You are on page 1of 8

Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter First Grade: 8

Title: Pagkilos Tungo sa Pagmamahalan ng Pamilya Week: 1-2

Most Essential Learning Competency:

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng


aral o may positibong impluwensiya sa sarili.

Nasusuri mo ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan at


pananampalataya sa isang pamilyang nakasama,naobserbahan atnapanood.

Paglalahad ng Aralin

Pamilya
-Ito ay binubuo ng ama,ina at mga anak.
-Tinagurian na pinakama,liit na yunit na sangay ng lipunan.
Ayon kay Pierangelo Alejo (2004) ang pamilya ang pangunahing institusyon sa
lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil
sa kanilang walang pag-iimbot ,puro at romantikong pagmamahal kapwa
nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay.

Pamilya Bilang Likas na Institusyon


● Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung
saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa
ugnayan.
● Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habangbuhay.
● Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan ,ito ay
pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin
nitong magbigay-buhay.
● Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.
● Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaalan sa panlipunang
buhay(the first and irreplaceable school of social life)
● May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
● Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbbigay ng edukasyon,paggabay sa
mabuting pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 1


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
Halimbawa:

1.Mga salitang may kinalaman sa pamilya.


2.Katawagan sa mga kasapi ng pamilya.
3.Tungkulin at gawain ng bawat kasapi.
4.Mga damdaming umiiral sa bawat isa.
5.Iba pang pangangailangan ng pamilya.

Optional Activities for Practice

Task Name What to do Where to find it

Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.8


bkg.3 Gawin sa sagutang papel
Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.8
blg3
Gawain sa Pagkatuto SLM p.8
blg.4

Graded Performance Task: (Gawin sa isang buong papel.)


Panuto : Nagbago ba ang iyong pananaw tungkol sa pamilya matapos mabasa ang
mga paliwanag?Lumawak o lumalim ba ang iyong kaalaman tungkol sa
pamilya?Ilarawan mo ngayon ang iyong bago mo mas pinaunlad na kaalaman.

Gamitin ang pagkamalikhain sa paglalarawan sa pamilya.Sumulat ng tula na


tutugma sa sarilng paglalarawan ng iyong pamilya.

Reflection /Journal: Kopyahin at sagutan sa sagutang papel.

Para sa akin ang pamilya ay:


___________________________________________________________.

Nagustuhan ko ang aralin tungkol sa pamilya dahil:


________________________________________________________.

Mga bagay na nais ko pang malaman tungkol s kahalagahan ng pamilya:


___________________________.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 2


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter First Grade: 8

Title: Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Week: 3-4


Pamilya

Most Essential Learning Competency:

Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng


pagbibigay ng edukasyon ,paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya.
Naisasagawa ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-
aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

Paglalahad ng Aralin

ANO NGA BA ANG MISYON?


-Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan . Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin
nang buong husay,na may kasamang kasipagan at pagpapupunyagi.
Ang misyon ng pamilya sy pagbibigay ng edukasyon,paggabay sa mabuting
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya. Iaa ito sa pangunahing dahilan
bakit tinawag na likas na institusyon ang pamilya.

Halimbawa

Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong


paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay.Maaring isipin na simpleng

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya


Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging
matagumpay,masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya
at pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kanyang sarili.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 3


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Paghubog ng Pananampalataya
Sabi ni Stephen Covey sa kanyang aklat na Stevens Habits of Highly Effective
Families,may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa
mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan.

Mga pamamaraan na maaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.

1.Tanggapapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.


2.Ituon ang pansin sa pag-uunawa.
3.Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.
4.Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na
makinig at matuto.
5.Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga
itinuturo tungkol sa pananampalataya .Mabilis makalimot ang tao.
6.Iwasan ang pag-aalok ng suhol.
7.Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.

Optional Activities for Practice


Panuto :Sagutan ang mga gawain sa ibaba sa papel.

