You are on page 1of 1

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat: _____________ Iskor: _______________

Paaralan: __________________________ Guro: _____________________ Asignatura: _EsP 8


Manunulat: Joseca A. Bagon Tagasuri: Jhun Ree M. Descartin, MT- I , Ma. Cecilia P. Muyco
Lorelie C. Salinas.___________
Paksa : Ang Paggalang at Pagsunod nang may Pagsangguni; Q3-W5-LAS#1
Layunin : Nakikilala ang bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad; EsP8PBIIIc-10.2
a. Naipamamalas ang paggalang at pagsunod nang may pagsangguni upang
magkaroon ng magandang bunga sa hinaharap.
Sanggunian : Bognot, RM. , Comia R. et.al, 2013,Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa
Mag-aaral, Quezon City,Philippines, Vibal Publishing House,Inc.. p.273-274

NILALAMAN
Ang Paggalang at Pagsunod nang may Pagsangguni

May mga hamon sa pamilya na dulot ng unti-unting pagkawala o paghina ng nakasanayang gawi at
paggalang dahil sa, paglipat ng tahanan o paghahanapbuhay ng magulang sa ibang lugar o maaaring pagkawala
ng mahal sa buhay at epekto ng industriyalisasyon. Maaaring humina ang ugnayan dahil sa mga pagbabagong
nararanasan ng mga kasapi sa pamilya. Kadalasan, ito rin ang nagiging sanhi nang di pagkakaunawaan,
paghihiwalay at minsan ay humahantong sa pananakit, dahil unti-unti nang nawawala ang paggalang at
pagbibigay ng halaga sa pamilya at sa mga kasapi nito.
May mga pagkakataon na tayo bilang tagasunod ay sumusunod sa may awtoridad nang walang pag-
aalinlangan. Subalit ang patuloy na pangingibabaw ng pansariling interes ay magdudulot ng kaguluhan. Ang
tungkulin ng lipunan na mapanatili ang kapayapaan, kapakanan at disiplina ng mga nasasakupan para sa
kabutihang panlahat. Sa tulong ng mga batas na ipinatutupad, maiingatan ang dignidad at maipaglalaban ang
karapatan ng mga tao. Mapagbubuklod din ang tao tungo sa pagkamit ng layuning maging ganap.
Tayong lahat ay napapasailalim sa pinakamataas na awtoridad na dapat nating sundin. Ang sinumang
napagkakalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magpatupad ng panuntunan upang mapanatili ang
kaayusan, pagtutulungan, kapayapaan at kabutihan ng mga taong nasasakupan ay nararapat sundin. Subalit,
sa pagkakataon na may iniutos na maghahatid sa iyo ng kapahamakan, mahalaga ang pagsangguni sa mga
taong pinagkakatiwalaan at tunay na nagmamalasakit tulad ng bahagi ng ating pamilya. Maaari ring sumangguni
sa labas ng pamilya gaya ng ilang opisyal ng ahensiya, guro at lider ng simbahan.

HALIMBAWA
Nautusan ka ng mga mas nakatatanda sa iyo na bumili ng mga ipinagbabawal na gamut. Alam mong ito
ay maaaring makapagbibigay sa iyo ng kapahamakan sa huli. Upang mas masiguro kung tama ang iyong
gagawin, maaari kang magsangguni sa iyong magulang, nakatatandang kapatid o maaaring sa iyong guro.

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon.Tukuyin kung ano ang sanhi ng suliranin at isulat
ang maaaring bunga ng pangyayaring ito sa isyu ng paggalang.

SANHI BUNGA
SITWASYON
(5 puntos) (5 puntos)
Ang mga magulang ni Joy ay
parehong nagtatrabaho sa
Hongkong. Siya ay lumaki ng
hindi nakakapiling at
nararanasan ang kalinga ng
kanyang Ama’t ina. Lumaki
siya sa piling ng kanyang lolo
at lola. Halos sanggol pa
lamang siya ng iwan siya ng
kaniyang mga magulang para
sa kanyang kinabukasan.
Subalit dahil sa kakulangan ng
gabay ng magulang ay naligaw
siya ng landas at natutong
pasukin ang mga bisyo.

You might also like