyon at
pagbibigayan.

Isang mahalagang dahilan


ng paggalang ay nakatutulong ito
sa ugnayan sa kapwa at
pagkakaibigan. Kapag may
paggalang, ito ay tumutulay at nagbibigay oportunidad sa mga
kasapi upang tulong-tulong, sama-sama maisakatuparan ang
mithiin para sa kabutihang panlahat.
3. Maglilingkod sa kapwa

Ayon kay W.H. Auden,


“Nandito tayo sa mundo upang tumulong sa kupawa, ngunit ang iba
ay hindi alam nito.” Ang ating buhay sa lupa ay pagbibigay serbisyo
sa iba. Sinasabuhay nito sa paglilingkod sa kupawa na may
malasakit at paggalang sa karapatan ng bawat isa.
4. Makinig
Page | 9
Ang respeto o paggalang ay
nagsisimula sa pakikinig. Kagaya ng
pikikinig sa iyong guro sa oras ng klase.
Makinig sa mga payo ng mga magulang,
nakatatanda, sa mga taong may
awtoridad. Palagiang maging bukas tayo
sa diyalogo at ugnayang na may respeto sa
karapatang pantao.
5. Maging mabait, mapagmalasakit at mapagpasalamat sa kapwa.

Ang malasakit sa kapwa ay isang salik na


nagpapakita ng paggalang. Masarap sa
pakiramdam kapag tayo ay nakakatulong sa
kapwa na may paggalang. At laging
nagpapasalamat sa buhay o sa mga
mahahalagang tao nakapalibot sa atin, maliit o
malaking biyayang man ang natatanggap dapat
itong pasalamatan.

Narito pa ang ilang kilos o gawain na nagpapakita ng paggalang at pagsunod.


Kilos na kayang gawin sa paggalang at pagsunod sa mga magulang.
 Pagiging maalalahanin.
 Pagtupad sa itinakdang oras.
 Paggalang sa kanilang mga kagamitan.
 Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.
 Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon na itinakda ng mga
magulang.

Kilos na kayang maipakita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda.

 Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos


na pakikipag-usap.
 Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa
karunungan dulot ng kanilang karanasan sa buhay.
 Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa.
 Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya.
 Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na
makabubuti sa kanila.

Kilos na magpapakita ang paggalang at pagsunod sa mga taong may


awtoridad. Page | 10
 Magbasa at pag-aralan ang tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga
taong may awtoridad.
 Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay
pamahalaan lalo sa mga frontliners natin sa panahon ng pandemya.
 Maging halimbawa sa kapwa sa pagsunod sa mga batas at
alintuntunin.
 Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na
dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
Ang mga gabay upang maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal. Mga mungkahi ayon kay David Isaacs sa
kanyang aklat Character Building.

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na kumunikasyon, at


pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.
2. Kalilanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad, at
magwasto ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng
patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng
maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.
6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong sa kanilang pangangailangan.
Hangga’t maari makipagtulungan sa mga institusyon maaring
makatulong sa kanila.
7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa
kaniya at ang nararapat ay ang paggalang sa kaniyang dignidad.
8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga
at pagbibitiw ng masakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig
at pag-iwas sa anumang uri ng diskriminasyon.
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa
na may kalakip na pagmamahal at pagpapatawad.

GawAin 1

Gawain 1: Kilos Na
Panuto: Gamit ang talahanayan isulat sa kahon ang mga kilos o gawain na
may patunay na magpapakita ng may paggalang at pagsunod sa mga
magulang, nakatatanda at sa mga taong may awtoridad at magbigay ng
angkop na paliwanag.
Page | 11

TAONG MAY
MAGULANG NAKATATANDA
AWTORIDAD

KILOS KILOS KILOS


Halimbawa:
1. Pagtupad sa 1. 1.
itinakdang oras.
2.
3.
4.
5.