Task Name What to do Where to find it

Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.16


blg.2 Gawin sa sagutang papel
Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.19
blg.3
Gawain sa Pagkatuto SLM p.20
blg.5

Graded Quiz
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.Isulat
ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1.Ano- ano ang mga misyon ng pamilya?


a.Ibigay ang materyal na pangangailangan tulad ng bagong damit at bag.
b.Hulugan ng pera ang mga anak sa bangko.
c.Sanayin ang anak na makisama sa mga sosyal na kaibigan.
d.Ibigay ang tamang edukasyon at paggabay s mga pasya.

2.Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI nagpapakita ng pampulitikal na


gampanin ng pamilya?
a.Pagsunod sa mga batas ng pamayanan.
b.Pagsuports sa programa ng pamahalaan.
c.Pakikilahok sa gawaing pangkapaligiran.
d.Pagdiriwang ng kaarawan.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 4


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
3.Ano ang pinakamahalaga at bukod-tanging gampanin ng magulang.
a.Pagbili ng mga gadgets para sa anak.
b.Magbigay ng edukasyon sa anak.
c.Turuan ang mga anak sa mga gawaing bahay.
d.Palakihin ang mga anak.

4.Mahalagang maisagawa ang pagtuturo nang paulit-ulit upang ito ay tumanim


nang malalim sa kanilang:
a.puso at isipan c. moral
b.pagkatao d. pisikal na aspeto

5.Ito ang nagbubunsod upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao:


a.pagtanggap c. pagmamahal
b.katarungan d. pagmamalasakit

6.Ano ang pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging


matagumpay?
a.magtagumpay c. pagmamataas
b.masaya d. pag-iimbot

7.Sino ang maituturing na una at pangunahing guro?


a.magulang c. principal
b.kapatid d. kapitbahay

8.Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng pananampalataya


kung :
a.minsan lang ginagawa
b.mararanasan sa pang araw-araw na buhay
c babaliwalain isabuhay
d.hindi bibigyan pansin sa araw-araw na buhay

9.Ano ang tawag sa aklat ng Muslim?


a,Bibliya c. New Testament
b.Readers Digest d. Ou’ran

10.Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay:


a.pinipilit na isabuhay
b.ginagawa lang para makisabay sa iba
c.buong puso na tinatanggap
d.buong isip at puso na isinasabuhay

11.Ang papel na ginagampanan ng pamilya sa pananampalataya ay nagagampanan


kung ito ay nagpapamalas ng gawaing:
a.makakalikasan c. makasisiya
b.makatao d. maka-Diyos

12.Alin sa mga institusyon ng lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at


pangunahing yunit ng lipunan?
a.paaralan c. pamahalaan
b.pamilya d. baranggay

13.Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng bata?


a.kalusugan c. buhay
b.edukasayon d. pagkain

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 5


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
14.Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaring magbunga ng
mga sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a.pagtanggap c. katarungan
b.pagmamahal d. pagtitimpi

15.Alin aspeto ng pagkatao ang nalilinang ng pananampalataya?


a.moral c. pisikal
b.talino d. ispiritwal

16. Ito ang pamayanan ng mga tao (community of personal) kung saan ang
pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
a.pamahalaan c. lipunan
b.pamilya d. magulang

17.Itinuturing na una at pinakamahalagang yunit ng lipunan.


a.simbahan c. pamilya
b.paaralan d. kapitbahay

18.Ano sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan na ang pamilya ang


orihinal na paaralan ng pagmamahal.
a.unang natututunan ng bata ang kaugalian niya sa kanyang pamilya
b.ang bawat kasapi ng pamilya ay may katumbas na halaga
c.dahil ito ang pinakamahalagang yunit ng lipunan
d.dahil ito ay maituturing na institusyon.

