You are on page 1of 2

Pangalan________________________________ Guro sa ESP __________________________________

Baitang at Seksiyon________________________ Petsa ng Pagpasa______________________________

PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG,


NAKATATANDA, AT MAY AWTORIDAD

MELCs:
Layunin:
- Nakikilala ang: mga paraan ng pagpapakita ng
A. nasusuri ang bunga ng hindi
paggalang na ginagabayan ng katarungan at
pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
pagmamahal bunga ng hindi pagpapamalas ng
magulang.
pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at
B. nauunawaan ang ilang mga suliranin sa
may awtoridad.
hamon ng pamilya ; at
- Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang
sa magulang, nakatatanda at may awtoridad

PANIMULA:
Sa mga nagdaang modyul, naunawaan mo na napagtitibay sa pamilya ang kakayahang
magmahal sa kapwa. Kung naisasabuhay lamang ang mga mahahalagang kaalamang
ito, isang payapang lipunan sana ang ating ginagalawan. Subalit, bakit nagkakaroon ng
suliranin? Maraming pagkakataon na ang pakikipagkapwa’y nagiging sanhi ng pag-
aaway. Dahil dito, tunay ngang isang malaking hamon para sa kabataang tulad mo ang
pagpapanatili at pagpapatibay ng mga birtud ng paggalang at pagsunod. Bakit
kailangang gumalang? Sino ang igagalang? At paano ito maipapakita?

Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagtitibay sa kahalagahan ng


paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1

Ang Alibughang Anak na hango sa bibliya Lukas 15:11-32. Ito ay isa sa nagpapakita ng paglabag ng isang anak sa
kanyang magulang. Maari ding tunghayan ang kwento sa bibliya o sa youtube upang mas maunawaan ang kwento
gamit ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=XHoA_Zz1jQs

Pagsusuri ng kwento

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kuwento tungkol sa “Alibughang Anak”.
Ibuod ito sa isang papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong sa loob ng kahon.

1. Ano ang napagdesisyunan ng anak na naglayas nang makaranas siya ng hirap?


A. Nagnegosyo C. Bumalik sa ama
B. Nagpakalayo-layo D. Nangutang
2. Ano ang reaksiyon ng ama nang makita ang anak sa mahabang panahon?
A. Nagalit at nadismaya C. Nagulat at inatake
B. Patakbong niyakap at hinalikan ang anak D.Natuwa ngunit muling pinalayas
3. Ano ang naging bunga ng di pagsunod ng anak sa kwento sa kaniyang ama?
A. Sumagana ang kanyang buhay C. Nakakakain ng masasarap na pagkain
B. Nagkaron ng magandang hanapbuhay D. Naghirap at kumain ng pagkain ng baboy

4-5. Ano ang mahalagang mensahe ng kwento? ______________________________

PAHINA 1
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2
Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay na may pamagat na “Hamon sa Pamilya”.
Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala o unti-unting paghina ng nakagisnang gawi o ritwal na
dulot ng:
● Pagkawala ng mahal sa buhay ● Paglipat ng tirahan
● Paghahanap-buhay ng magulang sa malayong lugar. ●Epekto ng teknolohiya at industiyalisasyon
Kung ikaw ay nasanay na sabay-sabay kayong kumain hindi ba’t hahanaphanapin mo iyon ? Kung nasanay
ka sa mapagkalingang pag aalaga ng iyong mga magulang at ikaw ay nakatira ngayon sa inyong kamag-anak na
malayo sa inyong tirahan hindi ba’t nakakalungkot iyon?
Maaaring humina ang ugnayan dahil sa mga pagbabagong nararanasan ng mga kasapi ng pamilya.
Kadalasan ito rin ang nagiging sanhi ng: Di pagkakaunawaan, paghihiwalay at minsan ay humahantong pa sa
pananakit, dahil unti-unti nang nawawala ang paggalang at pagbibigay ng halaga sa pamilya at sa mga kasapi nito.
Nakakalungkot isipin na may mga pamilyang hindi naiingatan ang mga kasapi laban sa karahasan mula sa
mga tao o bagay sa labas at maging sa loob ng pamilya. Kung ang pansariling interes ng mga tao ang patuloy na
mangingibabaw, magdudulot ito ng kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng lipunan na mapangalagaan ang kapayapaan,
disiplina at kapakanan ng mga taong kaniyang nasasakupan, alang alang sa kabutihang panlahat.
Ang sinumang tao na napag kalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng
mga panuntunan. Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng karapatan sa taong may awtoridad
upang mapanatili ang:
• Pagkakaisa, Pagtutulungan , Kapayapaan , Disiplina at Kapakanan ng taong nasasakupan upang makamit
ang kabutihang panlahat.
Sa ganitong pagkakataon, mahalaga ang pagsangguni sa mga taong pinagkakatiwalaan at tunay na nag
mamalasakit na maaaring bahagi rin ng pamilya tulad ng iyong, Nanay/Tatay, mga nakakatandang kapatid,
Tiyuhin/Tiyahin, Lolo o Lola
Maaari ding sumangguni sa mga awtoridad na labas sa pamilya na binigyan ng lipunan ng kapangyarihang
ingatan ang dignidad, ipaglaban ang karapatan, at tugunan ang pangangailangan ng mga taong kanyang
nasasakupan. Ilang halimbawa nito ay ang mga: Guro, mga opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan, puno ng
simbahan at Lider ng kinikilalang pananampalataya.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3. Aking Repleksiyon


Matapos mo mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa kakayahan upang maging ganap
ang pagkakatuto at kabatiran tungkol sa tinalakay na aralin, ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng
buong pagmamalaki;
1. Ang iyong natutuhan mula sa aralin
____________________________________________________________________________
2. Mga impormasyong gusto mong subukan mula sa iyong natutuhan.
_____________________________________________________________________________

GAWAIN SA 1. Epekto ng teknolohiya ay paghina ng ugnayan ng pamilya.


PAGKATUTO BILANG 4.
PAGTATASA SA SARILI
2. Nagdudulot ng hindi pagkakaunawan ang paghina ng ugnayan ng mga
Panuto: Isulat ang salitang miyembro ng pamilya.
TAMA kung ang bawat 3. Nakasanayan na ng pamilyang Pilipino na hindi sabay sabay kumain ng
hapunan.
pahayag ay nagsasaad ng
4. Ang karahasan ay maaaring nagsisimula sa loob ng tahanan.
wastong pangungusap at
5. Dulot ng pagbabago sa kapaligiran ay unti unting pagkawala ng paggalang sa
MALI kung hindi naman.
mga kasapi ng pamilya

References for Learners/Mga Sanggunian 1. TAMA 2. TAMA 3. MALI 4. TAMA 5.TAMA


Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Nasa pagpapasiya ng guro.
(Modyul ng mga Mag-aaral) Pahina 256 – 289 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Nasa pagpapasiya ng guro.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Nasa pagpapasiya ng guro.
PAHINA 2 SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like