PALIWANAG PALIWANAG PALIWANAG


1. Uuwi ako sa 1. 1.
tamang oras dahil
mahal ko ang aking
magulang at
ginagalang ko sila.
2.
3.
4.
5.

Gawain 2: Pusoan Muna


Panuto: Lagyan ng puso ang kolum na nagpapakita ng dalas ng
pagpapakita mo ng pasasalamat.
Hindi
Palagi Madalas
Sitwasyon kailanman
ipinapakita ipinapakita
ipinapakita
1. Arugain at pagsilbihan ang mga
nakatatanda nang isinasaalang-
alang ang maayos na pakikipag-
usap.
2. Maging halimbawa sa kapwa sa
pagsunod sa mga batas at
alintuntunin.
3. Pagkilala sa mga hangganan o
limitasyon na itinakda ng mga Page | 12
magulang.
4. Hingin ang payo at pananaw ng
mga nakatatanda bilang
pagkilala sa karunungan dulot
ng kanilang karanasan sa
buhay.
5. Pagiging mapagmalasakit at
mapagmahal sa magulang.
6. Lagi mong ipanalangin ang mga
taong may awtoridad na ikaw
ay pamahalaan lalo sa mga
frontliners natin sa panahon ng
pandemya.
7. Isaalang-alang ang pagiging
bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita
ng angkop na paraan ng
paggalang.
8. Laging isaisip ang kahalagahan
ng tunay na paglilingkod sa
kapwa na may kalakip na
pagmamahal at pagpapatawad.
9. Pagtupad sa itinakdang oras ng
guro sa pagsugot sa modyul.
10. Pagtugon sa pangangailangan
ng kapwa, sa pamamagitan ng
patuloy na pagtulong at
paglilingkod sa kanila.

GAWAIN 3. Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Isulat ang salitang


TAMA sa patlang kung ito ay nagsasaad ng tamang pamamaraan o
kilos at MALI kung nagsasaad ng hindi angkop na pinapakitang
gawain o kilos.

1. Pagtugon sa pangangailan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy


na pagtulong at paglilingkod sa kanila ay isang patunay na
paggalang.
Page | 13
_ 2. Huwag makinig sa babala ng gobyerno tungkol sa Covid 19.
3. Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay nagpapahiwatig ng
paggalang.
4. Maipakita mo ang paggalang at pagsunod kung walang halaga sa
iyo ang magulang, nakatatanda at may awtoridad.
___ 5. Ang paggalang ay umaani ng parehong paggalang.
__ 6. Isa kang magalang kapag tumutupad ka sa itinakdang oras na
binibigay ng iyong mga magulang.
7. Ang pagkilala sa umiiral na batas ay ang paggalang sa may
awtoridad.
____ 8. Magalang ka, kapag binabalewala mo ang damdamin ng kapwa.
9. Naipakikita mo na magalang ka kung walang pag-iingat sa bagay
na iyong ginamit at hiniram.
10. Maging halimbawa sa iba at ipagyayabang ang sarili upang
galangin ka ng iba.
Gawain 4: Dugtong-Kamalayan

Panuto: Punan ng salita o sanaysay ang bawat patlang.


Isulat ito sa iyong journal.

Mahalagang igalang ko ang aking magulang sapagkat


. Maipakikita ko ang pagtanaw ng utang na loob sa kanila sa
pamamagitan ng

Mahalagang ibigay ko ang kaukulang paggalang sa may awtoridad


sapagkat. Makatutulong ang paggalang ko upang ang kanilang tungkulin
ay. Makatutulong din ito sa pagkakamit ng kaayusan at kapayapaan sa
lipunan sapagkat
REFERENCES
Regina Mignon C.Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola, Marie Aiellen Page | 14
S. Lagarde,Marivic R. Leaño, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong, at
Rheamay
T. Paras. Edukasyon sa Magpapakatao -Ikawalong Baitang Modyul para sa
Mag- aaral . Unang Edisyon. 2013. 5th Floor Mabini Building. Meralco
Avenue, Pasig City.

Danilo M. Aquino Jr, Imelda P. dela Cruz, Mariette R. Timbre, Nenita I. de Vega.
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8. Ikalawang Edisyon. 2018. Vibal
Group, Inc. Aranete Ave.,cor. Ma. Clara Street, Talayan, Quezon City.

Hanguang Elektroniko

https://www.aconsciousrethink.com/8558/respecting-others/
https://www.lifehack.org/articles/communication/21-ways-you-can-earn-the-
respect-others.html
https://www.bastiansolutions.com/blog/5-easy-ways-to-show-people-respect-
and-gratitude/
https://www.booktopia.com.au/character-building-david-
isaacs/book/9781851825929.html

END OF MODULE 4

You might also like