19.Ano ang nagbubuklod sa isang babae at lalaking nagpasiyang magpakasal at


magsama habambuhay?
a.binyag c. kasal
b.family reunion d. kaarawan

20.Ito ang itinuturing na natural na institusyon ng pamahalaan at pagtutulungan.


a.paaralan c. pamilya
b.simbahan d. magulang

21.Sa paanong paraan mo mapapakita ang paggalang at pagmamahal mo sa iyong


magulang?
a.pagsunod sa mga utos ng magulang c. paggawa ng gawaing bahay
b.pag-aaral ng mabuti d. lahat ng nabanggit

22.Bilang mag-aaral ,alin sa mga sumusunod ang matatawag na pamayanan ng


mga tao na ngmamahalan?
a.pamahalaan c. paaralan
b.lipunan d. lahat ng nabanggit

23.Bakit ang pagbibigay ng edukasyon ang pinakamahalagang gampanin ng mga


magulang?
a.Upang maging makatao at mapagmahal sa lipunan.
b.Ang bawat magulang ay dapat handang mag-aruga ng kanilang mga anak.
c. Ang pamilya ang orihinal na paaralan.
d.Ang paaralan ang pinaka-epektibong paraan upang gawing makatao at
mapagmahal ang lipunan.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 6


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
24.Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng angkop na gawaing pagiging
mapanagutang magulang sa kaniyang mga tungkulin?
a.Handang mag-aruga ng kanyang anak na may kapansanan man ito o waka.
b.Pagbibigay ng edukasyon,paggabay sa mabuting pagpapasiya
c.Hindi nilika ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang.
d.Ipagtanggol ang karapatan at tungkulin ng pamilya.

25.Bakit kailangang masanay ang sarili kasama ang pamilya sa pananampalataya?


a.May kakayahan silang harapin ang anomang hamon sa lahat ng pagkakataon.
b.Magkaroon ng sapat na edukasyon sa pananampalataya.
c.Mapaunlad ang estado ng pamilya.
d.Upang magkaroon ng biyaya .

Graded Performance Task: Gawin sa isang buong papel.

Panuto: Pumili ng isang simbolo na katawan sa tungkulin ng pamilya.Iguhit ito at


ibigay ang impormasyon na hinihingi.
1.Katawagan sa simbolo na napili.
2.Ipaliwanag kung bakit ito napili .

ANG NAPILI KONG SIMBOLO

Reflection /Journal: Kopyahin at sagutan sa sagutang papel.

Para sa akin malaki ang gampanin ng aking pamilya sa aking pananampalataya


dahil :
___________________________________________________________.

Nagustuhan ko ang aralin tungkol sa pag-aaral at pananampalataya ng


pagpapaunlad ng pamilya dahil:
___________________________________________________________.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 7


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Table of Specification

KASANAYANG Bilang Bilang Kaala Pang- Aplikas Bilang


PAMPAGKATUTO ng ng man nawa yon ng
(MELC) Araw Aytem (KnoWl (Under (Thinki Kinalal
edge) standi ng) agyan
ng)

1.Natutukoy ang mga


gawain o karanasan sa
sariling pamilya na 4 6 2 1 1 1,2,5,
kapupulutan ng aral o 14
may positibong
impluwensiya.

2.Nasusuri mo ang pag-


iral ng pagmamahalan at
pagtutulungan at
pananampalataya sa 4 6 2 2 2 4,7,13,
isang pamilyang 12,8,1
nakasama at 0
naobsebahan.

3.Nakikilala ang gawi o


karanasan sa sariling
pamilya na nagpapakita 17,18,
ng pagbibigay ng 4 5 4 2 2 19,20,
edukasyon, paggabay sa 21,22,
pagpapasya at paghubog 15,16
ng pananampalataya.

4.Naisasagawa ang mga


angkop na kilos tungo sa
pagpapaunlad ng mga
gawi sa pag-aaral at
pagsasabuhay ng 4 8 3 2 2 5,7,9
pananampalataya sa 23,25
pamilya. 16,24

Kabuuan 16 25 11 7 7 25

Prepared by:

Donna V. Encinas
Guro sa ESP 8

Checked by:
Mercy A. Miranda
ESP - Department Chairman
Noted by:

Roquita S. Suyod
Principal III

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 8

You might also like